"Please, come with me, wifey," sabi ni Warren habang nagpapa-cute. Napakagat na lang ako sa labi, ang hirap talagang tanggihan ang cute na gurang na ito.
Nagpapasama siya sa akin sa amusement park, pero hindi naman pwede dahil baka may makakilala sa akin dun. Naku, ang hirap talaga maging sikat.
"Sige na nga!" buntong hiningang sagot ko. Ano pa bang magagawa ko? Para makatakas sa ex ko, pumayag akong maging fiancé ng isip batang gurang. So, i should take responsibility for what i did.
"Yeheyy!" sigaw niya at parang batang nagtatalon-talon sa harap ko. Pinagtinginan tuloy kami ng iba, gosh, ang laki niyang lalaki para umaktong ganiyan! I mean, hindi bagay sa itsura niya.
Lumapit ako sa Manager ko kasama si Warren dahil, nang mapansin niyang aalis ako sa tabi niya, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit na tila ayaw niya nang humiwalay sa akin.
"Manager, pwede na ba akong umalis ng maaga?" tanong ko. Tumingin siya kay Warren pero nagtago si Warren sa likod ko na parang bata.
"Sino siya?" takang tanong ni manager.
"I'll tell you next time," sagot ko nalang. There's no way i could say na fiancé ko ang batang ito. It would look like a child abuse, i swear! Kahit na mas matangkad ang lalaking ito at makisig.
"Fine, tapos na rin naman ang parte mo rito," sagot niya. Nagulat ako nang bigla siyang hinarap ni Warren.
"Salamat po, mister! Ang bait niyo naman po, sana wag po kayong magbago," nakangiting sabi ni Warren. Napatapik na lang ako sa noo ko sa naging reaksyon ni Manager.
"Sige na, mauuna na kami." Agad kong hinila si Warren palabas doon, pero hindi nagpapigil si warren sa pagkaway-kaway sa kanila. Why so naughty, Warren?
Bad kid! But handsome.
Yung mga babae ay nahuhumaling sa kapogi-an ng fiancé ko, habang yung mga lalake naman ay nagtataka ngunit may bahid ng inis kay Warren.
--------
"Diyan ka lang muna okay? Magpapalit lang ako," sabi ko at iniwan siya sandali sa isang sofa. I hope hindi siya gagawa ng gulo.
Nang matapos akong magpalit, bumalik ako kung saan ko siya iniwan. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig, may ginuguhit sa sahig gamit ang daliri niya.
"Halika na," sabi ko sa kaniya at inabot ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Agad na nagliwanag ang mga mata niya at tinanggap ang kamay ko.
"Excited na po ako," sabi niya, ngumiti lamang ako sa kaniya.
May sarili siyang driver, dahil wala naman siyang lisensya. Doon na lang sana kami sasakay dahil naka-motor ako, pero ayaw niya.
"Sa motor mo na lang tayo sumakay," nakangiting suhestiyon niya.
"Wag na, mahulog ka pa," tanggi ko, pero nagulat na lang ako nang utusan niya ang driver na mauna nang umalis.
Ang kulit naman ng batang 'to.
-----
"Yahooooo!" malakas na sigaw niya habang nakataas ang dalawang kamay. Buti at hindi nahuhulog ang lalaking 'to. Well, siyempre binagalan ko lang pagpapatakbo dahil mahuhulog talaga siya.
"Ang sarap ng hangin," galak na sabi niya. Hay naku, pag ganito kabagal ang pagpapatakbo ko, baka wala na kaming maaabutan sa pupuntahan namin.
"Kumapit ka, bibilisan ko na!" sigaw ko. Bigla siyang yumakap sa tiyan ko na iki-nagulat ko. Buti't hindi ako nawalan ng balanse sa pagd-drive.
"A-ang higpit naman," reklamo ko, dahil napaka-higpit ng yakap niya. Nasa bandang leeg ko pa ang mukha niya at tila sinisinghot niya ako, dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.
"Ang bango mo talaga," Ewan ko, kung dahil sa lakas ng huni ng motor o talagang parang husky yung boses niya?
Ang bilis ng tibok ng puso ko, oh no, mararamdaman niya!
"Ano?" pasigaw na tanong ko.
"Ang bango niyo po!" pasigaw na sagot niya rin. Siguro ay guni-guni ko lang iyon.
'Di ko na lamang pinansin at lalong binilisan ang pagmamaneho.
"Nandito na tayo," sabi ko at itinigil ang motor. Tinanggal ko ang helmet ko at isinuot ang mask.
"Halika na," sabi ko sa kaniya. Napansin kong hirap siya sa pagtanggal ng helmet niya kaya tinulungan ko siya. Pati ba naman pagtanggal ng helmet.
Ba't ang gwapo ng lalaking to, shet! Kung 'di ka lang talaga bata.
Nang matanggal ko ang helmet niya, napansin kong titig na titig siya sa akin.
"Bakit ka po naka-mask? Magnanakaw ba tayo?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Syempre hindi! Alam mo naman na sikat ako hindi ba? Para walang lumapit sa aking fans, kailangan kong itago ang mukha ko," paliwanag ko sa kaniya.
Tumango tango naman siya tapos bigla siyang naglabas ng mask na katulad ng sa akin at sinuot niya iyon.
"Ayan, pareho na tayo!" proud niyang sabi. Ngumiti ako sa kaniya kahit di niya makikita dahil sa mask na suot ko.
"Bakit ka nagsuot ng mask? May pinagtataguan ka ri-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla niya akong halikan habang pareho kaming naka-suot ng mask.
"Sabi nila sweet daw ang lalaking hahalikan ang babae," nakangiting sabi niya. Sino ba nagturo niyan, at mapatay ko.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa d****b ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nagiging pedophile na ba ako?
"Manyak tawag dun." Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"No way! Ayoko maging manyak," sabib nito habang nakatakip ang kamay niya sa bandang labi niya.
"P-pero kung kasal na tayo, hindi na," nag aalinlangang sabi ko. Agad namang kuminang mga mata niya.
"Oh siya, H-halika na, saan ang gusto mong unang puntahan?" Tanong ko sa kaniya.
"Yung roller coaster ride!" masayang sabi niya at itinaas pa ang kamay niya.
Oh god, bakit mo ginawa ito sa napaka gwapong lalaking ito? Sayang!
Sumakay kami sa iba't-ibang rides. Maraming nakakatakot o nakakakaba, itinataas niya lang ang kamay niya at sumisigaw, habang ako ay tinitignan lang siyang nag-eenjoy.
"Nagsaya ka ba?" nakangiting tanong ko. Tumango siya na parang bata.
"Sa susunod ay bumalik tayo dito," nakangiting sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Hindi ko inaasahang makikita kita dito." Sabay kaming napalingon ni Warren sa nagsalita.
Nakita namin si Tianna, ang ex best friend ko. Best friend ko siya noong high school pa lang kami pero, dahil sinulot niya si Joshua sa akin, naging best enemy na kami. Isa rin siyang model ng karibal ng kompanya kung saan ako ngayon nagtatrabaho.
"Tianna," walang emosyong banggit ko sa pangalan niya.
"Huh? Oh, isn't that my boyfriend's fool brother?" maarteng tanong niya habang tinuturo si Warren.
"Sino siya wifey? Nakakatakot siya," bulong ni warren sa akin habang nasa likod ko. Tinanggal muna namin ang mask namin dahil kumakain kami ng ice cream, pero hindi ko akalain na makikilala agad ako ni Tianna.
"Huwag kang mag-alala. Isa lang siyang walang kamandag na ahas," bulong ko kay Warren. Nag-ahh naman ang bibig niya at tumango pa.
"Anong sabi mo? Ang sabihin mo ay naiinggit ka lang dahil mas maganda ako, at ako ang pinili ni Joshua habang ikaw ay iniwan!" pagmamayabang niya.
"Walang nagtanong," sabi ko at hinila si Warren paalis sana pero Natigilan ako nang hindi gumalaw si Warren.
"Your bullying my wife so, I'll kill you," seryosong sabi ni warren. Nagulat ako sa kaseryosohan niya kaya hinarangan ko ang tingin niya kay Tianna.
"Warren! Anong pinagsasabi mo riyan?" gulat na tanong ko. Hindi ako makapaniwalang kayang sabihin ng napaka inosenteng Warren ang mg bagay na iyon.
"She's bullying you, Wifey. Kailangang pino-protektahan ng mga hubby ang mga wifey nila kahit na anong mangyari, ano mang dahilan at sa ano mang paraan," seryosong sabi niya.
"At sa pagpatay na paraan? Hindi ako makakapayag na mabahiran ang malinis mong kamay ng dugo para lang sa akin. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga katulad niya kaya, 'wag kang mag-aalala," nakangiting sabi ko. Tila na-konsensya siya at tumingin sa sahig.
"Sorry, wifey, pero poprotektahan pa rin kita," sabi niya at muling iniharang ang sarili sa akin at hinarap si Tianna.
"Aww, you two look so, good together. Parehong b****a!" sabi ni Tianna at tumawa na parang bruha.
Pero bigla siyang napa-atras. 'Takot' ang nasa mukha niya. Teka, bakit siya natatakot? May nakita ba siyang multo?
"Halika na Warren," tawag ko sa kaniya at kinuha ang kamay niya. Iniwan namin si tianna na hindi maka-move on, at nanginginig sa takot.
Habang naglalakad ay nakaholding hands kami pero para namang bata itong kasama ko kaya hindi nagmumukhang date 'to.
"Sabihin mo, Warren. Ano ba ang wife para sa iyo?" tanong ko sa kaniya.
"Sabi sa akin noon ni daddy, ang wife daw ay ang importanteng tao para sa iyo. Dapat na protektahan mo siya kahit na anong mangyari, laging pakikinggan ang mga sinasabi niya at lagi siyang tama, kahit hindi naman, tama pa rin siya. At higit sa lahat ang wife daw ang magdadala ng magiging anak mo sa hinaharap," nakangiting paliwanag niya. Mukhang napakalaki ng paghanga niya sa kaniyang ama. Hindi ko alam na ganito ang ugali ni tito.
"Napaka inosente mo, Warren. Hinding hindi ako papayag na madungisan ka," bulong ko, at niyakap siya.
'Kung kaya't hayaan mong ako ang tatapos sa mga taong gusto mong mawala na'
.
Muling pumunta si Mrs. Gamilla sa bahay at pilit akong gustong kausapin. Naguguluhan na ako kung ano ba talaga ang nais ko. May parte sa akin na gusto ko ring makasama siya, pero nangunguna ang puot sa puso ko at galit sa pag iwan niya sa akin na naging dahilan ng pagkasira ng buong buhay ko."Ate?" Natauhan ako sa pagkatulala nang Hawakan ni Rechelle ang kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya ng matamlay at inayos ang buhok niya. Nandito kami sa harap ng school niya. Sinundo ko siya pero lutang ang utak ko."Ayos lang po ba kayo?" Tanong niya. Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Aalis na sana kami nang mapansin ko ang isa sa mga bodyguard ng kaibigan ni Rechelle. Napayukom ako nang makita ang tattoo nung isa. Simbulo ng saint mafia."Anak, pumasok ka na muna sa kotse. 'Wag na 'wag kang Lalabas kahit na anong mangyari, naiintindihan mo?" Seryosong gabi ko sa kaniya. Tumango naman ito kaya lumapit na ako."Hindi kayo ang bodyguard ko! Who are you?" Matinis na sigaw ng bata. Tinakpan nung
"kung ikaw nga ang tunay kong mama, bakit ngayon kalang nagpakilala? Bakit ko kailangan magdusa sa bagay na hindi naman dapat? Alam mo ba kung ano ang dinanas ko dahil sa bagay na hindi ko alam?" Inis na sunod sunod kong tanong sa kaniya. Sobrang dami kong pinagdaanan dahil sa isang malaking kasinungalingan sa buhay ko.Tapos ngayon, magpapakilala siya na parang wala lang lahat ng mga iyon? Kalokohan! Hindi ko kailangan nang ina kung nabuhay din naman ako nang ilang taong wala ito."Please, unawain mo ako, hindi ko iyon magawa sa kadahilanang..." Hindi maituloy ni Mrs. Gamilla ang kaniyang sinasabi kaya tinalikuran ko na siya."You can't even explain yourself, how am i going to trust you? Just please go and leave. I don't need a mother, not anymore," I said before entering the house and locking the door.Bago tuluyang magsara ang pinto, muli kong tinignan ang mukha ni Mrs. Gamilla, somehow it hurts me na makitang umiiyak siya. Lalo na ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko pa rin maiw
"Ano ang kailangan mo?" Walang ganang tanong ko. Lumapit siya sa akin ng lumapit hanggang sa maabot niya na ako. Napakunot ang noo ko nang biglaan niyang hinimas ang braso ko."Sabi ko na nga ba't hindi ka baliw. Ang cool mo talaga." Malanding sabi niya. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. Sana may spray ako dito na 'Anti-Bitch'"How cruel you are!" Naka-pout na sabi niya. "but, that's what I like about you, babe." Sabi niya sabay mas lalong lumapit sa akin. Tsk, pasalamat siya at kapatid siya ni Rafa kahit half lang, dahil kung hindi, baka kanina ko pa siya nabaril sa mukha."Lumayo ka nga sa akin baka makita tayo at isumbong pa ako sa asawa ko." Inis ko siyang tinulak pero di ko linakasan dahil baka masiraan siya ng buto."Wala naman siya dito ahh? Pwede tayong magkasama hangga't wala pa siya." Sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko nang dahan-dahan at dahil sa inis ko, itinulak ko siya uli dahilan para maupo siya sa sahig."What do you think you're doing?" Nanlilisik
Binuksan ni Yuhan ang pinto sa side ko at inilahad ang kamay niya para tulungan akong bumaba. Sa oras na tumapak ang paa ko sa lupa agad namang pagbabago ng expression ko."Kahit kailan talaga ang galing mong umarte." Bulong niya. Nginitian ko lang siya at naglakad papasok. I'm wearing a Red long dress."Ohh, I didn't expect to see you here, Ms. Moreal." Bungad sa akin ni Mr. Chu. Minsan na niya akong inalok na maging model niya pero hindi ako pumayag."Its nice to see you here, Mr.chu." sabi ko at ngumiti. Para lang akong si warren. Magaling magpanggap. Nagkamustahan lang kami at umalis na siya. Maya-maya ay may lumapit sa akin."Alam mo bang naghintay ako sa Tawag mo, Ms. Moreal?" Nagulat ako sa nakita ko. Si Mrs.kashieca. crap, nalimutan kong tawagan siya dahil sa dami ng nangyari."I'm sorry madam, maraming nangyari kaya nawala sa isip ko," paghingi ko ng tawad. Ngumiti siya ng tila malungkot."It's fine, I'm just disappointed." Malungkot na sabi niya."How about this, Sasama ako
Maaga akong nagpunta sa bahay nila Warren at Yiesha. Una palang nang makita ko si Warren, kinutuban na ako agad na hindi siya normal na tao. Pero hindi ko malaman anong pagkatao niya talaga. Anong koneksyon niya sa Saint mafia at nagawa niya akong utusan na ilabas si Yiesha sa matagal na naming pinaghahandaan na digmaan.Naaalala ko pa noong una kong makilala si Yiesha.*Flashback*Muli nanaman akong tumakas mula sa mga bodyguards ko para gumala sa bago naming tinitirhan. Laging wala ang parents ko dahil masyado silang focus sa pagiging doctor nila. Hindi man lang nila maalala na may anak pa sila.Habang naglilibot sa buong lugar, kinabahan na ako nang mapansin kong hindi ko na maalala saan ako dumaan. Ikot ako nang ikot kakahanap sa bahay namin, pero hindi ko mahanap."Are you seriously about to cry?" Nagulat ako nang may boses babae ang nagtanong sa akin ng obvious namang bagay."I'm lost," naluluhang saad ko sa batang babae."Idiot," rinig kong bulong niya. Magrereklamo na sana ak
Warren's POV.Hating gabi na at nasa office ako. Hindi man Halata, isa akong CEO ng isang malaking kompanya na ipinatayo ko mismo gamit ang naiwang kayamanan ng aking mga magulang."May ipapagawa ako sa iyo, Rafilla." Tawag pansin ko kay Rafilla. Siya ang namamahala sa kompanya kapag wala ako. "Ano po iyon master?" Tanong niya."Gusto kong ianunsyo sa kanila na magpapakita na ako sa buong mundo," saad ko na labis niyang ikinagulat."M-master. Masyado ka pang mahina upang labanan ang Saint mafia." Nag-aalalang sabi niya. "Gawin mo na lang ang gusto ko!" Sigaw ko sa kaniya. Agad naman itong yumuko at humingi ng tawad. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Gusto kong malaman ni rafa na seryoso talaga ako sa kaniya."At ang kasalan namin ni Rafa" dagdag ko. Labag sa loob siyang tumango. Kinagat niya ang labi niya sa kadahilanang ayaw niya nang magsalita ng kung ano ano pa."Ayokong isakripisyo mo ang buhay at pangarap mo para lang sa isang babae. Pero nangako akong hindi susuway sa mga utos
"We didn't know who did it. She was poisoned." Bumagsak ako sa mga tuhod ko sa narinig. "You are bleeding," malamig na saad niya. Saka ko napansin ang sugat sa paa ko. Natawa nalang ako nang mapait."Kaya pala, bigla ka nalang naging distansya sa akin at ayaw mo akong lumapit sa puntod niya. Alam mo hindi ba?" nanghihinang sabi ko habang nakatitig sa paa kong dumudugo."You Don't want me to be happy, so you killed the person i loved." Dagdag ko pa pero nanatili pa rin siyang tahimik. Pinipigilan ko na lamang ang luha kong nagbabadya tumulo.I never imagined na isang araw, darating yung araw na muli akong magiging ganito kahina."What's going on, dad? Anong pinagsasabi ng babaeng ito?" Hindi ko liningon sino sa step sisters ko ang nagsalita, at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.Pagkasakay ko sa kotse ko, pinaharurot ko iyon papuntang bahay ni Yuhan. Bago ko pa man marating ang bahay nila, may biglang sumulpot na sasakyan sa harap ko kaya madali ko iyong iniwasan.Dahil sa biglaan
*Flashback*Warren's POV."Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa kamay ng dalawang lalaki. Balak nila akong lunurin sa dagat, nakatali ang kamay at paa ko habang may mabigaat na bato sa dulo ng lubid."Huwag ka ngang maingay bata?" Inis na sabi nung lalaki. Wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil, katapusan ko na. Hindi ko matutupad ang ipinangako ko kay daddy na babawiin ko ang binawi nila sa amin."Binubuhat ako nung isang lalaki nang bigla itong bumagsak. Nakita ko na lang na may dugong dumaloy sa bibig niya."Ayos ka lang ba, bata?" Tanong nung isang babae na may blangkong expression. May hawak siyang kutsilyo na may dugo, kung tignan niya ako ay akala mo, wala siyang inagaw na buhay."P-pinatay mo ba yung lalaki?" gulat na tanong ko. Tumango siya habang kinakalagan ako. Walang nagbabakas na guilt sa mukha niya."Tigilan mo ang pag-iyak mo dahil walang magagawa iyan," seryosong sabi niya
Muli akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kawalan. Ito ang unang pagkakataon na sinira ko ang misyon, ngayong napag isip isip ko na ang mga ginawa at sinabi ko kay Yuhan kagabi, na-realize ko ang pagkakamali ko."Wifey, kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba?" malambing na tanong sa akin ni Warren."Wala namang problema, Warren. Nag-iisip lamang ako," sagot ko at ngumiti sa kaniya.Sa ngayon, inalis muna ako ni Yuhan sa Mission dahil sa mga sinabi ko kagabi. Pag-isipan ko raw muna ang mga sinabi ko.Anong gagawin ko? I clearly know how i feel about Warren. I want to protect him no matter what, pero, tama bang isuko ko ang lahat para sa lalaking ilang buwan ko lamang nakikilala?Ilang taon kong pinaghirapan ang kinatatayuan ko ngayon. Kahit anong mangyari ipaghihigante ko ang pagkamatay ng mom ko."Warren, kung papipiliin ka, ako o yung pangarap mo, ano pipiliin mo?" Wala sa sarili kong naitanong kay Warren