Marahas na inalis ni Brianna ang swero na nakakabit sa kanya. Mas malakas na siya nang kaunti ngayon kaysa kahapon dahil nakapagpahinga at nagamot na ito kahit papaano.
Kagabi pa nito iniisip kung ano ang pwede niyang gawin pero wala talaga siyang maisip kung hindi humingi ng awa sa pamilyang Smith. Ano bang magagawa ng isang hamak na anak ng kasambahay na gaya niya? Bukod sa wala naman siyang pera ay nakakulong pa ang sinasabi nilang ina nito. Pero may isang ideya ang pumasok sa isip niya na gawin. At ngayon, ang kailangan niya ay mahanap ang lalaking pwedeng makatulong sa kanya. David. Alam niyang medyo malabo pero posible. Maayos naman ang pinagsamahan nila kahit paano. Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya ang pintuan at walang nakitang kahit na sino sa paligid. Alam niyang hindi siya basta-basta makakalabas ng hospital pero nasisiguro niya rin na nandito lang naman si David sa paligid. At hindi nga siya nagkamali dahil sa may veranda garden ay natanaw niya ang lalaki. May kausap ito sa cellphone kaya hindi agad napansin ang paglapit niya. Tumikhim si Brianna upang matawag ang pansin ni David at naging successful naman iyon nang lumingon ang lalaki. "I'll call you back later," pagpapaalam nito sa kausap bago siya tuluyang hinarap. "What are you doing here? Did the doctor even let you walk around?" May kung anong kirot sa puso niya na may halong kasiyahan nang makakita ng kaunting liwanag at pag-asa. Tila nag-aalala ang lalaki sa paraan ng pagkakasabi nito ng mga salitang iyon. At wala sa sariling napangiti si Brianna na agad ikinakunot ng noo ni David. "What's funny?" inis na sabi ng lalaki. He looked more matured now tha five years ago. Hindi iyon napansin ni Brianna kahapon dahil sa dami ng nangyari pero ngayon na kahit papaano ay nakapagpahinga na siya at dalawa lang silang magkaharap, napansin niya ang ilang mga bagay na nagbago sa lalaki. His clean look doesn't match his fierce facial features. Para bang isa siyang malupit na tayo na napapaligiran ng kakaibang liwanag. Contradicting pero sobrang agaw-pansin. "You got a new tattoo," pabulong na sambit ng dalaga nang matanaw ang maikling tatto sa baba ng tainga ng lalaki. Hindi niya pa gaanong nakikita ay iniwas na agad ni David ang sarili para hindi ito makita ni Brianna. "And you've got a new girl, too," pagpapatuloy nito na may lungkot sa boses. Madilim ang tinging ipinukol ni David kay Brianna. "Bumalik ka na sa kwarto mo. Urgent ang transplant na gagawin kay Fiona kaya hindi ka pwedeng maging sagabal--" "Sagabal," natawa siya ng mapait. Tumingin siya sa mga mata ng lalaki. "David, alam kong galit ka sa akin, pero ikaw lang ang pwede kong mahingan ng tulong. C-can you please let me get out of here? Hindi ako pwedeng mamatay--" "At si Fiona, pwede? Just how selfish can you be, Brianna?" sigaw ng lalaki. Mabuti nalang at nasa open area sila at wala gaanong tao kaya walang makakarinig kahit magsigawan pa sila. Gulat na gulat si David nang unti-unting lumuhod sa harapan niya si Brianna. Sa harap niya ay ang isang kaawa-awang babae na nagmamakaawang iligtas siya. Wala na ang dating Brianna na matapang, malambing, positibo sa lahat ng bagay. "What are you doing?!" Her tears fell on the grass as she looked up to him. "H-hindi ako pwedeng mamatay, David. Alam ko na gusto niyong lahat na si Fiona ang matira, na ako... kahit ano ng mangyari sa akin. I know I am not perfect either, may mga bagay akong nagagawa na nakasakit sa'yo at hindi ko iyon sinasadya--" "Hindi sinasadya? Niloko mo ako! Niloko mo kaming lahat! Pinaniwala mo kami na ikaw ang tunay na Smith!" "David, hindi ko iyon alam!" Humahagulhol na wika ng dalaga, nanatiling nakaluhod. "Alam kong alam mo na iyan. Ako rin naman nagulat, ah? Bakit ba hindi kayo naniniwala?" "Kung iyon hindi mo alam, I'm sure you know about the second time you cheated on me, then. Sa isang sikat na five star hotel... I caught you on a bed with a man..." nagngingitngit na sa galit si David nang maalala ang nakita ng araw na iyon. "Now, tell me, na hindi mo rin iyon sinasadya! Lasing? You fvcking know what you're doing even when you're drunk!" Hindi siya nakapagsalita. Paano niya nga naman ipapaliwanag iyon kung maski siya ay naghahanap ng paliwanag kung bakit nangyari iyon. And no one believes her. No one wants to even listen to her. "I-I'm sorry... alam kong nasaktan kita. I'm sorry, h-hindi ko alam kung paano magpapaliwanag... b-but David, I can't die here. P-please..." Sarkastikong halakhak ang pinakawalan ng lalaki. "Huwag kang mag-alala, matagal mamatay ang mga taong kagaya mo. And death is nothing compared to what you've done to us. Mas gugustuhin ko- namin- na mabuhay ka pa para maghirap ka pa ng matagal kaysa sa panandaliang sakit na pagkamatay." Umiling-iling si Brianna, nanlalabo na ang mga mata sa mga luhang sunod-sunod na kumakawala. "N-no, you don't mean that... b-bawiin mo iyan, David, galit ka lang." "Galit lang? Alam na alam mo talaga kung paano mangmaliit ng tao, ano? I am not going back to you and I will not help you. You know I am not going back with my words." "I'll die h-here..." "Then I guess see you in hell." Napasalampak na lamang siya ng upo. Mukhang kahit anong gawin niya ay wala na siyang magagawa pa para mabago ang isip nito. Sa mata ni David at ng lahat ay isa siyang napakasamang tao. "Then, pwede ba akong magtanong man lang?" Hindi sumagot si David pero sapat na ang pananatili nito sa pwesto at hindi pag-alis para ipagpatuloy ni Brianna ang sinasabi. "Are you really gonna marry her? Talaga bang para lang sa pera ang lahat? Back then... nagkunwari ka lany ba na mahal mo ako dahil kailangan mo ako?" "Yes," he answered as fast as he can. "Oo, Brianna, kung iyan ang gusto mong marinig. Oo, hindi kita minahal, at oo kailangan lang kita noon. I need the power and the money and nothing else. Masyado ka lang tanga para magpauto." "A-anong sabi mo--" "Hindi ka nga pala tanga kasi maski ikaw ay nagloko rin naman. Then I guess we're quits?" He smirked at her. "Bumalik ka na bago ko pa sabihan ang mga Smith na may hindi ka magandang binabalak. That's the last ounce of mercy I can offer to someone I spend a fvcking year with."MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa