LOGINMaagang dumating ang mommy at daddy ni Adrian sa bahay nina Celestine. Halata sa mukha nila ang pag-aalala… mula sa mga mata hanggang sa mahigpit na hawak ng mommy ni Adrian sa bag niya. Hindi man nila sabihin, ramdam ni Celestine ang bigat ng kaba nila.Pagbukas pa lang ng pinto, agad na napatigil ang mommy ni Adrian nang makita si Danica na nasa sala, katabi si Luna na naglalaro ng blocks sa sahig. Sandaling tumigas ang mukha nito.“So… she’s here,” malamig na sabi ng mommy ni Adrian, sabay tingin kay Danica mula ulo hanggang paa.Tumayo si Danica at magalang na yumuko ng bahagya. “Good morning po,” mahina ngunit maayos ang tono.Hindi agad sumagot ang mommy ni Adrian. Sa halip, lumingon ito kay Celestine. “Celestine, can we talk?”Tumango si Celestine. “Of course, Mom.”Umupo sila sa dining area. Sumunod ang daddy ni Adrian, tahimik ngunit alerto. Kita sa kanya ang pagod at pag-aalala… lalo na para sa anak niyang matagal na nilang inakalang hindi na babalik.“Kamusta si Adrian?” un
Hindi na talaga nakatiis si Celestine.Araw-araw niyang nakikita si Adrian na nakaupo sa terrace, tahimik, nakatanaw sa malayo na parang may hinahanap na hindi niya maipaliwanag. Minsan hawak nito ang ulo niya, minsan nakapikit lang, minsan napapabuntong-hininga na parang may mabigat sa dibdib. Kahit kasama niya ang mga bata… sina Aiden at Aurora… may kulang pa rin. Ramdam iyon ni Celestine bilang asawa, bilang babaeng pinakamalapit sa puso ni Adrian.At doon niya naintindihan ang isang masakit na katotohanan.Hindi sapat ang pagmamahal niya lang para buuin ang mga alaala ni Adrian.Kailangan niyang harapin ang pinanggagalingan ng sakit nito.Kaya kahit masakit, kahit mahirap, kahit parang sinasaksak ang puso niya sa sariling desisyon… pinatawag niya si Danica at ang anak nitong si Luna.Tahimik ang buong bahay nang dumating ang sasakyan sa driveway.Nakatayo si Celestine sa may pinto, humihinga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Sa loob ng bahay ay naglalaro sina Aiden at Au
Tahimik ang buong bahay nang makauwi sina Celestine at Adrian kasama ang mga bata. Tatlong taon ang lumipas, maraming sugat ang pinagdaanan ng bawat isa, at kahit magkakasama na sila ulit sa iisang bubong, ramdam pa rin ang distansyang hindi basta-basta nawawala.Si Aiden ay agad tumakbo sa sala, masayang ikinukwento ang mga laruan niya, habang si Aurora ay mahigpit na nakakapit sa kamay ni Celestine. Si Adrian naman ay nakatayo lang sa gitna ng sala, paikot-ikot ang tingin, parang bisita sa sarili niyang bahay.“This… this is our house?” maingat na tanong ni Adrian.Tumango si Celestine at pilit ngumiti.“Oo. Dito tayo nakatira dati. Lahat ng memories natin… nandito,” mahinahon niyang sagot.Ngumiti si Adrian nang bahagya pero halata ang pagkalito sa mga mata niya.“I’m sorry, Celestine. I’m really trying. Alam kong dapat may maramdaman ako, pero parang… blank pa rin.”Masakit marinig iyon, pero sanay na si Celestine. Hindi na siya umasa ng biglaan. Ang mahalaga, magkasama na sila ul
Tatlong taon.Tatlong mahabang taon ang lumipas mula nang tuluyang isara ni Margaux ang pinto ng mental hospital sa likod niya. Sa unang hakbang niya palabas, hindi na siya nanginginig. Wala na ang bigat sa dibdib, wala na ang boses sa ulo niya na paulit-ulit siyang sinisisi.Malinaw na ang isip niya ngayon.Hindi na siya galit.Hindi na rin siya puno ng guilt.At higit sa lahat, hindi na siya wasak.She survived.Tahimik siyang naglakad sa kalsada ng maliit na lungsod kung saan niya piniling magsimulang muli. Walang nakakakilala sa kanya rito. Walang Margaux na asawa, walang Margaux na kabit, walang Margaux na baliw sa paningin ng iba.Dito, she was just Margaux. A woman trying to live again.Huminga siya nang malalim. This is freedom, bulong niya sa sarili.Habang naglalakad siya malapit sa isang convenience store, may biglang humarang sa kanya.“Miss… please,” mahinang sabi ng isang babae. “Kahit konting barya lang. Gutom na gutom na po ako.”Napatingin si Margaux.Ang babae ay sob
Maalat ang simoy ng hangin nang dumaong ang bangkang sinasakyan nina Celestine, Aiden, at Aurora sa maliit na pantalan ng isla. Maliwanag ang araw, kumikislap ang dagat… parang walang bakas ng sakit na dinadala ng puso ni Celestine.“Mommy, ang ganda!” tuwang-tuwang sabi ni Aurora habang hawak ang kamay ng kuya niya.“Oo nga, Mommy. Can we swim later?” dagdag ni Aiden, puno ng excitement.Ngumiti si Celestine at yumuko para pantayin ang mga anak. “Of course. But first, we’ll rest. Mahaba ang biyahe natin.”Sa loob-loob niya, kabado ang dibdib niya. He’s here. He’s really here. Ilang metro lang ang layo nila mula sa taong bumuo ng mundo niya… at siyang sumira rin nito.Sa kabilang banda ng isla, tahimik na nag-aayos ng lambat si Adrian kasama ang isang matandang mangingisda. Sanay na siya sa simpleng buhay dito… ang araw-araw na tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang presensya nina Danica at Luna.Pero nitong mga nakaraang araw, hindi siya mapakali.Madalas sumasakit ang ulo niya. M
Tahimik ang paligid, tanging hampas lang ng alon sa dalampasigan ang maririnig. Nakatayo si Adrian sa may pintuan ng maliit na bahay, tanaw ang dagat, habang nasa likuran niya sina Danica at ang anak nitong si Luna.Tumingin siya sa mag-ina.Si Luna ay yakap ang lumang teddy bear, nakatingin sa kanya na parang takot na takot na mawala siya. Si Danica naman ay pilit na matatag, pero hindi maitago ang pag-aalala sa mga mata.Something inside Adrian twisted painfully.Wala siyang maalala. Wala siyang malinaw na alaala kung sino talaga siya, kung saan siya galing. Pero malinaw sa kanya ang isang bagay… si Danica ang taong nagligtas sa kanya. Si Luna ang batang unang tumawag sa kanya ng Uncle… at kalaunan, Papa.At ngayon, nandito ang babaeng nagsasabing asawa niya ito. Ina ng mga anak niya. Babaeng halatang ilang taon nang umiiyak sa kanya.Huminga siya nang malalim.“Celestine…” mahinang tawag ni Adrian.Napatigil si Celestine sa kinatatayuan niya. Umaasa. Kinakabahan.“I’m sorry,” sabi







