Mag-log inCHAPTER 475Huminga naman ng malalim si Jeffrey para pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa totoo lang ay kanina pa talaga siya kinakabahan.“Oo nga pala. Pinapaayos ko na rin yung mga kailangan mo mamaya at syempre mauuna ang proposal mo bago ang dinner. Ilang minuto na lang din ay pwede ka ng lumabas kaya mag ayos ka na rin ng iyong sarili. Babalikan na lamang kita mamaya. Sadyang sinilip lang kita dahil baka kung ano na ang ginagawa mo rito,” sabi pa ni Harold.“Salamat talaga ha. Salamat sa tulong mo. Sobra sobra na talaga ang pasasalamat ko sa’yo, Harold,” sabi ni Jeffrey kay Harold at tila ba nakahinga na siya ng maluwag dahil tinutulungan talaga siya ni Harold sa kanyang plano.“Tsk. Wala yun. Parang kapatid ko na iyang si Rose kaya wala akong ibang hangad kundi ang lumigaya siya. At kung sa’yo siya liligaya ay sino ba naman ako para hindi tumulong sa’yo. Kaya good luck mamaya ha,” sagot ni Harold at saka siya naglakad papunta sa may pinto ng naturang silid.“Relax ka lang, Jef
CHAPTER 474Samantala naman si Jeffrey ay maaga pa lamang ay naroon na sa resort at walang kaalam alam si Rose na ang kanyang nobyo ay naroon lang din naman. Sinadya rin talaga ni Jeffrey na patayin ang kanyang cellphone dahil alam niya na tatawagan siya nito oras na malaman nito na hindi siya kasama nila Harold.Nang mga oras na iyon habang abala ang lahat sa kani kanilang mga ginagawa ay nasa isang silid lamang din naman si Jeffrey at paminsan minsan ay sumusulyap lamang ito sa bintana ng silid na iyon. Pero bago syempre siya magtago sa silid na iyon ay naisaayos na niya ang lahat ng kanyang mga kakailanganin dahil ngayon niya napagpasyahan na magpropose sa kanyang nobya na si Rose.Matapos kasi na makausap ni Jeffrey ang ama ni Rose na si Gerome ay pinag isipan niyang mabuti kung isasabay ba niya ang kanyang pagpopropose sa dalaga sa mismong anniversary ng mga magulang nito. Noong una ay talagang nag aalangan siya dahil nga ayaw naman niya na maagawan ng selebrasyon ang mga magulan
CHAPTER 473Nanatili naman na walang imik si Jillian at hinihintay pa niya ang kasunod na sasabihin ni Rose.“Paano naman kasi… lastweek ay hinayaan niya ako na magtaxi pauwi at hindi man lang muna siya sumaglit sa opisina para magsabi sa akin dahil talagang nag message lang siya na may pupuntahan daw sila ni Harold. Ang mas nakakainis pa ay ni hindi man lang niya sinasagot ang mga tawag mo at kahit yang si Harold ay hindi ko rin makontak. Kaya hindi mo rin naman ako masisisi kung bakit sumama ang loob ko sa kanya,” nakasimangot pa na pagkukwento ni Rose kay Jillian.Pigil naman ni Jillian ang matawa dahil sa sinabi na iyon ni Rose.“Tapos? Anong nangyari?” tanong pa ni Jillian.“Tapos… ayun hindi ko siya iniimikan at pinapansin simula noon. Hindi ko na rin siya nasabihan na sumama ngayon dito dahil alam ko naman na sasama siya sa inyo,” sagot ni Rose.“Pagkatapos ngayon ay magmumuryot ka r’yan at magmumukmok dahil wala si Jeffrey ngayon dito sa anniversary ng magulang mo. Malamang hi
CHAPTER 472Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay anniversary na ng kasal ng mga magulang ni Rose na sila Gerome at Anna. At gaya nga ng plano ng mga ito ay sa isang beach resort sila magcecelebrate ngayon at talagang sinulit na nila iyon dahil dalawang araw nilang rinentahan ang buong resort na iyon. Sinakto rin talaga nila na walang pasok sa opisina para naman makumpleto ang kanyang mga anak dahil hindi naman masaya kung kulang ang mga ito.Bukod sa pamilya nila ay inimbitahan din nila Gerome sila Harold kasama ang pamilya nito at pinasama na rin nila ang mga kaibigan ni Rose na si April at kapatid ni Jeffrey na si Jane.Halos sila sila lang talaga ang naroon sa buong resort dahil yun talaga ang gusto nila dahil kapag nagsama pa sila ng ibang mga kaibigan nila sa negosyo ay parang hindi na sila makapag enjoy ng maayos dahil may mga bisita sila na kailangang asikasuhin.At dahil nga minsan ng nakasama ni Anna ang ina ni Jillian at ang ina ni Harold ay talagang nagreq
CHAPTER 471“Kung talagang sa piling mo sasaya ang nag iisa kong prinsesa na si Rose ay sino ba naman ako para pigilan na maging masaya ang aking anak. Kaya naman ibinibigay ko ang basbas ko sa'yo Jeffrey,,” nakangiti pa na sabi ni Gerome.Agad naman na napangiti si Jeffrey dahil sa sinabi na iyon ng ama ni Rose dahil talagang kinakabahan na siya dahil baka ayaw pa nito na mag asawa si Rose.“Pero ito ang tatandaan mo Jeffrey. Ayokong makikita na umiiyak o nasasaktan ang anak ko ng dahil sa’yo dahil kahit na mag asawa na kayo ay kaya kong ilayo sa’yo ang aking anak. Kilala mo ako Jeffrey at kilala rin ako ni Harold at oras na magalit ako ay ginagawa ko talaga ang kung anong sinabi ko,” bigla namang seryoso na sabi ni Gerome sa binata.Muli namang hinarap ni Jeffrey si Gerome habang may ngiti sa kanyang labi.“Wag po kayong mag alala tito dahil hinding hindi ko po sasaktan ang inyong anak dahil mahal na mahal ko po siya. At kung makita nyo naman po siya na umiiyak ay yun po ay dahil sa
CHAPTER 470Tila nabigla naman si Gerome sa sinabi na iyon ni Jeffrey at hindi talaga siya kaagad nakapagsalita ng dahil doon. Napaawang pa nga ang kanyang bibig habang nakatitig sa binata dahil sa pagkabigla.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jeffrey at nanatili lamang siyang seryoso na nakatitig sa ama ng kanyang nobya.“Alam ko po na masyado pong mabilis ang lahat pero wala na po akong ibang mahihiling pa ngayon kundi ang makasama nang panghabambuhay ang inyong anak,” sabi pa muli ni Jeffrey ng hindi pa nagsalita si Gerome.Napatikhim naman si Gerome at saka siya napaayos ng kanyang pagkakaupo.“Sigurado ka na ba talaga sa bagay na iyan, hijo? Sigurado ka na ba talaga sa anak ko? Baka naman ginagawa mo lang iyan ay dahil sa yaman na meron kami?” sunod sunod naman na tanong ni Gerome habang nanatili na seryoso ang kanyang mukha.Muli na namang napabuntong hininga si Jeffrey dahil sa mga naging tanong na iyon ni Gerome at nanatili pa rin siyang seryoso na naka







