Mag-log inTahimik at maaliwalas ang gabi sa loob ng mansion ng mga Cabrera. Matapos ang masarap na dinner, lumipat silang lahat sa sala kung saan naghahain ng mainit na tsaa at desserts. Nakaupo sina Celestine, Adrian, ang lolo at lola ni Luna, pati sina Aurora, Marcus, Luna, Victor… at si Aiden.Sa unang tingin, parang normal lang ang lahat… tawanan, kwentuhan, at magaan na usapan. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon… may tensyon na unti-unting nabubuo.Habang hawak ni Luna ang tasa ng tsaa, napatingin siya kay Aiden. Tahimik lang ito, parang may iniisip.At doon…may pumasok na ideya sa isip niya.“Aiden,” bigla niyang sabi.Napatingin ang lahat sa kanya.“Hmm?” tugon ni Aiden.Ngumiti si Luna, pero may kakaibang kislap sa mata niya.“Ipakilala mo naman sa amin ang girlfriend mo.”Parang biglang tumigil ang oras.“Girlfriend?!” sabay-sabay na sigaw nina Aurora, Celestine, at maging ang lolo’t lola.“Ubo… ubo!”Nabulunan si Adrian sa iniinom niyang tsaa.“What?!” gulat na gulat niyang sabi.Napati
Pagkauwi nina Luna at Victor sa mansion nina Celestine, agad silang sinalubong ni Aurora na parang may malaking balita.“Ate Luna! Guess what?!” sigaw nito habang tumatakbo papunta sa kanila.Napangiti si Luna kahit pagod. “What is it?”“May dinner tayo bukas sa Cabrera mansion!” excited na sabi ni Aurora.Napatingin si Luna kay Victor.“I know,” sagot niya.“Wait… you already know?” pagtataka ni Aurora.“Yeah, we just came from there.”“WHAT?!” halos tumalon si Aurora. “Hindi niyo ako sinama?!”Napatawa si Victor. “Next time, princess.”“Don’t call me princess!” irap ni Aurora pero napangiti rin.Sa sala, nakaupo sina Celestine at Adrian habang nag-uusap.Pagpasok nina Luna, napatingin sila.“Kamusta ang visit?” tanong ni Celestine.“Okay naman po,” sagot ni Luna.“Masaya sila na makita ako.”Ngumiti si Adrian. “Of course they are.”Napatingin siya kay Victor. “And you?”Ngumiti si Victor. “I survived.”Napatawa si Aurora.Habang nag-uusap sila, pumasok si Aiden mula sa labas. Mukhan
Matapos umalis sa mansion nina Celestine, dumiretso sina Luna at Victor sa isa pang lugar na matagal nang hindi napupuntahan ni Luna… ang mansion ng mga Cabrera.Habang papalapit ang sasakyan sa malaking gate, tahimik si Luna. Nakatingin lang siya sa labas, habang unti-unting bumabalik ang mga alaala.“Hey,” mahina na sabi ni Victor. “You okay?”Tumango si Luna. “Yeah… it’s just been a while.”Huminto ang sasakyan.Pagbukas ng gate, agad bumungad ang pamilyar na tanawin. Ang malawak na garden, ang malaking fountain, at ang mansion na minsan niyang tinawag na tahanan.Huminga siya nang malalim.“Let’s go.”Pagpasok nila sa loob, hindi pa man sila nakakalayo ay may tumakbo agad papunta sa kanila.“Ate Luna!”Napangiti si Luna.“Marcus…”Yumakap agad si Marcus sa kanya.“Ang tagal mo! Miss na miss kita!”Hinaplos ni Luna ang ulo nito.“Napakalaki mo na…”Ngumiti siya habang tinitingnan ito.Dati, maliit pa lang si Marcus ng umalis siya.Ngayon, mas matangkad na, mas matured na ang itsura
Kinaumagahan, mahimbing pa ang tulog ni Luna sa loob ng kwarto niya. Sa wakas… pagkatapos ng ilang taon, ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong katahimikan. Walang mission. Walang kaba. Walang takot.Biglang…KNOCK KNOCK KNOCK!“Lunaaaa!”Napakunot ang noo niya habang bahagyang gumalaw.“KNOCK KNOCK KNOCK!”“Girl! Open the door!”Napabuntong-hininga siya at pilit na bumangon. Medyo sabog ang buhok niya habang naglalakad papunta sa pinto.Pagbukas niya..“HEY GIRL!”Halos mapasigaw si Luna sa lakas ng boses ni Victor.Naka-sunglasses pa ito kahit nasa loob ng bahay, nakaayos na parang may fashion show na pupuntahan.“Ano ba…” inaantok na sabi ni Luna. “Ang aga-aga…”Hinila siya ni Victor pabalik sa loob ng kwarto.“Wake up, sleepy head. We need to go shopping!”“Ha?”“Yes. Shopping. Like normal people.”Napahiga ulit si Luna sa kama.“Inaantok pa ako…”Parang batang nagrereklamo.Napatawa si Victor.“Girl, don’t tell me ngayon ka lang ulit nakatulog ng maayos.”Tahimik si Luna.
Tahimik ang gabi sa rooftop. Tanging hangin lang ang maririnig at ang mahihinang tunog ng lungsod sa ibaba. Magkatabi pa rin sina Luna at Aiden, parehong nakatingin sa malayo pero parehong abala ang isip.Ilang sandali pa ang lumipas bago muling nagsalita si Luna.“So…” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti. “May girlfriend ka na ba?”Napatingin si Aiden sa kanya.Tanong na simple.Pero mabigat.Parang may humawak sa dibdib niya.Alam niya ang totoo.Wala.Simula noon… hanggang ngayon…Isa lang ang laman ng puso niya.Pero hindi niya pwedeng sabihin iyon.Hindi na ngayon.Hindi habang may “fiancé” si Luna.Napabuntong-hininga siya nang mahina bago sumagot.“Meron.”Isang salita.Pero parang bumagsak ang mundo ni Luna.“Ah…”Napangiti siya.Pero hindi umabot sa mata niya.“That’s good.”Tahimik.May kirot sa dibdib niya na pilit niyang tinatago.Hindi niya alam kung bakit.Hindi ba dapat masaya siya?Hindi ba dapat relieved siya?Dahil kung may girlfriend na si Aiden…Mas madali na ang
Kinabukasan matapos ang biglaang pagdating ni Luna, tila nagbago ang buong atmosphere ng bahay nina Celestine. Mas masaya, mas magaan… pero sa ilalim ng saya na iyon, may mga damdaming pilit itinatago.Sa dining table, sabay-sabay silang nag-aalmusal. Si Aurora ay todo ngiti habang nakatitig kay Luna.“Ate Luna, dito ka na ulit titira diba?” excited niyang tanong.Ngumiti si Luna habang umiinom ng juice. “Depende…”“Ano depende?!” reklamo ni Aurora. “Dapat forever ka na dito!”Napatawa si Celestine. “Aurora, hayaan mo muna si Luna. Kakauwi lang niya.”Samantala, si Adrian tahimik lang pero halatang ino-observe si Victor.“So, Victor…” panimula niya. “What do you do?”Napatingin si Victor kay Luna saglit bago sumagot. “Ah… I work in… security.”“Security?” ulit ni Adrian.“Yes, sir. Private sector.”Tumango si Adrian, pero halatang hindi kumbinsido.Si Aiden naman tahimik lang habang kumakain. Paminsan-minsan, napapatingin siya kay Luna… at kay Victor.Hindi niya gusto ang nararamdama







