Share

Chapter Three

Chandrelle Louise Moreno

Pilit akong pinipigilan ni Sir Enzo na wag umalis pero hindi niya ako napigilan lalo na ang daming kumalat na chismiss na malandi daw ako nang-aakit ng matandang client.

Panay hingi ng tawad sa akin ni Jade pero ang sinasabi nila Ynah na baka daw sinadya nito dahil may gusto daw ni Jade ang posisyon ko talaga.

"Mabuti naman dito kana uli titira, Chandrelle. Sobrang namiss kita. Bulaklak nga para sayo." sabay abot ng tulips sa akin malugod ko naman iyong tinanggap.

Ang hirap magtiwala kung galing ka sa isang toxic relationship lalo na kung ilang beses ka ng niloko. Nandiyan parati ang doubt na what if lokohin niya ako? What if may makita siyang mas better sa akin? Ang hirap sa side ko at alam kong iniintindi nalang ako ni Leon dahil alam niya ang pinagdaanan ko sa ex boyfriend ko.

Gusto ko munang ayusin ang sarili ko lalo na ang trust issues ko bago ako pumasok sa isang relasyon kaya nga hindi ko muna sinasagot itong si Leon dahil ayokong maging unfair sa kanya.

Gwapo itong si Leon napakakisig na lalaki kaya nga madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya at madami ding babae ang naiinggit sa akin dahil nasa akin ang atensyon ni Leon.

"Oh Ikaw pala yan Leon halika saluhan mo kami. Nag-almusal kana ba?" tanong ni nanay sa kanya. Gustong-gusto siya ng magulang ko at mga kapatid ko dahil bukod sa gwapo ay napakabait daw ni Leon at may maayos na trabaho. "Nancy kumuha ka ng plato at kutsara pati na din ng baso para kay Kuya Leon mo." utos nito habang maligalig na ini entertain si Leon.

"May dala po akong beef tapa niluto ko po kanina." sabi ni Leon at inabot yon kay nanay na nangingiti.

Maswerte ang mapapangasawa ng lalaki na ito dahil sobrang marespeto.

After namin mag almusal ay nagpaalaam na agad si Leon dahil male-late na daw siya sa client niya.

"Anak ang swerte mo na diyan kay Leon napakabait at sobrang ma respeto sa amin nang nanay mo. Botong-boto ako diyan." sabi nito habang nakatingin sa sasakyan ni Leon.

"Tay ayoko munang pumasok sa isang relasyon kung hindi pa ako handa dahil masasaktan ko lang si Leon. Alam kong maganda ang intensyon niya pero nandito pa din sa akin ang trauma. May trust issues pa din ako. Hindi madali ang pinagdaanan ko kay Jefferson. Sana maintindihan niyo yon dahil isa kayo sa nakasaksi kung paano ako nasaktan noon na halos hindi ko na makilala ang sarili ko."

Dahil na broken hearted ako noon lagi akong nakakulong sa kwarto kahit nga maligo at kumain ay napapabayaan mo na. Totoo nga ang sinasabi nila na kapag magmahal ka ay magtira ka pa din para sa sarili mo.

"Alam ko anak pero hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho may matitino pa din at kabilang na si Leon doon. Lagi mong tatandaan na kung saan ka masaya doon ka at susuportahan ka namin ng nanay mo." sinserong sabi nito sabay akbay sa balikat ko.

Tinulungan ko na si Nanay na mag-ayos ng mga paninda niya. Maingay, mabaho isama mo na din ang mainit na pakiramdam dito sa palengke pero nasanay na ako dahil isa ito sa pinagkukuhanan namin ng income lalo na Wala na akong trabaho pero nakapag ipon naman ako ng konti gagamitin ko din yon para mag apply ng trabaho.

"Kakainin bili na kayo. Miss Ganda baka gusto mong tikman itong mani ko." sabi ko sa babaeng nakatayo sa harapan namin may kasama itong dalawang babae.

"Anong bang klaseng mani mo? Hubad ba yan o basa?" natatawang tanong ng kasama niya na may ngisi sa labi. Base sa pustura nila masasabi kong may kaya sila sa buhay.

Binatukan naman siya nga katabi niya. "Umayos ka nga Sammy puro ka kalokohan pati itong tindera ay pinagti-tripan mo." sermon sa kanya.

"Miss pasensiya kana dito sa katabi ko hindi kasi nakainom ng gamot." saway nito at pinandilatan ang kaibigan niya.

Mahina ang benta ngayong araw lalo na nagmahal talaga ang supplier na pinagkukhhaan namin kaya mahal din ang benta. Nagpaalaam na ako kay nanay na uuwi na para magluto ng hapunan.

May kadiliman na pakanta kanta lang ako habang naglalakad. May namataan akong babae na nakaupo at nakayuko ang ulo sa tabi nito may bote ng alak

"Miss? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko habang mahinang tinatapik ang pisngi nito pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"Jazmine?" sambit nito habang nakatitig sa mukha ko nagulat ako nang bigla niya akong yakapin na halos ikanigas ko. Mukhang wala pa sa tamang huwisyo ang babaeng ito. "I missed you so much." bulong niya habang nakayakap pa din sa akin napansin kong yumuyogyog na ang balikat nito.

Umiiyak ba siya? mukhang mabigat ata ang pinagdadaanan niya. Napagkamalan pa ako na kakilala niya. "Miss hindi Jazmine ang pangalan ko." malumanay na sabi ko saglit itong napatigil at kumalas sa akin. Tumingala ito sa akin para tignan muli ang mukha ko "Let's get married." sabi nito na nagpawindang sa akin.

Sayang maganda pa naman pero mukhang kulang na ang turnilyo sa ulo. "Miss saan ka ba nakatira at ano ang pangalan mo para mahatid na kita." sabi ko at unting-unti tumayo inalok ko naman ang kamay ko para makatayo din siya.

Paano kaya ito? Ibigay ko ba siya sa police station? Barangay?

Taimtim na nakatitig lang sa akin ang babae kaya medyo naiilang ako. May problema ba siya sa akin? Ang creepy naman niya parang nagsisisi tuloy akong nilapitan siya. "Uhmm, Miss ano ba ang pangalan mo? Alam mo ba kung saan address mo? Malalim na ang gabi delikado kung nandito ka baka mapano ka pa." nag-aalalang sabi ko mahirap na baka mapagtripan pa siya lalo na maganda ito kahit mukhang sabog lang.

"Reika." maikling sagot nito pero hindi pa din niya inaalis ang titig nito sa akin. "May problema ka ba sa mukha ko, Reika?" hindi mapigilan na tanong ko dahil naasiwa talaga ako.

Umiling ito nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Can I stay at your house tonight?" tanong nito na nagsusumamo pati ang mga mata. Spokening dollar pa ata ang babaeng ito.

"Sure." sagot ko at ngumiti sa kanya. "May extra naman akong damit para sayo." dagdag ko pa napasinghap ako nang kumapit siya sa braso ko.

Feeling close na agad

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status