MasukNaguguluhan pa rin sina Mr. at Mrs. Delos Reyes sa kalagitnaan ng abala nilang pag-aayos. Akala nila ay pauwi na ang mga kamag-anak ng pamilya Martinez dahil sa kung anong bulong-bulungan. Hanggang sa biglang nanahimik at napatingin silang lahat sa isang tagpo na nagpahinto sa oras.
Tumayo pa mismo si Lola Felisa mula sa kaniyang upuan, at ang mga mata ng buong bulwagan ay sabay-sabay na tumutok sa pulang carpet. Ramdam ni Lexie ang bigat ng mga titig na bumabalot sa kanila, ngunit pinilit niyang manatiling kalmado. Sa halip, tahimik siyang sumulyap sa lalaking nakaangkla ang kaniyang braso, si Mr. Kaizer Zapanta, at para bang huminto ang oras para kay Lexie. Napakagandang pagmasdan ang anyo ng lalaking kasabay niyang maglakad sa red carpet. Para itong isang model, o parang imortal sa ilalim ng spotlight. Ang pagkakasuot nito ng suit ay flawless, indeed a perfect tailoring just for him. Hindi maiwasang madama ni Lexie ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi niya gustong magmukhang sobra siyang humahanga, kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin, pinipilit na huwag masyadong tumingin sa makisig na lalaking katabi. But the truth is spilling, the man beside her was so impossible to ignore. Kahit sino man sa bulwagang ito, alam na alam ni Lexie na hindi maiiwan ang labis na paghanga kay Mr. Zapanta. Iyon ay kahit pa kakauti lang ang mga bisita nila. Dahil sa hindi maganda ang kalusugan ni Lola Felisa, pinasimple lang ang mga seremonyas. Walang grand proposal, walang matatamis na deklarasyon sa entablado, at wala ring mga malalalim na talumpati. Isa rin iyan sa mga dahilan kung bakit hindi nila napili ang simbahan bilang tagpuan. Simple exchanging of vows lamang at palitan ng wedding rings. Mas pinasimple dahil ang mahalaga naman ay may mangyaring opisyal na seremonyas ang magbubuklod sa dalawang pamilya. Matapos ang payak na panunumpa at ang paglalapat ng singsing sa mga daliri, kinuha ng emcee ang mikropono at, sa isang tonong nagpatawa ng kaunti sa katahimikan, ani niya, “Groom, you may kiss your bride.” Nag-iba ang hangin. Nagkatinginan sina Lexie at Mr. Zapanta, parehong nagulat. Sa abala nila sa pag-aayos ng programa, nakalimutan nilang tanggalin ang linyang iyon ng emcee. Maliwanag ang chandelier sa ibabaw, at ang mga mata ng buong bulwagan ay nakadikit sa dalawang nag-isang dibdib. Napuno pa ng mga katanungan ang isipan ni Lexie. Do I kiss him? What if he refuses? What if Lola watches? Shocks! Ang mga maliit na panic thoughts na iyon ang nagpapaikot ikot sa utak ni Lexie. At bukod pa doon, may isa pa siyang mas ikinababahala dahil… ito ang first kiss niya! Bago pa man makontrol ni Lexie ang bawat hibla ng kaba, kumilos ang lalaking kaharap niya. Binalewala ng lalaki ang lahat ng kanyang kaba. Walang pag-aalinlangang naglakad siya papalapit sa pwesto ni Lexie. Hindi niya inangat ang belo ng babae, sa halip, mahinahon niyang inilapat niya ang palad sa mapulang pisngi nito. Mainit at steady iyon doon, a touch that grounded all Lexie’s being. Ramdam ni Lexie ang init na iyon na kumalat mula pisngi hanggang sa puso niya. Hindi siya makapagsalita, ni hindi rin siya makagalaw. Nag-zoom in ang mundo sa mukha ni Kaizer sa mata ni Lexie. Ang mababang anggulo ng kanyang mukha, partnered with the slight crease between his brows, and the calm certainty in his movements. Kaizer then lowered his head. Slow, and deliberate, until their breaths finally mingled. Lexie’s world narrowed to the soft curve of his lips approaching hers. Nang sandali nang nagtagpo ang kanilang hininga, doon na huminto ang pag-iisip ni Lexie, at naging blangko ang kaniyang buong isipan. Lahat ng tunog ay nawala sa pandinig ni Lexie. Ang oras ay naramdaman niyang tumigil, at ang bawat sandali ay tila naging mabagal. Para lumulutang ng mga sandaling iyon si Lexie sa alapaap. Sa mismong sandaling iyon, na parang eksakto talaga ang timing, dumating si Kier Vy Delos Reyes, ang kapatid ng bride. Dala ng lalaki ang galit na nagmumula sa isang tawag. Napahinto siya sa kanyang paglapit sa sentro ng lahat. At ang unang bagay pa na kaniyang nasilayan ay ang eksenang iyon. Ang kamay ni Kaizer sa pisngi ni Lexie, ang halos magkahalinhinan ng paghinga ng dalawa, at ang mga nakatingin na bisita. Nang makita ni Kier ang buong eksena, kumunot ang noo niya at umakayat ang dugo sa kaniyang ulo. Agad sumunod ang galit na sumiklab sa anyo ng mata niyang kulang na lang ay mag-apoy. “Lintik ka! Kaizer Dion Zapanta, papatayin kita!!” sigaw ni Kier Vy, na umaalingawngaw sa buong bulwagan. Sa bahay ng pamilya Delos Reyes Naupo si Lola Felisa sa malambot na sofa, nakasuot ng navy blue na bestida. Mapayat na siya dahil sa karamdaman, ngunit hindi nawala ang tindi ng titig niyang nakapako kay Kaizer Zapanta na kalmadong nakaupo ngayon sa tabi ng kaniyang babaeng apo. Katabi ni Kaizer si Lexie, mahigpit ang pagkaka-akbay sa babae. Saka naman mahina ang boses ni Lexie at bumulong. “Lola, patawarin niyo po ako. Hindi ko po k-kayang pakasalan si Zyrus... Hindi naman po kasi siya taong gusto ko. The man I love is…” Napahinto si Lexie sandali, bago lihim na sumulyap kay Kaizer na nanatili pa ring kalmado sa kaniyang tabi. Isang bunton hininga niya pa ay nagpatuloy na ang babae sa pagsasalita. “... is Kaizer Zapanta.” Hindi iyon ang totoong nararamdaman niya. Ang gusto lang talaga ni Lexie ay paniwalaan ni Lola na siya’y masaya, na kaya niyang magmahal muli, para kahit paano’y matahimik ang loob nito. Muling bumaling kay Lexie si Lola Felisa. Naging malambot ang tingin ng matanda sa apo, puno ng pagmamahal pero may halong pag-aalinlangan. “Talagang gusto mo siya? Kailan mo siya nakilala? Bakit hindi ko alam ang mga bagay na ito? Napakabilis naman yata?” sunod-sunod na tanong ng matanda. “We met each other a few years back, Lola, sa probinsya pa,” mabilis na sagot ni Lexie. At para siguruhing maniniwala ang matanda, idinugtong pa niya, “Kaibigan po siya ni Kuya. Ang totoo niya ay si Kuya pa po ang nagpakilala sa amin. Kung hindi po kayo naniniwala, puwede niyo pong tanungin si Kuya.” Napalingon si Lola kay Kier Vy. Tumalim ang mga mata ni Lola Felisa at buong pangalan ang tinawag ang isa pang apo. “Kier Vy Delos Reyes!” Kahit mahina na ang katawan, malakas ang boses ni Lola Felisa habang pinapatawag ang apo. Muling tumalim ang kanyang mga mata, at agad namang napaurong si Kier Vy, na kanina pa nag-iinit ang ulo kay Kaizer. Sa takot, kahit abala pa si Kier sa pag-iisip kung paano niya dudurugin si Kaizer Zapanta, ay biglang napatayo. Agad ding nagbago ang anyo niya, mula sa nagngangalit na halimaw, naging parang aso ito na naglalambing sa amo. “Lola…” ani nito, halos pabulong. “Totoo ba ang sinabi ni Lexie?” diretsong tanong ni Lola Felisa. Nagkatinginan sina Kier at Lexie. Isang makahulugang titig ang ipinukol ng babae kay Kier, at mabilis naman itong nakita ng lalaki. Ang mapungay, at nagmamakaawang mga mata ng kapatid. Hindi na makatanggi si Kier. Wala siyang nagawa kundi tumulong sa kapatid sa kasinungalingang biglang nabuo. “Totoo, Lola,” kagat-labing umamin si Kier Vy. “Ako ang nagpakilala sa kanila. Kahit na si Lexie at si Zyrus ga—” natigilan siya, napansin ang pagkakamali, kaya agad niyang binawi, “I mean... kahit engaged si Lexie kay Zyrus, mas mabuting pakasalan niya ang taong gusto niya, kaysa ipilit siya sa hindi niya mahal. Mas magiging masaya ang kapatid ko sa taong pinili ng puso niya.” Tahimik na nakinig si Lola Felisa. Hindi niya ipinakita kung kumbinsido ba siya o hindi. Pagkatapos ng ilang saglit, dahan-dahan niyang ibinaling ang paningin kay Kaizer Zapanta at may seryosong tinig na nagtanong, “Mr. Zapanta… totoong gusto mo ba ang apo namin?”“Mr. Zapanta,” tanong niya ulit, “do you also enjoy going to bars?” Biglang napahinto si Kaizer. Natigil din ang dalaga at muntik pang mabangga ang sarili sa likod nito. Tumingala siya at naghihintay ng sagot sa lalaki. “Yes, to support a friend,” sagot nito. Walang emosyon sa boses nito, tila may kaunting inis sa tono pero hindi pinapahalata. Ngunit ang susunod nitong sinabi ay mas mababa ang tono at sa mahinang boses. Lumapit ito ng kaunti kay Lexie at bumulong ng may pagka-sarcastic, “Well, thanks to you, he’s heading to the police station now. Nice work, I guess.” Ilang segundo ang lumipas hindi parin inaalis ni kay Kaizer ang malapit na distansya kay Lexie, sapagkat may gusto siyang marinig mula dito. “Uh…kase…. anu….ahmm.. ” putol putol na sambit ni Lexie, hindi niya alam paano niya ipapaliwanag ang totoong nangyari. Napayuko na lamang siya, sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Gayunpaman, naramdaman ni Kaizer na natatakot na ito at wala ng balak magsalita, kaya dumista
Parang tumigil ang mundo ni Lexie sa narinig at sa kanyang nakita. Mula sa second floor ng presinto, pababa sa hagdan, bumaba ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Matangkad, maayos ang tindig, at may presensya na taong makapangyarihan. Pusturo palang nito kilalang kilala na ni Lexie kung sino ito. ”Mr. Zapanta” pabulong niyang sambit sa pangalan nito. Nakasuot ito ng puting polo, malinis at wala ni isang gusot na makikita, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakatiklop ang manggas, at ang slacks nito ay mas lalong nagbigay-diin sa tindig at tangkad niya. Tumingin ito kay Lexie mula sa itaas, seryoso ang ekspresyon at sobra lamig ng titig nito. Dahilan na bahagyang pagtaas ng kanyang balahibo sa braso at pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Basta, ‘yung tipo ng tingin na alam mong hindi mo kayang titigan ng matagal nang hindi ka kakabahan, kaya't ikaw nalang mismo ang iiwas. Napatigil si Lexie sa paghinga. Tila humihiling na sa lupa na kainin na siya nito o di
“Ha? Wait bes, hindi ako marunong…” But Malia didn’t give her the chance to run. Hinila niya si Lexie papunta sa dance floor at tinuruan itong sumayaw. Nalibutan si Lexie ng mga nagsasayawang katawan. May mga tumatalon, may umiikot, may parang nag-e-exorcise. Pero lahat masaya. Lahat malaya. Napakasaya ng puso ni Lexie sapagkat hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganito. Bata pa lamang siyang halos lahat ng gawin niya ay bawal dahil na rin ito sa sakit na meron siya. Hindi naman sobrang higpit na kanyang pamilya sa kanya pero pakiramdam niya wala na siyang kalayaan. Bahay at school lamang ang kanyang routine sa araw-araw. Kaya sobrang saya niya sa mga oras na ito. At doon, unti-unting natunaw ang kaba sa kanyang dibdib. Wala nasa isip niya ang maaring sabihin ng kanyang Kuya Kier Vy dahil sa pagsuway niya. Bagkus kusa ng kumilos ang kanyang katawan ng dahan-dahan, kasabay sa indak ng sayaw. Hinayaan na niya ang kanyang sarili sa gustong gawin nito. Habang magkaharap na nag
Evil smile of Malia…. Hinaplos niya ang balikat ni Lexie. “Hey, don’t do that sad face. Hindi bagay sa’yo, mukha kang inagawan ng lollipop nyan bes. Ang daming lalaki sa mundo. Kung hindi nag-work ang isa, lipat sa iba ganun! Hindi ka kawalan, no. Sorry sila dahil sila ang nawalan! Kung ako lalaki, ako na magpapa-in love sa’yo at hinding hindi na kita papakawalan pa.” mahabang payo ni Malia. Napatawa si Lexie, kahit papaano. “Hindi naman ako malungkot. Maybe… hmmm, maybe hindi lang talaga kami para sa isa’t isa. Masakit man pero kailangan kong tanggapin. Ang mahalaga masaya siya sa piling ni Hailey, masaya ako para sa kanila.” aniya sa mababang tono at may pilit na ngiti sa mukhang upang hindi makahalata ni Malia na nagpapanggap lang siya. Ngunit ang hindi alam ni Lexie, na mukhang kumbinsi si Malia pero sa katunay ito ay hindi naniniwala sa lahat ng sinabi niya. Alam nito kung nagsasabi ng totoo ang kanyang kaibigan at halata naman sa mukha ni Lexie na may pinagtatakpan ito.
Bubuksan na sana niya ang bibig para ipaliwanag pero…Bigla na lang nagsalita si Kaizer. “Okay.” ani nito. Napatigil silang pareho.“Mr. Zapanta???”, hindi makapaniwalang sabi ni Manong Ben at halos mapatigil sa gulat.“…” si Lexie naman ay walang masabi at napalunok na lamang. Sa isip niya, ay…naku! Nagpakabait lang ako, hindi ko inasahang papayag talaga siya! Buti na lang, may natira pa siyang noodles. Walang choice si Lexie kung hindi kumuha ng isa pang mangkok at lagyan ito ng mainit na sabaw ng noodles. Pagbalik niya, wala na si Manong Ben. Si Kaizer na lang ang naroon. “Ito na po ang noodles, sana magustuhan niyo. Hindi na po ito masyadong mainit kaya mas masarap na pong higopin ang sabaw nito. ” aniya.Wala na namang naging tugon si Kaizer. Kaya't hudyat na ito upang magsimula na silang kumain. Kasabay nito ang pag-alis ni Manong Ben sa kusina, sapagkat wala siyang karapat upang tumutol pa. Amoy pa lang ni Kaizer sa noodles, alam na niyang masarap iyon. Pero nang ma
“A sibling is responsible for their sibling’s actions.” ani nito, na parang may pahiwatig. Kitatakotan man siya ng lahat, pero hindi siya kailanman mananakit ng isang babae. Lalo na hindi si Lexie. Maliwanag iyon sa kanya. Pero si Kier Vy… kahit kaibigan niya ito ibang usapan na iyon. Si Manong Ben ay tahimik lang. Hindi na kumontra. Samantala, sa kabilang siyudad na kinaroroon ngayon ni Kier Vy, halos hindi ito makatulog. Pagkatapos siyang pagalitan ng mga magulang niya dahil sa mga nangyari, dumiretso siya sa kwarto at nahiga, pagod na pagod, ngunit sa hindi malamang dahilan bigla siyang hindi mapakali. Pagkapikit niya, agad siyang dinalaw ng bangungot. Nandoon si Kaizer may ngisi sa mukha na tila may balak gawin sa kanya. Tinapon siya nito sa lupa na parang isang laruan. “You fooled your sister, so you’ll be the one to pay for it,” malamig na sabi ni Kaizer sa panaginip niya. “From now on, if I say east, you can't go west; if I tell you to beat a chick







