Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Seventy

Share

Chapter Seventy

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-10-17 07:15:48

PGKARATING ni Christopher sa loob ng condominium ay agad niyang iniabot ang USB kay Albert upang panoorin ang kuhang CCTV footage. Kahit ilang beses niya na itong napanood ay nakatuon pa rin ang kaniyang mga mata rito. Katulad ng ginawa ni Christopher ay paulit-ulit din na pinanood ni Albert ang kuha ng CCTV; may kung ilang beses niya itong pinu-pause upang pagmasdan ang bawat anggulo ng kuha.

He zooms the screen at pinagmasdan ang pigura ng taong dumukot kay Owen. Mahirap kilalanin ang kidnapper dahil naka-costume ito. Ngunit, may isang bagay na napansin si Albert: ang van na naka-park sa tapat ng mansyon. Ito ang nakikitang pag-asa ni Albert upang matukoy kung sino ang dumukot kay Owen.

“I'll bring this copy to the expert, para matukoy kung sino ang kumidnap sa anak mo.”

“Please, do it. Kailangan kong mabawi ang anak namin ni Cassandra.”

Nangunot ang noo ni Albert at napahawak sa kaniyang baba nang muli niyang tiningnan ang kuha ng CCTV.

“It's almost twenty-four hours na n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-Two

    NAPAMAANG si Christopher sa narinig. Kung totoo ang sinasabi ni Cassandra ay hindi siya nagkamali ng hinala na buhay pa rin si Hudson. Pinalabas na lamang na patay ito upang makatakas at ngayon ay ginugulo niya na naman ang buhay ni Cassandra.“Sumilip ka sa labas, may itim na kotse ang nakaparada sa tapat ng mansyon at isang lalaki na nakasuot ng kulay itim na balot sa kaniyang mukha,” pabulong na saad ni Cassandra.Sinunod niya ang sinabi ni Cassandra. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at tumayo sa gilid ng bintana at bahagyang hinawi ang kurtina. Isang lalaki ang nakamasid sa paligid ng mansyon at may suot na itim na tela na nakatakip sa mukha nito. Binunot niya ang baril sa kaniyang likuran at ikinasa ito, kasunod niyon ay ang pag-alerto niya sa mga bodyguards na nakapalibot sa mansyon. Mabilis siyang pinigilan ni Cassandra, hinawakan nito ang kaniyang mga braso at lumuluhang nakikiusap na huwag nang ituloy ang kaniyang balak na pagsugod.“Please, Chris, huwag kang magpadalos-d

  • My Bodyguard   Chapter Seventy-One

    BUMALOT ang takot ni Cassandra nang mabosesan niya ang lalaki sa kabilang linya. Muli niya itong pinakinggan nang muli itong magsalita.“You miss me, Cassandra?”“Hudson?” Mahigpit ang pagkahawak niya sa telepono at halos nanginginig ang kaniyang boses dahil sa takot.“Wala nang iba. Ang lalaking pinakulong mo!” Damang-dama niya ang gigil nito, ang bawat pagbigkas ng mga salitang galing sa kaniyang bibig.Nanginig ang kaniyang buong katawan nang makumpirma na si Hudson ang kaniyang kausap sa kabilang linya. Ang buong akala niya ay nasunog na ang bangkay nito kasama ng iba pang pulis sa ambush. Napasabunot siya sa kaniyang ulo at hilong-talilong na nagpalakad-lakad sa loob ng master's bedroom. Huminga siya nang malalim at pilit na isinantabi ang takot na kaniyang nararamdaman.“Tell me what do you want?” Nagtapang-tapangan siya at ikinubli ang takot sa kaniyang dibdib.Napahalakhak lamang si Hudson at kung nakikita lamang ni Cassandra ang mga ngiti nito na parang nasisiraan na ng bait

  • My Bodyguard   Chapter Seventy

    PGKARATING ni Christopher sa loob ng condominium ay agad niyang iniabot ang USB kay Albert upang panoorin ang kuhang CCTV footage. Kahit ilang beses niya na itong napanood ay nakatuon pa rin ang kaniyang mga mata rito. Katulad ng ginawa ni Christopher ay paulit-ulit din na pinanood ni Albert ang kuha ng CCTV; may kung ilang beses niya itong pinu-pause upang pagmasdan ang bawat anggulo ng kuha. He zooms the screen at pinagmasdan ang pigura ng taong dumukot kay Owen. Mahirap kilalanin ang kidnapper dahil naka-costume ito. Ngunit, may isang bagay na napansin si Albert: ang van na naka-park sa tapat ng mansyon. Ito ang nakikitang pag-asa ni Albert upang matukoy kung sino ang dumukot kay Owen. “I'll bring this copy to the expert, para matukoy kung sino ang kumidnap sa anak mo.” “Please, do it. Kailangan kong mabawi ang anak namin ni Cassandra.” Nangunot ang noo ni Albert at napahawak sa kaniyang baba nang muli niyang tiningnan ang kuha ng CCTV. “It's almost twenty-four hours na n

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Nine

    MAGDAMAG na gising si Cassandra at nakatanaw lamang sa malayo; hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa pagkawala ni Owen. Lumapit na rin ang kaniyang Auntie Lucia sa mga kaibigan nitong may mataas na puwesto sa sangay ng kapulisan. Si Christopher naman ay hindi na lumabas ng kaniyang opisina at paulit-ulit na pinapanood ang footage na nakuha sa CCTV.Tatlong sunod-sunod na katok sa pinto ng master's bedroom ang kaniyang narinig. Nilingon niya lamang ito; wala siyang balak na buksan ang pinto dahil ayaw niyang makipag-usap kahit kanino.Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto ng master's bedroom at iniluwa nito ang kaniyang Auntie Lucia na may dalang isang basong gatas."Cassandra, uminom ka ng gatas para mainitan 'yang sikmura mo. Kanina ka pa hindi kumakain.”Tanging pag-iling lamang ang kaniyang itinugon at napayakap nang mahigpit sa beywang ng kaniyang Auntie Lucia, at doon niya binuhos ang kaniyang mga luha, lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman. Halos dose oras na ang nak

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Eight

    “CASSANDRA, gising!” Inihiga ni Christopher si Cassandra sa mahabang sofa at tinapik-tapik ang mukha nito upang magising. Ngunit tanging pag-ungol lamang ang sagot nito.Lumapit si Carla na may dalang basang towel at ibinigay kay Chris upang ipunas sa mukha ni Cassandra. Tsaka lamang nagkamalay si Cassandra at unti-unting dinilat ang kaniyang mga mata; kumurap-kurap pa siya at nilibot ng tingin ang buong paligid bago bumalik ang kaniyang diwa.Napabalikwas siya ng bangon nang maalala niya si Owen, ang pagtawag nito sa kaniya na para bang umiiyak at nagmamakaawa.“Owen! Where is Owen?”“Cass, please calm down,” saad ni Christopher. Mahinahon ang kaniyang boses, malungkot ang kaniyang mga mata nang humarap siya kay Cassandra.“Owen! Owen!”Patuloy niyang pagsigaw. Lumabas siya at nagtungo sa garden kung saan dinaos ang birthday party ng anak. Sinundan naman siya sa labas ni Chris kasunod si Carla at Trisha.Natigilan siya nang makitang wala nang mga batang nagsasaya at isa-isa nang nili

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Seven

    MAGSISIMULA na ang pagdiriwang. Ang lahat ay nakaayos na, simula sa mga lobo, upuan, mesa, at pagkain para sa kaarawan ni Owen. Isa-isa na ring dumating ang mga bisita, bitbit ang kani-kanilang mga regalo. Inimbitado rin ang mga bata sa buong subdivision upang maging masaya si Owen sa kaniyang kaarawan; gusto niya ng maraming batang nakikita. Dahil likas ang pagiging palakaibigan nito na minana niya kay Cassandra, masaya siyang maraming mga bata sa paligid, bagay na hindi niya nakikita sa Amerika. Nagsimula na ring magtanghal ang mga magician at clown na nakiusap upang payagan silang magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Ang lahat ng mga bata sa party ay tuwang-tuwa sa kanilang mga napapanood na magic, at giliw na giliw din silang panoorin ang mga clown na nagbibigay ngiti at tawa sa mga bata. Kitang-kita sa mga mata ni Owen ang kasiyahan na nadarama, maging ang mga batang bisita ay halos hindi maalis ang tingin sa mga clown. May pagkakataon pa na hinihila ni Owen sina Cassandra at Chr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status