Share

CHAPTER 9—Resentment

“Patawarin mo ako,” humahagulgol kong pakiusap, “at pakinggan. May dahilan ako kung bakit ko nagawa ‘yun sa ‘yo, please kahit na pakinggan mo lang ako,” dugtong ko habang hinahawakan ang ankle niya.

Agad niyang kinuha ang paa niya kaya’t nasubsob ako sa sahig. Malakas ang naging impact noon kaya napahawak ako sa katawan ko habang nakaawang ang bibig.

“I don’t want to hear that again from you. Wala na akong pakialam kung ano pang kasinungalingan ang gusto mong ipaliwanag. Huling-huli ka na, nagsisinungaling ka pa. Kung hinahabol mo ako ngayon dahil mapera ako, pwes, hindi na ako makikipag-balikan sa ‘yo. Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagpadala ng annulment paper natin? Ipinagmalaki mo pa nga sa mensaheng ipinadala mo ‘yung lalaki mo at pera mo. Mayaman na kayang ibigay ang lahat ng gusto mo?” punong-puno ng uyam ang tawa niya. “Kahit tao, Faye, kaya ko nang bilhin ngayon. Ikaw, kaya kitang bilhin.”

“A-Ano?” anong ibig niyang sabihing pinagmalaki ko ‘yung pera at ‘yung si Benjamin?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status