"THORIN, what's wrong with you?" tanong ng kanyang mommy na galit na galit bagaman napaka-elegante pa ring tingnan. "Nangako ka sa'kin na makikipag-blind date ka. But why did the Meyer Family's daughter say you didn't show up?"
Mula sa pagbabasa ng magazine ay nag-angat ng tingin si Thorin sa kanyang mommy. His mom seemed really angry because she called him by his name. "Mom, it's Ms. Meyer's fault because she was ten minutes late. Alam mong ayaw na ayaw ko ng taong walang sense of time," pagdadahilan naman ni Thorin sa kanyang mommy. "Siguro natagalan lang siya sa pag-aayos. Why don't you give him another chance? You two can make a good conversation," pagpupumilit pa ni Amelia sa kanyang anak. "No, I already got a marriage certificate," sagot ni Thorin sa kanyang mommy na ikinatigil nito. "What did you say? Ano'ng certificate na kinuha mo?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Amelia. "With our family's current financial status, we don't have to follow an old-fashioned marriage, mom. Besides, ang Meyer family ang isa sa pinaka-lower class. Kung talagang gusto niyo s'ya ni daddy, ipakasal niyo na lang si Thyon," suhestiyon pa ni Thorin na ang tinutukoy ang ay bunsong kapatid. "You know son, that girl likes you." "But I don't like her, mom," ani Thorin. "Wala na tayo sa old era na kailangan ko kayong sundin kung sino ang babaeng pakakasalan ko." Nakagat naman ni Amelia ang labi dahil sa pangangatwiran ng kanyang anak. "Then at least, sabihin mo mananh sa amin ng daddy mo kung sino ang babaeng pinakasalan mo," saad naman ni Amelia na bahagyang lumambot ang tono ng boses. "I'll just introduce her to you when the time is right." --- Mabilis na nakabalik si Felicity sa bahay ng kanyang tiyahin sakay ng kanyang electric bike. Matapos bumaba sa sinasakyan, hindi mapigilang silipin ni Felicity ang marriage certificate na nasa loob ng kanyang bag. Ang lahat ng nangyari sa kan'ya ng araw na 'yon ay parang isang panaginip. Sa loob ng dalawang oras na umalis siya sa bahay, ay umuwi siyang kasal na sa lalaking hindi niya kilala. Bago umuwi ay bumili si Felicity ng orange na pasalubong sa kanyang pinsan na si Charlotte dahil mahilig ito sa maasim. At dahil luma na ang apartment building kung saan naninirahan ang kanyang tiyuhin kaya naman wala pa itong elevator. Hingal-kabayo si Felicity nang marating ang sixth floor sa pamamagitan ng hagdan. Pagpasok ni Felicity sa pinto, naabutan niyang nagsasampay ng mga nilabhang damit. As usual, tatalakan na naman siya nito dahil sa ginawa niyang pag-alis kanina. "Akala ko kanina noong umalis ka, nagdesisyon ka nang hindi babalik? Aba'y bakit nandito ka pa rin, aber?" anang Tiya Lucille niya na nakataas ang maninipis na kilay. Karaniwan, kapag pinagsasalitaan siya ng kanyang tiyahin ng masasakit na salita ay sumasama ang kanyang loob, pero iba ngayon. Hindi na rin naman siya magtatagal na maninirahan doon kaya naman titiisin na lang niya ang lahat ng maririnig mula sa matabil na bunganga ng kanyang tiyahin. "Tita," bati ni Felicity saka ipinatong sa mesa ang plastic ng orange na binili niya. Inilibot niya ang tingin sa sahig kung saan nagkalat ang mga laruan ng anak ng kanyang pinsan. Yumuko si Felicity upang isa-isang dinampot ang mga iyon. Mabilis ang kilos ng kanyang Tita Lucille habang isinasampay sa balcony ang mga damit. Mabuti na lang at naitabi niya ang kanyang unang at folding bed kanina, kundi hindi ay baka nabasa na iyon. "O bakit? Natatakot ka ba nang malaman mong wala kang mapupuntahan pag umalis ka sa bahay?" puno ng panunuya na turan ng tiyahin niya. Hindi sumagot si Felicity o kaya naman ay nagalit sa kanyang tiyahin dahil sa sinabi nito. Dapat pa nga siyang magpasalamat sapagkat kung hindi dahil sa koneksyon ng kanyang Tita Lucille sa kanilang mga kapit-bahay ay hindi niya makikilala ang lalaking ka-blind date niya kanina. May outstanding look si Mr. Sebastian at mukhang edukado tingnan-ibang-iba sa lahat ng mga naka-blind date na niya. At kahit gaano man kasama ang loob niya sa kanyang tiyahin, ito pa rin ang rason kung bakit nakilala niya ang lalaki. Ilang sandali pa'y lumangitngit ang lumang pinto sa kwarto ng kanyang pinsan, at lumabas doon si Charlotte. Karga-karga nito ang two-years old nitong anak na si Chase, na mahimbing na natutulog sa mga bisig nito. Madaling-araw pa ay iyak na ng iyak si Chase, kaya naman para makatulog siya ay nag-jogging muna siya ng ilang laps nang sa gayon ay mabilis siyang antukin dahil sa pagod. Samantala, alam naman ni Charlotte ang hirap na pinagdaanan ng kanyang pinsan na si Felicity dahil sa pang-aalipusta ng kanyang nanay. Alam niyang nahihirapan si Felicity dahil sa pinagsasabay nito ang pagtatrabaho at gawaing-bahay, pero nagi-guilty siya dahil hindi naman n'ya ito matulungan. Ayaw kasing sumama ng anak niya sa iba at gusto ay lagi lang na nakabuntot sa kan'ya. Nahihirapan din siya kapag sinusumpong at nagwawala si Chase dahil may asthma ito. Kaya naman ang tanging nagagawa lang ni Charlotte para sa pinsang si Felicity ay maki-simpatya. "Ma, 'wag ka namang ganyan magsalita kay Felicity. Nahihirapan din naman si Felicity dahil pinagsasabay niya ang pagtatrabaho saka pag-aasikaso rito sa bahay," pakli ni Charlotte sa kanyang nanay. "Anong ibig mong sabihing pag-aasikaso sa 'tin, bata ka?" naniningkit at nakapamaywang na tanong naman ni Lucille sa anak. "Kung hindi ako pumayag na tumira siya rito, baka nasa bahay-ampunan na siya, o kaya naman ay nasa kalye at palaboy-laboy," dagdag pa ng matandang babae. Inalis ng tiyahin niya ang dala niyang orange sa mesa habang sinasabing, "Hindi mo gusto ang ganito, 'di mo gusto ang ganyan. Masyado kang pihikan kapag may ipinakikilala ako sa'yo. Aba'y kung hindi mo lang nalaman na 'di sumipot ang lalaking ka-blind date mo, hindi ka uuwi." 'Ano? Hindi sumipot?' Nanigas ang likod ni Felicity nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang tiyahin. Tumingin siya rito at at naguguluhang nagtanong. "A-Anong sabi mo, Tita Lucille? Hindi sumipot ang ka-blind date ko?" kinakabahang tanong niya. Nakataas ang kilay na lumingon sa gawi niya ang kanyang Tita Lucille. "Oo. Tumawag siya at sinabing siya makarating dahil busy siya sa trabaho," tugon ng kanyang tiyahin. "Anong busy sa trabaho? Nalaman lang siguro n'ya na hindi ka karapat-dapat na pag-aaksayahan ng oras kaya nag-back out siya. Magkano rin ang kape? Siguro nanghihinayang siyang gumastos para lang sa katulad mo," dagdag pa ni Lucille. Parang machine gun ang bunganga ni Lucille at hindi man lang napansin na natigilan ang kanyang pamangkin na para bang natuklaw ito ng ahas. Pakiramdam ni Felicity ang sumabog ang kanyang ulo sa narinig-hindi dahil sa pang-iinsulto ng kanyang Tita Lucille kundi dahil sa kaalamang hindi sumipot ang lalaking dapat ay kikitain niya. "T-Tita, ano po bang pangalan ng lalaking... ka-blind date ko?" tanong ni Felicity na halos mabingi sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Kumunot ang noo ng matanda na parang nagtataka sa inaasal ng pamangkin. "Aba'y bakit ka ba tanong ng tanong?" inis nitong sagot sa pamangkin sabay irap. "Arjay Lopez. Arjay Lopez ang pangalan niya. Pamangkin siya ng kapitbahay nating si Rosalie." Tila isang bombang sumabog ang pangalan na narinig ni Felicity mula sa kanyang tiyahin. Ang bagay na hawak niya sa kanyang kamay ay nabitiwan niya dahil sa matinding gulat. Ang lalaki na naka-blind date niya kanina, nakipagkwentuhan ng halos isang oras, at pinakasalan niya ay Thorin Sebastian ang pangalan...MATALIM ng tingin ni Thorin kay Thyon, sapat na para magsilbing babala na nagsasabing, “Wag mong pakialaman ang personal kong buhay.”Naglabas lang ng dila si Thyon, pero mabilis din niyang binawi nang mapagtantong tama ang hinala niya. ‘Aba, mukhang may kinalaman nga si sister-in-law dito.’Tinitigan siya ni Thorin na para bang isa lang siyang overpriced na pork belly na hindi sulit bilhin. Alam kasi niyang tambay lang ito sa kumpanya—hawak lang ang posisyon dahil sa apelyido, walang totoong ginagawa, at kumakain ng company resources na parang walang bukas.Kung hindi lang kita kapatid,” malamig na sambit ni Thorin, “hindi ka makakalampas kahit probation period para sa cleaning staff.”Napairap si Thyon. “Kung hindi lang dahil pinilit ako ng mga elders na tanggapin ‘tong posisyon, hindi rin ako papasok. Kahit sabihin pa nilang mag-mop ako sa hallway!”“Kuya, huwag ka namang laging sobrang cold at sarcastic,” dagdag niya, kunwaring maamong aso. “Brothers should be friendly and respect
FELICITY sat quietly on the couch, her fingers absentmindedly tracing the edge of the coffee mug in her hands. Sa kabilang upuan, nakasandal si Shia, nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan siya.“Girl, huwag mo nang masyadong seryosohin ‘yang agreement,” sabi ni Shia, sabay irap na parang hindi siya makapaniwala sa iniisip ng kaibigan. “Papel lang ‘yan. At tsaka, hello? Binilhan ka ng kotse. Ibig sabihin, kahit papaano, may spot ka na sa puso niya.”Napatingin si Felicity, bahagyang kumunot ang noo. “Shia… hindi mo gets. Kanina, pauwi kami para balikan sana ‘yung kotse n'ya, ang bigat ng aura niya. Parang may sama ng loob. Hindi ko kaya tanggapin ‘to na parang wala lang.”Umayos ng upo si Shia, nag-lean forward na parang may sasabihing sekreto. “Pero isipin mo ha—kung hindi kanya type, bakit siya mag-aaksaya ng effort at pera? Lalaki ‘yan, Fel, hindi magbibigay ng ganyang bagay kung wala siyang nararamdaman.”Huminga nang malalim si Felicity, sabay ibinaba ang tasa sa mesa. “Ka
AYAW na niyang palalimin pa ang usapan, kaya tumayo na siya at tinulungan si Shia buhatin ang ilang paper bags. “Para lahat ‘to for delivery upstairs, tama?”Malaki rin ang haul ni Shia sa trip na ‘yon, at halos pito o walong bag ang dala nila.Sabay nilang binuhat ang lahat hanggang elevator, tapos diretso sa office door.Kinuha ni Felicity ang susi at tinulungan si Shia ipasok ang mga gamit.Habang si Felicity ay abala sa pagbubukas ng pinto, agad namang nagtungo si Shia sa water dispenser, kumuha ng malaking baso ng tubig, at uminom ng kalahati sa isang higop.“Buti na lang malapit ka lang,” sabi niya, hingal pa.“Sinabi mo pa,” sagot naman ni Felicity.Nang matapos sa ginagawa, parehong habol-habol ng hininga ang magkaibigan nang maupo sa sofa.Hanggang sa may dinukot si Shia mula sa maliit niyang bag, isang bote ng pabango at iniabot kay Felicity. “O, para sa’yo ‘to. Gamitin mo ‘yan huh? Konting spray lang, dagdag femininity points na.”Aabutin na sana ni Felicity pero umatras si
FELICITY was more than just happy— para siyang nasa alapaap ng mga sandaling iyon.Pagkahiwalay nila ni Thorin, agad niyang binuksan ang music player at nagpatugtog ng upbeat na kanta. In an instant, nagbago ang atmosphere sa loob ng sasakyan—mas magaan, mas lively.Napa-hum pa nga siya kasabay ng rhythm habang bahagyang tumatapik sa manibela. Hindi siya makapaniwala—may sarili na siyang kotse. At hindi lang basta kotse, kundi ang “dream car” niya. Isa sa mga life goals niya ay natupad na.Pero kahit gano’n, ramdam pa rin niyang kanina, may something off sa mood ni Thorin. Hindi naman siya tanga dahil meron siyang matalas na instinct, gaya ng sinasabi nilang “woman’s intuition.”Could it be na… kahit sinabi nitong “regalo” nito ‘yung kotse, deep inside, nag-aalala si Thorin sa presyo?Napabuntong-hininga siya. Hindi nga biro ang halaga ng isang kotse— ilang libo rin ang halaga niyon. Well, super grateful siya kay Thorin, lalo pa't ito pa ang nagprisinta na magbayad ng kotseng iyon par
HANGGANG sa oras na pipirma na siya, hindi pa rin makapaniwala si Felicity sa nangyayari. Sa sobrang ikli ng oras, nakapagdesisyon siyang bumili ng kotse."Ms. Felicity, ang galing mong pumili!" masayang sabi ng dealership manager. "Kahit pre-owned ito, halos kasing ganda pa rin ng bago!"Nang banggitin nito ang salitang pre-owned, lalo pa niya itong binigyang-diin."Classic model ’to na matagal nang patok, at maganda pa rin ang specs. Lahat ng interior upgrades at decoration, kami na ang nag-provide."Alam ni Felicity na jackpot na siya rito. Kung hindi, hindi siya papayag na bilhin ang Beetle na ’to kahit naipit siya sa budget ngayon.Pakiramdam niya, sobrang swerte niya. Parang ang hirap paniwalaan na mangyayari ito sa kanya.Napansin ng manager ang saya sa mukha niya kaya nagdagdag pa ng info."Actually, para sana sa isa naming empleyado ’tong unit. Kung hindi lang ako close kay Mr. Sebastian, hindi ko ito ibebenta kahit kanino.""Thanks," tipid niyang tugon.Nag-angat siya ng tin
NAGULAT si Felicity. "Iuuwi ko? Ngayon?"Para bang napakadali lang para kay Thorin sabihin iyon."Paano mo nagagawang magdesisyon nang ganun kabilis tungkol sa pagbili ng kotse? At saan ka kukuha ng pera?" tanong niya, hindi maitago ang pagkadismaya.Pakiramdam ni Felicity, si Thorin ay parang walang pakialam sa hirap ng buhay—parang basta na lang kumikilos ayon sa gusto niya. Hindi naman biro ang bumili ng kotse; hindi ito laruan.At kung iisipin pa, malamang ay balak nitong gamitin ang limang daang libo na natanggap mula kay Kari. Pero iyon ay hindi lang panggastos sa araw-araw; kasama rin doon ang sweldong na-advance niya, at malaking bahagi noon ang mauubos sa kotse."Mas mabuti pa yata kung i-down payment mo na lang ’yan sa bahay. Ang kotse, bumababa agad ang halaga pag nabili na," madiin niyang sabi."Irrational ka. Hindi puwede," dagdag pa niya, sabay hatak sa braso nito palayo.Ngumiti si Felicity sa dealership manager at ilang ulit na nag-sorry. "Pasensya na po, huwag na lang