CHAPTER 5
“Hmm. Wala naman. Matagal tagal ka na kasi naming hindi nakakasama nila Bendict at Wilson na gumimik eh. Weekends naman bukas. Tara, sama ka naman sa amin ngayon,” sagot ni Miguel kay Harold. Napatingin naman nga si Harold sa kanyang suot na relo at nakita nga niya na mag alas diyes na ng gabi kaya naman napabuntong hininga na lamang nga siya. “Pwede ba na next time na lang. Pagod ako ngayon at gusto ko sanang magpahinga na lang muna,” sagot ni Harold. “Tsk. Ang KJ mo naman bro. Matagal ka ng hindi lumalabas. Sige na. Sumama ka na sa amin. Ngayon na lang naman ulet eh. Hihindian mo pa ba naman kami ngayon?” pangungulit pa ni Miguel kay Harold. “Don’t worry bro ako ng bahala kay tito Louie. Actually andito na nga kami sa labas ng mansyon ninyo at ikaw na lang talaga ang hinihintay namin,” dagdag pa nya. Nagulat naman nga si Harold sa sinabi ni Miguel at wala sa sarili na tumayo nga siya sa kanyang kinauupuan at saka sya sumilip sa bintana ng kanyang kwarto. Pagkasilip nga niya sa bintana ay agad nga niyang nakita si Miguel na kasama sila Benedict at Wilson na naghihintay sa labas ng kanilang mansyon. At nang mapansin nga siya ni Miguel doon ay nakita pa nya na kumaway nga ito kaya naman napapailing na lamang nga siya. “Tsk. Mukhang wala na pala akong kawala sa inyo. At talagang sinundo nyo pa ako ha,” iiling iling pa na sabi ni Harold kay Miguel na nasa kabilang linya pa rin. “Syempre naman. Akala mo ba hahayaan namin na makatakas ka ngayon? Tsk. Marami ka ng utang sa amin. Napakayaman mo pero napakakuripot mo pa rin sa amin na mga kaibigan mo. Maano ba naman na ilibre mo kami paminsan minsan kapag lalabas tayo, hindi ba? Hindi ka naman maghihirap nyan,” tatawa tawa pa na sagot ni Miguel kay Harold. Hindi naman na pinatulan pa ni Harold ang pang aasar ni Miguel at nagpaalam na muna sya rito na maliligo na muna siya saglit bago nya pinutol ang kanilang tawag. Saglit na saglit lang naman nga na naligo at nagbihis si Harold dahil kanina pa rin talaga sya nanlalagkit at ayaw naman nyang umalis ng hindi sya kumportable. Pagkalabas ni Harold ng kanyang silid ay agad nga niyang nasalubong ang kanyang ina na papunta na rin sa silid ng mga ito. “Aalis ka anak?” gulat pa na tanong ni Shirley kay Harold ng mapansin nga niya na nakabihis na nga ito. “Ahm.. Yes mom. Lalabas po muna ako kasama sila Miguel,” sagot ni Harold sa kanyang ina. Dahan dahan naman na tumango si Shirley sa kanyang anak dahil matagal tagal na rin nga niya itong hindi nakikita na lumabas kasama ang mga kaibigan nito. “Himala ata at sasama ka sa kanila ngayon. Napansin ko kasi simula ng naging abala ka na sa kumpanya ay hindi ka na lumalabas kasama ang mga kaibigan mo,” sabi ni Shirley. Napakamot naman nga sa kanyang ulo si Harold dahil totoo naman nga ang sinabi ng kanyang ina. Noon kasing wala pa siyang hawak na kumpanya ay wala na yatang araw na hindi sila gumigimik ng mga kaibigan nya at ngayon nga na may hawak na siyang kumpanya ay parang gusto na lang talaga niyang humilata pagkauwi niya. “Oo nga po mom. Ayaw ko nga po sanang sumama sa kanila ngayon kaso po ang Miguel ay ayaw po akong patakasin at nandyan na po sila sa labas kanina pa,” tatawa tawa pa na sagot ni Harold sa kanyang ina. “Mukhang wala ka ngang ligtas ngayon anak,” natatawa rin naman na sagot ni Shirley kay Harold. “O sya sige na. Lumakad na kayo. Mag iingat ha,” dagdag pa niya. “Sige po mom. Pasabi na lang din po kay dad,” sagot naman ni Harold at saka nga siya humalik sa pisngi ng kanyang ina. “Ako na ang bahala roon. Basta mag ingat ha. Ang mga babae ha dapat safe,” nakataas ang kilay na paalala pa ni Shirley. Napakamot naman nga sa kanyang ulo si Harold dahil sa huling sinabi ng kanyang ina. Hindi naman sya nagtatable ng mga babae pero ang mga kasama nya ay hindi naman nagpapaawat sa pagkuha ng babae. Hindi na rin nga nagtagal pa roon si Harold at lumabas na rin nga siya sa kanilang mansyon at agad na pinuntahan ang kanyang mga kaibigan na naghintay na lamang nga sa kanya sa labas dahil ayaw pumasok sa loob ng kanilang mansyon. “Woah. Ayaw daw sumama pero tingnan mo naman. Nakaporma pa,” biro ni Benedict kay Harold. “Tsk. Sira ka. Galing akong opisina kaya ako naligo muna dahil kanina pa ako nanlalagkit,” sagot ni Harold at saka nga niya sinamaan ng tingin ang kanyang kaibigan. “Oo na. Sige na. Basta ilibre mo kami ngayon ha,” nakangisi pa na sabat naman ni Wilson. Napapailing na lamang nga talaga si Harold sa mga kaibigan nyang ito. Alam nya na wala talagang balak ang nga ito na tigilan sya kaya pagbibigyan na lang din niya ang nga ito ngayon. Agad na rin nga silang sumakay sa kani kanilang mga kotse. Ang mga kaibigan kasi na ito ni Harold ay mga galing rin naman sa mayayamang pamilya. Yun nga lang ay hindi kagaya niya na may hawak na kaagad na kumpanya kaya hayahay pa nga ang mga ito at pagimik gimik lang. Saglit lamang naman ang naging byahe nila papunta sa bar dahil hindi naman din sila natraffic. At ang bar nga na kanilang pinuntahan ay kilala na rin nga sila kaya agad na rin nga silang nakakuha ng table.CHAPTER 240Napabuntong hininga na lamang si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan at kitang kita niya sa mukha nito na galit na galit pa nga ito. Kaya naman kumuha na muna siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma nga ang kanyang kaibigan.“Uminom ka na muna ng tubig at ikalma mo iyang sarili mo. Kilala na kita Harold at kapag ganyan na galit na galit ka ay hindi mo kayang kontrolin ang iyong sarili,” seryoso naman na sabi ni Rose at saka niya inilapag na muna ang isang baso ng tubig sa may harapan ng binata.Umayos naman ng pagkakaupo niya si Harold at pilit nga niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Pero sa totoo lang ay grabeng pagpipigil na talaga ang ginawa niya kanina dahil baka nga makalimutan niya na ama niya ang kanyang kausap at baka masaktan niya ito. Kinuha naman na rin ni Harold ang tubig na ibinigay ni Rose at inilang lagok lamang nga niya iyon.Napapailing naman si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan. Hindi kasi niya akalain na talagang susugod
CHAPTER 239“Dad, alam nyo po kung ano ang hindi ko maintindihan? Hindi ko po maintindihan kung bakit ako nadamay sa pinaggagawa ninyo,” halos pasigaw pa nga na sgaot ni Harold sa kanyang ama dahil talagang galit na galit siya ngayon at hirap na hirap na talaga siyang kontrolin ang kanyang sarili. “Wala po akong kaalam alam sa ginawa ninyo na iyan pagkatapos ngayon na nagkaroon kayo ng problema ay idinamay ninyo ako. Dad ayoko po na magkasira tayo at alam nyo po kung gaano ko po kayo rinerespeto at iginagalang pero kung ganito na kalayaan ko na ang nagiging kapalit ng ginawa ninyo ay pasensyahan na lang po tayo pero hindi ko na kayo mapagbibigyan pa sa bagay na yan,” pagpapatuloy pa niya.“Wag kang mag alala dahil pipilitin ko na makahanap ng paraan para tigilan ka na nila. Pasensya ka na talaga anak kung nadamay ka pa rito. Alam ko naman na kasalanan ko ito kaya humihingi ako ng tawad sa iyo,” sagot ni Louie at nagyuko na nga siya ng kanyang ulo dahil nahihiya na siya sa kanyang anak
CHAPTER 238Pagkatapos na makausap ni Harold ang babae na naroon sa front desk ay imbes na dumiretso na siya ng alis papunta sa bahay nila Jillian ay napaakyat nga muli siya upang puntahan naman ang kanyang ama na siyang dahilan kaya siya ginugulo ng Camille na iyon.Kung hindi kasi dahil sa kanyang ama ay hindi naman magkakaroon ng pagkakataon si Camille na mapalapit sa kanya at hindi nito maipipilit ang gusto nito.Habang naglalakad pa nga lang si Harold papunta sa opisina ng kanyang ama ay kitang kita mo na sa mata nito na galit nga ito. At kahit nga nakasalunong niya si Rose ay para bang wala itong nakita at dire diretso lamang ito sa paglalakad.“Harold! Harold!” tawag ni Rose sa kanyang kaibigan pero ni hindi man lang nga siya nito liningon at dire diretso lamang ito sa paglalakad kaya naman napakunot ang noo niya. At dahil nag aalala nga siya rito dahil napansin niya na galit nga ito ay dali dalu na nga niya itong sinundan.Pagkarating naman ni Harold sa opisina ng kanyang ama
CHAPTER 237“Maganda po sir. Maputi at medyo matangkad din po. sagot naman ni Jane. Saglit naman na natahimik si Harold at iniisip niya kung sino kaya ang babae na iyon pero sa dami ng kilala niyang maganda, maputi at matangkad ay hindi niya malaman kung sino ba ito.“Sige salamat. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino ba ang babae na iyon. Pero wag kang mag alala dahil hindi totoo ang sinasabi niya. At hindi ko magagawang lokohin si Jillian,” sagot ni Harold sa dalaga.Napangiti naman si Jane sa sinabi na iyon ni Harold dahil kanina pa rin talaga siya hindi mapakali dahil baka nga linoloko na ni Harold ang kanyang kaibigan.“Naniniwala naman po ako sa inyo sir. At alam ko po na hindi ninyo magagawa iyon sa kaibigan ko,” sagot ni Jane.“Oo naman kaya ipanatag mo ang sarili mo,” sagot ni Harold. “May ipapakiusap lang sana ako sa iyo… sana ay hindi na ito makarating pa kay Jillian. Alam naman natin kung ano ang kundisyon niya ngayon at ayaw ko lamang na mag isip siya ng kung ano ano
CHAPTER 236“Anong problema mo? Bakit bigla bigla ka na lang nananampal dyan?” kunot noo pa na tanong ni Harold sa dalaga. “Pinapunta punta mo ako rito tapos mananampal ka na lang ng walang dahilan. Nababaliw ka na ba talaga, Rose?” pagpapatuloy pa nito dahil talagang nabigla siya sa ginawa na iyon ni Rose at wala siyang ideya kung ano ba ang problema nito sa kanya.“Umamin ka nga sa akin Harold Villanueva. Bukod kay Jillian ay may iba ka pa bang nobya? Meron ka na bang fiance ng hindi ko nalalaman?” parang nanay pa na sunod sunod na tanong ni Rose kay Harold.Lalo namang napakunot ang noo ni Harold dahil sa tanong na iyon ni Rose.“Ano ba ang pinagsasasabi mo r’yan? Nababaliw ka na ba talaga?” naguguluhan pa rin na tanong ni Harold dito.“Basta sagutin mo na lamang ang tanong ko. Ang dami mo pang sinasabi e,” inis naman na sagot ni Rose dahil kanina pa talaga siya hindi mapakali sa kakaisip tungkol sa babae na sinasabi ni Jane kanina.“Wala… wala akong ibang nobya kundi si Jillian la
CHAPTER 235Pagkabalik naman ni Rose sa kanyang pwesto ay hindi na rin nga siya mapakali dahil talagang iniisip niya ang mga sinabi na iyon ni Jane.Kilala naman na niya noon pa si Harold at ni minsan ay hindi niya ito nakitang pinagsabay ang dalawang babae. Alam din niya na marami ang naghahabol dito dahil nga sa napakagwapo nito pero wala pa siyang nabalitaan na may pinatulan ito sa mga babae na iyon. Sobrang malapit din kasi talaga sila Rose at Harold kaya naman nagsasabihan sila ng mga sikreto nila sa buhay. Kaya alam ni Rose na hindi ito magagawa ng binata kay Jillian dahil ngayon lang din niya nakita si Harold na mahumaling ng ganoon sa isang babae.At dahil nga hindi na mapakali pa si Rose ay agad na niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan si Harold dahil talagang hindi siya makakapag concentrate sa trabaho kapag ganitong mayroon siyang iniisip.“Hello Harold. Nasaan ka?” agad na tanong ni Rose sa kaibigan niya pakasagot nito ng kanyang tawag.“Nasa condo ko ako ngay