Mag-log inHINDI nagmadali si Celestine sa kaniyang desisyon. Tatlong araw ang pinalipas niya sa loob ng Alabang mansyon bago siya tuluyang bumaba sa study room ni Arnold para ipaalam ang kaniyang sagot sa sulat ni Thorin.Nang mabalitaan ni Madame Mathilde ang tungkol sa hiling ng kaniyang anak, agad itong tumutol. Ngunit nag-ukol si Celestine ng oras para ipaliwanag na kailangan niya ang sampung minutong iyon, hindi para sa kapatawaran, kundi para sa sarili niyang closure.Ang napiling lugar ay ang Ayala Museum sa Makati, isang neutral, tahimik, at modernong pasilidad. Eksaktong alas-tres ng hapon pinaarkila ni Arnold ang buong exhibition hall ng modern contemporary art para sa seguridad ng kaniyang kapatid.Eksaktong alas-dos kuwarenta'y singko nang dumatag ang dalawang itim na SUV ng Pamilya Meyer sa VIP drop-off zone ng museo.Unang bumaba si Arnold kasama ang kaniyang apat na guwardya, samantalang si Selene naman ang inalalayan si Celestine pababa. Nakasuot si Celestine ng isang eleganteng
MATAPOS ang ginawang pahayag sa broadcast, hindi na nag-aksaya ng panahon ang Pamilya Meyer.Sa loob ng grand study room sa Ayala Alabang, nakatayo si Arnold sa tapat ng malaking desk habang katabi si Madame Mathilde. Nakalapag sa ibabaw ng mesa ang tatlong makakapal na folder na naglalaman ng lahat ng nakalap na impormasyon ng kanilang chief investigator tungkol kay Lucille Chavez.“Kuya,” maingat na tanong ni Selene na pumasok mula sa pinto, kasama si Felicity na nakasuot ng simpleng cream sweater. “Ano’ng nangyayari?”Lumingon si Arnold sa dalawa. Ang kaniyang mukha ay pinalitan ng matinding galit at protektadong aura.“We are filing criminal charges against Lucille Chavez ngayon ding araw,” seryosong pahayag ni Arnold. “Child abuse, kidnapping, fraud, at unlawful detention. Gagawin natin ang lahat para makulong ang babaeng 'yan.”Napatingin si Felicity sa kaniyang kapatid. “K-Kaso...?”Lumapit si Madame Mathilde at hinawakan ang kamay ni Felicity. “Celestine, my child... nalaman n
Mga readers, gusto ko lang sanang humingi ng kaunting suporta para sa bago kong story na Stolen Nights With My Sister’s Husband. 🥹❤️ Ang story na ito ay kasalukuyang kasali sa isang contest ng GoodNovel, at malaking bagay para sa akin ang magiging resulta nito. Kung papalarin at manalo, maaari itong maging daan para maging regular author ako ng GoodNovel. Hindi lang po ito tungkol sa isang contest para sa akin. Malaking opportunity po ito para sa amin ng anak ko at ng partner kong PWD. Ang pagkakataong maging regular author ay makakatulong nang malaki sa aming pamilya at sa mga pang-araw-araw naming pangangailangan. Kaya kung nagustuhan ninyo ang story, sana ay samahan ninyo ako sa journey na ito. ❤️ • Basahin at suportahan ang Stolen Nights With My Sister’s Husband. • Add to library • Magbasa, mag-react at mag-iwan ng comments kung kaya ninyo • At higit sa lahat, malaking tulong na ang simpleng pag-share ninyo ng story. Hindi ko po hinihingi na pilitin ninyong suportahan ak
MALAMIG ang simoy ng hangin sa dalampasigan ng Ayala Alabang nang magsimulang pumasok ang liwanag ng umaga sa malaking balcony ng kwarto ni Felicity. Hindi siya nakatutog nang maayos. Ang buong gabi niya ay napuno ng pait, pagtataka, at hindi matapos-tapos na pag-iisip. Sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mga mata, ang larawan ng lumuhod na si Thorin sa buhanginan ng Zambales at ang umiiyak na mukha ng kaniyang inang si Madame Mathilde ay parang magkasamang sumasayaw sa kaniyang isip. Isang mahinang katok sa p***o ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni-muni. “Ate Celestine?” boses iyon ni Selene mula sa labas. Dahan-dahang lumakad si Felicity at binuksan ang p***o. Sinalubong siya ng kaniyang nakababatang kapatid na nakasuot ng isang simpleng silk robe, may hawak na tray ng warm green tea at ilang baked pastries. “Good morning,” ngumiti nang napakalambing si Selene habang pumasok sa silid. “Mom wanted me to check on you. How did you sleep?” “Medyo hindi po gaanong nakatulog, Miss Sel
GABI na nang pumasok ang convoy ng Pamilya Meyer sa eksklusibong subdibisyon sa Ayala Alabang. Ang dambuhalang wrought-iron gate ng mansyon ay dahan-dahang bumukas habang ang limang itim na SUV ay maingat na binabagtas ang malawak at maliwanag na driveway.Sa loob ng gitnang sasakyan, nakatitig si Felicity o si Celestine sa labas ng bintana. Ang matataas na puno ng palm, ang malawak na damuhan, at ang klasikong arkitektura ng mansyon na napaliligiran ng warm landscape lighting ay nagbigay ng isang pambihirang karangyaan. Malayo ito sa maliit at tahimik na apartment sa Quezon City kung saan siya nagising nitong mga nakaraang buwan, at malayo rin sa lumang bahay ng kaniyang Tita Lucille na puno ng pait.Naramdaman ni Felicity ang marahang paghawak ni Selene sa kaniyang kamay.“We’re home, Celestine,” mahinahong bulong ni Selene sa kaniya. Mayroong kaunting panginginig at malalim na emosyon sa boses ng kaniyang kapatid. “You don’t have to be scared anymore.”Pilit na naglabas ng maliit
NANATILING nakayuko si Thorin sa mga kahoy na patong ng wooden deck. Ang kaniyang dalawang palad ay nakalapat sa buhanginan habang ang kaniyang mga balikat ay bahagyang nanginginig sa patuloy na pag-iyak.Sa kaniyang tapat, nakatitig si Felicity sa silver wedding ring na nakapatong pa rin sa palad ng lalaki.Ang simoy ng hangin mula sa West Philippine Sea ay pinalalipad ang basang buhok ni Felicity, ngunit wala siyang nararamdamang lamig. Ang tanging nararamdaman niya ay ang matinding pait, ang labis na pagod, at ang kawalan ng malinaw na direksyon sa kaniyang sariling buhay.Dahan-dahang idinilat ni Felicity ang kaniyang mga mata at huminga nang malalim. “Tumayo ka diyan, Thorin,” mahinahong utos ni Felicity. Bahagyang nag-angat ng tingin si Thorin. Ang kaniyang namumula at basang mga mata ay puno ng pag-asa nang marinig ang boses ng kaniyang asawa. Dahan-dahan siyang tumayo, pilit na itinutuwid ang kaniyang nanghihinang katawan habang nakatitig pa rin kay Felicity.“Felicity...” pa







