Partager

His Child?

Auteur: Msdimpleee
last update Date de publication: 2026-01-17 19:56:31

Kinabukasan, nagpadala ng message si Calyx sa kanilang group chat na mag-prepare ang kaniyang mga secretary ng meryenda. At gusto ng binata ng truffle chocolate. Alas otso y medya ng makarating si Athena sa companya. Maitim ang ilalim ng mga mata ng dalaga.

Kumunot ang noo niya ng makita ang itsura ng opisins. Puno ‘yon ng mga bulaklak na kaybabango. Mayroon ding bouquet of Juliet ang mesa ni Athena. At alam niya kung sino ang may gawa niyon, walang iba kundi si Calyx.

“Aba, talagang iba ang karisma mo, Athena? Hanggang ngayon nanliligaw pa rin sa ‘yo si Sir Jakeson, ha? Akalain mo, may binigay siya sa ‘yong bouquet of flowers. Hindi lang basta bulalak. Iba talaga ang karisma mo, Athena,” pilyang tukso ni Mia kay Athena.

Biglang sumagi sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Ayaw niyang malaman ni Calyx ang dahilan kung bakit hindi pa siya pumapasok sa panibagong relasyon. Hinawakan ni Athena ang bulaklak. Hindi na niya inabala ang sarili na basahin ang letter na nakaipit sa mga bulaklak.

Nakilala niya si Jakeson noong nakaraang taon ng samahan niya ang dati nilang boss sa isang dinner. At simula ‘non, naging pursigido na ito sa panliligaw sa kaniya. Love at first sight daw ang naramdaman ng binata sa kaniya.

“Mas maganda pang makatanggap ng pera kaysa bulaklak. Hindi naman na kasi ito mapapakinabangan. Praktikal na ngayon,” wika ni Athena.

Kaagad niyang itinago ang bulaklak sa ilalim ng mesa ng bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Calyx kasunod ang isang babae. Makikita sa awra at pananamit ng babae na galling ito sa mayamang pamilya. Kaagad na nagtungo si Athena sa tea room para magtimpla ng kape. Sumunod naman sa kaniya si Jean para tulungan siya. Siniko ng babae.

“Baka iyon na ang magiging asawa ni Sir Calyx. Ang ganda niya at hindi sila nagkakalayo dahil mayaman ang babae, base sa pananamit pa lang,” komento ni Jean. Nagkibit-balikat si Athena.

“Hindi natin alam, Jean. Alam mo kapag mga CEO, papalit-palit yan ng girlfriend,” naiiling na sabi Athena. Totoo nga ba o baka bitter lamang siya? Nang matapos, siya ang inutusan ni Jean na magdala niyon sa opisina ni Calyx dahil may gagawin raw ito. Naipaikot na lamang ni Athena ang kaniyang mga mata at tinungo ang opisina ni Calyx na bahagyang nakaawang.

“Sir, nandito na po iyong coffee ninyo at iyong meryenda!”

“Sige pasok ka, Athena,” kalmadong tugon ni Calyx. Pumasok na siya sa loob at ibinaba sa mesa ang dala. Napatingin siya sa babae na napakaganda pala kapag titigan. Ngumiti ito sa kaniya.

“Napakaganda ng mga sekretarya mo, Calyx. Magagaling pa sila,” puri ng babae. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kaniyang harapan.

“Hello, I’m Angelie. Nice to meet you. Ang you must be, Athena, right?”

Tumango si Athena at tinanggap ang pakikipagkamay ni Angelie. Yumuko siya ng bahagya at nagpaalam na lalabas.

Nang makaalis si Athena, nagpatuloy ang kuwentuhan nina Calyx at Angelie.

“Wala ka bang planong iwan na ang buhay mo sa Bulacan?” tanong ni Angelie. Umiling si Calyx.

“Hindi ko iiwan ang Bulacan. Nandito man ako, pupunta pa rin ako roon.”

Kinuha ni Calyx ang kape at uminom. Napaismid siya ng malasahan iyon. Napakapait! Sinadya ‘yon ni Athena! Pero hindi niya ‘yon ipinakita kay Angelie.

“Ang sarap ng timplang kape ni Athena, ha? Hindi lang maganda at matalino, magaling pa magtimpla. Maswerte ng mapapangasawa niya,” komento ni Angelie na muling sumimsim sa kape nito.

“Nga pala, may balak ata ang kuya mo na umuwi sa Bulacan. Baka may plano siya lalo at naroon ang isa sa mga negosyo ninyo.”

“Hindi na mauulit ang nangyari noon, Angelie. Hinding-hindi ako papayag na mapunta sa kaniya ang kompanya o ang pamahalahan ito,” seryusong sabi ni Calyx. Si Calyx ang tagapagmana ng Montecillo Empire. Maging si Athena ay hindi alam ‘yon.

Pero kahit siya ang tagapagmana, hindi siya ang nag-manage niyon. Sa tulong ni Angelie, nagtayo siya ng Financing Company. Ngayon ay nasa iba’t ibang panig ng mundo at apat na taon na ang kompanya. Ang Lyx Finance International.

Noong nasa edad anim siya, nagdala ang kaniyang ama ng anak nito sa labas. Dahil sa galit, dinala ang bata sa ibang lugar sa Bulacan. Lumaki si Calyx sa Bulacan kung saan niya nakilala si Athena.Kung saan nagsimula ang kanilang love story. Kaya noong ikasal sila, nagsikap siya para maibigay kay Athena ang buhay na masagana to the point na nabayaan na niya ito. Nagsisisi siya dahil doon.

Nanatili si Angelie ng isang oras at kalahati. Inihatid ni Calyx sa elevator ang babae. Nang bumalik siya, tinawag niya si Athena. Sumunod naman ang babae.

“Ano-ano mga appointment ko ngayon, Ms. Ruiz?”

Binasa ni Athena ang appointmet niya na nasa cellphone ng babae.

“May appointment kayo kay Mr. Andrew at 3pm. Dinner meeting kay Mr. Domingo ng 7pm at dinner meeting din kay Mr. Velasco.”

“Cancel my appointment at 7p and 9m. Arrange a dinner tonight on the sea,” utos ni Calyx. Nag-type si Athena sa cellphone nito.

“Okay po. Sino-sino po ba mga kasama niyo roon?”

“Ikaw ang kasama ko roon, Athena.”

Napatingin sa kaniya si Athena. Magkasalubong ang kilay ng babae. Napabuntong-hininga ito.

“Sir, hindi lang ako ang puwede niyong –i-invite. Nandiyan sina Jean at Mia. Hindi ba puwedeng sila naman? Eh kagabi, sinamahan na kita kahit nagka-aberya,” nakasimangot na sabi ni Athena.

“Kailangan ko bang ilagay sa noo ko ang salitang ‘Ako ang CEO’ bago mo sundin ang utos ko? At ikaw ang mag-utos sa ‘kin?” maawtoridad na tanong ni Calyx.

Tumango si Athena at ikinubli ang pagkapahiya sa mga sinabi ng binata dahil tama nga naman ang lalaki.

“Pasensiya na, Sir Montecillo. Sige pupunta ako mamaya. Magbibihis agad ako pag-uwi ko,” magalang na sabi ni Athena.

Alas kuwatro ng hapon ay umuwi na si Athena. Kailangan niya pa lang pumunta sa kindergarten dahil nagsabi ang kaniyang ina na hindi nito masusundo ang bata. Ginamit niya ang kaniyang electric car. Lingid sa kaalaman ni Athena, may nakasundo sa kaniya na Rolls Royce sa di kalayuan.

Samantala, ang driver ni Calyx na si Anton ay napailing-iling.

“Mukhang makaluma ang sekretarya mo, Calyx. Mga babae ngayon ay gusto ang mga latest na sasakyan. Mura lang ang kaniyang sasakyan at tiyak na kapag nabangga yan, mayuyupi agad.”

Nagsalubong ang kilay ni Calyx. Bakit mumurahin lang ang sasakyan neto eh bago sila nag-divorce, binigyan niya ng ari-arian at malaking pera ang dating asawa. Huminto ang sasakyan ni Athena sa pribadong kindergarten. Nagtaka si Calyx. Anong ginagawa roon ng dating asawa? Lalabas na sana siya pero natigil siya ng makita ang isang batang babae na lumabas at niyakap si Athena. Hinalikan ng bata sa pisngi ang babae.

Wait, anak ba nila ang batang babae?

Nakaramdam siya ng excitement. Nanginig ang kaniyang katawan at bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa isiping baka anak nila ni Athena ang bata. Baka nabuntis niya ang asawa nang may mangyari sa kanila bago sila nag-divorce. Lumabas siya ng sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ni Athena. Napatingin sa kaniya ang bata.

“Ang pogi ninyo, daddy!”

Dalawang beses iyon na sinabi ng bata. Natigilan si Athena at lumingon sa kaniya. Napaawang ang labi niya.

‘Anong ginagawa rito ni Calyx?” tanong ni Athena sa isip.

“Athena, bakit itinago mo sa ‘kin ang anak natin?”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Benjamin's Confession

    Sinimulan nang kainin ni Benjamin ang nilutong noodles ni Athena. May kung ano pang dinagdag roon ang dalaga na mas nagpasarap sa canton. Napatango siya ng malasahan ‘yon. Napakasarap niyon at nanuot sa kaniyang lalamunan.“Ang sarap ng pagkakaluto, Athena. Puwede ka na mag-asawa,” biro ni Benjamin na tinawanan lang niya.“Darating din tayo diyan, Benjamin. Salamat naman at nasarapan ka sa luto ko.”Huminto sa pagkain si Benjamin at napatingin sa kaniya. Nag-iwas si Athena ng tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin nito.“May dumi ba sa mukha ko, Benjamin?” nag-aalangan niyang tanong. Umiling naman si Benjamin.“Wala namang dumi sa mukha mo, Athena. May gusto lang sana akong itanong,” tugon ni Benjamin.“Ano naman ang gusto mong itanong, Benjamin?”“May posibilidad ba na magkagusto ka sa ‘kin, Athena?” tanong ni Benjamin habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Natigilan si Athena. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na ‘yon ni Benjamin.“Hindi ko alam kung pa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Home

    Nagmamadaling sinundan naman siya ni Calyx.“Alam kong ayaw mo na sa ‘kin, Athena. Pero puwede naman tayo maging bed partner di ba?” tanong ni Calyx. Tumigil sa paglalakad si Athena. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Sumikip rin ang kaniyang dibdib dahil sa mga sinabi ni Calyx. Iyon ba ang dahilan kaya persistent itong nakabuntot sa kaniya para lang insultuhin siya?! Akala ni Athena nagbago na ang dati niyang asawa pero hindi pala. Humarap siya kay Calyx.“Talaga namang gagawin mo ang lahat para makuha ako dahil lang sa tawag ng laman. Willing kang gumastos ng malaki para lang ibigay ko kung ano ang gusto mo,” matigas ang boses ni Athena at mararamdam ang galit roon.“Kung hindi mo lang sana ako hiniwalayan, ang lahat ng mayroon sa ‘kin ay sa ‘yo. Hindi mo na kailangang magtrabaho, Athena.”“Sige pag-iisipan ko ang offer mo, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa offer mo. Iyon lang.”Halos masugat na ang palad ni Athena dahil sa pagkakadiin ng kuko nito roon. Tumalikod na siya

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The Villa

    Nagpumiglas si Athena sa pagkakahawak sa kaniya ni Calyx. “Bitawan mo nga ako, Calyx. Kaya ko na ang sarili ko,” naiinis niyang sabi.“Hindi, baka mamaya tumakas ka sa ‘kin.”Tumango siya kay hinila siya pabalik ng hospital. Nagsalubong naman ang kilay ni Benjamin habang pinagmamsdan ang dalawa. Naisip niya na baka may gusto si Calyx kay Athena o baka si Athena ang may gusto sa binata.Pagbalik naman nina Calyx at Athena sa hospital. Sinabi ng doktor na puwede na siyang i-discharge dahil hindi naman malala ang nangyari. Lumabas na sila at pumasok sa sasakyan ni Calyx. Pumasok na silang dalawa at pinausad naman ng binata ang sasakyan.“Iuwi mo na ako sa ‘min, Calyx.”Ngunit hindi sumagot si Calyx. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa unahan.“Anong relasyon niyo ni Direk?”“Manliligaw ko si Direk pero hindi ko siya gusto. Bakit ba?” naiinis na tanong ni Athena.“Hahayaan ko muna siyang mag-stay sa kompanya ng ilang araw bago ko siya i-terminate.”“Ayos naman ako. Palampasin mo na l

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Accident

    Samantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    He Tried To R*pe Her

    Nanginig si Athena hanggang sa tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.“Calyx, huwag mong gawin ‘to sa ‘kin, please?” pakiusap ni Athena. Narinig ng binata ang pakiusap niya pero hindi ito nagpatinag. Idinikit nito ang mukha sa kaniyang taenga.“I want you, Athena. Give my needs now.”“No, Calyx! Hindi mo ako puwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw ko!” may diin na sabi ni Athena. “Pakawalan mo ako!”“Na-miss kita, Athena. Huwag mo naman sana i-reject ako. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa ‘tin.”Bumaba ang kamay ni Calyx sa may beywang niya.“Calyx, please. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to. Dahil kapag ginawa mo ito, habambuhay kitang kamumuhihan!”Natigil si Calyx sa ginagawa. Tiningnan siya nito.“Apat na taon na ang lumipas, Athena. Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka ba nasasabik sa mga yakap at halik ko sa ‘yo?”Naglandas ang labi ni Calyx sa kaniyang taenga. Nang-aakit ang ginagawa nito.“Hindi. Hindi kita namimiss at kailanman ay hindi kita mamimiss. Marumi ka na Calyx,” may

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Aggressive

    “Mr. Montecillo, anong kailangan mo? Bakit nandito ka? Gabi na ha? Umuwi ka na!” sigaw ni Athena.“Nandito ako para kunin ang underwear ko!” balik sigaw nito. Napaikot na lamang ni Athena ang mga mata. Bakit kailangan pang kunin ng binata roon kung puwede naman niyang ibigay sa opisina? Ano ‘yon? Para-paraan lang para makausap siya? Pero mas mabuti na ibigay na lang niya para hindi na bumalik si Calyx roon.“Sandali lang, kukunin ko lang.”Nagtungo siya sa kuwarto at kinuha sa closet ang nakahanger na suit ng binata tsaka inilagay ‘yon sa paper bag kasama ang underwears nito. Wala siyang maalala na bumili siya ng ganoong brief noong mag-asawa pa sila. Biglang sumagi sa isip niya ang pananatili roon ni Calyx. Kaagad niyang iwinaksi ‘yon sa kaniyang isip.Bumaba na si Athena at lumabas ng bahay tsaka iniabot ang paper bag kay Calyx.“Ayan, okay na? Puwede ka na bang umalis Sir Calyx? Gabi na kasi at gusto ko na magpahinga.”Papasok na sana siya nang hawakan ni Calyx ang kaniyang braso

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Unexpected Visitor

    Maasikaso si Aliana sa mag-ina. Ito ang naglalagay ng pagkain sa plato. Habang kumakain, may naalala ang dalaga.“Ath,” tawag ni Aliana sa kaniya. Ibinaba na muna nito ang kubyertos at tumikhim. “Natatandaan mo ba si Aunt Janet na kapitbahay natin? Di ba mayroon siyang kapatid na lalaki? Anim na ta

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    She's Mine

    Alas syete ng gabi, ang event kung saan niyaya si Athena ni Calyx. Ginanap ang dinner sa KZ Hotel, sa isang mamahaling pribadong silid. Huminga ng malalim si Athena bago itinulak ang pinto papasok. Napasimangot siya ng makita ang nakakainis na mukha ng tatlong lalaki. Si Calyx, Joseph at si Andrew

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Paternity Test

    Kinabukasan, sa opisina ni Athena, nanlalalim ang kaniyang mga mata. Napakaitim niyon na para bang ilang araw siyang walang tulog. Napatingin tuloy ang babae sa salamin. Napabuntong-hininga siya.“Paano ako hindi mapupuyat? Alas tres na ako natulog. Pagkadating ko ng bahay, naglinis pa ako at naghu

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-17
  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Calm and Compose

    May narinig pa siya na bagay daw siya kay Benjamin. Naipaikot na lamang ni Athena ang mga mata dahil konting eksena lang ay binibigyan na ng kahulugan. Lumipas ang mga araw at nalaman ni Athena na umalis si Benjamin para sa isang business trip na naman na walang katapusan na ata. Kahit papaano ay

    last updateDernière mise à jour : 2026-03-17
Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status