Share

Her College's Rival

Author: Msdimpleee
last update publish date: 2026-01-16 21:51:07

Isang oras mahigit din ang lumipas hanggang sa marating nila ang isang high-end villa. Napalingon si Calyx sa likuran. Mahimbing pa ang tulog ni Athena. Lumabas siya ng sasakyan at binuksan ang back seat. Inilapit ng binata ang mukha sa dalaga. Bahagyang hinaplos ang pisngi nito at baka magising.

“Napakaamo talaga ng mukha mo, Athena. You’re mine,” bulong ni Calyx habang pinapasadahan ng tingin ang mukha ng dating asawa. Nagmulat ng mga mata si Athena dahilan para lumayo ito sa kaniya. Pinanliitan siya ng mga mata.

“Anong ginawa mo sa ‘kin, Calyx? Hinalikan mo ba ako habang ako’t tulog?” nang-uusig na tanong ng babae. Natawa ng mahina si Calyx.

“Kung hahalikan kita, sisguraduhin ko na gising ka,” nakangising sabi niya. Inirapan siya ni Athena.

“Whatever!”

Lumabas na ng sasakyan si Athena at iginala ang tingin. Sinabi niya na naroon na sila. Bago sila pumasok sa loob ng bahay, kinuha niya ang lipstick sa bag at salamin. Nang malagyan ang kaniyang labi, napatingin si Athena kay Calyx na titig na titig sa kaniyang labi.

“Calyx, kung ayaw mong umuwi ako, huwag mo akong titigan ng ganiyan,” naiinis niyang sabi.

“Pasensiya na. Bumalik lang sa ala-ala ko na nahahalikan ko pa ang ‘yong labi.”

“Divorced na tayo, Calyx. Kaya, moveon na. Ngayon, ang relasyon natin ay boss at secretary. Iyon lang at wala ng iba. Pumasok na lang tayo sa loob,” sagot ni Athena. Huminga ng malalim si Calyx bago pinihit ang pinto papasok.

Pagpasok nila, agad na napansin ni Athena ang napakalaking chandelier sa itaas na kumikinang sa liwanag. Maraming tao ang nasa kani-kanilang mesa habang nagkukuwentuhan, may ilan na nakatayo habang may hawak na wine glass.

Talagang pinaghandaan ng mga tao ang okasyong ‘yon dahil napakagara ng kanilang kasuotan. Naglakad palapit sa kanila ang isang ginoo na sa tingin ni Athena nasa late 50’s.

“Calyx, mabuti at nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay!” bati ng ginoo. Nakipag-beso-beso si Calyx rito.

“Uncle Manuel! Kamusta kayo? Medyo na-late lang ng dating dahil may tinapos pa sa office.”

“Halika at ipapakilala kita sa mga katulad nating negosyante na katulad ko ay may edad na,” biro ni Manuel na ikinatawa nilang dalawa.

Lumingon si Calyx kay Athena at sinabi na babalikan siya. Tumango siya. Iginala niya ang tingin. Lumapit siya sa wine fountain at kumuha roon. Bumalik ang tingin niya sa kinaroroonan ni Calyx. Hindi maikakaila ni Athena na namumukod-tangi ang awra ng binata. Batang-batang CEO ba naman.

Samantala, napagpasiyahan ni Calyx na magpaalam na lalo at siya lang ang pinakabata roon. Hinanap ng mata niya si Athena. Nakita ang babae sa tabi ng wine fountain habang sumisimsim ng wine. Magtutungo na sana siya roon ng tawagin siya ng kaibigang si Joseph. Magkaibigan sila noong college. Inakbayan siya ng lalaki.

“Minsan lang tayo magkita, dude. Kaya yayain ko ang iba nating mga ka-tropa na magsama-sama. Inuman ba?” paanyaya ni Joseph.

Tumango lamang si Calyx habang nakatitig kay Athena. Napatingin naman ang kaibigan sa tinitingnan niya.

“So, you’re with her?”

“Oo, kasama ko siya dahil isa siya sa mga sekretarya ko,” sagot ni Calyx habang matiim na nakatitig kay Athena na ngayon ay nagtungo sa sliding door kung saan may mini garden roon.

“Bakit ka pa nakikipaglapit sa kaniya, dude? Iniwan ka na niya ‘di ba? Alam mo kung gaano ka kamiserable noong naghiwalay kayo,” sermon ni Joseph. Ngumisi si Calyx.

“Ako ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, Joseph. Ngayon, kailangan natin siyang turuan ng leksiyon upang bumalik siya sa ‘kin.”

Napatango-tango naman si Joseph at sinabi na sang-ayon ang binata sa suhestiyon ni Calyx.

Sa garden, nakaupo lamang si Athena habang nakamasid sa mga bulaklak at sa bilog na buwan habang dinadama ang malamig na simoy ng pang-gabing hangin. Nang mapatingin siya sa kaniyang kanan at makita ang isang pamilyar na mukha.

“Oh, ikaw ba ‘yan, Athena?” sarkastikong tanong ng babae. Minukhaan niya ang babae. Puno ng kolorete ang kaniyang mukha na para bang may balak maging payaso. Walang iba kundi si Gineva.

Ang pamilya nina Gineva ay nasa trade business. Nagmula sila sa angkan ng mayayaman. Natatandaan pa niya noon, may paghanga si Gineva kay Calyx. Laging nagbibigay ang babae ng pink love letter sa dating asawa. Araw-araw ‘yon walang palya na para bang ito ang nanliligaw sa lalaki.

Nang maging sila Athena at Calyx at makita sila ni Gineva na magkahawak-kamay sila, matalim siyang tiningnan ng babae na para bang gusto siyang lamunin ng buhay o kaya ay pagpira-pirasuhin ang kaniyang katawan. Napag-alaman ni Athena na ikinasal na si Gineva ng isang tagapagmana ng ikalawang henerasyon ng angkan at ngayon ay namumuhay ng maginhawa.

May hawak na wine glass ang babae habang naglalakad palapit sa kaniya habang ang kaniyang balingkinitang katawan ay umaandayog sa bawat paghakbang nito at may suot na mataas na heels. Nang-uuyam at nang-iinsulto ang tingin ni Gineva sa kaniya.

“Nakipaghiwalay ka kay Calyx ‘di ba? At ano naman ang ginagawa mo ngayon dito? Naghahanap ng sugar daddy?” natatawang sabi ni Gineva. Mabuti na lang at sila lang dalawa roon, dahil nakakahiya ang mga sinabi ng babae. Muli, nagsalita si Gineva.

“Anong ginagawa ng isang kahiya-hiyang babae rito? Paano ka naging kahiya-hiya? Kasi ikaw pa ang may ganang hiwalayan si Calyx? Hindi mo man lang hinintay na siya ang nakipaghiwalay sa ‘yo?! Ang kapal ng mukha mo! Let me guess, mayroon ka sigurong pinatulan na mataba at matandang negosyante? Tama ba ako?” mahabang panlalait ni Gineva.

Napabuntong-hininga na lamang si Athena.

Hangga’t maaari ayaw niyang patulan ang babae dahil nagsasayang lang siya ng panahon. Wala pa rin ipinagbago si Gineva. Naniniwala siya sa kasabihang, nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon pero mukhang hindi kasama si Gineva roon.

“Mukhang nagsipilyo ka ngayon ng bulok na itlog no? Ang baho kasi ng hininga mo,” patutsada ni Athena.

Nagbago ang ekspresiyon ni Gineva. Nanginig ang kamay nito. Mabilis na isinaboy ng babae ang laman ng wine glass sa mukha ni Athena. Napasinghap siya at napahawak sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang suot na asul na bestida. Binigyan niya ng masamang tingin si Athena.

“Anong ginawa mo, Gineva?! Baliw ka ba?!” sigaw ni Athena. Nasagad na ng tuluyan ang pasensiya niya. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Gineva at ginawang inosenti ang mukha.

“Aw, sorry, Athena. Dumulas kasi sa kamay ko iyong wine glass kaya natapon sa ‘yo. Mukhang ramdam niya na naiinis ako sa ‘yo.”

Natawa ng bahagya si Gineva. Ngumiti siya ng nakakaloko bago naglakad palapit sa kaniya at binangga ang balikat ni Athena dahilan para matumba siya. Ang akala niya ay babagsak siya sa sahig per hindi. Kundi sa isang malapad na dibdib tumama ang kaniyang likod. Naamoy ni Athena ang pamilyar na pabango.

Napasinghap siya ng may malapad na kamay ang pumalibot sa kaniyang beywang. Hanggang sa maramdaman niya ang itim na black jacket sa kaniyang lantad na balikat at matakpan ang basa niyang bestida kung saan litaw na ang maputi niyang dibd*b.

Tumingala si Athena at nagtama ang mga mata nila ni Calyx. Humakbang ang binata palapit kay Gineva at hinawakan ang babae sa pulso.

“Humingi ka ng tawad sa kaniya,” kalmado ang boses ni Calyx pero may halong panganib ‘yon. Nagpumiglas si Gineva pero mas lalo nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ng babae. Tumaas ang kilay ni Gineva.

“At bakit ako hihingi ng tawad sa kaniya, Calyx?”

“Dinumihan mo ang suot niyang kuwintas!”

Tiningnan ni Calyx ang kuwintas na ngayon ay naging kulay red dahil sa wine.

“Malaki ang halaga ng kuwintas. Bayaran mo dahil kung hindi, sasabihin ko sa dad mo ang ginawa mo,” may pagbabanta na sabi ni Calyx.

Nanginig ang kamay ni Gineva tanda na takot ito sa binata. Maldita ang babae pero pagdating kay Calyx ay mahina ito.

“Bakit mo ba ipinagtatanggol ‘yang babae na ‘yan, Calyx? ‘Di ba divorced na kayo? Dapat wala ka ng pakielam diyan! At tsaka paano nakapasok dito yang hampaslupa na yan?!”

“Ako ang nagdala sa kaniya rito. Huwag na huwag mong babanggitin ang divorce na yan!” galit na wika ni Calyx. Tumingin sa likuran ang binata at tumango. May dalawang lalaking nakasuot ng black suit ang lumapit sa kanila. Hinawakan ng isa sa braso si Gineva.

“Tawagan mo ang kaniyang pamilya at sabihin na kailangang bayaran ni Gineva ang danyos na ginawa nito kay Athena,” utos ni Calyx doon sa isa na kaagad na sinunod. Inalis ng binata ang kaniyang kuwintas at itinapon na lang kung saan.

“Fifty million ang halaga ng kuwintas niyan.”

Sumigaw si Gineva habang hinihila siya ng lalaki palabas roon. Hindi na nagtagal pa sina Calyx at Athena sa party. Malagkit ang pakiramdam niya dahil sa itinapon na wine sa kaniya.

“Bakit hindi ka lumaban, Athena? Huwag mong sabihin na duwag ka na?” tanong ni Calyx. Wala namang pang-iinsulto sa boses ng binata kaya mabuting sagutin niya ‘yon ng tama. At tsaka wala na siyang lakas na makipagsumbatan rito.

“Sinamahan lang kita rito sa party. Kaya ayaw kong mapaaway ka dahil sa ‘kin,” sagot ni Athena.

Hindi na nagsalita pa si Calyx. Siya naman ay itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana. Hanggang sa maisip niyang buksan ang kaniyang cellphone. May natanggap siyang voice message galing sa kaibigang si Aliana. Aksidente niyang na-play ‘yon.

“Athena, nabalitaan ko na may bago kayong boss. Guwapo daw at mayaman. Totoo ba? Guwapo ba talaga siya? Ano sa tingin mo?”

Iyon ang sabi ni Aliana sa voice message. Kinabahan si Athena kaya minadali niyang patayin ang cellphone. Ngunit sa pagmamadali niya, nalaglag ang cellphone niya dahilan para bumagsak ‘yon sa tabi ni Calyx.

Nasa passenger’s seat na kasi sila. Napapikit si Athena na mariin. Napakamalas niya! Sinubukan niyang kunin iyon sa gilid hanggang sa maiusog niya ang cellphone sa harap ni Calyx. Yumuko siya para makuha ‘yon.

“Mukhang iba ata ang mahahawakan mo, Athena,” natatawang sabi ni Calyx. Namula ang pisngi niya.

Paano ba naman nasa harap na niya ang maumbok na parte ng katawan ng dating asawa. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tuwid na naupo.

“Hindi ko na hahawakan ‘yan, Calyx. Never!”

“Huwag kang magsalita ng patapos, Athena. Baka kainin mo lang yan,” nakangising sabi ni Calyx. Nag-focus na lamang siya sa tanawin sa labas at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matulog dahil pagod siya. Hindi namalayan ni Athena na pinagmamasdan na siya ni Calyx.

“Hahanapin mo rin ang ginagawa ko noon, Athena.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Benjamin's Confession

    Sinimulan nang kainin ni Benjamin ang nilutong noodles ni Athena. May kung ano pang dinagdag roon ang dalaga na mas nagpasarap sa canton. Napatango siya ng malasahan ‘yon. Napakasarap niyon at nanuot sa kaniyang lalamunan.“Ang sarap ng pagkakaluto, Athena. Puwede ka na mag-asawa,” biro ni Benjamin na tinawanan lang niya.“Darating din tayo diyan, Benjamin. Salamat naman at nasarapan ka sa luto ko.”Huminto sa pagkain si Benjamin at napatingin sa kaniya. Nag-iwas si Athena ng tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin nito.“May dumi ba sa mukha ko, Benjamin?” nag-aalangan niyang tanong. Umiling naman si Benjamin.“Wala namang dumi sa mukha mo, Athena. May gusto lang sana akong itanong,” tugon ni Benjamin.“Ano naman ang gusto mong itanong, Benjamin?”“May posibilidad ba na magkagusto ka sa ‘kin, Athena?” tanong ni Benjamin habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Natigilan si Athena. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na ‘yon ni Benjamin.“Hindi ko alam kung pa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Home

    Nagmamadaling sinundan naman siya ni Calyx.“Alam kong ayaw mo na sa ‘kin, Athena. Pero puwede naman tayo maging bed partner di ba?” tanong ni Calyx. Tumigil sa paglalakad si Athena. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Sumikip rin ang kaniyang dibdib dahil sa mga sinabi ni Calyx. Iyon ba ang dahilan kaya persistent itong nakabuntot sa kaniya para lang insultuhin siya?! Akala ni Athena nagbago na ang dati niyang asawa pero hindi pala. Humarap siya kay Calyx.“Talaga namang gagawin mo ang lahat para makuha ako dahil lang sa tawag ng laman. Willing kang gumastos ng malaki para lang ibigay ko kung ano ang gusto mo,” matigas ang boses ni Athena at mararamdam ang galit roon.“Kung hindi mo lang sana ako hiniwalayan, ang lahat ng mayroon sa ‘kin ay sa ‘yo. Hindi mo na kailangang magtrabaho, Athena.”“Sige pag-iisipan ko ang offer mo, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa offer mo. Iyon lang.”Halos masugat na ang palad ni Athena dahil sa pagkakadiin ng kuko nito roon. Tumalikod na siya

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The Villa

    Nagpumiglas si Athena sa pagkakahawak sa kaniya ni Calyx. “Bitawan mo nga ako, Calyx. Kaya ko na ang sarili ko,” naiinis niyang sabi.“Hindi, baka mamaya tumakas ka sa ‘kin.”Tumango siya kay hinila siya pabalik ng hospital. Nagsalubong naman ang kilay ni Benjamin habang pinagmamsdan ang dalawa. Naisip niya na baka may gusto si Calyx kay Athena o baka si Athena ang may gusto sa binata.Pagbalik naman nina Calyx at Athena sa hospital. Sinabi ng doktor na puwede na siyang i-discharge dahil hindi naman malala ang nangyari. Lumabas na sila at pumasok sa sasakyan ni Calyx. Pumasok na silang dalawa at pinausad naman ng binata ang sasakyan.“Iuwi mo na ako sa ‘min, Calyx.”Ngunit hindi sumagot si Calyx. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa unahan.“Anong relasyon niyo ni Direk?”“Manliligaw ko si Direk pero hindi ko siya gusto. Bakit ba?” naiinis na tanong ni Athena.“Hahayaan ko muna siyang mag-stay sa kompanya ng ilang araw bago ko siya i-terminate.”“Ayos naman ako. Palampasin mo na l

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Accident

    Samantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    He Tried To R*pe Her

    Nanginig si Athena hanggang sa tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.“Calyx, huwag mong gawin ‘to sa ‘kin, please?” pakiusap ni Athena. Narinig ng binata ang pakiusap niya pero hindi ito nagpatinag. Idinikit nito ang mukha sa kaniyang taenga.“I want you, Athena. Give my needs now.”“No, Calyx! Hindi mo ako puwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw ko!” may diin na sabi ni Athena. “Pakawalan mo ako!”“Na-miss kita, Athena. Huwag mo naman sana i-reject ako. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa ‘tin.”Bumaba ang kamay ni Calyx sa may beywang niya.“Calyx, please. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to. Dahil kapag ginawa mo ito, habambuhay kitang kamumuhihan!”Natigil si Calyx sa ginagawa. Tiningnan siya nito.“Apat na taon na ang lumipas, Athena. Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka ba nasasabik sa mga yakap at halik ko sa ‘yo?”Naglandas ang labi ni Calyx sa kaniyang taenga. Nang-aakit ang ginagawa nito.“Hindi. Hindi kita namimiss at kailanman ay hindi kita mamimiss. Marumi ka na Calyx,” may

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Aggressive

    “Mr. Montecillo, anong kailangan mo? Bakit nandito ka? Gabi na ha? Umuwi ka na!” sigaw ni Athena.“Nandito ako para kunin ang underwear ko!” balik sigaw nito. Napaikot na lamang ni Athena ang mga mata. Bakit kailangan pang kunin ng binata roon kung puwede naman niyang ibigay sa opisina? Ano ‘yon? Para-paraan lang para makausap siya? Pero mas mabuti na ibigay na lang niya para hindi na bumalik si Calyx roon.“Sandali lang, kukunin ko lang.”Nagtungo siya sa kuwarto at kinuha sa closet ang nakahanger na suit ng binata tsaka inilagay ‘yon sa paper bag kasama ang underwears nito. Wala siyang maalala na bumili siya ng ganoong brief noong mag-asawa pa sila. Biglang sumagi sa isip niya ang pananatili roon ni Calyx. Kaagad niyang iwinaksi ‘yon sa kaniyang isip.Bumaba na si Athena at lumabas ng bahay tsaka iniabot ang paper bag kay Calyx.“Ayan, okay na? Puwede ka na bang umalis Sir Calyx? Gabi na kasi at gusto ko na magpahinga.”Papasok na sana siya nang hawakan ni Calyx ang kaniyang braso

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    A Gentleman

    Napaapikit na lamang si Athena at napabuntong-hininga. Napairap na lamang siya dahil halata naman na nilalandi siya ni Calyx. Ipinagpatuloy na niya ang trabaho. Ilang minuto ang lumipas, nakatanggap si Athena ng friend request galling sa binata pero hindi niya ‘yon pinansin.“Mangarap siya, hinding

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The Editor

    Natawa si Calyx at nagtungo sa likod niya. Napairap na lamang siya.“Puwede ba umalis ka na, Calyx. Hintayin mo na lang ako sa kompanya. Ihahatid ko pa si Rohan,” pabulong niyang sabi pero may bahid ng inis ‘yon. “Para hindi ka na mainis, aalis na ako. Hihintayin kita sa office, Athena,” bulong ni

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The Effect Of Alcohol

    Kinabukasan, naupo si Calyx sa kaniyang swivel chair na may nanlalalim na mga mata. Wala si Athena at pakiramdam niya hindi masigla ang opisina. Kapag naroon ang babae, masaya siya dahil mabilis itong maasar sa mga biro niya. Ramdam ng dalawang sekretarya na wala sa mood si Calyx. Kinakabahan na pu

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Sleeping Beside Her

    Mahinang tumawa si Calyx na siyang namayani sa buong bahay. Ngumisi ang binata.“Kahit ayaw mo, kailangan mong gawin, ms. Ruiz or should i call you, former mrs. Montecillo?” Naroon pa rin ang ngisi ni Calyx. Pinakawalan nito ang pagkakahawak sa kamay ni Athena tsaka kinuha ang paper bag na nasa ka

    last updateLast Updated : 2026-03-17
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status