Share

CHAPTER 409

Penulis: Anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-26 15:40:06

CHAPTER 409

“Kuya naman… ngayon na nga lang tayo ulit nagkita nanenermon ka pa talaga. Hindi ba pwedeng namiss mo rin ako,” paglalambing ni Rose rito dahil panigurado na sermon talaga ang abot niya rito kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya.

Sa kanila kasing magkakapatid ay ang kanyang kuya Ricky ang mas kasundo ni Rose kaya naman ng mag asawa ito ay sobra talaga siyang nalungkot dahil hindi na niya makakasama madalas ang kanyang kuya Ricky.

“Tsk. Baka may ginagawa ka ng kung ano ano r’yan ha. Lagot ka talaga kay dad,” pananakot naman ni Ricky sa dalaga.

“Lagot talaga yan kay dad kapag may ginawa iyang kalokohan. Pero ngayon sa tingin ko ay hindi na siya uubra kay dad dahil dito na ulit siya titira sa mansyon. Kaya naman goodluck na lang talaga sa’yo little sister. Sana ay matagalan mo talaga rito,” naiiling naman na sabat ni Renz at saka siya lumapit kay Rose at saka niya ito yinakap.

Gumanti rin naman ng yakap si Rose rito pero sinamaan niya ito ng tingin dahil talagang tinakot
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 422

    CHAPTER 422Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mga kapatid ni Rose at laking pasalamat talaga ng dalaga dahil natigil na ang usapin nila Harold at ng kanyang ina tungkol kay Jeffrey.“Mabuti naman at narito na kayo. Kumusta sa mansyon?” agad naman na tanong ni Anna sa kanyang mga anak.“Pinatapos na po dad ang party at nagkulong na lang din po si dad sa kwarto ninyo. Hindi na lang din po namin siya pinakialaman pa dahil panigurado na mainit na naman ang ulo nya at ayaw naman po namin na mapagbuntunan ng kanyang galit,” sagot ni Ricky sa kanyang ina.“Kayo po mom.. kumusta kayo ni Rose? Okay lang po ba kayo?” tanong naman ni Renz.“Ayos lang naman kami at salamat na lang talaga dahil nariyan si Harold at ang kanyang pamilya,” sagot ni Anna.Napatingin naman sila Ricky at Renz sa gawi nila Harold at Jillian.“Salamat nga pala sa inyo. Pasensya na kayo dahil kayo pa ang naabala namin. Kayo lang din kasi ang mapagkakatiwalaan namin pagdating kay Rose,” sabi ni Ricky sa mag asawa.“A

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 421

    CHAPTER 421Ilang saglit pa nga ay nakarating na rin sila sa bahay nila Harold at namangha naman si Anna dahil napakaganda ng bahay ng mga ito at napakasimple pa.“Infairness sa bahay ninyo… ang ganda ha. Hindi man siya mataas na bahay pero napakalawak naman dito,” sabi ni Anna pagkapasok niya sa loob ng bahay nila Harold.“Sinadya po talaga namin na walang taas ang aming bahay pero pinalawak na lamang po namin. May sakit po kasi sa puso ang asawa at byenan ko at kung magpapataas pa po ako ng bahay ay baka mapagod lamang po sila sa pag akyat baba sa hagdan,” sagot naman ni Harold.Namangha naman si Anna sa sinabi na iyon ni Harold dahil may dahilan pala talaga kung bakit hindi mataas ang bahay ng nga ito.Naupo naman na muna sila sa sala ng bahay nila Harold at nagpahanda na rin muna si Harold sa kanilang kasambahay ng maaari nilang kainin doon. Habang si Jillian ay nagpaalam na muna dahil patutulugin na nito ang kambal. At sila Jane naman ay umuwi na muna sa kanilang bahay dahil nahi

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 420

    CHAPTER 420Paglabas nila Anna sa kanilang mansyon ay nagulat pa silang mag ina dahil may nakaabang na kaagad na sasakyan sa kanila roon. “Sumakay na kayo mom. Sila Harold yan sinabihan ko sila na isakay na muna kayo ni Rose para hindi kayo masundan ni dad,” sabi ni Ricky sa kanilang ina dahil kita nila ang pag aalangan sa mukha nito na sumakay doon. “Wag po kayong mag alala dahil susunod na lamang po kami ni Renz doon mamaya,” dagdag pa niya.Nagulat naman si Rose sa sinabi na iyon ng kanyang kapatid at para bang bigla siyang kinabahan dahil baka may alam na ang mga ito lalo na at kasama ni Harold si Jeffrey.“Sige. Mag iingat kayo at wag nyo na munang sasabihin sa daddy nyo kung saan kami pupunta ni Rose,” sagot ni Anna at saka niya hinila si Rose pasakay sa loob ng sasakyan ni Harold.Pagkasakay na pagkasakay nila Anna at Rose sa loob ng sasakyan ni Harold ay agad na itong pinaandar ni Harold.“Kumusta na po tita?” sabi ni Harold sa ina ni Rose dahil ngayon lang niya ito muling na

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 419

    CHAPTER 419Matapos na makapagpalit ng kanyang damit si Rose ay nagmamadalu na rin siyang lumabas sa CR at naabutan niya ang dalawa niyang kapatid na mukhang hinihintay siya.“Nasaan si mom, kuya?” tanong ni Rose sa kanyang mga kapatid.Sabay naman na napatingin sila Ricky at Renz kay Rose at nagulat pa sila dahil napakabilis nitong magpalit ng damit.“Nagpapalit lamang ng damit si mom. Hintay hintayin na lamang natin siya rito.************Samantala sa silid ng mag asawang Gerome at Anna ay agad naman na linapitan ni Gerome ang kanyang asawa na nakapagpalit na ng damit.“Anna, ano na naman ba ito? Mag usap nga muna tayo,” sabi ni Gerome sa kanyang asawa.Hindi naman nagsalita si Anna at saglit lang niyang tinapunan ng tingin ang kanyang asawa at saka niya kinuha ang kanyang shoulder bag.“Anna, please mag usap muna tayo. Sorry kung nasaktan ko si Rose. Hindi ko lamang napigilan ang sarili ko kaya ko nagawa ang bagay na iyon,” sabi ni Gerome at saka niya hinawakan sa braso ang kanyan

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 418

    CHAPTER 418“Kung hindi mo gusto ang pasya ko ay wala akong pakialam sa’yo. Mahal kita at mahal ko ang pamilya natin pero kung ganyan na at sobra naman na ang ginagawa mo sa ating anak ay ibang usapan na iyon, Gerome,” sabi pa ni Anna at saka siya tumingin kay Rose.“Magpalit ka na ng iyong damit Rose dahil aalis na tayo ngayon din dito sa mansyon. Wag kang mag alala dahil hindi ko hahayaan na mapahamak ka,” baling ni Anna kay Rose.Nagulat naman ang tatlong magkakapatid sa lahat ng sinabi na iyon ng kanilang ina. Napakabait kasi talaga ng kanilang ina at hindi pa talaga nila ito nakitang magalit ng ganito. Hindi rin nila nakikita na nag aaway ang kanilang mga magulang dahil alam nila na magaling magdala ang kanilang ina at napakahaba rin talaga ng pasensya nito sa kanilang ama. Kaya naman ngayon ay hindi nila inaasahan na magsasalita ito ng ganito sa kanilang ama.“M-mom…” kandautal pa na sabi ni Rose.“Sige na, Rose. Ako ang bahala sa iyong ama. Kung kinakailangan na umalis tayo rit

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 417

    CHAPTER 417“Ayos ka lang ba?” puno ng pag aalala na tanong ni Ricky kay Rose.Hindi naman nagsalita si Rose at tumango na lamang siya habang hawak niya ang kanyang pisngi na sinampal ng kanyang ama.“Ano po ba sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo dad? Gusto nyong nagkaroon ng magandang buhay si Rose pero ngayon pa lamang ay sinasaktan nyo na siya,” galit naman na sabi ni Renz sa kanyang ama.“Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan,” sigaw ni Gerome kay Renz at dinuro duro pa nga niya ito.Agad naman na pumagitna si Anna upang awatin ang kanyang mag aama.“Tama na yan. Ano ba naman kayo. Hindi ba pwede na mag usap na lamang kayo ng maayos at hindi yang nagsisigawan at nagsasakitan kayo. Napakarami pa ng bisita sa labas. Hindi ba kayo nahihiya na baka marinig o makita nila kayo na nag aaway away ng dahil lamang dyan,” sabat naman na ni Anna dahil ayaw rin naman niyang mapahiya ang kanyang pamilya at isa pa bilang ina ay masakit para sa kanya na makita na nagtatalo talo ang kany

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status