Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Fifteen

Share

Chapter Fifteen

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-09-06 07:04:44

PILIT niyang tinanggal ang mga kamay ni Cassandra na nakakapit sa kaniyang leeg at pabalibag na itinulak sa kama. Ayaw niyang saktan ang dalaga, ngunit iyon lamang ang paraan upang bumitiw ito at maiwasan ang mapusok nitong mga halik. Namumuo ang pawis sa noo niya. Napailing na lamang siya sa mga ginawa ni Cassandra. Kinumutan niya ito—tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan nito. Agad siyang bumaba ng maid’s quarters at ginising si Manang Gloria. Pupungas-pungas itong binuksan ang pinto.

“Christopher, anong ginagawa mo rito? Gabi na!”

“Pasensya na po, Manang. Tumakas po ang alaga ninyo. Kasama ang mga kaibigan niya, nagpa-party. Kailangan ko po siyang sundan at iuwi sa mansyon.”

“Dios mio! Kamusta na ang alaga ko?”

“Lasing na lasing po siya, Manang. Pwede po bang bihisan ninyo na lang siya? Naghubad po kasi siya sa harapan ko dahil sa kalasingan.”

“Ano!” Masama ang tingin sa kanya ng matanda, tila nagdududa sa ginawa niya sa alaga nito.

“Manang Gloria, huwag po kayong m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Finale

    ISANG house blessing ang idinaos para sa pagbasbas sa bago nilang tahanan kasama ng mga malapit na kaibigan at pamilya. Pagkatapos ng misa, isang masaganang pagkain ang inihanda nina Cassandra at Christopher para sa isang salo-salo. Nilibot ng tingin ni Cassandra ang buong paligid ng bahay. Hindi man ito kasinglaki katulad ng mansyon na kaniyang tinitirhan noon ay lubos pa rin ang kaligayahan ng kaniyang puso. Alam niyang simula sa araw na ito ay isang panibagong kabanata ng buhay ang kaniyang haharapin kasama ang mga mahal niya sa buhay. “Mukhang malalim ang iniisip mo ah,” saad sa kaniya ni Christopher. Isang malawak na ngiti ang kaniyang ibinigay at hinalikan niya ito sa labi. “Masaya lang ako.” “That’s what I want to see, you happy.” Hinapit niya sa beywang si Cassandra at mahigpit na niyakap. ‘I’m too excited to build a new home to this house and a new baby.” Napatawa nang mahina si Cassandra at hinawakan niya ng kaniyang dalawang palad ang mukha ng kabiyak. Idi

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Nine

    RECLUSION PERPETUA, a maximum of forty years of imprisonment. Ito ang hatol kay Hudson Reboblado dahil sa patong-patong na kaso na kaniyang ginawa. Ang iba pa niyang kasamahan na katulad ni Adam, Luke, at ng iba pa na sangkot sa krimen ay pinagaan ang sentensya dahil nagsilbi ang mga ito na testigo sa mga krimen na ginawa ni Hudson. Kahit masakit para kay Cassandra na harapin si Hudson at may takot na nararamdaman, pinili pa rin niya na makausap ito nang personal. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan nang makita niyang lumabas buhat sa selda si Hudson. Nakaposas ang mga kamay nito at nakasuot ng damit na kulay kahel. Napataas ang kilay ni Hudson at napatawa nang mahina nang makita niya si Cassandra. “What the hell are you doing here?” “Gusto lang kitang makausap, Hudson.” Huminga muna siya nang malalim bago ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin. “Matagal na panahon kong itinatanong sa sarili ko kung bakit labis-labis ang galit mo sa akin, sa aking pamilya? May nagawa ba akong mali?”

  • My Bodyguard   Chapter Seventy- Eight

    ISANG bala ng baril ang tumama sa ulo ng kidnapper na may hawak kay Owen mula sa isang sniper ng SWAT team unit. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod na putok ng baril ang namayani sa loob ng silid. Hindi magpapahuli nang buhay ang mga kidnappers dahil bawat balang pinakawalan ng kapulisan ay siya ring ganti ng mga ito. Agad namang nilapitan ng pulis si Owen at mabilis na inalis sa lugar ng barilan. Dali-daling lumapit si Christopher kay Owen; wala na siyang pakialam kung harangin pa siya ng mga pulis, ang mahalaga sa ngayon ay mahawakan niya ang kaniyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan sa noo. “Owen, my son. Are you okay?” Yumakap nang mahigpit si Owen sa kaniya at lalong nag-iyak ito nang makita siya. “Stop crying, you are safe now.” “Where is mommy?” “Soon, baby, we will go home.” Kinarga niya si Owen palabas ng hotel; nagmamadali silang lumabas dahil mas lalong tumitindi ang barilan sa pagitan ng grupo ni Hudson at ng mga pulis. Hindi magpapahuli nang

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Seven

    DERMO HOTEL, Makati City—ito ang lokasyon na sinusundan ni Christopher sa pamamagitan ng tracking device na ikinabit niya sa damit ni Albert. Isa ito sa mga pag-aari ng pamilya ng mga Reboblado at isa sa mga lugar na ginagawang tambayan at aliwan ni Hudson noong mga panahon na kasalukuyan pa siyang malaya, kasama ng mga kaibigang nasa alta sosyedad, at may mga gintong kutsara sa bibig. Pagdating sa lokasyon ay agad na pinasok ng mga NBI ang loob ng hotel. Nagkagulo ang lahat nang pumasok ang kapulisan. Agad nilang tinungo ang CCTV Area at pinatay ang mga monitor ng bawat palapag ng hotel. Pinalabas din ang mga empleyado ng hotel at ang mangilan-ngilan na guest. Maingat ang bawat pagkilos ng mga pulis; hangga't maaari ay ayaw nilang may madamay na mga sibilyan sa operasyon na kanilang gagawin upang iligtas sa kamay ni Hudson at ng mga kidnappers ang anak nina Cassandra at Christopher. Sa labas ng hotel ay nakapaligid ang police mobile at ang NBI. Ang mga sniper ay kanya-kanyang puwes

  • My Bodyguard   Chapter Seventy- Six

    ISANG putok ng baril ang narinig ni Cassandra bago pa tuluyan na naputol ang linya. “Owen!” Halos mabaliw si Cassandra sa kakasigaw, ayaw niyang isipin na kinitil ni Hudson ang buhay ng kaniyang anak. “Chris, ang anak natin. Kailangan kong makita ang anak ko! Kailangan kong makita si Owen, pakiusap.” Niyakap nang mahigpit ni Christopher si Cassandra, tanging ito lamang ang kaniyang maibibigay upang pawiin ang takot at pangamba ni Cassandra. Nangingilid ang kaniyang mga luha at pilit niyang itinatago kay Cassandra ang pagpatak nito. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang usal. “Sir, we traced the location,” sigaw ng isa sa mga pulis na may hawak ng tracking device. Mabilis na lumapit si Albert upang alamin ang lugar kung saan nagtatago si Hudson at ang kasamahan nitong kidnapper. Agad na kumilos ang mga kasamahan niyang kapulisan. Kaniya-kaniyang dala ng mga armas ang bawat isa at agad na sumakay sa mga sasakyan. Lumapit si Christopher kay Albert upang sabihin na gusto niyang s

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Five

    TATLONG araw na ang nakalipas buhat nang makidnap si Owen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung saan dinala ng mga kidnapper si Owen. Ang tanging pag-asa na lamang nila ngayon ay ang muling pagtawag ni Hudson. Bagamat malaki rin ang naitulong ni Adam at Donna upang matukoy ang salarin, kailangan pa rin malaman ng mga kapulisan ang lugar na kinaroroonan ng mga kidnapper.Buong magdamag na nakabantay si Cassandra sa pagtunog ng kaniyang telepono, umaasa na muling tatawag si Hudson sa kaniya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag galing kay Hudson.Pasikat na ang araw, hanggang ngayon ay hindi pa rin dalawin ng antok si Cassandra. Nakamasid lamang siya sa labas ng mansyon at naghihintay ng himala na makita niyang muli ang kanilang anak. Bagamat laging nakaagapay sa kaniya si Chris, hindi niya pa rin maiwasan na mag-alala bilang isang ina. Hindi niya maiwasan na mag-isip ng mga bagay-bagay na maaaring ikapahamak ng kaniyang anak.Humugot siya ng malalim

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status