Share

Chapter Five

Chandrelle Moreno

"She's not coming with you." matigas na sambit ni Ate Reika habang nagpupunas ng tissue sa bibig kahit ang pagsubo nito ay halatang sosyal. Hindi nga marunong kumain nang nakakamay.

Kumunot naman ang noo ni Leon kahit sila nanay at tatay ay nagtataka. "Excuse me? Sino ka ba?" Tanong sa kanya ni Leon na tila hindi niya gusto si Ate Reika. Ewan nararamdaman ko ang tensyon ng dalawang ito.

"Magta-trabaho sa akin siya." gusto kong matawa sa pagtagaog nito baluktot talaga.

"Totoo ba ang sinasabi niya anak? Sasama ka kay Reika?" tanong ni tatay napatingin naman ako sa kanya na tila seryoso ito. Kung totoo ngang aalukan niya ako ng trabaho ay iga-grab ko na ito lalo na mahirap makakuha ng trabaho dito kailangan ay college graduate ka.

"O-opo Tay. Inalukan niya ako ng trabaho kaysa tumambay dito ay iga grab ko nalang. At least may mapadala ako dito sa inyo." sabi ko saglit naman itong natahimik at napabuntong hininga.

"Oh Sya, kung yan ang gusto mo ay hindi na kita pipigilan basta mag-iingat ka." sabi ni tatay at niyakap ako.

"Wait paano kung scammer lang yan? mahirap magtiwala ngayon. May proof ka ba na kaya mong alukan ng trabaho itong si Chandrelle?" Paghamon ni Leon.

Si Nanay naman ay shock na shock pa din ang mukha dahil hindi niya akalain na sobrang yaman ni Reika lalo na nang ipakita nito ang calling card niya.

Isa siyang CEO nang Alegre Corporation na kahit si Leon ay natahimik dahil walang wala ang pamilya nito sa yaman ni Ate Reika.

Nagulat kami nang biglang may nag busina sa labas kaya napadungaw kami para tignan yon. Madaming magagarang sasakyan ang huminto sa labas ng bahay namin kahit ang mga kapitbahay ay nakatingin para mag marites.

May bumaba na dalawang lalaki at naglakad papunta sa amin. "Good morning Ma'am Reika." bati nila at nag bow sila tumango lang ang katabi ko.

Tinulungan Ako ni nanay na mag ayos ng gamit naunan nang umalis si Leon na halatang badtrip.

°°°°°°

"Woah, ang laki naman ng bahay mo parang mansion na. Sobrang Ganda sa village na ito halatang mga big-time ang nakatira at sobrang higpit talaga ng security." sambit ko habang nililbit ng paningin ko ang kabuuan ng mansion niya.

"Ang laki ng pool pwede bang lumangoy diyan?" Pagbibiro ko dahil malamang ay ang may-ari lang ang pwedeng maligo. Ang daming nakakalat na security sa bawat sulok kaya hindi talaga mapapasukan ng magnanakaw. "Yep." tipid na sagot niya.

"Ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong ko habang pagala gala pa din ang mata ko.

"Yeah, sometimes dito natutulog ang sister ko dahil busy yon sa pagiging artista niya." saglit akong natigilan dahil nagtagalog ito at ang cute medyo slang pa nga kaya malakas ang pakiramdam ko na lumaki ito sa ibang bansa.

"Are you hungry na ba? Nagpasabi Ako Kay chef na lutuan ka." Sabi nito at ngumiti sa akin may kakaiba sa mga mata niya.

May sariling chef si Reika? Super yaman naman pala ng babaeng ito nakakahiya tuloy na tanging omelette sardines at pinakbet ang pinakain namin sa kanya. "Good afternoon Ma'am Reika!" bati nila at yumuko napakagalang naman daig pa si Queen Elizabeth kung itrato nila ang katabi ko na tango lang ang sagot.

Tumunog ang phone nito at agad napahinto tinignan niya ang screen nito. "Gellie.." tawag niya sa kasambahay at agad namang lumapit. "Bring her in the dining room” utos ni Reika tumango naman si Gellie.

"I need to take this call." tukoy niya sa phone nito na nagriring at umalis siya sa harapan namin.

"Just get home first." narinig ko kay Reika may labis na pag-aalala sa boses nito. Sino ba ang kausap niya? "Crying never solved anything, Tahlia." pagpapatuloy nito ayokong pag-isipan na chismosa kaya sumunod na ako Kay Gellie papunta sa dining hall.

Nabungaran ko ang ibang katulong at si Chef na inaayos ang mga pagkain sa long table.

"Chicken Florentine Pizza, Tuscan Truffles and of course Italian Soda." Nakangiting sambit ni Chef habang tinuturo niya ang mga yon na bago lang sa paningin ko at sobrang nakakatakam.

Umupo na ako habang sila ay naglalagay na ng plate ko asikasong-asikaso ako. Hindi ba nila alam na empleyado lang din ako ni Reika? "Pinapasabi po ni Ma'am Reika na mauna na kayong kumain dahil may aasikasuhin pa daw po siya." pag-imporma ng isang kasambahay.

"Hindi ba kayo sasabay sa akin? ang dami nito." Nagtatakang sambit ko lahat sila ay umiling habang nakatayo lang. Nakaramdam ako ng pagka-ilang waring napansin nila yon at nagpaalaam na silang umalis tawagin ko nalang daw sila kapag may kailangan ako.

Naglagay na ako sa plate ko at unang kagat napapikit talaga ako sa sarap kahit itong soda ay masarap din.

After kong kumain ng meryenda ay napaburp talaga ako. Narinig ko na parang nag-uusap ang mga kasambahay na tila stressed sila. "Hay nako! Akala ko pa naman ay magtatagal yan sa New York."

"Sige na lutuan mo na si Ma'am Venine ng damo damo." Sabi ng matandang babae.

"Sino siya?" bulong ko kay Sandra habang pinagmamasdan ang dalawa. Ganoon nalang ang gulat ko dahil hinalikan ng babae si Reika sa lips.

"Hala! Kiniss siya sa lips?" gulat na sambit ko at napatingin kay Sandra. "Pwede ba yon? Pareho silang babae? Hindi ba masagwa?"

"Alam mo ghurl, 2023 na kaya yang ganyang mindset dapat tanggalin. Wala namang masama kung magmahalan ang magkaparehong kasarian. Ang importante ay pareho kayong nagmamahalan." sabi nito Wala naman problema sa akin ang mga LGBTQIA pero hindi pa din ako sanay. Minsan na cu-curious ako kapag nagkiss ba sila, malambot ba? masarap? walang pandidiri? Paano kapag s*x? Paano nila ginagawa?

"Siya si Ma'am Venine, ang girlfriend ni Ma'am Reika. Ubod ng sungit ang babaeng yan at kapag nandito ay feeling madam." bulong ni Sandra sa tenga ko.

"Halika na pumunta na tayo sa room mo." yaya nito sa akin tumango lang ako narinig namin ang masayang tawanan ng dalawa. "Panigurado magkukulong na naman sila sa kwarto." sabi niya na naiiling pero may ano sa mga mata niya na parang may kalokohan na naiisip.

"Nakakapagtaka lang bakit dito ka pinatuloy ni Ma'am Reika? Isa pa VIP treatment talaga ehh samantalang magiging personal assistant ka lang naman niya?" nagtataka na sambit niya natahimik naman ako. "Uyy wag kang mag-isip ng kung ano ha, curious lang ako kasi hindi ganoon sa iba si Ma'am Reika."

"Siguro dahil tinulungan ko siya at pinatira sa bahay namin. Natagpuan ko kasi siyang lasing sa gilid ng kalsada." sagot ko habang inaayos ang mga damit ko at balak ko nang ilagay sa cabinet.

"Iwan muna kita dito ha, Magdidilig pa ako ng halaman." sabi nito tumango naman ako. Inalis ko na lahat sa maleta ang mga natirang gamit.

Maganda ang kwarto na binigay sa akin ni Reika may sarili ding aircon at may electric fan. Queen size bed ang kama at may sarili din akong cr. After ko ayusin ang mga gamit nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw kaya napagpasyahan kong bumaba.

Nasa hagdan palang ako ay narinig ko na ang mga tawanan at may pamilyar na boses akong narinig. Napaka imposible naman na nandito siya? baka magka boses lang. Dahan - dahan akong bumaba ng hagdan pero napako ang paa ko nang masilayan ko ang babaeng magpaalis sa akin sa kompanya.

Si Ma'am Klea katabi niya ang girlfriend ni Ate Reika.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status