LOGINApat na taon. Hindi biro ang apat na taong minahal ni Andrea Maniago ang lalaking hindi kailanman natutong mahalin siya. Sa loob ng apat na taon ng kanilang contract marriage, tiniis niya ang malamig na pakikitungo ni Matteo Montealegre, umaasang balang araw ay mapapansin din siya nito. Ngunit sa pagbabalik ng babaeng tunay nitong minamahal, walang pag-aalinlangang pinili ni Matteo na wakasan ang kanilang pagsasama. Hindi niya alam na sa pag-alis ni Andrea, dala nito ang pinakamalaking lihim ng kanyang buhay. Pinili ni Andrea na lumayo, magsimulang muli, at ibaon habambuhay ang katotohanang maaaring magpabago sa lahat. Ngunit makalipas ang ilang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Unti-unting napansin ni Matteo na may dalawang batang tila hindi maipaliwanag ang kakaibang paghila sa kanyang puso. Habang papalapit siya sa kanila, lalo niyang nararamdaman na may katotohanang matagal nang ipinagkait sa kanya. Kapag hindi na kayang itago pa ang katotohanan, ipaglalaban ba niya ang pamilyang hindi niya alam na mayroon siya... o hahayaan niyang tuluyang mawala ang pagkakataong maitama ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay?
View MoreMaganda at maaliwalas ang simoy ng huling bahagi ng tag-init sa Angeles, Pampanga nang ilang araw, pero ngayon, bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan nang walang pasabi na tila ba nakikiramay ito sa bigat na nararamdaman ni Andrea.
Habang lumalabas si Andrea Maniago mula sa departamento ng gynecology, hindi niya namalayan ang taong lumabas din mula sa katabing pasilyo.
Nagkabanggaan sila.
Nalaglagan at nagkalat sa sahig ang hawak niyang mga dokumento.
"So-sorry po, hindi ko po sinasadya”
Agad siyang humingi ng tawad at mabilis na yumuko para pulutin ang mga papel.
Isang pares ng makintab at itim na leather shoes ang tumapak sa mga dokumento bago pa man niya maabot ang mga ito.
Hindi niya mahugot ang mga papel, kaya tumingala siya at magalang na nagsabi,
"Sir... pwede po bang pakialis ang paa niyo?"
Nanatiling hindi gumagalaw ang lalaki.
Biglang nakaramdam si Andrea Maniago ng malamig at mabigat na titig mula sa itaas.
Bago pa man siya makakilos, may yumuko para pulutin ang isa sa mga papel at bulalas nito,
"Hymen repair surgery?"
Dahil sa pamilyar na boses na iyon na hinding hindi siya maaring nagkamali, natigilan si Andrea Maniago
Bianca Santillan
“Kapag minamalas ka naman talaga oh, dito pa talaga sa dinami dami ng lugar”, bulong niya sa kaniyang sarili
Kung andito si Bianca, walang ibang nagmamay-ari lang ng mga mamahaling leather shoes na iyon ay kundi siya lang
Matteo Ignacio Montealegre
Eversince bumalik sa States si Bianca Santilla dala ang anak nito, pinilit na ni Matteo na tapusin ang kanilang kontratang kasal ni Andrea Maniago nang tatlong buwan nang mas maaga sa takdang oras.
Sa nakalipas na tatlong buwan, halos araw-araw nitong kasama si Bianca Santillan.
Palaging nakikita ni Andrea Maniago na magkasama sila nang hindi na mabilang na beses.
Sa puntong ito...
Nasanay na rin siya.
Pero nasa gynecology department sila.
Bakit sila nandito?
Dahan-dahan siyang tumayo.
Dahan-dahang hinaplos ni Bianca Santillan ang kanyang ibabang tiyan, habang nakaguhit ang isang nambibiro at mapagmataas na ngiti sa kanyang mga labi.
Pumikit ang mga mata ni Andrea Maniago sa sobrang gulat.
Posible kaya na...
Buntis ulit siya?
Anak ni Matteo Montealegre?
Magkakaroon ulit sila ng baby? Baby number 2?
Habang kinakausap ang sarili sa kanyang isip, para bang may tumutusok na karayom sa kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.
Ang kanyang kambal ay kahit minsan ay hindi pa nakilala ang kanilang ama.
Mula nang ipanganak sila, napilitan silang mamuhay nang patago.
"Oh Andrea..."
"Hindi ko akalain na pupunta ka talaga rito para sa... ganitong klaseng konsultasyon."
Matamis na ngumiti si Bianca.
Ayos na ayos ang makeup nito.
Suot nito ang cream-colored na V-neck blouse na may flutter sleeves, at pares ng eleganteng high heels na nagpatingkad sa maganda nitong hubog ng katawan.
Sa tabi niya, mukhang kaawa-awa si Andrea Maniago.
Naulanan kasi siya.
Dumikit sa mukha niya ang basa niyang buhok, at mukhang simple at gusot-gusot ang damit niya.
Napatingin nang bahagya sa kanyang sarili si Andrea. Katabi ng makintab at eleganteng aura ni Bianca...
Sobrang layo ng pagkakaiba nila.
Umigting ang panga ni Matteo.
Nakatitig sa kanya ang madidilim nitong mata na parang sinusubukang basahin ang buong pagkatao niya.
"Andrea Maniago"
"Hindi pa nga tayo hiwalay, pero nag-iisip ka na agad na ipaayos ang hymen mo."
"Anong lalaki ba ang balak mong akitin at lokohin?"
Umalingawngaw sa isip niya ang mga salitang minsan nang sinabi ng matalik na kaibigan nito.
"Si Andrea Maniago siguro ay nakipagtalik sa di na mabilang sa daliring mga lalaki”
"Napakamalas naman ni Matteo.kasi natapat siya sa isang nakakadiring babae”
Ngayon...
Pinaghihinalaan na rin niya na ang mga mantsa ng dugo noong una nilang gabi ay peke lang pala.
Baka nagpaopera rin siya noon.
Ang isa ay tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Angeles.
Ang isa naman...
Ay anak ng kasambahay ng pamilya Montealegre.
Kung hindi lang nangyari ang apat na taon na ang nakararaan...
Hinding-hindi nagtagpo ang mga landas nila.
Tiningnan ni Andrea Maniago ang lalaking hindi man lang nagdadalawang isip sa kanyang mga bintang
Naramdaman niyang lalong lumayo ang loob nito sa kaniya sa mga oras na iyon
"Hindi…"
"Nagkakamali kayo ng akala."
Yumakap nang mahigpit si Bianca sa braso ni Matteo.
"Andrea..."
"Hindi ka na ba talaga marunong mahiya?"
Unti-unting nagtipon ang mga taong dumadaan.
Nang makita nila ang mga dokumentong may tatak na Hymen Repair sa mga kamay ni Andrea Maniago hindi nila mapigilang magbulungan sa isa't isa.
Puno ng paghamak ang mga mata nila.
Namutla ang mukha ni Andrea Maniago.
Yumuko siya, pinulot ang mga papel, at tumalikod para umalis.
Bago pa man siya makahakbang ulit—
Hinarang ni Matteo.ang dinaraanan niya.
Kalmado pero may awtoridad ang boses nito.
"Andrea Maniago”
"Hangga't hindi pa tayo opisyal na hiwalay..."
"Alalahanin mo ang lugar mo."
Sumisikip ang dibdib niya.
Binuka niya ang kanyang bibig.
Pero walang lumabas na salita.
Ang paliwanag na nasa dulo ng dila niya ay nilunok niya na lang pabalik.
Hayaan na.
Kahit naman sabihin pa niyang may nagnakaw ng pagkatao niya at pumunta lang siya rito para mag-imbestiga...
Maniniwala ba siya?
Hindi.
Hindi kailanman
Kahit ano pang paliwanag niya...
Palagi nitong iisipin na gumagawa lang siya ng dahilan.
Hindi ba natutunan niya ang leksyong iyon noong mga nakaraang taon pa?
Isa pa...
Sa susunod na linggo, kapag natapos na ang cooling-off period ng divorce at natanggap na nila ang kanilang divorce certificate...
Ganap na silang magiging estranghero sa isa't isa.
Isipin niya kung anong gusto niyang isipin.
Bumuntong-hininga si Bianca na parang tunay na naaawa sa kanya.
“Hayy”
"Babe...."
"Andrea's mother's medical expenses must be overwhelming."
"Sinuportahan siya ng Montealegre Family sa loob ng maraming taon”
"If hindi na niya afford ang treatment para sa nanay niya”
"Baka ito na lang ang natitira niyang option, hindi ba?"
Huminto ito sandali bago idinagdag nang mahina,
"Pero Andrea..."
"Dapat mahalin ng isang babae ang kanyang sarili."
"At alamin kung paano ingatan ang sariling dangal."
Hinawakan nang mahigpit ni Andrea Maniago ang mga dokumento hanggang sa pumuti ang mga buto ng kanyang mga daliri.
Wala siyang ibang gusto kundi sampalin si Bianca sa mukha.
Sa loob ng maraming taon...
Dahil binabayaran ng pamilya Montealegre ang paggagamot ng kanyang ina...
Tiniis niya ang bawat insulto nang tahimik.
Mabuti na lang at sinabi kamakailan ng mga doktor na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ina.
Malapit na...
Kaya na nitong alagaan ang sarili nito.
Kapag natapos na ang kasunduan sa divorce...
Dadalhin ni Andrea Maniago ang kanyang ina at mga anak palayo sa kanila nang tuluyan.
Hindi na niya kailangang makita pang muli ang mga taong ito.
Kitang-kita ni Bianca ang kahinaan niya.
Isang mapang-uyam na ngiti ang dumaan sa mga mata nito.
Sa pagkukunwaring nagmamalasakit, tumingin ito kay Matteo.
"Uhmm Babe..."
“Bakit hindi mo binayaran agad ang part ng divorce settlement nang advance?”
"That way..."
"Di na sana niya kinailangan pang… ibenta ang sarili niya "
Actually, hindi nito binanggit ang huling dalawang salita.
Hindi na kailangan.
Naintindihan ng lahat ang ibig nitong sabihin.
Lalong lumamig ang mga ekspresyon ng mga tao sa paligid.
May mga taong hindi na nag-abalang magbulungan pa.
Tiningnan nila si Andrea nang may pandidiri.
Ang kanilang paghamak ay parang libu-libong nagyeyelong arrows na tumusok sa kanyang katawan.
Nanginginig ang mga dulo ng kanyang mga daliri.
Tama na.
Ang galit na ilang taon niyang tinimpi ay tuluyang sumabog.
Walang pag-aalinlangan—
Pak!
Malakas na lumapat ang kanyang palad sa mukha ni Bianca
Natigilan at napaatras si Bianca sa gulat.
Tinitigan siya ni Andrea mula ulo hanggang paa
"Bianca, right?"
"Proud na proud ka pang dikit nang dikit sa asawa ng ibang babae”
"And yet you dare na turuan ako?"
"Kung gusto mong turuan ang isang tao tungkol sa morality”
"I think, kailangan mo munang matutunan ang salitang hiya”
Nagulat at nagkagulo ang mga tao at nagsimula ang mga bulungan
"So siya pala ang kabit?"
"Bakit parang kung makaasta kala mo siya ang legal na asawa?"
"Nakikipagtalik siya sa asawa ng iba tapos nagpapanggap pa siyang inosente?"
"Ang kapal ng mukha!"
"Hindi ako makapaniwalang may mga taong malakas ang loob na umastang nasa katuwiran pagkatapos niyang sirain ang kasal ng iba."
Agad na lumipat kay Bianca ang mga bulungan.
Namumula ang mukha nito dahil sa sampal.
Kitang kita sa mga mata nito ang galit na agad agad niyang pinalitan ng luha para makuha ang simpatya ni Matteo.
Habang tinatakpan ang namumulang pisngi nito, kaawa-awa itong tumingin kay Matteo.
"Babe..."
Marahang hinawakan ni Matteo. ang namumulang marka sa mukha nito.
Agad na dumilim ang ekspresyon nito.
Walang sabi-sabi—
Hinawakan niya ang pulso ni Andrea
Napakalamig ng boses nito na tila ba wala itong pakialam sa kung ano man ang mangyari kay Andrea
"Andrea Maniago"
"Humingi ka ng tawad kay Bianca, ngayon din!"
Mas lalo nitong hinigpitan ang hawak nang walang awa.
Pakiramdam niya ay balak nitong durugin ang kanyang pulso.
Napangiwi sa sakit si Andrea at pilit na kumalas.
"L-Let go...Bitawan mo’ko"
Sa halip na bitawan siya...
Mas lalo pa nitong hinigpitan.
At halatang umiigting ang panga nito sa galit
"I won't repeat myself."
Kung tumanggi siyang humingi ng tawad...
Marami itong paraan para pilitin siyang sumunod.
Tiningnan ni Andrea ang malamig at walang awang mga mata nito.
Alam na alam niya kung anong klaseng kahihinatnan ang naghihintay sa kanya kung magpapatuloy pa siya sa pagmamatigas
Pero kahit ganon pa man...
Tumanggi siyang humingi ng tawad kay Bianca Santillan.
Natigilan si Matteo sa mga salitang iyon. Nakatitig ang madilim at parang phoenix na mga mata.“Anong ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo nang malinaw…”“Miss Andrea, oras na po para palitan ang dressing.”Nang marinig ang sinabi ng nurse, napansin ni Matteo na may gasa sa noo ni Andrea, may benda sa mga palad, at naka-hospital gown.“Anong nangyari sa noo at kamay mo?”“Wala kang pakialam!”Inalog ni Andrea ang kamay niya. Hindi komportable ang buong katawan. Puno ng galit ang mga mata.Gusto pang magsalita si Matteo, pero hindi siya pinagbigyan ni Andrea. Pumasok ito sa ward kasama ang nurse.Isinara ang pinto ng ward kaya di na nakita ni Matteo si Andrea.Itinulak ni Pamela si Bianca palapit.“Babe, si Andrea ba ‘yon? Nakahinga ako nang maluwag nang makitang okay siya.”Mukhang naibsan ang loob ni Bianca, pero malamig ang mga mata. Ikinuyom ang mga daliri.Paano napunta sa ospital ang babaeng ‘yon? Hindi ba’t dinala siya ng isang lalaki?Paano siya nahanap agad ni Matteo?“Ring ring r
Pagkalipas ng kalahating oras, pumasok si Ethan. Nakita niyang nag-aayos si Andrea. Mabilis siyang lumapit.“Ako na ang bahala rito. Sabi ng doktor, kailangan mong magpa-obserba sa ospital ng isa o dalawang araw. Magpahinga ka na sa kama.”Medyo nahiya si Andrea nang maalaala ang sinabi ng nurse kanina na “asawa mo.”“Ethan, okay na ako. Hindi mo na kailangang magtagal pa ng isa pang araw.”Alam ni Ethan na ayaw niyang magdulot ng abala. Malumanay siyang ngumiti.“Andrea, kulang ka sa nutrisyon. Sabi ng doktor, kailangan mo ng intravenous nutrition ng isang araw. Sundin mo na lang ang doktor.”Naisip ni Andrea na hindi naman ito makakasagabal sa trabaho niya kinabukasan ng hapon. Kaya hindi na siya nagpumilit.“Sige, Ethan. Salamat.”“Kapag pumunta ka sa Olongapo, pag uwi mo sa Pilipinas, siguradong aayain kita. Ititrato kita ng mabuti at papakainin ng masasarap na pagkain doon.”Alam naman niya na hindi sapat ang isang kain para mabayaran ang pagligtas ni Ethan sa buhay niya.Babayar
Gumalaw siya ng siko, may matinding sakit, at kumunot ang noo.Naisip ni Andrea ang away niya sa mga thug kagabi at nag-alalang nagtanong:“Nasugatan ka ba kagabi… din?”“Okay… okay lang ako, konting tama lang sa siko.”Pumasok ang doktor at nurse. “Gising na ang pasyente. Susuriin ko siya.”Sabi ng nurse kay Ethan, “Sir, oras na para palitan ang dressing sa siko ninyo.”Nang malaman na seryoso pala ang sugat sa siko, may napaigtad sa puso ni Andrea: “Gaano ba kaseryoso ang sugat niya sa siko?”Sabi ng nurse, “Madam, may hiwa ang asawa ninyo sa siko at kailangan ng tahi. Magtatagal ang paggaling.”Asawa?Bago pa makapagsalita si Andrea, umalis na ang nurse.Naalala ni Ethan na kakain ito kapag magising, kaya sinabi sa nurse na bababa muna siya para bumili ng pagkain.Habang pauwi sa ospital, nakita niya si Matteo na tumutulong sa isang babae na maglakad sa hardin. Nakasandal ang babae sa balikat niya para bang walang buto.Medyo wala sa sarili si Matteo; wala pa ring balita tungkol ka
Habang malapit nang mapunit nang pilit ang damit niya, sa kritikal na sandali, biglang may matangkad at tuwid na lalaki ang sumugod.May hawak siyang bakal, mabilis at malakas ang galaw, at sinipa nang husto ang thug sa harap hanggang mabagsak ito sa lupa.Kumikinang ang bakal sa kamay niya nang may malamig na pilak na liwanag habang hinahampas niya ang mga thug na nang-aapi kay Andrea.Ginamit niya ang kamao at sipa, binugbog ang mga lalaki hanggang magsuray-suray at mabagsak sa lupa, hindi na makalaban.Ilang thug ang humawak sa dumudugong ulo, itinuro ang lalaki at pinagmumura.Hindi lang hindi tumigil ang lalaki, lalo pa siyang naging matapang.Napaatras ang thug sa takot nang makita ang matalim na tingin ng lalaki sa likod ng salamin.Nang makitang hindi ordinaryong tao ang kalaban, parang may alam sa boxing, mabilis silang nagsabi ng masasakit na salita at tumakas nang gulo kasama ang mga kasama.Agad na tinanggal ng lalaki ang suit jacket, mabilis na lumapit, at maingat na niya


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.