Ang asawa mo, Marco.
AshlynKinabukasanMaaga pa lang ay nagising na ako, kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock. Tahimik ang buong paligid. Maging ang mga ibon sa labas ng bintana ay tila ayaw bumigkas ng kanilang kanta. Marahil ay nararamdaman din nila ang bigat sa dibdib ko.Pagkababa ko sa kusina, nadatnan ko si Marco na tahimik na naghahanda ng kape. Nakasuot pa siya ng gray shirt at pajama, gulo-gulo pa ang buhok niya pero nanatiling alisto ang mga mata.“Hindi ka na nakatulog?” tanong niya habang inaabot sa akin ang isang mug.Umiling ako. “Pilit kong pinapakalma ang sarili, pero alam mo na, isip dito, isip doon.”Lumapit siya’t bahagyang kinuyom ang balikat ko. “Nandito lang ako. Huwag mong sarilinin, Sweet. Kahit gaano kabigat, sabay natin bubuhatin.”Hindi ko napigilan ang mapatingin sa kanya at ngumiti, kahit may luha sa gilid ng aking mata. “Salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."Sa mga nangyayari, alam ko na siya ang pinaka-apektado sa lahat. Ang pinaka hindi mapakali. Bukod sa
AshlynAno ang pinaplano niya?Bakit niya ako kailangang makausap?Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan, matapos ang lahat ng ginawa niya?Mabigat ang dibdib kong napahiga sa kama, mahigpit na nakahawak pa rin sa cellphone na kanina ko pa tinititigan. Napapikit ako, pilit pinapakalma ang puso kong hindi mapakali.Anong dapat kong ire-reply?Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang batuhin ng lahat ng galit na naipon ko sa mga taon ng katahimikan, ng panloloko, ng kasinungalingan. Pero sa kabila ng lahat ng iyon… isang bahagi ng puso ko ang umaasang may kapayapaang pwedeng marating, kung haharapin ko siya."Ashley, kung ano man ang masamang pinaplano mo, hinding-hindi ko hahayaan na mangyari."Mahinang usal ko sa sarili, kasabay ng biglaang pagbangon. Tumitig ako sa screen ng cellphone, pinunasan ang luha sa sulok ng mata, saka marahang nagtipa ng sagot."When and where?"Pinindot ko ang send at halos sabay noong pagtibok ng puso ko ang paglabas ng mensahe.Siguro… siguro nga'y kailangan na
AshlynIlang araw na ba ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Marco ang buong katotohanan tungkol sa aksidente sa pamilya namin, at higit sa lahat, ang pagkakasangkot doon ni Ashley. Ang mas masakit pa, hindi lang basta siya nadawit… siya mismo ang may pakana ng lahat.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang matinding kirot sa puso ko. Parang tinutusok ng libong karayom ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan ni Marco, mga salitang nagpabagsak sa mundo ko, mga katotohanang hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanya.Ngunit alam kong hindi ako pwedeng manatiling ganito. Hindi ako pwedeng magpalamon sa sakit at galit. Kailangan kong bumangon, huminga nang malalim, at harapin ang lahat. Kailangan kong turuan si Ashley ng leksyon, hindi dahil gusto kong gumanti, kundi dahil gusto kong iligtas siya sa sarili niyang pagkakalubog.Kanina, bago pumasok si Marco sa opisina, halatang nag-aalangan siya. Nakatayo lang siya sa may pinto, hawak ang door knob, at ilang beses
Ashley“Gagawan ko ng paraan na mapasaiyo si Ashlyn,” mariing sambit ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Pero siguraduhin mong kapag naibigay ko na siya sayo, ilalayo mo siya nang husto. Ayokong, kahit minsan, ay makita pa siya ni Marco. Hindi ko papayagang mangyari ‘yon.”Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. Isang ngising hindi ko mabasa kung tuwa ba, pagnanasa, o pagkasabik sa gulo. Kinabahan ako, higit pa sa dati. Pero wala na itong atrasan. Wala rin akong ibang pagpipilian. Ang kasunduan naming ito ay parang demonyong hindi ko mababalikan, kaya ang tanging magagawa ko ay sumulong.Gusto niya ang taong gusto kong burahin sa mundo. Pero kahit gustuhin ko man, hindi ko magawa. Hindi dahil sa pagmamalasakit. Kundi dahil alam ko, sa huli, hindi ako patatahimikin ng lalaking ito. May mga matang nakakakita kahit nakapikit. May mga kamay na umaabot kahit wala sa tabi mo.“Ano na, Ismael?!” singhal ko. “Huwag kang ngumi
Ashley“Anong sinabi mo?” mariin kong tanong habang mariin ang pagkapulupot ng aking mga bisig sa aking katawan habang nakahalukipkip, tinutumbasan ang galit na kumukulo sa dibdib ko.Hindi man siya natinag sa tono ko, ramdam ko ang lalim ng titig niyang nanlilisik.“‘Wag na ‘wag mong sasaktan si Ashlyn,” malamig ngunit matigas niyang tugon. “Dahil kapag ginawa mo 'yon, ako mismo ang makakalaban mo.”Napasinghap ako. “How dare you threaten me!” sigaw ko, halos mabasag ang tinig ko sa tindi ng galit. “Ikaw? May lakas ng loob kang pagbantaan ako sa loob ng sarili kong—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Mabilis. Mas mabilis pa sa pagkurap ko ay lumipad ang kamay niya sa leeg ko at mariing sinakal. Napapikit ako sa sakit at pagkabigla.“Ugh... bitawan mo ako!” nanlalaki ang mata kong sabi kahit nahihirapan habang pinipilit alisin ang kanyang kamay. Ngunit parang bakal ang pagkakasakal niya, mahigpit, mariin, at puno ng poot.Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa apartment ko. Ang
AshlynHindi ko maintindihan si Ashley.Paano niya nagawang gawin ang ganong bagay, gayong alam niyang nakasalalay din ang buhay ng aming mga magulang? Ano ba talaga ang laman ng puso’t isip niya noong mga oras na ‘yon? Ganoon ba siya kasama? Ganoon ba kalalim ang galit niya sa akin, kung meron man?Bigla, parang pelikulang bumalik sa isip ko ang gabing iyon. Ang gabing tuluyang nabasag ang inaakala kong perpektong mundo namin.Galing kami sa isang pagtitipon. Isang masayang okasyon kung saan puno ng tawanan at kwentuhan. Si Marco, ang asawa ko, ay hindi nakasama noon kaya sumabay ako sa sasakyan nina Mommy at Daddy. Nandoon din si Ashley, siyempre, ang kambal kong matagal ko nang itinuturing na pinakamatalik kong kaibigan, karamay sa lahat ng bagay.Sa loob ng sasakyan, ramdam ang init ng isang masayang pamilya. Si Mommy ang masiglang nagkwento ng mga childhood bloopers namin, si Daddy tumatawa habang pinipilit alalahanin ang petsa ng unang lakad namin sa parke. Si Ashley naman, nakat