MasukLumipas ang mga buwan, at dumating na sa puntong hindi na maitago ang pagod at bigat na nararamdaman ni Celestine. Ka-buwanan na niya ngayon. Mabigat na ang tiyan niya, mabagal na ang kilos, pero pilit pa rin siyang kumikilos nang normal… para kay Aiden, at para sa batang dinadala niya.Maagang umaga noon. Tahimik ang bahay. Nasa kusina si Celestine, dahan-dahang nagluluto ng sopas. Simple lang ang suot niya, nakatali ang buhok, at paminsan-minsan ay hinahaplos ang tiyan niya.“Konti na lang, baby,” mahina niyang bulong. “Magkikita na tayo.”Bigla.Parang may pumutok sa loob niya.Napahinto siya, napahawak sa counter, at ramdam niya ang mainit na likidong dumaloy sa kanyang hita.“Mommy…” nanginginig niyang sabi. “Daddy…”Agad siyang napaupo sa upuan habang hinahabol ang hininga niya. “My water broke…”Mabilis na tumakbo papunta sa kusina ang mommy niya, kasunod ang daddy niya na pansamantalang nakatira sa kanila hanggang sa manganak siya.“Oh my God, anak,” gulat na sabi ng mommy niy
Limang buwan na ang lumipas mula noong araw na gumuho ang mundo ni Celestine.Limang buwan ng paghihintay.Limang buwan ng walang kasiguraduhan.Limang buwan ng paulit-ulit na tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot…Nasaan si Adrian?Sa kabila ng paglipas ng panahon, hindi pa rin tumitigil ang paghahanap. Araw-araw, may mga rescue team pa ring nagre-report. May mga barkong patuloy na nag-iikot sa dagat, may mga helicopter na nagmamasid mula sa himpapawid, at may mga boluntaryong umaasang may mahahanap na bakas… kahit ano, kahit maliit na pahiwatig lang.Pero hanggang ngayon… wala pa rin.Minsan sinasabi ng iba, “Maybe wala na siya.”May ilan namang nagsasabing, “Possible na napadpad siya sa isla.”Ang iba, tahimik na lang…. parang ayaw nang umasa.Pero si Celestine?Hindi.Hindi kailanman.Malaki na ang tiyan niya ngayon. Halata na ang pagbubuntis niya, pero sa kabila noon, sumasama pa rin siya minsan sa paghahanap. Kahit tutol sina mommy at daddy niya, pati na rin ang parent
Tahimik ang private room ni Celestine. Tanging tunog lang ng heart monitor at ang mahinang paghinga niya ang maririnig. Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, pero malinaw sa mga mata niya na wala siya roon… nasa kung saan mang lugar na puno ng takot, pangungulila, at walang kasiguraduhan.Bigla, dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto.“Celestine…”Isang pamilyar na boses. Isang boses na matagal na niyang hindi naririnig pero kailanman ay hindi niya nakalimutan.Napaangat ang tingin niya… At doon niya nakita ang mommy at daddy niya, kasama ang kapatid, pagod sa biyahe pero punong-puno ng pag-aalala ang mga mata.“Mommy…” mahina niyang sabi, parang bata.Parang may pumutok sa dibdib ni Celestine. Biglang bumuhos ang luha niya, hindi na niya napigilan. Nanginginig ang balikat niya habang umiiyak, parang ngayon lang niya ulit naramdaman na pwede pala siyang maging mahina.Agad lumapit ang mommy niya, hindi na nag-atubili. Mahigpit niya itong niyakap kahit may mga linya at IV si
Nagpumilit si Celestine na bumangon mula sa hospital bed kahit mahina pa ang katawan niya. Ramdam niya ang bigat ng bawat galaw, pero mas mabigat ang pakiramdam sa dibdib niya… ang pakiramdam na baka isang hakbang na lang at makikita na niya si Adrian.“Celestine, please… you can’t,” pigil ng mommy ni Adrian habang hawak ang braso niya. “Buntis ka, at kakagaling mo lang sa fainting.”Pero mariing umiling si Celestine. “Kailangan ko siyang makita,” nanginginig ang boses niya. “Kung siya talaga ‘yon… I need to be there. Kahit sandali lang.”“Anak, hindi pa confirmed…” sabat ng daddy ni Adrian.“I don’t care,” putol ni Celestine, may luha na sa mga mata. “I just need to see him. Please… this is for my peace of mind.”Nagtinginan ang lahat… ang mga doktor, nurse, at ang pamilya ni Adrian. Alam nilang wala silang magagawa kapag ganito na katatag ang loob ni Celestine. Sa huli, napabuntong-hininga ang doktor.“Okay,” mahinahong sabi nito. “But only if may wheelchair, at kasama kami. No stre
Nagising si Celestine sa mahinang tunog ng monitor sa loob ng hospital room. Mabigat pa rin ang ulo niya, at parang may humihila sa dibdib niya sa tuwing naiisip niya ang nangyari. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at ang unang nakita niya ay si Aiden, mahimbing na natutulog sa tabi niya, hawak-hawak ang kanyang kamay.“Baby…” mahinang bulong ni Celestine, pinipigilang maiyak.Sa labas ng kwarto, tahimik na nag-uusap ang mommy at daddy ni Adrian kasama ang doktor. Naririnig niya ang mga salitang “delicate,” “stress,” at “pregnancy.” Lalong sumikip ang dibdib niya. Gusto niyang bumangon, gusto niyang magtanong, pero pinili muna niyang huminga nang malalim.Ilang sandali pa, pumasok ang mommy ni Adrian at ngumiti ng pilit. “Gising ka na pala, anak. Kumusta pakiramdam mo?”“Okay lang po… masakit lang dito,” sabi ni Celestine sabay hawak sa dibdib niya. “May balita na po ba… kay Adrian?”Natahimik ang mommy ni Adrian. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala. “Nag-start na ang search a
Tatlong araw na ang nakalipas mula ng umalis si Adrian, pero para kay Celestine, parang tatlong taon na ang lumipas. Ang bawat segundo ay mabigat sa kanya. Sinubukan niyang ilihis ang isip sa pamamagitan ng pagguhit ng bagong designs, pag-aalaga kay Aiden, at pagsasaayos ng bahay. Kahit na abala siya, ramdam pa rin niya ang kakulangan… ang walang presensya ni Adrian sa tabi niya.Minsan, pumupunta siya sa parents ni Adrian, pati na sa lola niya, para makipag-kwentuhan at humingi ng konting comfort. Minsan din ay nakikipag video call siya sa pamilya niya sa Spain. Nakakatulong iyon kahit papaano, kahit na hindi nito maibabalik ang bigat ng nadarama niya. Paminsan-minsan, nakikipagkita rin siya sa mga kaibigan at dating kasama sa trabaho niya sa kumpanya ni Adrian. Ang simpleng tawanan at kwentuhan ay nagiging sandaling pahinga sa kanyang puso.Habang nakaupo siya sa kanyang studio, abala sa pagdidisenyo, naramdaman niya ang init ng kape sa gilid niya. Bigla niyang naramdaman na tumunog







