Share

Chapter 89

Author: R.Y.E.
last update Last Updated: 2025-05-24 22:06:47
Ashley

Natigilan ako sa tanong na 'yon ni Ashlyn. Saglit akong napalunok habang pinakikiramdaman ang tono ng kanyang boses. Hindi kaya... nakakaalala na siya?

Hindi. Imposible. Kahit pa nagbalik na lahat ng alaala niya ay imposibleng maisip niyang may kinalaman ako sa aksidenteng 'yon. Masayang-masaya pa sila nila Mommy nang gabing 'yon. Wala siyang dahilan para pagdudahan ako. Hinuhuli lang niya ako. Sinusubukan lang niya akong paaminin.

Kailangan kong maging kalmado.

“Anong pinagsasasabi mo?” Mariin kong sabi, pilit pinapakalma ang sarili. “Pagkatapos mong agawin ang identity ko, ang asawa ko at anak ko... pagbibintangan mo pa ako ng ganyan?”

Bahagyang kumiling ang ulo niya, parang kinikilatis ang bawat galaw ko. Kilala ko siya. Mula pagkabata. Madali lang siyang paikutin. Napakabait, napakalambot ng puso. Isa siyang uri ng tao na hindi makakapanakit ng kahit na sino. Kahit na ilang ulit siyang saktan, sapat na sa kanya ang isang 'patawad.'

Pero bakit ganito ang titig niya ngayon?

“S
R.Y.E.

Tignan natin kung magtagumpay ka, Ashley.

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
tnx po sa update ..more pa po pls update kna po ulit.........
goodnovel comment avatar
R.Y.E.
Puro na lang po ma'am sana tapusin nalang ang comment nyo kaya nakakatamad po lalo magsulat. Nakakababa po ng moral ang comment nyo.
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
sana lng tapusin mo na kwento mo Baja paikot ikutin mo para lng humaba
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 127

    AshlynIlang araw na ba ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Marco ang buong katotohanan tungkol sa aksidente sa pamilya namin, at higit sa lahat, ang pagkakasangkot doon ni Ashley. Ang mas masakit pa, hindi lang basta siya nadawit… siya mismo ang may pakana ng lahat.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang matinding kirot sa puso ko. Parang tinutusok ng libong karayom ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang mga salitang binitawan ni Marco, mga salitang nagpabagsak sa mundo ko, mga katotohanang hindi ko inakalang maririnig ko mula sa kanya.Ngunit alam kong hindi ako pwedeng manatiling ganito. Hindi ako pwedeng magpalamon sa sakit at galit. Kailangan kong bumangon, huminga nang malalim, at harapin ang lahat. Kailangan kong turuan si Ashley ng leksyon, hindi dahil gusto kong gumanti, kundi dahil gusto kong iligtas siya sa sarili niyang pagkakalubog.Kanina, bago pumasok si Marco sa opisina, halatang nag-aalangan siya. Nakatayo lang siya sa may pinto, hawak ang door knob, at ilang bese

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 126

    Ashley“Gagawan ko ng paraan na mapasaiyo si Ashlyn,” mariing sambit ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Pero siguraduhin mong kapag naibigay ko na siya sayo, ilalayo mo siya nang husto. Ayokong, kahit minsan, ay makita pa siya ni Marco. Hindi ko papayagang mangyari ‘yon.”Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi. Isang ngising hindi ko mabasa kung tuwa ba, pagnanasa, o pagkasabik sa gulo. Kinabahan ako, higit pa sa dati. Pero wala na itong atrasan. Wala rin akong ibang pagpipilian. Ang kasunduan naming ito ay parang demonyong hindi ko mababalikan, kaya ang tanging magagawa ko ay sumulong.Gusto niya ang taong gusto kong burahin sa mundo. Pero kahit gustuhin ko man, hindi ko magawa. Hindi dahil sa pagmamalasakit. Kundi dahil alam ko, sa huli, hindi ako patatahimikin ng lalaking ito. May mga matang nakakakita kahit nakapikit. May mga kamay na umaabot kahit wala sa tabi mo.“Ano na, Ismael?!” singhal ko. “Huwag kang ngumi

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 125

    Ashley“Anong sinabi mo?” mariin kong tanong habang mariin ang pagkapulupot ng aking mga bisig sa aking katawan habang nakahalukipkip, tinutumbasan ang galit na kumukulo sa dibdib ko.Hindi man siya natinag sa tono ko, ramdam ko ang lalim ng titig niyang nanlilisik.“‘Wag na ‘wag mong sasaktan si Ashlyn,” malamig ngunit matigas niyang tugon. “Dahil kapag ginawa mo 'yon, ako mismo ang makakalaban mo.”Napasinghap ako. “How dare you threaten me!” sigaw ko, halos mabasag ang tinig ko sa tindi ng galit. “Ikaw? May lakas ng loob kang pagbantaan ako sa loob ng sarili kong—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Mabilis. Mas mabilis pa sa pagkurap ko ay lumipad ang kamay niya sa leeg ko at mariing sinakal. Napapikit ako sa sakit at pagkabigla.“Ugh... bitawan mo ako!” nanlalaki ang mata kong sabi kahit nahihirapan habang pinipilit alisin ang kanyang kamay. Ngunit parang bakal ang pagkakasakal niya, mahigpit, mariin, at puno ng poot.Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa apartment ko. Ang

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 124

    AshlynHindi ko maintindihan si Ashley.Paano niya nagawang gawin ang ganong bagay, gayong alam niyang nakasalalay din ang buhay ng aming mga magulang? Ano ba talaga ang laman ng puso’t isip niya noong mga oras na ‘yon? Ganoon ba siya kasama? Ganoon ba kalalim ang galit niya sa akin, kung meron man?Bigla, parang pelikulang bumalik sa isip ko ang gabing iyon. Ang gabing tuluyang nabasag ang inaakala kong perpektong mundo namin.Galing kami sa isang pagtitipon. Isang masayang okasyon kung saan puno ng tawanan at kwentuhan. Si Marco, ang asawa ko, ay hindi nakasama noon kaya sumabay ako sa sasakyan nina Mommy at Daddy. Nandoon din si Ashley, siyempre, ang kambal kong matagal ko nang itinuturing na pinakamatalik kong kaibigan, karamay sa lahat ng bagay.Sa loob ng sasakyan, ramdam ang init ng isang masayang pamilya. Si Mommy ang masiglang nagkwento ng mga childhood bloopers namin, si Daddy tumatawa habang pinipilit alalahanin ang petsa ng unang lakad namin sa parke. Si Ashley naman, nakat

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 123

    Marco “Marco… ano ‘to?” mahinang tanong niya, halos pabulong. “Kinakabahan ako sayo eh..." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na ngayon ay malamig na at nanginginig. Tila ba ramdam na ng katawan niya ang bigat ng susunod kong sasabihin. “Hindi ko rin alam kung paano ko ‘to sasabihin, Ashlyn,” buo kong tinig, kahit nanginginig ang loob ko. “Pero kailangan mo na talagang malaman ang totoo. Kailangan mong malaman… kung sino ang tunay na dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo.” Napasinghap siya, at nakita kong bahagyang nanginig ang kanyang labi. “Anong ibig mong sabihin, Marco?” Napayuko ako. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Sari-sari ang emosyon sa dibdib ko ang galit, awa, at higit sa lahat, matinding takot na baka sisihin din niya ang sarili. "Anong alam mo tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko? Hindi ba't… hindi ba't aksidente 'yon?" nanginginig ang boses niyang tanong, tila bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay may dalang takot at pangambang ayaw niyang isi

  • My Brother in-Law, My Lover   Chapter 122

    MarcoHindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ashlyn ang lahat ng napag-usapan namin nila Sandro. Hindi lang basta alam, kundi siguradong-sigurado ako na magiging napakasakit nito para sa kanya.Namatay ang kanyang mga magulang dahil sa pagiging makasarili ni Ashley… dahil sa kagustuhan niyang makuha ako. Sa bawat segundo na inuulit-ulit ko sa isip ang mga rebelasyong iyon, parang pinipiga ang puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay may bahagi din ako sa lahat ng nangyari. Damn, Ashley… bakit mo kailangang gawin ‘to?Nagmaneho ako pauwi, pero parang wala ako sa sarili. Hindi ko na maalala kung kailan ako lumiko o kung naka-stop ba ang mga ilaw sa intersection. Ang sigurado lang ako, buong biyahe, si Ashlyn lang ang nasa isip ko. Ang ngiti niya. Ang mga mata niyang puno ng pag-asa. At ang maaring pagguho ng mundo niya sa sandaling malaman niya ang totoo.“Putang ina…” bulong ko sa sarili habang mahigpit ang kapit sa manibela. “Paano ko ‘to sasabihin sa kanya?”Hindi ko na ito pwedeng ipagpali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status