Share

CHAPTER 110

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-06-07 14:02:46

CHAPTER 110

Pagkatapos nga nilang bumili ng kanilang pagkain ay naupo na rin nga silang dalawa sa bakanteng upuan na naroon.

“Umamin ka nga sa akin, Jillian. Ikaw ba ay nag-eenjoy na sa ginagawa mo na iyan?” hindi na maiwasang tanong ni Jane sa kaibigan niya.

Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Jillian at saka nga niya seryosong tiningnan ang kanyang kaibigan.

“Alam mo, Jane. Kahit naman kasi ayaw ko ng ginagawa ko ay wala rin naman akong magagawa pa dahil kailangan ko nga itong gawin. Pikit mata ko na tinanggap ang gawain na ito bilang kapalit ng pagpapaopera ni nanay. Kaya hindi ko masasabi na nag-eenjoy ako sa ginagawa kong ito,” sagot ni Jillian.

Dahan dahan naman na tumango si Jane.

“Paano kung makita mo na ang mukha niya? Paano kung tuluyan ng mahulog ang loob mo sa kanya? Ano ang gagawin mo? Alam mo kasi hindi malabong mangyari na mapamahal ka sa kanya dahil sa ginagawa ninyo. Sa paulit-ulit nyo ba naman na ginagawa iyan hindi malabo na magustuhan ka n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 222

    CHAPTER 222“Sige po dok. Umasa po kayo na mag iingat na po talaga ako ngayon at susundin ko na po ang nga sinasabi ninyo. Salamat po,” sagot ni Jillian sa kanyang doktor.Sabay naman na tumango ang dalawang doktor ni Jillian dahil sa sinabi niya at kapwa rin nga may ngiti sa mga labi nito dahil naging maayos na nga ang lagay ni Jillian.“Pano… mauna na muna kami sa inyo dahil may nga pupuntahan pa rin kami na ibang pasyente. Pwede nyo na ring asikasuhin ang paglabas ni Ms. Jilluan ngayon. Mag iingat kayo,” sabi ng isang doktor.“Sige po dok. Maraming salamat po ulit,” sagot ni Jillian.“Salamat po dok,” sabi rin naman ni Harold sa mga doktor.Agad na rin naman na lumabas ang mga doktor ni Jillian dahil may kanya kanya pa nga itong mga pasyente na kailangang puntahan.“Finally makakalabas na rin ako rito,” ngiting ngiti pa na sabi ni Jillian.Bahagya naman na natawa si Harold sa reaksyon na iyon ni Jillian dahil talagang uwing uwi na nga ito at ilang beses na rin siyang kinukulit nito

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 221

    CHAPTER 221“Pagbibigyan kita ngayon sa gusto mo na umuwi tayo ng Pinas. Pero gusto ko na pag isipan mo munang mabuti ang tungkol kay Harold. Tandaan mo na hindi isang bagay ang hinihingi mo Camille. Tao yan at hindi natin basta basta madidiktahan ang puso ng isang tao,” sabi pa ni Miguel sa kanyang anak.Hindi naman na nagsalita pa si Camille at tanging pagtango na lamang nga ang naging sagot niya sa kanyang ama.“Sige na. Pumunta ka na sa iyong silid,” sabi ni Miguel at saka niya sinarhan ang pinto ng kanyang silid.At pagkasarang pagkasara nga niya ng kanyang pinto ay napasandal na lang din doon si Miguel at naipikit na lang niya ng mariin ang kanyang mga mata.Ayaw naman sana niyang pagsalitaan ng ganon ang kanyang anak pero napapansin na niya na nababastos na siya nito sa paraan ng pagsagot nito sa kanya kaya kinailangan niyang ipakita rito na dapat siyang igalang nito.Agad naman na dumiretso si Camille sa kanyang silid at pabalya pa nga siyang naupo sa kanyang kama habang nakab

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 220

    CHAPTER 220Kinabukasan ay maaga naman na nagising si Miguel dahil sa malakas na katok sa pinto ng kanyang silid kaya naman napabalikwas nga siya ng bangon upang pagbuksan nga ito.“Anak, anong problema? Ang aga aga pa,” agad naman na tanong ni Miguel sa kanyang anak ng mapagbuksan nga niya ito.“Mag impake na po kayo ng gamit nyo dad dahil babalik na po tayo ng Pinas. Sigurado po ako na bumalik na ng bansa si Harold kaya siya biglang nawala rito,” sagot ni Camille. “Nakapagpa book na rin po ako ng ticket natin at sakto naman po na may available pa po na dalawang slot mamaya kaya maghanda na po kayo dahil uuwi na po tayo ng Pinas,” pagpapatuloy pa nito.Napakurap kurap naman si Miguel dahil sa sinabi na iyon ng kanyang anak at hindi niya akalain na ganito talaga kadesperada ang kanyang anak na mahanap si Harold.“Anak, saglit lang. Malay mo naman ay narito lang siya at nagpapalamig lamang sa ibang lugar. Baka nagpapadalos dalos ka na naman ng desisyon mo anak,” sabi naman ni Miguel da

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 219

    CHAPTER 219Pinag isipan na kasing mabuti ni Louie ang tungkol sa bagay na ito at habang lumilipas nga ang mga araw na hindi siya kinikibo ng kanyang asawa at mga anak ay sobrang sakit para sa kanya noon kaya buo na ngayon ang loob niya na magdesisyon na isuko na lamang ang kanilang kumpanya para sa kanyang pamilya dahil wala na talagang mas hihigit pa sa pamilya dahil aanhin nga naman niya ang kumpanya niyang iyon kung masisira naman ang kanilang pamilya.“Pasensya ka na sa naging abala na ito sa’yo at ikaw na lamang sana ang bahala na magpaliwanag sa iyong anak,” sabi pa ni Louie.“Pero paano naman ang anak ko? Malaki na ang nagastos ko para sa kumpanya mong ito bilang kapalit na pakakasalan ng iyong anak ang aking anak. Paano na ito ngayon? Ang usapan ay usapan Mr. Villanueva at kung hindi ka tutupad sa ating pinag usapan ay mapipilitan ako na idemanda ka,” galit pa na sabi ni Miguel. "Bilang ama ay naiintindihan mo naman siguro ako na gagawin ko ang lahat para sa aking anak. Kaya

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 218

    CHAPTER 218Napatitig na lamang talaga si Miguel kay Camille at mukhang hindi na talaga magbabago pa ang isip nito. Talagang pursigido na ito na si Harold ang gusto nitong mapangasawa.“Okay fine,” sumusukong sagot ni Miguel sa kanyang anak at bahagya pa nga siyang tumango. “Kung yan na talaga ang gusto mong mangyari ay gagawa ako ng paraan para mahanap si Harold at maipakasal kayong dalawa. Pero anak ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo na hindi ko kayang diktahan ang puso ni Harold. Hindi ko maipapangako sa’yo na magagawa ko siyang pilitin na mahalin ka. Kaya kong ipakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon pero hindi ko maipapangako sa’yo na mapipilit ko si Harold na mahalin ka. Kaya habang may panahon pa ay pag isipan mo na muna itong mabuti anak,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman si Camille at saka niya seryosong tiningnan ang kanyang ama. “Basta ipakasal nyo lang po kami dad at ako na po ang bahala sa pagsasama naming dalawa. At alam ko na matututunan din

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 217

    CHAPTER 217Mabilis lang naman ang naging byahe ni Camille at agad na nga siyang nakarating sa kanilang bahay. Nagmamadali pa nga siyang pumasok sa loob at naabutan pa nga niya ang kanyang ama na nagpapabalik balik ng lakad sa kanilang sala.“Dad, ano pong gagawin ko? Nasaan na po kaya si Harold ngayon? Bakit po wala siya sa kanyang opisina at wala rin pong tao sa kanilang bahay?” sunod sunod naman na tanong ni Camille sa kanyang ama pagkalapit niya rito.“Dad, hindi ko po kayang mawala sa akin si Harold. Mahal na mahal ko po sya. Please dad do something,” sabi pa ni Camille at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at napayakap na nga siya sa kanyang ama habang siya ay umiiyak.Napabuntong hininga naman si Miguel dahil sa sinabi na iyon ng kanyang anak at parang dinudurog nga ang kanyang puso habang nakikita niyang umiiyak ito ng dahil lang sa isang lalaki na wala namang nararamdaman para rito.“Listen to me first, Camille,” sabi ni Miguel at agad naman na bumitaw si Camille s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status