Share

Capitulo Four

Chandrelle Louise Moreno

Nagtataka pa sila nanay at tatay kung bakit may inuwi akong babae. Binuburo pa nga nila akong binata. Pinilit kong maligo si Reika kahit papikit pikit na ito bago siya matulog dahil amoy alak ito.

Naglatag nalang ako sa sahig ng maliit na banig at doon nahulog habang si Reika naman ay sa kama ko na single lang kaya hindi talaga kasya ang dalawang tao.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para tulungan si Nanay magluto at mag asikaso sa dalawang kapatid ko na nasa sekondarya na.

"Hi Ate! Ang pretty mo naman." namamangha na sabi ng kapatid ko na Todo ang titig na para owl na ang mata. Sinenyasan kong lumabas na ng kwarto ko habang si Reika ay papikit pikit pa.

Reika stared at me groggily halatang ayaw nitong naiistorbo kapag natutulog. Ang kaninang naiinis na mukha niya ay parang bulang naglaho at matamis na ngumiti sa akin nang makita ako.

"Sorry kung nagising kita sobrang ingay kasi nitong kapatid ko." sabi ko at sinenyasan na umalis na binelatan pa ako at bumaling ng tingin kay Reika. "Matulog ka muna masyado pang maaga." sabi ko at kinuha ang wallet sa bag dahil bibili ako ng itlog sa tindahan.

"Where are you going?" tanong nito na tumayo na agad napahinto ako sa pagbibilang. "Sa tindahan lang." sagot ko.

"I will go with you. Let me fix myself muna." sabi nito sa akin. "Where's your bathroom and do you have extra brush?" sabi nito na parang Modelo ang tangkad.

"Sa banyo may extra na toothbrush." sabi ko at itinuro sa kanya yon. Kahit naman maliit ang bahay namin ay maayos at malinis ito kaya hindi nakakahiya kapag may bisita na hindi inaasahan.

"Sabi ko sayo wag kana sumama"sabi ko at hinawakan ang braso niya para alalayang tumayo. Nakakainis kasi ang paraan nang pagtitig nila kay Reika lalo na sa legs nitong flawless.

"Let's go." yaya ko sa kanya tumango lang ito pero nagpabigat talaga ito kaya naman hinila ko na siya. Naiiling nalang ako sa babaeng ito na feeling close talaga sa akin. Ewan ba magaan ang loob ko sa kanya lalo na ang pagiging inosente nito sa mga bagay bagay.

Sakto namang lumitaw sa harapan namin si Cindy na anak ng kapitan. May crush ito kay Leon kaya nga sobrang nagseselos ito sa akin kaya ang init ng dugo niya. "Hey! Dugyot naligaw ka ata dito." nakangisi ito naguumpisa na naman siya mangbwisit sa akin. Sisirain na naman niya ang umaga ko. "Ohh! Himala nakapag grocery ka muna saan ka nakakuha ng pera? sa manliligaw mo?"

"Do you want me to kill her?" bulong sa akin ni Reika na walang halong pagbibiro. Siniko ko naman siya baka marinig siya ni bruha.

"Wag mo nalang siya patulan kulang lang sa aruga yan kaya ganyan." sagot ko kay Reika. Isa pa kapitan ang tatay niya baka pag initan kami kaya mas mainam na wag nalang patulan para walang gulo.

"Alam mo Cindy kagagaling mo lang sa simbahan pero hindi nababawasan yang sungay mo." sabi ko napameywang naman ito at umusok ata ang ilong sa sinabi ko. Natawa naman si Reika.

"Dare to hurt her, I will wipe out your

entire family." pagbabanta ni Reika habang nakahawak pa sa pulso ni Cindy ibang-iba ang pinapakita niya ngayong aura, nakakatakot ito kahit nga ako tumaas ang balahibo.

Napangiwi si Cindy at nagpupumiglas may mga nanonood na sa amin na nga marites baka makaabot ito kay Kapitan. "Reika, bitawan mo na siya." pakiusap ko sa kanya baka ipatawag kami sa barangay nito. Tila bingi ang babaeng ito dahil hawak-hawak pa din niya ang pulso ni Cindy na namumutla na. "I'm warning you, bitch."

Ang ending ay nandito kami sa barangay at sinundo ng mga tanod.

"Ano na namang gulo ito, Chandrelle?" dismayadong sambit ni Kapitan habang naiiling.

Biglang tumunog ang telepono sa lamesa ni Kapitan sumenyas siya sa amin na kakausapin niya lang yon at si Cindy naman ay nakangisi lang. "Hello? Mayor? Po? Pasensiya na po hindi ko alam mayor." nanginginig na sambit ni Kapitan na parang mahihimatay na sa sobrang putla ng mukha.

Nanginginig pa ding ibinaba ni Kapitan ang telepono nito at bumaling sa amin particular kay Reika na walang emosyon. "Pasensiya na kayo sa ginawang gulo ng anak ko. Pangako hindi na ito uli mauulit at kapag inaway ka na naman Chandrelle magsabi ka lang sa akin." Aba! Anong nakain ni Kapitan at tila bumait? Only child kaya niya yang si bruha kaya laging kinakampihan.

"What? ganon-ganon nalang dad? Sinaktan niya ako. Look oh, namumula pa wrist ko." maarteng sumbong ni Cindy pero nakatanggap lang siya ng masamang tingin sa daddy niya.

"Tumahimik ka Cindy makakatikim kana talaga sa akin. Tigilan mo na yang pambubully mo kay Chandrelle." galit na sermon sa kanya ni Kapitan bubuka sana ang bibig ni Cindy para umangal pero hindi na niya natuloy yon at parang bata na nagdabog tsaka nag martsa paalis sa office ni Kapitan.

Naglakad na kami pauwi sa bahay pero ang isip ko ay ang nangyari pa din kanina sa Barangay hall. Bakit tila natakot si Kapitan sa kausap niya sa telepono? Bakit takot ito Kay Reika?

"Why are you staring at me like I'm a criminal?" tanong nito at isa yan sa napansin ko magaling siya mag English at may accent pa kaya feeling ko mayaman ang babaeng ito at trip niya lang sa lugar namin.

"Pwede kana ba ako mag apply bilang sugar baby mo?" Pagbibiro ko sa kanya napaawang naman ang bibig niya. Luh? baka isipin niya seryoso ako may lahi atang patola ang babaeng ito. "Uy jok--." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla itong nagsalita.

Nakatanggap naman ako ng pitik sa ilong. "Silly."

Wala pa kami sa bahay ay natanaw ko na ang kapatid ko. "Ate Yung manliligaw mo nandito na."

Bumaling ng tingin sa akin si Reika na nagtatanong ang mga mata.

"Ahh si Leon ang masugid kong manliligaw." sabi ko habang naglalakad kami muntikan na akong masubsob sa likod niya dahil bigla ba naman itong huminto sa paglalakad.

"Suitor?" sabi niya na may pagka disgusto sa boses nito

Tumango naman ako. "Tatlong taon na siyang naligaw sa akin. Ang tagal na diba?"

"Gusto ko po sanang yayain si Chandrelle na mag travel kami sa Palawan at boracay." narinig ko galing kay Leon habang kausap niya si Nanay na abalang naggagawa ng suman na ititinda namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status