"You look really well. Bakit kailangan pang i-postpone ang operation para sa iyo? Sabihin mo sa akin, umaarte ka lang na may sakit para hindi ka matuloy ang operasyon?"
Iyon ang naging bungad Brent pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ni Brianna. Mabuti na lamang at nakaalis na si Paulo bago pa man dumating si Brent, at agad namang naitago ni Brianna ang keypad na phone. "Hindi ako umaarte, Kuya, hindi ko talaga kaya..." "You have to be well, then. Hindi pwedeng hindi matuloy ang operasyon dahil lang sa kaartehan mo." Kinagat ni Brianna ang ibabang labi at hindi na napigilang itanong ang naglalarong bagay sa kanyang isipan. "Bakit kailangang ako ang maging donor ni Fiona? With the money and power, you can easily get a donor for her--" "Ngayon nagrereklamo ka pa? Didn't you just had a deal with us? At ano? Easily get a donor? Sa tingin mo ba laro-laro lang ito? Fiona's life is at stake! Nakasalalay ang buhay ng totoo kong kapatid at tingin mo paglalaruan namin iyon?" Hindi ang buhay ni Fiona, kung hindi ang buhay ni Brianna ang malamang na nais nilang paglaruan. Hindi siya tanga para hindi malaman ang bagay na iyon. They specifically want her so she can give an important piece of her to their precious heiress. "Do you... really want me to die?" nanginginig ang boses na tanong ni Brianna. "Do you really wish for me to suffer to death, Kuya?" Matalim ang titig na pinukol ni Brent sa kanya pero sa pagkakataong iyon ay hindi siya natakot, walang bahid ng ano mang takot o pangamba na baka saktan siya nito... "Hindi pa ba sapat lahat ng kinuha at inagaw mo sa kanya? Hindi ka man lang ba nagi-guilty, ha?" galit na sabi ni Brent. "You stole her life! Tapos ngayon kukwestyunin mo kami gayong kidney lang naman ang kailangan niya sa'yo! After all, hindi naman siya magkakasakit ng ganoon kung hindi mo inagaw ang buhay niya!" A tear fell from her eyes. Hindi na matapos-tapos ang pagluha niya. Hindi rin matapos-tapos ang sakit na nararamdaman niya. Kung pwede lang talagang umalis na lang, kung pwede lang talagang piliin na lang na ibigay ang buhay niya... Kaso may buhay siyang maiiiwan, may munting bata na wala namang kinalaman sa away nila ang posibleng madamay. She needs to live for her son. "Hindi ko naman sinasadya iyon, K-kuya... I really don't know anything--" "Shut up! Sinadya mo man o hindi, kasalanan mo pa rin! Don't give me stupid excuse! Don't go back with your words, alam mo kung ano ang kaya naming gawin. I'm sure you know that really well, after all, you lived as one of us for quite some time, my fake sis!" Iyon at iniwan na siyang mag-isa sa kwarto ni Brent. Nakahinga lang siya nang maayos paglabas nito subalit naninikip pa rin ang dibdib niya. At hindi pa man siya nakakaayos ay may pumasok nang muli. "What do you mean you're not doing the operation anytime soon?" May mas isasakit pa ba ang araw na ito para sa kanya? Isa na namang taong mahalaga sa buhay niya ang muling mananakit ng kanyang damdamin. "David, hindi ko naman ginusto iyon--" "Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talagang gawin! Bakit? Ano ba ang pinagmamalaki mo? Ano ba ang pinaglalaban mo? Fiona's life is important!" "At sa akin ba hindi? David, alam ko na marami akong kasalanan sa'yo at kina Mommy pero hindi lang naman buhay ni Fiona ang pinag-uusapan natin dito..." Hindi na napigilan ni Brianna na hindi sumagot. Bahagyang natigilan naman si David sa emosyonal na pagbitaw ng dalaga ng mga salita. Pero agad ding nakabawi ang lalaki at galit siyang hinarap. "What's important about that pathetic life of yours, anyway? Ano naman ang ipagmamalaki mo? Wala namang kwenta ang buhay mo, Brianna. Nabuhay ka lang dahil sa panloloko. And you don't even regret a bit." "May anak ako, David--" "Oh? At hindi ko ba iyon alam? Kailangan mo bang ipamukha sa akin ang bunga ng panloloko at panlalalaki mo? Do you really have the guts to be this proud, huh?" Naiinis na kinuyom ni Brianna ang kamao. Gusto niya ng sumabog pero pinilit niyang wag nalang sumagot. Kaya naman nang medyo natahimik ang dalaga ay lumapit si David sa kanya at hinawakan ang braso niya. Medyo mahigpit iyon na dahilan para mapaaray siya. "Dare to do anything stupid and I'll make sure you won't see your stupid bastard ever again. Do you get that?" "A-aray, nasasaktan ako, David--" "Do you get that?" pag-uulit nito na may halong diin at galit. "O-oo... n-naiintindihan ko." Marahas siyang binitawan ng lalaki at agad napahawak si Brianna sa braso niya. Halos tumaas ang balahibo niya sa kaba na naramdaman. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kabayolente si David sa kanya. "Siguraduhin mong mapapabilis ang operasyon kung hindi ay alam mo na ang mangyayari," pagbabanta ni David sa kanya. Matalim pa rin ang titig sa kanya ng lalaki samantalang si Brianna ay nakayuko na lamang at lumuluha. Hindi siya makasagot ng pabalang dahil baka magkamali pa siya ng sasabihin at madamay pa ang kanyang anak. Isa pa, hindi niya naman yata kaya na makipagsagutan ng masasakit na salita kay David, ang lalaking katangi-tangi niyang minamahal, sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na dinanas niya. "At huwag mo na ring subukan pang tumakas, you won't be able to, anyway," dagdag pa ni David habang suot ang nakakalokong ngisi sa labi niya, halong sarkasmo, yabang, at kasamaan. "Anong ibig mong sabihin?" "Napagdesisyonan namin na mag-stay ka muna sa private rest house ko. You will be locked in there, after all, hindi ka naman pwedeng mag-stay ng matagal dito. You will stay there for a week or two para magpalakas at pagkatapos ay itutuloy ang operasyon..." "What?" bayolenteng sagot ni Brianna sa gulat. "Ikukulong niyo ako?" "Ano pa bang bago? Sanay ka naman sa kulungan, hindi ba?" His words hurt so much. Tila hinihiwa ang puso niya at bahagyang nanikip ang dibdib. "Ouch," daing niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Don't fake it in front of me. Hindi ako maaawa sa isang katulad mo."MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa