Share

Chapter Two

Chandrelle Moreno

"Ohh, ang aga-aga nakasimangot ka na naman Chandrelle aba dinaig mo pa ang semana santa ang mukha mo." natatawang sambit ni Jane na kapwa ko empleyado dito Aviel Corporation. Paano ba naman akong hindi maiinis pinagtripan na naman ako ng girlfriend ni Sir hindi ko nga alam kung bakit mainit ang dugo ng babaeng yon sa akin. Wala naman akong matandaan na ginawang masama na ikakagalit nito sa akin.

Hindi ko naman nilalandi si Sir Enzo eww ayoko sa hotdog may allergy ako doon. Lipstick lesbian kasi ako sa kilos at pananalita ko ay hindi mo mahahalata. Pilit kong tinatago ang sexual orientation ko dahil nga napaka religious ng family ko at baka ma heart attack pa sila kapag inamin ko na isa akong baccla.

Pagod na akong marinig sa bibig nila na kapag kasapi ka sa LGBTQIA ay isa kang marumi, masusunog ang kaluluwa mo o di kaya naman mapupunta ka sa impyerno. Edi wow naman.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napatingin sa kanya. "Paano ba naman inutusan akong bumili ng coffee niya eh pwede namang magpa deliver. Halatang pinapahirapan lang ako. My gosh, mabuti pang nag stay nalang siya sa Barcelona para naman matahimik ang pagta-trabaho ko dito sa Aviel." naiinis na reklamo ko at napagdesisyunang umupo na sa swivel chair para ipahinga ang nananakit kong paa.

"Yan nga ang pinagkakataka mo mare kung bakit kumukulo ang dugo ni Ma'am Klea sayo. Baka may nagawa ka sa kanya na hindi niya nagustuhan?" napalkunot ang noo ko at nagisip pero Wala talaga akong matandaan na ginawang masama sa kanya. Nagulat na nga lang ako noong first time ko siyang mameet ay nakakatakot na irap ang ginawa niya sa akin.

May tililing ata siya.

Umiling naman ako. "Wala naman siyang pinagawa sa akin na pumalpak. Alam mo naman pagdating sa trabaho o kung ano ang pinapautos sa akin ay sinisigurado kong maayos at walang magiging problema." sabi ko na pilit pinapakalma ang inis na nararamdaman ko.

Napatigil kami sa pagsasalita nang biglang naligaw si Ynah sa pwesto namin na hinihingal halatang tumakbo ito. "Cha, pinapatawag ka ni Ma'am Klea sa office nito at kulang nalang bumuga ng apoy. Anong ginawa mo para magalit ito? Naku! Baka mawalan kana ng trabaho."

Nagtataka na tumayo ako medyo masakit pa din ang binti ko pero kaya namang maglakad. "Bakit daw?" singit ni Jane na may pagtataka sa mukha niya at palipat lipat sa amin ng tingin. Nagkibit balikat lamang ito "Hindi ko alam pero goodluck sayo Cha."

Kabado at feeling ko mahihimatay ako ngayon habang naglalakad papunta sa office ni Ma'am Klea siya muna ang pumalit pansamantala kay Sir Enzo habang nasa Venice ito para sa conference meeting. Balak atang mag expand ang negosyo niya sa Austria.

"Goodluck sayo Mare. I-kiss mo nalang si Ma'am Klea para hindi na magalit." natatawang asar ni Jane na kahit si Ynah ay nakitawa na din.

Nagpaalaam na ako sa kanila para puntahan ang amo kong dragon. Nginingitian ko lang ang bawat empleyado na nakakasalubong ko. Huminga muna ako ng malalim nang makarating ako sa office niya. Kumatok muna ako kahit malamig ay pinagpapawisan ako.

"Come on in." narinig ko sa speaker sa labas ng pintuan. May soundproof kasi sa loob kaya Wala kang naririnig unless buksan ang pintuan.

"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ako sabi ni Miss Ynah." kinakabahan kong sambit naka reading glasses ito habang nagbabasa ng hawak niyang dokumento. Nakatayo lang ako pero feeling ko nanlalambot na ang tuhod ko. Nagulat ako nang bigla niyang ibagsak ang folder at marahas na tinanggal ang salamin nito.

Ma'am Klea glanced at me coldy.

"I thought you were so smart, Chandrelle. You disappointed me." sabi niya at sumandal sa swivel chair habang naka crossed arms ito.

Ang ganda talaga ni Ma'am napaka perfect ng mukha akala mo hinulma talaga kaya maraming nagkakacrush sa kanya at siya ang madalas na topic. Bagsak lang talaga sa ugali sobrang sama eh.

Napakunot ang noo ko dahil wala akong idea sa sinasabi niya.

Nanlaki ang mata ko nang ipaharap nito ang monitor. What the hell! Hindi ito yung Pina send kong report kay Mr. Legazpi. Papaanong nangyari yon? Anong ginawa mo Jade? my gosh, masisisante ata ako ng wala sa oras.

Si Jade ang isa sa kaclose ko dito na nakigamit saglit ng PC ko. Ang paalam lang niya ay maggagawa lang ng resignation letter para ibigay sa HR dahil nga walang mag aalaga sa baby nito. So, pinakiusap ko nalang siya na i-send ang files na ginawa ko kay Mr. Legazpi para hindi ko siya ma-istorbo habang nag s-sort ako ng document.

"Ma'am magpapaliwanag po ako." sabi ko na namumutla na ang sama ng tingin niya sa akin. "Hindi po sa akin ang file na yan. Ang totoo nga po ay nagp---."

"Save it." putol nito sa sasabihin ko na parang hindi interesado marinig ang side ko. "You had one job, Miss Moreno." aniya na may pagka dismaya sa boses nito habang naiiling. "Are you trying to seduce him? galit na galit ang asawa nito nang makita ang pinasa mong report."

"Just go back to your table. If you're not willing to stay in this company, then you're free to leave. No one's stopping you." malamig na sabi niya.

Ang init talaga ng dugo niya sa akin kunti nalang iisipin kong buntis siya at ako ang pinaglilihian.

"Anyway you are fired dahil hindi natuloy ang million dollar deal mula sa kanya. Dahil sayo malaki ang nawala sa company at Ewan ko ba kay Enzo kung bakit kinuha niya ang cheap na tulad ml na hindi man lang nakapagtapos ng college." may disgustong sambit nito at umirap pa sa akin napayuko nalang ako dahil totoo naman ang sinabi niya na hindi ako karapatdapat sa posisyon na ito dahil hindi ako college graduate at mas lalo nang hindi ko sila kalevel.

Tahimik kong nilisan ang office niya hindi ko mapigilan hindi umiyak dahil mahirap lang ako kaya hindi ko mapaglaban ang sarili ko. Isa lang akong empleyado na sinuswelduhan lang nila

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status