CHAPTER 349Napabuntong hininga naman si Leony at saka niya nginitian ang dalawa. Sa totoo lang ay nahihiya na talaga siya sa mga ito dahil ang lahat ng kanyang mga pangangailangan ay ang mag asawa talaga ang nagbibigay lalo na ang kanyang pang maintenance na gamot. Gusto rin talaga sana niya na may maibigay siya na regalo sa mga ito ngayong araw ng kasal ng mga ito pero wala naman kasi siyang sapat na pera para ipambili ng gusto sana niyang iregalo sa mga ito.“Maraming salamat talaga sa inyong dalawa. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa at biniyayaan ako ng anak at manugang na napakababait. Wala akong ibang hangad sa inyo mga anak kundi ang malusog na pangangatawan at mahabang buhay pa. At sana rin ay mas magmahalan pa kayo lalo hanggang sa inyong pagtanda,” sabi ni Leony sa dalawa.“Wala po iyon nay. Mahal ka po namin at mahalaga ka po sa amin kaya namin ginagawa ang lahat ng ito para sa inyo,” sagot naman ni Jillian.“Salamat anak. Alam ko na magiging mabuti ka ring ina sa iyong
CHAPTER 348Pasimple naman na siniko ni Jillian ang kanyang asawa para tumigil na ito dahil ramdam niya na naiinis na talaga si Rose sa pangungulit na iyon ni Harold.Agad naman na nakuha ni Harold ang ibig sabihin na iyon ni Jillian kaya naman tumigil na siya sa kanyang pangungulit kay Rose.“Ang mabuti pa ay maiwan na muna namin kayo rito at pupuntahan naman muna namin sila nanay at ang kambal,” sabi ni Jillian.Agad naman na inakbayan ni Harold ang kanyang asawa pagkasabi nito noon.“Tara na nga wife. Ang hirap naman kasi kapag parehas na mahiyain at ang isa ay sanggano pa. Good luck na lang talaga,” sabi ni Harold at sinadya talaga nito na paringgan ang dalawa na halata namang nagkakahiyaan talaga.“Maiwan na muna namin kayo rito ha. Mag enjoy lang kayo at wag na muna kayong uuwi ha dahil may after party pa tayo mamayang gabi at mag stay pa raw tayo rito ng ilang araw,” sabi ni Jillian para matigil na sa pang aasar si Harold kay Rose.“Naku mabuti pa nga na ilayo layo mo sa akin y
CHAPTER 347“Matanong nga kita Rose. Ano ba kasi ang tipo mo sa isang lalaki? Gusto mo ba matangkad? Gwapo? Mayaman? Ano?” sunod sunod naman na tanong ni Harold kay Rose dahil ito na naman ang nakita nilang asarin ngayon.“Tsk. Bakit ba kasi ako na naman ang nakita ninyo? At isa pa alam mo hindi naman kailangan na may tipo akong lalaki dahil darating at darating din naman yan kung meron at tatanggapin ko naman siya kahit na ano pa siya… at kung wala naman e di wala. Pwede naman akong mabuhay ng walang lalaki. Nakaabot na nga ako sa ganitong edad kahit na wala akong nobyo ngayon. Kaya wag nyo na akong pagtripan pa,” sagot naman ni Rose sa kanyang kaibigan.Napakibit balikat naman si Harold sa naging sagot na iyon ni Rose.“Pero kunwari Rose… kunwari lang ha. May lalaking dumating sa buhay mo ngayon. Tapos nagtapat sya ng nararamdaman nya para sa’yo na mahal ka nga niya. Anong gagawin mo?” sabat naman na ni April.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Rose dahil muk
CHAPTER 346“Pasensya na talaga kayo mga bro. Masyado kasing marami ang nangyari sa akin nitong nagdaang taon kaya hindi ko na talaga maisingit na makipagkita pa sa inyo. Pero ngayon ay pwede naman kayong dumalaw sa aming bahay para naman makapag kwentuhan naman tayo ulit,” sagot naman ni Harold na aminado naman na guilty na hindi na siya nagkakaroon ng oras para sa kanyang mga kaibigan dahil mas gusto na lamang talaga niya ngayon na makasama ang kanyang asawa at anak.“Tsk. Sige… sabi mo yan ha. Pupuntahan ka talaga namin sa inyo,” nakangisi naman na sagot ni Benedict.Napapailing na lamang talaga si Harold dahil hindi pa rin talaga nagbabago ang kanyang mga kaibigan na ito kahit na matagal tagal na talaga silang hindi nakakapag usap.Sunod naman na linapitan ng bagong kasal ay ang pwesto ng kanilang mga kaibigan na sila Jane, Jeffrey, April at Rose pero si Jane nga ay sinamahan na muna ang ina ni Jillian upang magbantay sa kambal.“Finally natuloy din ang kasalan na ito. Congratulat
CHAPTER 345Saglit naman muna na pinakatitigan ni Jillian ang kanilang kambal na anak na sila Harlene at Harvey at saka niya ito magaan na hinalikan sa noo. Nagdahan dahan pa nga siya sa kanyabg pagkilos dahil baka magising ang mga ito.Agad na rin naman na umalis sila Harold at Jillian upang isa isahin ang table ng kanilang mga bisita na mukha namang nag enjoy sa kanilang kasal.Samantala, napapangiti na lamang talaga si Leony habang nakatingin sa kanyang anak kasama si Harold. Sobrang saya kasi talaga ng puso ni Leony ngayon dahil natagpuan na ng kanyang anak ang magpapaligaya rito. Masaya siya dahil nasa maayos ng buhay ang kanyang anak at hindi na nito mararanasan pa ang maghirap. Habang nakatitig pa si Leony sa kanyang anak na papalayo ay hindi niya lubos maisip na ang anak niya dati na mag isa siyang itinataguyod at ipinipilit na ilaban ang kanyang buhay ay mayroon ng sariling pamilya. Sobra pa siyang napabilib sa kanyang anak dahil talagang kinaya nitong malagpasan ang lahat
CHAPTER 344Nang matapos ang pictorial ng bagong kasal kasama ang kanilang mga bisita ay agad na rin naman silang dumiretso sa resort kung saan gaganapin ang reception ng kasal nila Harold at Jillian.Pagkarating pa lamang ng kanilang mga bisita roon ay talagang namangha kaagad sila sa ganda at lawak ng lugar at bukod pa roon ay napaka elegante pa rin ng ayos ng pagdarausan ng reception nila kahit na malapit na ito sa tabing dagat.Agad na rin naman na nagsimula ang program sa reception nila Harold at Jillian. May inihanda rin kasi talaga na pagames ang host ng kanilang kasal at talaga namang napakasigla rin nito kaya naman nag eenjoy din talaga ang kanilang mga bisita. Tuwang tuwa rin ang mga bisita nila sa kanilang mga papremyo. At kahit na mga bigating tao ang mga bisita nila sa kanilang kasal ay natutuwa sila Harold at Jillian dahil talagang game ang mga ito na sumali sa mga palaro.Matapos naman ang napakasayang mga palaro na iyon ng host nila sa kanilang kasal ay nagsimula na r