Share

CHAPTER 324

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-08-29 16:10:37

CHAPTER 324

“Basta ito ang tatandaan mo anak ha. Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin noon kaya ngayon ang sarili at ang pamilya mo naman ang dapat mong isipin ngayon. Wag mo na akong alalahanin pa palagi dahil kaya ko naman na at hindi mo na ako kailangang alalayan pa palagi. May sarili ka ng pamilya kaya dapat na ipriority mo ay sila. Basta tatandaan mo na narito lamang ako palagi para sa'yo,” sabi pa ni Leony habang nakayakap siya sa kanyang anak.

“Mahal na mahal ko din po kayo nay. Basta dito lang po kayo palagi sa tabi ko ha. At isa pa po kahit na may pamilya na ako ay hindi naman po pwede na pabayaan ko na lang kayo basta. kayo na lang din po ang meron ako kaya hinding hindi ko po kayo pababayaan,” sagot naman ni Jillian at saka siya bumitaw sa pagkakayakap niya sa kanyang ina.

“Ano ba naman yan… nag iyakan na tayo rito. Tama na nga yan,” natatawa pa na sabi ni Leony at saka niya pinunasan ang kanyang luha.

Sakto naman na dumating si Harold at nagt
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 337

    CHAPTER 337“Alam mo anak deserve mo ang lahat ng ito. Lumaki ka man sa hirap ay hindi yun naging hadlang para magtagumpay ka sa buhay. Yun nga lang talaga naging pasa mo ako dahil sa sakit ko kaya pasensya ka na talaga anak,” sabi pa ni Leony at naging malungkot pa ang kanyang tinig ng maalala niya ang pinagdaanan nila noon na mag ina. “At ngayon na isa ka na ring ganap na ina ay alam ko na magiging mabuti kang ina sa iyong mga anak at alam ko rin na magiging mabuti kang asawa kay Harold. Wag ka sanang magbabago anak ha. Manatili pa rin sana na nakaapak ang iyong mga paa sa lupa kahit na nakakaangat ka na ngayon sa buhay,” pagpapatuloy pa ni Leony.“Wag po kayong mag alala nay dahil hinding hindi po ako magbabago. Maaaring may magandang buhat na nga po kami ng mga bata dahil sa yaman na meron ang asawa ko ay hindi naman po nangangahulugan na kailangan na maging mapagmataas po ako. Mananatili pa rin po ako kung sino ako noon hanggang ngayon,” sagot ni Jillian sa kanyang ina. “At wag

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 336

    CHAPTER 336Napabuntong hininga naman si Jillian dahil talagang nahihiya siyang humarap sa ibang tao bukas lalo na at karamihan sa kanilang mga bisita ay kasosyo sa negosyo ng pamilya nila Harold.“Bukas ay araw natin kaya dapat ay i-enjoy mo ang pinakamahalagang araw para sa ating dalawa. At isa pa ay birthday din ng kambal bukas kaya panigurado na mawawala rin iyang kaba at hiya mo dahil mag eenjoy ka na lang talaga,” sabi pa ni Harold. Alam kasi ni Harold na hindi talaga sanay si Jillian na makisalamuha sa kanilang mga kasosyo sa negosyo at alam din niya na hindi ito sanay sa mga bonggang selebrasyon.Napagkasunduan din nilang mag asawa na pagkatapos ng kanilang kasal sa umaga bukas ay sa hapon naman gaganapin ang children’s party para sa kambal nilang anak na sila Harlene at Harvey. Alam naman nila na hindi pa masyado alam ng bata ang nga ganoong party para sa kanila pero si Harold ay gusto talagang ibigay ang pinaka the best para sa kanilang mga anak ni Jillian.Hindi naman nags

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 335

    CHAPTER 335Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at naging abala na talaga sila Harold at Jillian para sa preparasyon para sa kanilang enggrandeng kasalan na kahit ayaw sana ni Jillian ay hindi talaga pumayag si Harold pati na rin ang magulang niya dahil gusto nilang ibigay kay Jillian at Harold ang best para sa mga ito na kasal.Napagpasyahan din nilang dalawa na sa Batangas na lamang magaganap ang kasalan dahil gusto nila na sa beach resort kung saan nagpropose muli si Harold gaganapin ang kanilang reception. Napakalaki rin naman kasi talaga ng lugar na iyon at isa pa ay paniguradong mag eenjoy ang kanilang mga bisita dahil pwede silang mag swimming sa dagat dahil pagkatapos ng kasal ay pwede rin naman silang magstay muna roon dahil ilang araw din talaga na rinentahan ni Harold ang naturang resort.Naging katuwang naman ni Jillian ang kanyang ina sa pag aalaga sa kambal lalo na kapag may mga kailangan siyang puntahan at asikasuhin na hindi nya maaaring isama ang kambal. Ka

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 334

    CHAPTER 334Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jillian at daka niya seryosong tinitigan ang kanyang asawa.“Makakahindi pa ba naman ako sa'yo e asawa na kita. Syempre yes,” sagot ni Jillian kay Harold.Agad naman na napangiti si Harold dahil akala niya ay hihindi na si Jillian lalo na at ramdam niya na ayaw na talaga nitong ikasal silang muli dahil kasal naman na raw sila. Alam din kasi talaga niya na hindi mahilig si Jillian sa mga bonggang selebrasyon kaya may kaba rin talaga siyang nararamdaman kanina pa.Isinuot naman kaagad ni Harold sa daliri ni Jillian ang singsing at may pagmamadali pa niya utong ginawa dahil baka magbago pa ang isip nito at agad na rin naman siyang tumayo.“Thank you, wife. Thank you. Akala ko talaga ay hihindi ka na e,” sabi pa ni Harold at saka niya matamis na hinalikan sa labi ang kanyang asawa at saka niya ito yinakap ng mahigpit.“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Alam ko na kasal naman na tayo pero iba pa rin pala talaga

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 333

    CHAPTER 333Titig na titig naman si Jillian kay Harold dahil napakagwapo talaga nito lalo na ng lapitan siya nito. Hindi pa nga siya kaagad nakapag react at tila ba nahipnotismo na siya nito dahil kusa na lang siyang sumama rito. At nang ngumiti si Harold ay mas lalo pa itong naging gwapo lalo na sa paningin ng kanyang asawa.“Baka naman matunaw na ako nyan, wife,” nakangiti pa na sabi ni Harold sa kanyang asawa.Napakurap kurap naman si Jillian at para bang bigla siyang bumalik sa wisyo ng magsalita si Harold.“Ano ba kasi ang meron? Bakit may paganito kayo?” tanong pa muli ni Jillian dahil talagang naguguluhan pa siya sa mga nangyayari.Matamis naman na nginitian ni Harold ang kanyang asawa at saka niya ito magaan na hinalikan sa labi.“Gusto kasi kitang surpresahin. Gusto ko kasing magpasalamat sa’yo sa pagmamahal mo sa amin ng mga bata,” sabi ni Harold habang hindi inaalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi.“Ha!? Hindi mo naman na ito kailangang gawin dahil talaga namang mahal

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 332

    CHAPTER 332Kinagabihan naman noon ay abala naman si Jillian sa pag aasikaso sa kanyang kambal ng biglang pumasok sa loob ng kanilang silid ang kanyang ina.“Nay, may kailangan po kayo?” nagtataka naman na tanong ni Jillian sa kanyang ina dahil para bang aligaga ito na pumasok sa kanilang silid.“Anak, si Harold,” tila hinahapo pa na sabi ni Leony.Parang bigla namang kinabahan si Jillian dahil sa paraan ng pagkakasabi ng kanyang ina at para bang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa hindi niya malamang dahilan.“Bakit po nay? Ano po ang nangyari kay Harold?” hindi na napigilan na tanong ni Jillian sa kanyang ina.“Basta.. tara na sa labas… kailangan mo nang magmadali. Bilisan natin,” sabi ni Leony.“Teka po nay. Saglit lang po… ang kambal po,” sabi ni Jillian dahil patutulugin na sana talaga niya ang kambal.“Ayy.. oo nga pala. Ang mga apo ko nga pala,” sabi ni Leony na sa sobrang pagkataranta ay nalimutan na ang kanyang mga apo. Kinuha naman na niya kaagad ang stroller ng kambal at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status