Share

CHAPTER 260

Author: Anne
last update Huling Na-update: 2025-08-08 15:29:15

CHAPTER 260

“May problema ba?” hindi na maiwasang tanong ni Jillian kay Rose ng mapansin niya na nakatingin ito kay Jeffrey.

Bigla namang bumalik sa wisyo si Rose at napakurap kurap pa siya habang nakatitig kay Jillian.

“Ha!? W-wala naman… a-ang sabi ko ay c-congrats sa inyong dalawa ni Harold. Masayang masaya ako para sa inyong dalawa,” kandautal pa na sagot ni Rose kay Jillian.

Tahimik naman na nakikinig si Harold sa pag uusap ng dalaqa at hindi niya maiwasang mapataas ang isang kilay ng masundan din niya ang tinitingnan nito kanina.

Bigla namang tumikhim si Harold kaya naman sabay pa na napatingin sila Jillian at Rose rito.

“Parang may naaamoy ako na kakaiba ngayon ah,” pagpaparinig ni Harold. “Naamoy mo rin ba yun love?” tanong pa niya kay Jillian.

Napatitig naman si Jillian kay Harold at ng tumingin ito kay Jeffrey ay parang nakuha na niya ang gusto nitong ipahiwatig.

“Ah. Oo naman love. Naamoy ko rin yun. Amoy na amoy ko pa nga eh,” sagot naman ni Jillian na sinakyan din ang tri
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
whaaaa kilig ako sayo rose wag masyadong pahalata ayan toloy ikaw ang binibiro ngayon n harold
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 268

    CHAPTER 268“Kagaya mo ay ayaw ko rin naman na ganito ang mangyari sa ating pamilya. Pero sa pagkakataon na ito ay papabor muna ako sa’yo dahil alam ko na mali na ang ginagawa ng iyong ama. Pero alam mo umaasa ako na isang araw ay babalik na sa dati ang ating pamilya… na isang araw ay maliliwanagan na muli ang iyong ama at maging masaya na muli tayo na magkakasama. Kung hindi lang sana nagkaganyan ang iyong ama ay panigurado na matutuwa iyon kapag nalaman niya na dalawa ang magiging apo namin. Kating kati na nga ako na magkwento sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili para sa kapakanan ni Jillian at ng mga anak ninyo. Kaya sa ngayon ay tiis tiis na lang muna tayo pero sa oras na maikasal na kayo ni Jillian ay wala ng magagawa pa ang iyong ama at hindi na niya maipipilit pa ang Camille na iyon sa’yo,” sagot ni Shirley kay Harold. Totoo kasi na hindi pa rin niya maiwasan na malungkot sa tuwing naaalala niya na hindi na kagaya dati ang kanilang pamilya. Nalulungkot siya na

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 267

    CHAPTER 267Hindi pa kasi talaga sinasabi ni Harold kay Jillian ang tunay na dahilan kaya siya biglang nawala noon at pinadala ng kanyang ama sa London. Ayaw kasi niya na mastress ito lalo na at malapit na itong manganak. Ang alam lang din talaga ngayon ni Jillian ay nagkaroon ng problema sa kumpanya nila kaya sila ganito ng kanyang ama ngayon.Dahan dahan naman na tumango si Jillian at naiintindihan naman niya si Harold kung ayaw pa nitong magkwento sa kanya. At isa pa ay may tiwala rin naman siya kay Harold kaya kahit na hindi muna ito magkwento ay ayos lang naman sa kanya.“Alam ko balang arae ay magkakaayos din kayo ng iyong ama,” sagot naman ni Jillian. “Alam na ba niya ang tungkol sa pagbubuntis ko?” hindi na naiwasang tanong ni Jillian dito.“Ang sabi ni mommy ay alam naman daw ni dad na buntis ka pero hindi na sila nagkukwento pa rito. At sa magiging kasal naman natin ay mabuti na rin na wala na muna siyang alam. Gusto ko na maing maayos ang kasal natin kaya hayaan na lang mun

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 266

    CHAPTER 266“Harold, tumawag nga pala ang iyong ama at ang sabi niya ay may gusto raw siyang sabihin sa’yo. Pauwi na kami ng mga kapatid mo kaya baka gusto mong sumabay na sa amin pauwi ng mansyon,” sabi ni Shirley sa kanyang anak ng lapitan niya ito.Saglit naman na natigilan si Harold sa sinabi na iyon ng kanyang ina at saka siya bumuntong hininga.“Baka naman po pipilitin na naman niya ako na magpakasal sa Camille na iyon. Wag na lang po mom. Iniiwasan ko na nga lang po si dad para hindi na po kami magkainitan pang dalawa,” sagot ni Harold.“Bakit hindi mo na lamang muna subukang pakinggan ang sasabihin niya. Malay mo naman ay iba pala ang sasabihin niya sa’yo. At kung sakali man na kukulitin ka nga niya tungkol sa Camille na iyon ay wag kang mag alala dahil talagang makakatikim na sa akin ang iyong ama,” sagot naman ni Shirley dito. Pinagsabihan na rin kasi talaga niya ang kanyang asawa na tantanan na si Harold ng kakapilit na magpakasal sa Camille na iyon dahil wala naman talaga

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 265

    CHAPTER 265Napatulala naman si Miguel ng tuluyan na ngang makalabas si Louie ng naturang silid at naiwan na lamang siya na mag isa roon.“AHHHHHH,” galit pa na sigaw ni Miguel habang nakakuyom ang kanyang kamao.Sigurado kasi si Miguel an hindi ito matatanggap ng kanyang anak lalo na at talagang humaling na humaling ito kay Harold at wala talaga itong ibang lalaki na gusto kundi si Harold lamang.Samantala pagkalabas naman ni Louie sa naturang restaurant ay napabuga na lamang siya ng hangin sa kanyang bibig. Hindi kasi niya alam kung ano ba ang maaaring mangyari pagkatapos nito. Hindi niya alam kung matatahimik na ba ang mag amang Miguel at Camille pero sa nakikita niya ay mukhang walang balak na magpatalo ang mag amang ito.Agad na rin naman siyang umalis sa naturang restaurant at dumiretso uwi na rin nga siya pero nagtataka siya dahil wala ang kanyang asawa at mga anak doon. Sinubukan pa noyang tawagan si Shirley pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kaya naman dumiretso na l

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 264

    CHAPTER 264“Hindi ba at nag usap na rin naman na tayo noon pa. Nasabi ko na rin naman sa’yo na baka kapag ipinilit natin ito ay pareho lamang din silang masasaktan dahil hindi naman sila nagmamahalan na dalawa. Maaaring ang anak mo nga ay mahal ang aking anak pero ang anak ko ay hindi natin kayang pilitin yun… hindi natin kayang diktahan ang puso nya,” sabi pa ni Louie.“Sana ay noong una mo pa iyan naisip at hindi ngayon na asang asa na ang anak ko na magiging asawa na niya si Harold,” galit naman na sagot ni Miguel. “Ama ka rin Louie kaya sana ay naiintindihan mo ang ibig kong sabihin dahil kung sa anak mo ito mangyayari ay paniguradong hindi ka rin matutuwa,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman muli si Louie at saka siya dahan dahan na tumango.“Tama ka… kung mangyayari man iyan sa anak ko ay masasaktan din talaga ako. Kaya naman gaya ngayon ay hindi ko rin kaya na pilitin ang aking anak sa gusto mong mangyari. Kaya pasensya ka na talaga Miguel,” sagot naman ni Louie.

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 263

    CHAPTER 263Sa kabilang banda naman ay matyagang naghihintay sa restaurant si Louie kay Miguel. Mahigit kalahating oras na rin kasi itong late sa sinabi niyang oras dito pero umaasa pa rin siya na darating nga ito dahil talagang gusto na niyang magkaliwanagan silang dalawa.Naka ilang ulit na rin na sinubukang tawagAn ni Louie si Miguel pero ring lang ito ng ring at hindi siya sinasagot. Naka ilang buntong hininga na rin siya at tila ba nauubusan na rin siya ng pasensya pero kailangan niya munang magtiis dahil.siya ang nay kailangan dito.Maaga kasi talaga niyang tinapos ang kanyang mga trabaho dahil may usapan nga sila ni Miguel na magkikita sila ngayon pero heto at hanggang ngayon ay wala pa rin ito.“Nakakainis. Nasaan ka na ba Miguel? Paano tayo magkakaliwanagan nito kung hindi ka sisipot,” naiinis ng sabi ni Louie at saka siya uminom muli ng wine na nasa harapan niya.Ilang minuto pa ang nakalipas at bigla ng bumukas ang pinto ng silid kung nasaan si Louie dahil VIP room talaga a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status