Share

Chapter 4 - With Whom

Dalawang Lux Suit sa isang sikat na hotel sa Taguig ang kinuha ni Feona para makapagrelax siya at ang isa para kay Jigz at sa asawa nito. Pa complement ni Feona kay Jigz at ng kanyang misis. Nakapagbabad na si Feona sa tub mag iisang oras, nangangalahati narin ang wine na inorder niya. Sinisimsim niya ang alak habang panay parin umiikot sa kanyang isip ang mga katanungan kung paanong nagawa siyang lokohin ni James. Parang wala nang mapipigang luha sa kanyang mga mata kung kaya namamaga nalang ito at wala na siyang maiiiyak pa. Maya maya pa ay may naiisip na si Feona. Dinampi saglit ang ice pack sa dalawang namamagang mga mata. Itinawag niya ito kanina sa reception ng hotel kasabay ng wine na dalhin sa kanya. Agad siyang nagbihis ng simpleng denim shorts at black tshirt. Nagsuot lang ng flipflops at inilugay ang buhok. Nagpowder lang at hindi nagpahid ng anumang make up. Tutungo si Feona sa bar ng hotel. Lilibangin niya ang kanyang sarili dala dala ang hinanakit sa sawing damdamin. Nalimutan na niyang e on ang kanyang cellphone at tanging coin purse lang ang dala niya na may kunting tig iisang libong bills.

Dahil Weekend, ay marami rami din ang mga taong nasa loob ng bar ng pumasok si Feona. Ang iba may kapareha, ang iba naman ay grupo.

Gawa ng nag iisa ay sa harapan ng bar tender siya umupo. Patingin tingin lamang siya noong una. "Here's your Blue Ocean ma'am." wika ng bartender at inabot ang isang basong may lamang likido na kulay asul sa isang sexy ngunit di gaano katangkarang babae. "May i have Blue Ocean." si Feona, tila nauuhaw siyang makita ang inumin. "Right Away Miss?"Sagot ng bartendet at napanganga ng saglit si Feona. Napakurap si Feona nang makitang nag aantay pa sa isasagot niya ang bartender. Napangiti siya. "Feona."Matipid na sagot ni Feona. Nangiti ang bartender, At nagsimula na magmix ng inumin. "Feona, I'm Hector."Napapitlag si Feona nang may tumabing makisig na lalaki sa kanya at inilalahad ang kamay. Napangiti lang si Feona at namangha sa kaharap na lalaki."Oh! I'm sorry." Agaw ni Feona at tinanggap ang nakalahad na kamay ng lalaki. "You are more like Hector of Troy." Nasambit ni Feona sa hindi na niya napigilang paghanga sa kaharap. Matangkad, medyo darker ang balat at syempre gwapo. Sa tantiya ni Feona ay nagmukha itong turkish actor na kauri ng dating husband ng beauty queen turn actress na c miss ruffa. Nangingislap ang mga mata ni Feona dala pa ng medyo tipsy na siya. Nakalimutan niya tuloy ang pighating nararamdam sa pagtitig palang ng gwapong lalaking kaharap niya ngayon. Napagtanto ni Feona na bakit ikakamatay niya ang panloloko ni James kung marami palang gwapong lalaking nililok ang panginoon sa mundo.

"Are you from here?" tanong ni Hector ke Feona. "What do you mean, here? From Manila? Tagarito karin?" Imbes na sumagot ay pabalik na nagtanong si Feona. "Actually, I'm asking kasi I'm not from here, nag attend lang ako ng convention ng mga lawyers. Dito lang ako ng stay ng hotel kasi mas convenient ako dito. I stayed here how many times na and I like it here." Maagap na sagog ni Hector. Tatango tango si Feona. "Ah okey... Hindi rin ako tagarito. Taga Baguio ako." Pagsisinungaling ni Feona."May business engagement lang ako dito."Dagdag pa ni Feona at matipid siyang nangiti. Nagiguilty siya sa kanyang sagot. Hindi niya forte ang magsinungaling. Naging sobrang honest nga niya sa relationship nila ni James ngunit hindi niya lubos maisip kung saan siya dinala ng pagiging honest. Napa tango tango si Hector. Inubos naman ni Feona ang laman ng kanyang baso. "Another one please." Pakiusap ni Feona sa bartender. "Make it two." Pahabol ni Hector.

Marami rami narin ang nainom nilang dalawa. Andami na nga nilang napagkwekwentohan ni Hector. Hindi alam ni Feona kung purong katotohanan ang deklarasyon sa kanya ni Hector, isa daw siyang provincial fiscal. Lalo naman siyang napahanga sa lalaki at sobrang kisig pa ito at gwapo. Basta, ang kwento niya kay Hector half lie. Natatakot na siyang magsabe ng purong katotohanan. Napapansin ni Feona na tsumachansing na si Hector sa kanya ngunit isinawalang bahala niya lang siguro ay lasing na talaga siya. Sobrang gwapo na nang tingin ni Feona sa kaharap. Paminsan minsan nga ay hinahampas at pinipisil niya ang braso ng lalaki sabay tawa sa mga jokes nito.

Marami na talagang nainom si Feona hinihilig na niya ang kanyang ulo sa balikat ni Hector at halos mapayakap na siya dito. Tawang tawa siya sa mga jokes ng kausap. Kalayaan, kasayahan at pagkawala sa kabigoan ang nadarama ngayon ni Feona. "This is Life!" Nasambit ni Feona na tawang tawa. Wala na siyang rules na sinusunod. Ayaw na isipin ni Feona ang kanyang mga limitasyon. Kahit ano pa, maging santo sa huli lolokohin ka parin. Iinomin pa sana ni Feona ang isa pang baso ng blue ocean ngunit inagaw na ni Hector. "Please enough. Hindi mo na kaya. Ihahatid na kita sa room mo." Aya ni Hector kay Feona. Pupungas pungas si Feona. Panay parin ang smile niya, feeling ni Feona ang saya saya niya sa mga oras na ito. Inaalalayan ni Hector si Feona palabas ng bar. Halos napapayakap at napapakapit naman si Feona sa lalaki. Nakalabas na sila sa bar nang kapain ni Hector ang magkabilang bulsa ni Feona. "Where's your room card?" bulong ni Hector sa kanya. Napailing iling si Feona. Coin purse lang niya ang nahanap ni Hector. "Okey, okey... sa room ko nalang. Let's go!"Mahinang usal ni Hector habang nahihirapan na itong inaalalayan si Feona. Hindi na halos maihakbang ni Feona ang kanyang mga binti. Nakapikit na si Feona nang nasa loob na sila ng elevator. Aktong matutumba na si Feona nang maagap siyang nasalo ni Hector. Napahagikgik si Feona nang pagsalo ni Hector ay napadako ang mga labi ni Hector sa kanyang leeg. Napasinghap si Hector. Nakapikit parin si Feona. Nang diretsahang idinampi ni Feona ang kanyang labi kay Hector. Nabigla si Hector saglit. Kalaunay banayad niyang hinalikan si Feona sa mga labi. Nagugustohan ni Feona ang pakiramdam ng paghalik ni Hector. Tinugon niya ang halik ng lalaki at napayakap. Banayad lang na ninanamnam ng bawat isa ang halik kalaonan ay naging mapusok. Kapwa may hinahabol na sila na kung ano. Tumunog na ang elevator at papabukas na nang kargahin si Feona ni Hector ng bridal style habang magkahinang parin ang kanilang mga labi. Nagmamadali ngunit maingat na isinandal ni Hector si Feona sa may pintoan para maalalayan ang pagkarga sa kanya habang binubuksan ng kanyang keycard ang pintoan. In dim light ang paligid ng silid nang diretso silang sumampa sa kama at agad pumaibabaw si Hector kay Feona.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status