Pakisuyo naman po ng like, comment at gem votes sa bawat chapter. Salamat po sa suporta.
Ashley“Gagawan ko ng paraan na mapasaiyo si Ashlyn,” mariing sambit ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Pero siguraduhin mong kapag naibigay ko na siya sayo, ilalayo mo siya nang husto. Ayokong, kahit minsan, ay makita pa siya ni Marco. Hindi ko papayagang mangyari ‘yon.”Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. Isang ngising hindi ko mabasa kung tuwa ba, pagnanasa, o pagkasabik sa gulo. Kinabahan ako, higit pa sa dati. Pero wala na itong atrasan. Wala rin akong ibang pagpipilian. Ang kasunduan naming ito ay parang demonyong hindi ko mababalikan, kaya ang tanging magagawa ko ay sumulong.Gusto niya ang taong gusto kong burahin sa mundo. Pero kahit gustuhin ko man, hindi ko magawa. Hindi dahil sa pagmamalasakit. Kundi dahil alam ko, sa huli, hindi ako patatahimikin ng lalaking ito. May mga matang nakakakita kahit nakapikit. May mga kamay na umaabot kahit wala sa tabi mo.“Ano na, Ismael?!” singhal ko. “Huwag kang ngum
Ashley“Anong sinabi mo?” mariin kong tanong habang mariin ang pagkapulupot ng aking mga bisig sa aking katawan habang nakahalukipkip, tinutumbasan ang galit na kumukulo sa dibdib ko.Hindi man siya natinag sa tono ko, ramdam ko ang lalim ng titig niyang nanlilisik.“‘Wag na ‘wag mong sasaktan si Ashlyn,” malamig ngunit matigas niyang tugon. “Dahil kapag ginawa mo 'yon, ako mismo ang makakalaban mo.”Napasinghap ako. “How dare you threaten me!” sigaw ko, halos mabasag ang tinig ko sa tindi ng galit. “Ikaw? May lakas ng loob kang pagbantaan ako sa loob ng sarili kong—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Mabilis. Mas mabilis pa sa pagkurap ko ay lumipad ang kamay niya sa leeg ko at mariing sinakal. Napapikit ako sa sakit at pagkabigla.“Ugh... bitawan mo ako!” nanlalaki ang mata kong sabi kahit nahihirapan habang pinipilit alisin ang kanyang kamay. Ngunit parang bakal ang pagkakasakal niya, mahigpit, mariin, at puno ng poot.Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa apartment ko. An
AshlynHindi ko maintindihan si Ashley.Paano niya nagawang gawin ang ganong bagay, gayong alam niyang nakasalalay din ang buhay ng aming mga magulang? Ano ba talaga ang laman ng puso’t isip niya noong mga oras na ‘yon? Ganoon ba siya kasama? Ganoon ba kalalim ang galit niya sa akin, kung meron man?Bigla, parang pelikulang bumalik sa isip ko ang gabing iyon. Ang gabing tuluyang nabasag ang inaakala kong perpektong mundo namin.Galing kami sa isang pagtitipon. Isang masayang okasyon kung saan puno ng tawanan at kwentuhan. Si Marco, ang asawa ko, ay hindi nakasama noon kaya sumabay ako sa sasakyan nina Mommy at Daddy. Nandoon din si Ashley, siyempre, ang kambal kong matagal ko nang itinuturing na pinakamatalik kong kaibigan, karamay sa lahat ng bagay.Sa loob ng sasakyan, ramdam ang init ng isang masayang pamilya. Si Mommy ang masiglang nagkwento ng mga childhood bloopers namin, si Daddy tumatawa habang pinipilit alalahanin ang petsa ng unang lakad namin sa parke. Si Ashley naman, naka
Marco “Marco… ano ‘to?” mahinang tanong niya, halos pabulong. “Kinakabahan ako sayo eh..." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na ngayon ay malamig na at nanginginig. Tila ba ramdam na ng katawan niya ang bigat ng susunod kong sasabihin. “Hindi ko rin alam kung paano ko ‘to sasabihin, Ashlyn,” buo kong tinig, kahit nanginginig ang loob ko. “Pero kailangan mo na talagang malaman ang totoo. Kailangan mong malaman… kung sino ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo.” Napasinghap siya, at nakita kong bahagyang nanginig ang kanyang labi. “Anong ibig mong sabihin, Marco?” Napayuko ako. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Sari-sari ang emosyon sa dibdib ko ang galit, awa, at higit sa lahat, matinding takot na baka sisihin din niya ang sarili. "Anong alam mo tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko? Hindi ba't… hindi ba't aksidente 'yon?" nanginginig ang boses niyang tanong, tila bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay may dalang takot at pangambang ayaw niyang isi
MarcoHindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ashlyn ang lahat ng napag-usapan namin nila Sandro. Hindi lang basta alam, kundi siguradong-sigurado ako na magiging napakasakit nito para sa kanya.Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa pagiging makasarili ni Ashley… dahil sa kagustuhan niyang makuha ako. Sa bawat segundo na inuulit-ulit ko sa isip ang mga rebelasyong iyon, parang pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay may bahagi din ako sa lahat ng nangyari. Damn, Ashley… bakit mo kailangang gawin ‘to?Nagmaneho ako pauwi, pero parang wala ako sa sarili. Hindi ko na maalala kung kailan ako lumiko o kung naka-stop ba ang mga ilaw sa intersection. Ang sigurado lang ako, buong biyahe, si Ashlyn lang ang nasa isip ko. Ang ngiti niya. Ang mga mata niyang puno ng pag-asa. At ang maaring pagguho ng mundo niya sa sandaling malaman niya ang totoo.“Putang ina…” bulong ko sa sarili habang mahigpit ang kapit sa manibela. “Paano ko ‘to sasabihin sa kanya?”Hindi ko na ito pwedeng ipagpali
Marco“We need to focus sa kung ano ang mapapala ni Ismael sa pagtulong kay Ashley,” mariin kong saad habang pinipisil ang nose bridge ko sa pagod. “Paano silang nagkakilala? Saan? Kailan? Hindi tayo uusad kung puro haka-haka lang.”Tahimik na tumango ang dalawa, si Sandro at Andy at sabay sabay na parang may bigat ang mga iniisip.“Bukod sa pera, na alam naman nating lahat na imposibleng makuha ni Ismael mula kay Ashley, ano pa ang pwedeng maging kapalit?” dagdag ko kasabay ang mabigat na pagsandal. Kahit ako ay nahihirapang mag-isip ng iba pang dahilan.Bilang isang hitman, sigurado na pera lang naman ang habol niya bagay na wala si Ashley, maliban na lang kung isa siyang putso-putsong killer. But according to Sandro ay hindi.“Love? Sex?” ani Sandro na may halong pangungutya sa tono, sabay iiling-iling na parang ayaw maniwala sa sariling sinabi.Napahinto ako at tiningnan siya ng diretso, saka bumaling kay Andy. “Love and sex? Talaga bang may lalaking papatay para lang doon?” Tanong