Compartir

Their Endearment

Autor: Msdimpleee
last update Última actualización: 2026-01-13 19:33:07

Natigilan si Athena. Tinawag siyang love?

‘Love, my ass!’ aniya sa isip.

Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila.

“Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae.

“At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae.

“Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa kaniya,” natatawang sabi ni Jean sabay kindat. Ipinaikot niya ang mga mata at humarap sa computer.

“Maging puti muna ang uwak bago mangyari ang sinasabi ninyo.”

Nagtawanan ang dalawa at bumalik na sa trabaho. Si Athena naman ay natigilan at napaisip. Paano kung naging posible nga na magkagusto ulit siya kay Calyx? Iwinaksi na lamang niya ‘yon at itinuon ang atensiyon sa ginagawa. Nag-ooverthink lang siya.

Paalis na sana si Athena ng opisina ng tawagin siya ni Calyx. Pumasok siya sa loob.

“Maghanda ka dahil mamaya may pupuntahan tayong dinner ako kasama ang mga sikat na businessman. Nagyaya kasi si Mr. Tan,” wika ni Calyx.

“Sir, bakit lagi na lang ako ang inuutusan mo? Nandiyan naman sina Mia at Jean. Puwede sila naman?” reklamo ni Arhena. Kagabi, nag-overtime na siya para lang mareview ulit ang mga reports na maayos naman niyang naipasa. Naging seryuso bigla ang awra ni Calyx.

“Sino ba ang CEO, Athena? Ako ba o ikaw? At tsaka hindi mo pa tinatanggap ang alok kong bagong posisyon.”

Napakagat-labi si Athena dahil napahiya siya roon. Tama nga naman ang binata. Ito ang CEO kaya may karapatan itong mamili kung sino ang uutusan sa kanilang tatlo.

“May isang oras ka na lang para maghanda. Magmadali ka, Athena,” utos ni Calyx at muling itinuon ang tingin sa computer.

Walang nagawa si Athena kundi sundin ang lalaki. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina.

Natigilan si Athena nang paglabas niya ng apartment ay may pumaradang magarang Rolls Royce sa harap. Lumabas si Calyx.

“Halika na at baka ma-late tayo!” sigaw ng lalaki at pumasok sa loob. Napairap na lamang si Athena dahil man lang siya pinagbuksan ng pinto ni Calyx. Naupo siya sa likod para magmukha itong driver. Natawa si Athena sa naisip na ‘yon.

Napatingin si Calyx sa rearview mirror. Nakasuot ang dalaga ng strapless blue dress. Litaw na litaw tuloy ang kaputian ng babae. Bagay sa babae ang kasimplehan ng make-up nito. Kita rin ng bahagya ang cleavage ni Athena na parang kaysarap hawakan. Napaka-sexy ng dating asawa. Walang nagbago sa nakalipas na apat na taon. Parang gusto niyang idiretso sa hotel si Athena at huwag na silang matuloy sa pupuntahan. Napamura si Calyx sa itinatakbo ng kaniyang isipin. Tumikhim si Athena.

“Mr. Montecillo, hindi ata maganda na tingnan mo ng ganiyan ang empleyado mo na para bang kakainin mo ng buhay,” nakataas ang kilay na sabi ni Athena. Nakalabas na sila ng Quezon City ng mga sandaling ‘yon. Hindi niya alam kung saan sila patungo.

“Mas lalong gumanda ang katawan mo ngayon, Athena. Natatandaan mo noong college tayo? Ang payat mo ‘non. Lagi ka ngang binibiro ng mga kaklase mo na ‘payatot’,” natatawang sabi ni Calyx.

Oo, natatandaan ‘yon ni Athena. Lagi siyang inaasar ng mga roommates niya ng ‘payatot’ dahil parang walis-tingting ang kaniyang katawan. Natawa na lang din siya.

“Mukhang nag-improved ka na ngayon, Calyx. Napapansin mo na ang mga bagay-bagay sa paligid mo. Dati kasi hindi kaya nga hiniwalayan kita ‘di ba?” pang-aarar rin ni Athena. Ayaw man niyang kausapin ang lalaki, pero ayaw niyang mapanis ang laway niya. Hindi rin sigurado ni Athena kung gaano kahaba pa ang biyahe. Biglang naglaho ang ngiti ni Calyx at itinuon ang atensiyon sa daan. Siya naman ay tumingin na lang sa labas ng bintana.

‘Akala niya siguro hindi ko siya kayang barahin’ sa isip-isip ni Athena.

Habang nakatingin sa labas, bumalik sa ala-ala niya kung paano sila nagkakilala ni Calyx. Second year college siya ‘non, nasa canteen at nagmemeryenda, inaasar si Athena payatot ng mga kaklase niya. Ipinagtanggol siya ni Calyx na naroon din at nagmemeryenda. Simula noon, naging magkaibigan sila. Minsan, kapag stress si Athena sa school at sa problema sa pamilya, dinadala siya ni Calyx sa isang bundok kung saan may nakatayong pine tree sa gitna.

Iyon ang naging comfort zone niya kasama ang lalaki. Lagi sila naroon at doon sa lugar na ‘yon nila ipinagtapat ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. Doon sila nagtutungo kapag anniversary nila bilang magkasintahan at mag-asawa. Hanggang isang araw, nalaman ni Athena na binili ang lugar na ‘yon ng isang mayamang businessman. Hindi na nila ‘yon napupuntahan pero mula sa malayo, natatanaw pa rin niya ang pine tree. Marahil, iyon din ang naging dahilan kaya nagkaroon ng lamat ang pagsasama nila bilang mag-asawa na humantong sa divorce.

Bumalik sa kasalukuyan si Athena ng huminto ang sasakyan sa gilid ng daan. May mga mangilan-ngilan na establisyemento sa gilid pero sarado na ang ilan. Kung gagawan siya ng masama roon ni Calyx, tiyak na walang makakita sa kanila.

“Anong ginagawa natin rito, Calyx?” kinakabahan na tanong ni Athena. Nagsalubong ang kilay ni Calyx. Ramdam ng lalaki ang kaba sa boses nito.

“Bakit parang kinakabahan ka? May ibibigay lang ako sa ‘yo. Sandali, ako na ang pupunta sa likod.”

Lumabas na si Calyx at pumasok sa back seat. Si Athena naman ay nagsumiksik sa gilid. Natawa siya sa reaksiyon ng dating asawa.

“Anong nangyayari sa ‘yo, Athena? Hindi kita gagawan ng masama. Hindi ko kayang gawin ‘yon sa ‘yo. May ibibigay lang ako,” kalmadong sabi ni Calyx. Inilabas niya ang isang kuwintas na nakalagay sa parihabang kahon sa loob ng kaniyang suot na suit. Nanlaki ang mga mata ni Athena ng makita ‘yon.

“Hindi mo ako kailangang regaluhan ng mamahaling kuwintas, Calyx. Para ano? Para mapasunod sa mga gusto mo?” prangkang sabi ni Athena. Umiling si Calyx.

“This is a gift as my secretary, Athena. Huwag nang matigas ang ulo. Tumalikod ka at ng maisuot ko na,” utos ni Calyx.

Hindi mawari ni Athena bakit napasundo siya ng lalaki. Tumalikod siya at hinawi ang buhok. Lantad tuloy ang maputi niyang likod. Napalunok naman si Calyx habang nakatitig roon. Isinuot na niya ang kuwintas sa leeg ni Athena. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na iparaan ang daliri sa maputi nitong batok pababa sa expose nitong likod. Humarap kaagad si Athena.

“Ibabalik ko rin ang kuwintas pagkatapos ng event.”

“Athena, iniisip mo rin ba ako nitong mga nakalipas na taon simula noong maghiwalay tayo?” tanong ni Calyx. Umaasa siya na ‘oo’ ang sagot ng dating asawa.

“Bakit naman kita iisipin? Walang dahilan para isipin ka, Calyx. Wala kang kuwentang asawa.”

Nasaktan si Calyx sa sinabing ‘yon ni Athena. Pero ngumiti lamang siya.

“Sigurado ka? Baka naman iniisip mo ako ayaw mo lang aminin sa ‘kin?” pang-aasar niya rito. Natawa ng malakas si Athena.

“Masyadong mataas ang kompiyansa mo sa ‘yong sarili, Mr. Montecillo. Huwag masyado at baka bumagsak ka,” nanunuyang tugon ni Athena.

“Athen, I’m Calyx Montecillo. Isang mayaman na negosyante. Kayang-kaya kong bilhin ang isang babae. Puwede ko rin ‘yon gawin sa ‘yo. Tell me, ikaw ang priority ko,” nang-iinsulto na sagot ni Calyx habang may ngisi sa labi.

“Hindi ako bayaran na ibebenta ko ang sarili ko sa ‘yo, Calyx! At kailanman ay hindi ako matutulog sa tabi ng isang lalaki na hindi ko asawa!” sigaw ni Athena.

“Eh, anong ginagawa mo kapag nakakaramdam ka ng init ng katawan? Babae ka, Athena at kailangan iyon ng katawan natin. Ginagamit mo ang kamay mo?” natatawang tanong ni Calyx. Naikuyom ni Athena ang kamay. Gustong-gusto na niyang sapakin ang lalaki! Humalukipkip siya at naningkit ang kaniyang mga mata.

“Mas gusgustuhin kong gamitin ang kamay ko para mapaligaya ang sarili ko kaysa ikaw ang magpaligaya sa ‘kin!”

Napangisi na lamang si Calyx. Bumaba ang tingin ng lalaki sa mapupulang labi ni Athena. Parang inaanyayahan siyang halikan iyon at ipasok ang dila sa loob niyon. Inabot ni Calyx ang batok ng babae at mabilis na hinalikan si Athena. Pumalag ang babae at akmang itutulak siya pero hinuli niya ang mga kamay nito.

“Cal.. Uhmm. Ahh,” ungol ni Athena sa ginagawang pagpasok ng dila ni Calyx sa kaniyang bibig. Hindi na nakapalag si Athena. Gusto rin naman niya ang ginagawa ng lalaki. Pero nang matauhan na mali ang kaniyang ginagawa, kinagat niya ang labi ni Calyx dahilan para mabitawan siya nito.

“Huwag mo na uulitin ang ginawa mong ito, Calyx. Sisiguraduhin kong mamumula ang pisngi mo sa kambal na sampal!” galit na sabi ni Athena.

“Talaga? Hindi ba ako ang nanampal sa ‘yon non. Sarap na sarap ka nga ‘non,” pang-aasara ulit na sabi ni Calyx.

Natigilan naman si Athena sa sinabi ni Calyx. Naalala niya kung paano sampalin ng lalaki ang kaniyang pang-upo kapag may nangyayari sa kanila. Halos mamaos si Athena dahil sa sarap na ipinapalasap noon ng dating asawa. Nag-iwas ng tingin si Athena.

“Please, Calyx, itigil mo na ito. Pagod ako at gusto kong magpahinga.”

Ramdam ni Calyx na nagsasabi ng totoo si Athena. Lumabas na siya sa back seat at pumasok sa driver’s seat at pinausad ang sasakyan paalis. Ilang minuto ang lumipas, napatingin si Calyx sa back seat ang nakita si Athena na mahimbing na natutulog. Napangiti siya.

“Para ka pa talagang anghel kapag natutulog," bulong ni Calyx sa sarili.

Napangiti siya. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat pero gagawin niya ang buong makakaya niya para makuha ulit ang loob ng asawa. Babawi siya. Kung kinakailangan na gamitin niya ang pera8 niya para makuha iito, gagawin niya.

‘Hindi ako papayag na hindi ka bumalik sa ‘kin, Athena.’

Muli, bumalik sa ala-ala ni Calyx ang mga nakaraan. Mula noong naging sila ni Athena noong college hanggang sa mag-propose siya ng kasal rito. Alam niyang malaki ang pagkukulang niya sa dating asawa. Napabayaan ni Calyx ang babae dahil mas inuna niya ang kompanya. Huli na ng mapagtanto niya na mahalaga sa kaniya ang dating asawa.

Ngayon na sekretarya ni Calyx si Athena, madali na lang niyang makukuha ang loob nito. Napangiti siya. Muli, tiningnan niya ang babae sa rear view mirror. Bahagyang lumitaw tuloy ang cleavage nito.

"Sh*t! Kung hindi lang ako masasampal, inangkin na kita kanina pa."

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Their Endearment

    Natigilan si Athena. Tinawag siyang love? ‘Love, my ass!’ aniya sa isip. Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila. “Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae. “At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae. “Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa ka

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Blind Date

    Nakahinga ng maluwag si Athena nang matapos ang report. Bumalik siya sa opisina ni Calyx at ibinigay ang naayos na report. Tumayo ang binata. “Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, Athena. Hindi puwedeng mag-isa kang biyabiyahe.” Umiling si Athena. Matapos siyang pagurin sa report na maayos naman, ngayon maaawa ito sa kaniya? “Hind na kailangan, Sir. May sarili akong sasakyan. Siguro wala na kayong ipapagawa. Bye!” Saktong alas dyes ay nakarating na si Athena sa isang sikat na restaurant sa Makati kung saan sila magkikita ni Gabriel. Nakasuot ng sleeveless black dress na below the knee at three inches heels. Iginala niya ang tingin sa loob. Natawag ng pansin ni Athena ang isang lalaki na na nakasuot ng checkered polo at may iniinom na tsaa. May suot itong sunglass pero bumagay naman iyon sa lalaki. Lumapit siya rito. Nasa tsaa pa rin nito ang tingin. Tinanong ni Athena kung ito ba si Gabriel. Nag-angat ng tingin ang lalaki. “Oo, ako nga. Maupo ka, Athena,” paanyaya ni Gabriel sabay

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The New Boss

    Huminga ng malalim si Athena bago pumasok ng bahay. Nasa salas si Calyx, nakabihis at mukhang hinihintay siya habang nanonood ng TV. Pinatay nito ‘yon ng makita siya sabay tingin sa hawak niyang brown envelope. “Bakit ngayon ko lang, Athena? Saan ka galing. Alam mo na galing ako Dubai para sa business meeting tapos hindi kita madadatnan?” tanong ni Calyx habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kaniya ng matalim. Natawa si Athena. “Mabuti naman at hinanap mo pa ako, Calyx. Pero ito na ang huling gabi na makikita mo ako.” Pabagsak na ibinaba ni Athena ang brown envelope sa mesa. Kinuha ‘yon ni Calyx at tiningnan ang laman. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki. “What?! Are you crazy, Athena? Nag-file ka ng divorce?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba ng marangyang buhay?” galit na tanong ni Calyx. Mas lalong natawa si Athena. “Me? Crazy? Baka ikaw? Halos hindi ka na umuuwi dito sa bahay. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust para sa ‘yo! Lagi kang nasa opisina.

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status