แชร์

CHAPTER 167

ผู้เขียน: Anne
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-05 13:42:58

CHAPTER 167

“Wag po kayong mag alala dad. Gagawa po ako ng paraan para magustuhan din po ako ng mommy ni Harold,” sabi ni Camille sa kanyang ama. At habang sinasabi nga niya iyon ay bigla nga siyang nakaisip ng gagawin niya para magustuhan siya ng ina ni Harold.

“Siguraduhin mo lang anak na ayos yang gagawin mo dahil baka hindi na kita tulungan sa susunod sa mga gusto mo. Malaking halaga ang nailabas ko para lang sa kalokohan mong ito. Kaya ayusin mo ang pinaggagagawa mo r’yan,” sagot ni Miguel at siya na nga ang nagputol ng kanilang tawag.

Napabuntong hininga na lamang nga si Miguel matapos niyang ibaba ang kanilang tawag ni Camille. Bilang isang ama ay gusto niyang palaging masaya ang kanyang anak kaya handa niyang gawin ang lahat para sumaya lamang ito. Pero sa pagkakataon na ito ay para bang bigla siyang nakaramdam ng inis kay Camille dahil baka masayang lang lahat ng ginawa niya dahil sa kalokohan nito. Hindi rin kasi talaga biro ang nagastos niya para makuha ang kumpanya ni Loui
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 171

    CHAPTER 171“E sa nanay ni Harold… hindi mo ba sasabihin? Sabi mo ay ayos naman siya bakit hindi mo subukan na sabihin sa kanya anak,” sabi pa ni nanay Leony.“Naisip ko na rin naman po yan nay. Pero sa ngayon po ay gusto ko pa po munang pag isipan na mabuti dahil ayaw ko po na magpadalos dalos ng desisyon lalo na po at nay bata na involve dito,” sagot ni Jillian. “Sa ngayon po siguro ay magfocus po muna ako sa anak ko at sa inyo. Ayaw ko na po munang pasakitin ang ulo ko lalo na po at buntis ako at bawal mastress. Kaya saka ko na lamang po sila iisipin kapag nakapanganak na po ako. Kaya ko naman po ito lalo na po at nariyan po kayo na mga nagmamahal sa akin at sa anak ko,” dagdag pa niya.Agad naman na napangiti si nanay Leony dahil sa sinabi ni Jillian. Ngayon pa lang nga ay nakikinita na niya kung gaano kabuting ina si Jillian sa magiging anak nito kaya sobrang saya ng puso niya dahil kahit na kapos sila sa pera ay napalaki naman niya ng maayos si Jillian ng mag isa.“Natutuwa ako

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 170

    CHAPTER 170“Wag ka ng mag isip ng kung ano ano. Ang isipin mo ngayon ay kailangang maging malusog si baby at ipaparamdam natin sa kanya na mahal na mahal natin siya kahit hindi nyo kapiling ang kanyang ama. Kaya wag ka ng umiyak. Makakasama yan sa apo ko,” pagpapatuloy pa ni nanay Leony habang may matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.“Salamat po nay! Maraming salamat po. Pasensya na po kayo kung naglihim po ako sa inyo. Natatakot po kasi talaga ako na baka kung anong mangyari sa inyo kapag nalaman ninyo ang ginawa ko na iyon at nabuntis pa ako,” sagot ni Jillian at saka niya pinunasan ang kanyang luha.“Pero tama po kayo nay. Wala man po ngayon si Harold sa tabi namin ay dapat po na iparamdam ko sa anak namin kung gaano ko siya kamahal. Alam ko darating ang araw na babalik si Harold. At kapag dumating na ang araw na iyon ay tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib ko kung ano man ang magiging desisyon nya. Kung tatanggapin nya ba kami ng anak namin o hindi ay ayos lang kung al

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 169

    CHAPTER 169Napahagulhol naman ng iyak si Leony dahil sa mga sinabi na iyon ni Jillian. At hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa kanyang nga narinig. Mahal na mahal niya ang kanyang anak kaya nasasaktan siya na nagbenta ito ng katawan para lamang sa pagpapagamot niya.“Anak, hindi mo na sana ginawa pa iyon. Sana inisip mo na muna ang sarili mo dahil palagi na lang ako ang iniisip mo. Mahal na mahal kita anak pero nasasaktan ako dahil ginawa mo yun sa sarili mo para lang sa akin,” umiiyak pa na sabi ni nanay Leony.“Mahal na mahal din po kita nay kaya ko po nagawa ang bagay na yun. Sana mapatawad nyo po ako dahil kahit na alam ko po na hindi kayo matutuwa sa ginawa ko ay utinuloy ko pa rin po iyon. Patawad po nay,” sabi pa ni Jillian.Hindi naman na napigilan ni Leony ang kanyang sarili at agad na niyang yinakap ang kanyang anak.“Ako ang dapat mong patawarin anak dahil masyado na akong nagiging pabigat sa’yo. Palagi mo na lang akong iniisip at nakakalimutan mo na ang sarili mo. Pat

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 168

    CHAPTER 168Pagkauwi naman ni Jillian galing trabaho ay nadatnan na naman niya ang kanyang ina na abalang abala na naman sa pagluluto ng kanilang pagkain. Bago nga siya pumasok sa loob ng kanilang bahay ay isang malalim na buntong hininga pa muna ang kanyang pinakawalan.Kanina kasi ay napag isip isip niya na sabihin na sa kanyang ina ang totoo tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi naman kasi pwede na ilihim pa niya ito rito dahil mahahalata rin naman nito na buntis siya lalo na at madalas na nga siyang nagsusuka at nahihilo. Kalaunan din ay lalaki na rin ang kanyang tiyan. Kaya naman minabuti na niya na sabihin na sa kanyang ina ang totoo na siya nga ay buntis.“Hi nay. Mukhang abalang abala na naman po kayo riyan ah,” sabi ni Jillian at pilit pa nga niyang pinapasigla ang kanyang boses kahit na ang totoo ay kinakabahan na talaga siya.Agad naman na napalingon si nanay Leony sa kanyang anak habang may ngiti sa kanyang labi.“Naku, nagluluto lamang ako ng hapunan natin,” sagot ni nan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 167

    CHAPTER 167“Wag po kayong mag alala dad. Gagawa po ako ng paraan para magustuhan din po ako ng mommy ni Harold,” sabi ni Camille sa kanyang ama. At habang sinasabi nga niya iyon ay bigla nga siyang nakaisip ng gagawin niya para magustuhan siya ng ina ni Harold.“Siguraduhin mo lang anak na ayos yang gagawin mo dahil baka hindi na kita tulungan sa susunod sa mga gusto mo. Malaking halaga ang nailabas ko para lang sa kalokohan mong ito. Kaya ayusin mo ang pinaggagagawa mo r’yan,” sagot ni Miguel at siya na nga ang nagputol ng kanilang tawag.Napabuntong hininga na lamang nga si Miguel matapos niyang ibaba ang kanilang tawag ni Camille. Bilang isang ama ay gusto niyang palaging masaya ang kanyang anak kaya handa niyang gawin ang lahat para sumaya lamang ito. Pero sa pagkakataon na ito ay para bang bigla siyang nakaramdam ng inis kay Camille dahil baka masayang lang lahat ng ginawa niya dahil sa kalokohan nito. Hindi rin kasi talaga biro ang nagastos niya para makuha ang kumpanya ni Loui

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 166

    CHAPTER 166“Si Jillian… oo, naibigay ko na sa kanya ang pinapabigay mo. Sa totoo lang anak ay sobrang lungkot niya simula ng umalis ka. Pero wag kang mag alala dahil ibinilin ko naman siya kay Rose. Ibinilin ko sa kanya na palaging tingnan si Jillian at wag pahihirapan sa trabaho. Dapat nga bago ako pumunta rito ay kakausapin ko siya pero hindi ko kasi siya mahagilap ngayon kaya hindi ko na siya nakausap bago ako umalis” sagot ni Shirley.Dahan dahan naman na tumango si Harold at kahit na medyo na nalungkot nga siya ng malaman niya na sobrang nalungkot si Jillian sa biglaan niyang pag alis ay kahit papaano naman ay nakahinga siya ng maluwag sa isipin na nasa maayos naman itong lagay at panigurado naman siya na hindi ito pababayaan ng matalik niyang kaibigan na si Rose.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Harold at nanatili nga na malungkot ang mukha nito.“Sana naman ay makabalik na ako ng Pinas. Miss na miss ko na po talaga si Jillian, mom. Gusto ko na po siyan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status