Share

KABANATA 40.2

"What?"

Kunot ang noo niya. Disoriented pa yata siya at kunwari pang walang alam sa sinasabi ko.

Mabibigat na hininga ang ginawa ko. Sinulyapan ko si Arkan na nakatingin sa akin. Ayaw ko naman na marinig niya kung kaya't agad kong linapitan si Aldo at hinila ito sa siko papalabas ng bahay. Mabuti na lang din at walang ganap ang mga kapitbahay.

"Heto na ang huling araw na makikita mo si Arkan! Hindi ako papayag sa gusto ng Lolo mo. Walang kahit sinong pwedeng maging Nanay sa anak ko kun'di ako lang!" mariing bigkas ko.

Gusto kong magwala at suntukin siya sa galit. Nag-uumapaw ang sama ng loob ko sa ginagawa nila. Para bang laruan lang ang anak ko na basta nila dinedesisyonan kung kanino ibibigay.

Halos mangilid ang mga luha ko sa naisip. Nanginginig ang mga kamay ko at buong katawan sa galit ngunit siya ay tila hindi man lang nabahala sa galit ko.

"What do you want me to do then?" bored pang tanong nito.

Napamaang ako at mas lalo lang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alma Buagas Calunsag
baliw ka rin girl
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status