Share

KABANATA 40.1

Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Naunang umakyat sa kama si Arkan pagkatapos ay tinawag ako.

"Mama, here!" Ni-tap pa nito ang pwesto sa gilid niya.

Sumusukong bumuntong hininga ako at doon nahiga. Agad ko siyang niyakap at nagtaklob sa kumot. Hindi ko na sinilip o hinintay pa si Aldo na kanina pa may kausap sa cellphone niya.

"Hindi pa po tapos si Daddy?" mahinang tanong ni Arkan.

"Don't wait for him, Baby. Sleep now, it's already late."

Maliit itong tumango ngunit kahit ganoon ay alam kong hihintayin niya pa rin ito kung kaya't hindi rin ako makatulog. Nakapikit lang ako ngunit hindi pa tulog. Dinig ko pa nga ang mga papalapit na yabag ni Aldo.

"Why are you still awake, Buddy?" tanong nito kay Arkan.

"Shh, Daddy. Keep quiet, Mama is asleep," paalala nito.

Hindi ko sigurado kung sumagot ba si Aldo. Ang alam ko lang ay ang paglundo ng kama sa kabilang gilid ni Arkan at ang pagpatong ng matipunong kamay sa braso kong nakayaka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Manilyn Serrano
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status