Share

My Boss's Girlfriend
My Boss's Girlfriend
Author: LEYZWRITER

Chapter One

Chandrelle Louise Moreno

Ako nga pala si Chandrelle Louise Moreno, Bente uno anyos nakatira sa maliit na dorm. Iniwan ko ang buhay probinsya para makipagsapalaran sa siyudad. Hindi naman ako nabigo at may tumanggap sa akin.

"Where's my boyfriend?" bungad ni Ma'am Klea na kararating lang napahawak ako sa dibdib dahil sa matinding gulat.

"Kanina pa po nakaalis si Sir Enzo ngayon po kasi ang schedule niya for weekly check up." magalang na sagot ko.

Nakatanggap naman ako ng matinding irap kay Ma'am Klea hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin dahil sanay na ako sa pagmamaldita niya sa akin.

Siya ang longtime girlfriend ni Sir Enzo ang pagkakaalam ko ay five years na silang naglolokohan este nagmamahalan. Ang nasagap kong chismis ay childhood friend din sila kaya mula pagkabata ay magkakilala na sila.

I was always a top student kaya isa sa dahilan kung bakit natanggap ako sa malaking kompanya na ito dahil sa matataas kong grado sa eskwelahan kaya lang ay hindi ko natapos ang kurso kong accountancy dahil sa hirap ng buhay. Malaki ang pangarap ko at isa ang makaahon sa hirap at makapagtapos ang mga kapatid ko sa pag-aaral dahil hindi sapat ang kinikita ng magulang ko sa pang araw-araw.

Single nga pala ako sa mahabang panahon. May part sa akin na masaya dahil walang stressed sa lovelife pero minsan hindi maiwasan na parang may kulang.

Umupo ito sa couch at nag crossed legs "Make me a coffee." utos niya tumango naman ako at iniwan ang ginagawa.

"Cha, pinagtitimpla ka na naman ng kape?" bungad ni Joanne na may hawak na 3in1 coffee. "Routine mo na talaga yan kapag nandito si Ma'am Klea ah."

"Ano pa nga ba." walang ganang sagot ko sa kanya.

"Pwede bang maki encode sayo mamaya? Ginagawa ng technician natin yung PC ko." sabi niya tumango naman ako dahil wala naman masyadong report na gagawin ngayong araw.

Inilapag ko na ang kape sa centertable, ibinaba naman nito ang hawak niyang magazine at tinignan ang mainit na coffee. Tumaas ang kilay nito at tinignan niya ako na parang may pagdududa. Does she think I'm creepy? Wala akong ibang hinalo diyan sa kape.

"Nah, I don't like this." sabay iling niya. "Just go get me a Starbucks coffee. Grande Iced Coffee, Vanilla, no classic syrup with heavy cream and ohh don't forget the apple berry creame cake." sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti halata namang nang-aasar.

"You got a problem with me or something?" nakataas kilay na tanong nito sa akin.

"No madame, I'd love to buy you a coffee." pilit na ngiting sagot ko sa kanya at palihim na umirap. Nagmartsa na ako palabas ng building isang block bago makapunta sa Starbucks. Marami siyang mga mata kaya alam niya kung nagpa deliver ka lang ba o Ikaw mismo literal ang pumunta doon.

After kong makuha ang order sa katirikan ng araw kulang nalang maging sunog na ako. Pupunas punas ako ng mukha habang naglalakad papasok ng building. Kung hindi ko lang mahal ang trabaho ko ay matagal na akong nag resign mabuti nalang madaming benefits ang kompanya at may meal allowance pa ako.

"This is good." mahinang sambit niya na parang may pang-aasar sa labi nito. Paano ba naman halatang pagod at pinagpapawisan pa nga para lang puntahan agad yang Starbucks para lang sa kanya. Ayaw niyang magpa deliver ako kaya nga hindi halatang pinapahirapan ako.

Ang bait niya sobra kaya pwede na siyang kunin ni lord.

"May kailangan ka pa po ba?" Tanong ko sa kanya nakakainis yang ngiting aso niya. Umiling naman ito at isinandal ang kanyang likuran sa couch naka crossed arms din ang kamay nito habang nakatingin sa akin.

Ewan ba kung bakit parating galit ang babaeng ito sa akin kulang nalang isipin ko na nagseselos siya sa akin. Feeling ata niya may gusto ako kay Sir Enzo dahil close kaming dalawa. Kung alam lang niya na may iba akong nagugustuhan.

"Since I have the conference occupying me for a week. Let's have a dinner date susunduin kita sa condo mo mamaya." narinig kong sambit ni Sir Enzo sa girlfriend niyang dragon na nakalingkis sa batok ni Sir Enzo. Ibulsa nalang kaya niya? Parang koala na nakakapit.

Mukhang may putukan na magaganap yan mamayang gabi hindi lang basta kainan. Charizz!!!

Kunwari ay hindi ako nag i-exist dito at patuloy lang na nag-aayos ng pagkain nila. Nagpaorder nalang sila at walang balak na lumabas para maglunch. Nilibre na din ako ni Sir Enzo kaya naman hindi ako gagastos ngayon. Ang mahal pa naman ng pagkain sa cafeteria.

"Ang ganda ng ngiti mo ah daig pa ang candidate sa Miss Universe." puna ni Ynah na may dalang document na ipapapirma sa akin.

Hindi ko makikita at malaya ako sa pagpapahirap niya sa akin. That's the advantage of the conference.

"Three days ko kasing hindi makikita si dragon." sagot ko hindi naman lingid sa kaalaman niya ang ginagawang pagpapahirap sa akin ni Ma'am Klea. Ang suspetsya nga niya ay pinagseselosan ako ng babaeng yon. Eww, kung alam lang niya na ayoko sa hotdog.

"Kaya pala maganda ang mood mo. Dalhan mo ako ng lechon ha. Masarap ang lechon sa Cebu." sabi niya na may saya sa boses nito lalo na kapag pagkain ang pinag-uusapan. Sa aming magkakaibigan dito sa kompanya si Ynah ang bukod tangi na mahilig magtry ng mga pagkain. Minsan nga yung mga napapanood niyang vlogs ay dinadayo talaga niya para tikman.

"Sure, Jowa na pasalubong ayaw mo? para naman magkalovelife kana." pagbibiro ko sa kanya binatukan naman niya ako. Galing kasi sa toxic relationship yang si Ynah at simula noon ay may allergy na siya makipag relasyon. Ang motto niya ay "Love yourself".

"Nah, I'm good." maasim na sabi niya na parang diring-diri. Mag-apply na atang maging matandang dalaga. After kong mapirmahan ay umalis na siya naiiling nalang at pinagpatuloy ang pag i-encode.

Lumipas na ang apat na araw, ngayon ay nandito na kami sa Cebu kung saan gaganapin ang business conference.

Isang sikat na luxury hotel ginanap ang conference. Sympre madaming masasarap na pagkain kaya naman tataba ako nito.

"Paki schedule ang meeting ko kay Mr. Lee next Monday 1pm." utos ni Sir habang naglalakad kami. "Three days lang naman tayo dito." utos ni Sir Enzo habang naglalakad kami samantalang ako naman ay tini take down notes ko ang bawat details mahirap na may makaligtaan.

"Enzo? is that you? Oh my, I didn't know you were attending the conference! It's so good to see you here!" masayang sambit ng babaeng blonde na kung nakayakap kay Sir Enzo daig pa ang asawa.

Gusto kong masuka sa simpleng panghaharot ni Candice kay Sir Enzo mabuti na nga lang nasa tamang pag-iisip si Sir at hindi yon pinapatulan. Ang ganda ganda na nga ni Ma'am Klea kahit sobrang sama ng ugali tapos ipagpapalit pa niya sa mukhang bisugo? sabagay daig pa ng malandi ang maganda.

Siguro kung nandito lang si dragon ay malamang nakatanggap na ng flying kick ang higad na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status