登入Madaling-araw na nang imulat ko ang aking mga mata. Hindi ko na pala namalayang nakatulog ako mula pa kaninang hapon at hindi na rin nakapag-dinner. Agad akong bumangon at inayos ang sarili. Mabilis lang akong naligo bago nagsuot ng simpleng puting fitted shirt at maluwag na pants. Kahit walang okasyon ay nasanay na akong maging presentable—isang bagay na paulit-ulit itinuro sa akin noon ni mommy. “Si Mommy” malungkot kong bulong sa hangin Pagbaba ko ay wala pa ring katao-tao sa mansyon. “Siguro mamaya pa dadating sila Aling Trining…” mahina kong bulong habang nag-iinat. Tahimik akong nagtimpla ng kape gamit ang mamahaling coffee maker na naroon sa kusina. Mabuti na lamang at nag-iwan si Aling Trining ng ilang tinapay sa mesa kaya iyon na muna ang inalmusal ko. Habang kumakain ay napatingin ako sa paligid at kusang napabuntong-hininga nang mapansing halos walang laman ang refrigerator at mga kabinet. “Ok Loriene you can do this” bulong ko sa sarili kahit alam kong wala akong kaa
Tahimik lang akong sumusubo habang ninanamnam ang bawat lasa ng nilagang baboy at minatamis na saging. Sobrang sarap. Parang bawat subo ko ay unti-unting nagpapawi sa tindi ng pagod at sakit na naramdaman ng katawan ko mula pa kagabi. Patuloy lang akong kumakain hanggang sa tuluyan akong mabusog, isang pakiramdam na matagal kong hindi naranasan nang may ganitong uri ng kapayapaan.Saktong tapos na rin si Aling Trining sa pag-aayos sa aking kwarto nang ibaba ko ang aking kutsara at tinidor. Lumapit ako sa kaniya, at mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang ilang libong pisong cash na winithdraw ko bago sumakay ng barko.Inabot ko iyon sa kaniya. “Aling Trining, para sa inyo po ni Mang Catalino. Pandagdag lang po sa mga needs n’yo dito sa bahay.”Aabutan ko sana siya ng tip, pero mabilis niyang itinulak pabalik ang kamay ko at umiling nang may banayad ngunit matigas na ngiti. Hindi niya tinanggap ang perang iniabot ko.“Naku, Loriene, huwag na, anak,” malumanay ngunit may paninindigan n
“Doon po sa mismong labas ng terminal, Ma’am. May mga nakapilang pribadong sasakyan doon na bumibiyahe diretso sa dulo ng isla,” magalang na turo sa akin ng lalaking napagtanungan ko sabay turo sa kanang bahagi ng daungan. “Thank you,” tipid kong sagot bago mabilis na hinila ang aking mga maleta.. Matapos ang halos kalahating oras na biyahe sa sementadong daan na pinaliligiran ng mga nagtataasang puno, dahan-dahang huminto ang sasakyan sa harap ng isang dambuhalang bakal na gate. Bumaba ako at tuluyang natigilan habang nakatingin sa kabuuan ng Villa Aurelia. I was completely stunned. Malinis ang buong paligid, walang ligaw na damo, at mukha pa ring bago ang pintura ng mansyon na tila ba hindi ito naiwan ng napakahabang panahon. “Diyos ko… si Loriene ba iyan?” Isang pamilyar na boses ng matandang babae ang bumasag sa katahimikan mula sa hardin. Nang lumingon ako, nakita ko si Aling Trining na may hawak na gunting pampungos, kasunod si Mang Catalino na may bitbit namang bald
Inayos ko ang aking pagkakahiga at isinubsob ang aking mukha sa malalambot na unan at duon umiyak. sniff... sniff... Bakit ba palaging ganito? Bakit sa tuwing may darating na bago, ako palagi ang kailangang magparaya? Nilamon na ako ng self-pity habang nararamdaman ang bawat pintig ng sakit sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay dahan-dahan na akong nawawalan ng pwesto sa pamilyang ito, na kahit anong gawin ko, ako at ako pa rin ang lalabas na masama sa paningin ng lahat. Hinayaan ko silang gawin ang lahat ng gusto nila. Hinayaan ko silang tapakan ako nang paulit-ulit, pero sa pagkakataong ito, they crossed the line. Dumating na sa dulo ang pasensya ko. Buo na ang desisyon kong umalis. Pinalipas ko muna ang ilang oras. Nanatili lang ako sa loob ng madilim kong silid, nakikinig sa bawat kaluskos sa labas, hanggang sa unti-unting napalitan ng nakabibinging katahimikan ang buong mansyon. Inintay ko muna talagang makatulog ang lahat para walang may alam na aalis ako ngayong gabi. Wa
Nagising ako sa isang malakas at magulong ingay mula sa labas. May mga boses, kaluskos ng mga kagamitan, at mabibigat na yabag na tila walang pakialam kung sino ang mabulabog. Sumasakit ang ulo ko sa tindi ng ingay—tuluyan nitong sinira ang aking tulog, ang aking pahinga, at ang katahimikan sa aking sistema. Agad akong bumangon at sumungaw sa balkonahe. Sa sandaling mapadako ang tingin ko sa ibaba, tila huminto ang pagtibok ng aking puso. Ang aking Lavender Garden. May mga lalaking may hawak na pala, at walang awa nilang binubunot at sinisira ang mga paborito kong bulaklak. Nagdilim ang aking paningin sa purong galit at kaba. Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan, halos matapilok sa pagmamadali, patungo sa labas ng mansyon habang sumisigaw. “Stop it! What do you think you are doing?!” hingal kong sigaw, ngunit noong makarating ako roon, huli na ang lahat. Ang dating maganda, mabango, at payapang Lavender Garden ko ay tuluyan nang naging malawak na lupang puno ng putik at mg
He’s been here the whole time, and he still didn’t do anything?Urrrghhhh! What’s happening in this house? Baliw na ba lahat ng nakatira dito? Inis na inis kong sambit sa isip ko.Hindi ko na siya pinansin. Tumalikod ako at akmang aalis nang bigla niya akong niyakap mula sa likod.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong isinandal niya ang ulo niya sa aking balikat.“She’s a great actress, isn’t she?” mahinang bulong nito sa aking tainga na siyang nagpataas ng aking balahibo.“Get off me!” agad kong kinalas ang pagyakap niya at itinulak siya palayo.“Woah!” Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na parang susuko.“You said she’s fragile? What the heck is that? How can she do that to me?” hinihingal na sunod-sunod kong tanong.“Calm down… easy…” pagpapakalma nito sa akin. “Her fragility was for the show.” Kalmado itong nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. “I told her to act like that para hindi ma-overwhelm sila Mom and Dad,” pagpapatuloy niya.“Nakita mo kung







