Kaagad kong binuksan ang ibinigay niyang envelope sa akin. Pagkabukas ko at noong nabasa ko ang title ng papel na hawak ko, literal na lumaki ang mga mata ko.
"What the heck is this?!" Inagaw niya mula sa akin ang papel. "Can't you read? M-A-R-R-I-A-G-E C-O-N-T-R-A-C-T as in Marriage Contract," aniya, na inisa-isa pa talaga ang bawat letra. "Tanga! Hindi ako bobo! Alam kong Marriage Contract 'yan! Pero bakit may ganyan?!" inis na asik ko sa kanya. Akala ko kasi ay isang simpleng kontrata lang ito para sa isang taon ng pagpapanggap namin bilang mag-asawa. Bakit kailangang may Marriage Contract? "Chill! This is just a fake marriage contract. Kailangan natin ito bilang patunay na kasal tayo. Paano kung ipilit ng magulang ko at ng magulang ni Alexandria ang kasal? At least may pruweba tayo na kasal na tayo. This is just a fúcking proof to help me dodge a forced marriage, Olivia Carmen," paliwanag niya sa akin. Isang tingin na puno ng pagdududa ang ipinukol ko sa kanya. Wala akong tiwala sa lalaking ito kaya hindi ko maiwasang magduda. "Oh c'mon. Believe me. Alam kong wala kang tiwala sa akin. Pakiusap, bababaan ko na ang pride ko at aaminin kong desperado akong huwag ipagkasundo kay Alexandria. Kaya nga ikaw ang pinuntahan ko, Carmen. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Pretty please... sign this," pagsusumamo niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkahabag sa kanya. Kahit na inis ako sa hayop na 'to, hindi ko maiwasang lumambot ang puso ko. "Fine," pagsuko ko, sabay abot sa fake marriage contract namin. Kaagad niya namang iniabot ang sign pen sa akin. Ginamit kong patungan ang hood ng super sports car ko para mapermahan ko ng maayos ang marriage contract. Una akong pumirma, at sumunod naman siya. Akmang babalik na ako sa loob ng kotse ko nang muli siyang magsalita, dahilan para mapahinto ako. "Teka, may gagawin pa tayo." Napataas ang kilay ko bago ako napakunot-noo. Segundo snapped his fingers, at kaagad namang lumapit ang dalawa niyang tauhan na may dalang luxurious paper bags. "Wear this," aniya, sabay abot sa akin ng dalawang paper bag. Kahit puno ng pagtataka ang aking mata, napilitan akong alamin kung ano ang ipapasuot niya sa akin. Uwing-uwi na ako at gusto ko nang magpahinga. Mas lalo akong naguluhan nang pagbukas ko ng paper bag, isang simpleng wedding dress ang bumungad sa akin. Ang isa namang paper bag ay naglalaman ng belo, sandalyas at kung ano pang anik-anik. Naibaling ko ang tingin kay Segundo, bakas pa rin sa mukha ko ang pagtataka. "You need to wear that. We are having a wedding photoshoot. Paano kung hihilingin ng parents ko at parents ni Alexandria ang wedding photos natin? Hindi sapat ang marriage contract, dapat may wedding photos rin tayo para magmukhang totoong ikinasal tayo," paliwanag niya sa akin. Muli kong iniroll ang aking mata dahil sa inis. Ngunit wala akong choice kundi sundin siya para matapos na ito. "Where's the fitting room?" tanong ko. "Huwag mong sabihin na dito ako magpapalit ng damit?" dagdag ko pa. "Follow me," aniya, bago ako tinalikuran. Sumunod na lang ako sa kanya patungo sa isang hall na medyo may kalayuan sa kinaroroonan namin. Kaagad din namang sumunod sa amin ang mga bodyguard, maliban sa dalawang naiwan upang bantayan ang mga kotse namin. Pagkapasok namin sa hall, talagang nagulat ako nang bumungad sa amin ang isang simpleng ngunit romantikong eleganteng indoor wedding setup. Halatang pinagplanuhan ni Segundo ang bawat detalye ng sandaling ito. Ang buong lugar ay napapalamutian ng overflowing white at red flowers, na nagkalat ng banayad at nakakaengganyong halimuyak sa hangin. Isang maganda at maayos na floral arch ang nakatayo sa harapan, nagsisilbing perpektong backdrop para sa seremonya. Ang malambot na ilaw ay nagbigay ng mainit at maaliwalas na ambiance. Kahit hindi ito labis na marangya, ang maingat na pagkakaayos ng bawat elemento ay nagbigay dito ng pakiramdam na tila isang eksena mula sa isang fairytale. Naitutok ko ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa may harapan. Sa postura niya, mukhang siya yata ang magkakasal sa amin ni Segundo. Kaagad naman akong hinila ni Segundo patungong dressing room. Pagkabukas ng pinto, napasilip ako sa loob at napansin kong may mga taong kanina pa yata ako hinihintay. Nakangiti nila akong sinalubong. Muli akong napalingon kay Segundo. "Dapat magmukha ka talagang inayusan para naman convincing na totoong nagpakasal tayo," aniya. "Bilisan niyo," utos niya sa mag-aayos sakin bago niya isinara ang pinto nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Pinagtulungan nila akong ayusan para matapos agad. Iba ang nagme-makeup sa akin, at iba rin ang nag-aayos ng buhok ko. Dalawampung minuto lang ang lumipas, at tapos na akong ayusan. Simple lang ang makeup at ayos ng buhok ko. Muli akong humarap sa full length mirror at tinitigan ang aking sarili. Bagay pala sa akin ang ganitong wedding dress. In fairness, ang ganda ko pala. Napabuga ako ng isang malalim na buntong-hininga. Grabe talaga magplano ang isang Segundo, lahat nakahanda na. Akala ko ay pipirma lang ako, hindi ko akalain na may pa-wedding chu-chu buruchi pa pala. Pagkalabas ko ng dressing room, napasinghap na naman ako dahil sa gulat. Tàngina! May bisita siyang inimbita?! Naitutok ko ang mga mata kay Segundo. Nakaayos rin siya. Pinantayan niya ang kulay ng suot kong wedding dress—he's wearing a crisp, impeccably tailored white suit. Nagsimulang tumugtog ang bridal march, kaya nagsimula na akong maglakad sa aisle, hawak ang bouquet, habang nakatanaw sa akin si Segundo. Panay pa ang ngiti ng hàyop na tila naiiyak pa. Anong kalokohan ito? May pa-iyak-iyak pa siya, kunwari'y totoo itong nagaganap. Noong tuluyan akong nakalapit, iniabot niya sa akin ang isang braso niya, at napilitan akong ikalawit ang kamay ko. "Grabe ka talaga. May paganito ka pa talagang, unggoy ka," bulong ko sa kanya, na mahina niyang ikinatawa. Napilitan akong ngumiti sa paring magkakasal sa amin. "So, let us start the wedding ceremony..." anunsiyo ng pari.“W-What did you say?” kunot-noong tanong niya sa akin pagkahiwalay ko. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Matamis naman akong napangiti. “I said, I love you...” mahinang ulit ko, sensero ang mga mata. “Why? I mean—ang bilis mo namang ma-in love,” tila natatawang saad niya at bigla na lamang siyang nagseryoso. “Kneel,” utos niya sa akin gamit ang isang mabigat na tinig. Of course ko alam ko na kung anong balak niya. “Okay. As you ordered, my baby,” may ngising saad ko bago sinunod ang gusto niya. "I know she would want to make me do the punishment written in the rules we signed before, kahit ka-ek-ekan ko lang naman 'yung mga iyon. Sa pagkakaalam niya kasi ay seryoso ang mga nakasulat doon, but anyway, a rule is a rule, even if it's just for fun or a prank. The rule I broke was about whoever falls in love first: he or she loses, and the winner gets to give any command. Nakangiti akong napatingala sa kanya habang nakaluhod ako sa harapan niya. Itinaas niya ang isa
**Segundo** Dining Area... Tahimik kaming naghahapunan. Tanging tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa napakatahimik na dining area. Mainit pa rin ang dugo ko kay Alex, pinilit ko lamang ang sarili kong pakisamahan siya dahil nga siya ang nakakaalam sa mga kagaguhan ko. Napansin ko rin na panaka-naka ang tingin ni Carmen sa aming dalawa. Halata sa mukha niya na hanggang ngayon ay kuryos pa rin siyang malaman kung ano talaga ang naging dahilan kung bakit parang may bad blood kami ni Alex. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko kanina tungkol lamang sa business ang alitan namin. “Mukhang ang dami ng niluto mo, Seg. Ganito ka ba talaga magluto?” basag ni Alexandria sa katahimikan, kalmado ang mukha habang kumukuha ng kanin. “I cooked those for my wife, and of course, for everyone else too. Mas mabuti nang sumobra kaysa magkulang,” sagot ko naman. “Talaga?” aniya, sabay tingin kay Olivia. Naibaba ko ang hawak kong kubyertos at seryosong napatitig sa kanya. Kinuha ko ang table
**Segundo** “Pasok na tayo. Nakakahiya kay Alex na narito pa tayo sa labas tapos naroon siya, nag-aantay sa loob,” muling aya sa akin ni Olivia, pero parang ayaw ko pa ring bumalik sa loob. Sa gilid naman ng aking mga mata, parang may napapansin akong may nakamasid. Kaya ang ginawa ko, pagkatayo ko ay niyakap ko ang asawa ko. Mabilis kong ibinaling ang aking mga tingin sa babaeng nakasilip sa amin. Si Cecelia. Seryoso siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Maya-maya pa ay sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Mas humigpit ang yakap ko sa asawa ko. Ayaw ko na talaga sa kabaliwan niya. Hindi na ito basta laro na lang. Nauuwi na kami sa isang napaka-delikadong sitwasyon. Naramdaman ko naman ang paghaplos ng palad ng asawa ko sa likuran ko. Tapos, noong tuluyan nang umalis si Cecelia, naglakad pabalik sa pinagtataguan niya, at saka ko lamang binitawan ang asawa ko. Marahan akong humiwalay sa kanya. Napatitig sa akin si Olivia, matamis siyang napangiti sa akin kaya hindi ko maiwa
**Segundo's POV** "Seg," isang mahinang tinig ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip habang nakaupo ako sa konkretong upuan sa likod ng hardin, kung saan ang katahimikan ay tila yumayakap sa akin. Naibaling ko ang aking paningin kay Carmen. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang maglakad na siya palapit sa kinaroroonan ko. "Hey, baby," mahina kong bati sabay taas ng kamay, inaanyayahan siyang lumapit. Wala siyang pag-aalinlangan na tinanggap ang kamay ko, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ko. "Are you okay? I came here to check on you," ani Carmen, kita sa mga mata niya ang pag-aalala, kaya mas lalo akong sumaya habang nakatingala sa maamo niyang mukha. I slowly slid my arm around her waist, pulling her gently but firmly toward me until she partly settled on my lap. She didn’t hesitate, not even for a second. With a soft, familiar ease, she wrapped her arms around my shoulders, like her place had always been there. "I am fine," kalmadong saad ko, sabay amoy sa leeg niya. Ngunit bi
Pagbalik ko sa living room. Nagulat ako sa nasaksihan ko. “Segundo!” tawag ko sa asawa ko nang makita kong aambahan niya ng sampal si Alexandria. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Pula, nanlilisik, at nanginginig ang kamay na nakataas, handang bumagsak kay Alex anumang oras. Pero ang mas tumatak sa akin ay si Alex mismo. She looked calm. Walang bakas ng takot sa mukha niya. Ni hindi man lang siya kumurap. It was as if she already knew this would happen and she was ready for it. “What the hell is happening here?” tanong ko, halatang kabado, habang dali-daling lumapit sa kanila. As I glanced around, it was then that I noticed the two shattered antique vases lying on the floor. Mga pirasong porselana na tila ebidensya ng tensyon bago ako dumating. “Umalis ka na,” malamig na sabi ni Segundo, hindi pa rin inaalis ang titig kay Alex. Bahagyang umarko ang kilay ni Alex. Sa halip na matakot o umatras, isang matipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Aalis naman talaga
Pagkatapos kong maglinis sa kusina, sunod naman sa may sala. May robot vacuum cleaner naman kaya hindi masyadong mahirap maglinis ng sahig. Pindutin na lang ang remote control at kontrolin ang vacuum sa mga parte na hindi ko pa nalilinis. Ang ginawa ko na lang ay gumamit ng feather duster upang alisin ang mga alikabok sa mga kagamitan sa sala.Ngayon ko lang masasabi na ang sipag ko talagang maglinis. Wala kasi akong ibang gagawin bukod kaya kapag malaki ang oras ko ay maglilinis talaga ako, kahit hindi naman talaga ako ganito dati sa bahay at sa apartment na tinirhan ko sa London ng ilang taon. Sabagay, may taga-linis kasi doon, samantalang dito mukhang next week pa darating ang tagalinis. Nakakahiya naman kung papaabutin ko pa ng isang linggo na walang linis ang malaking bahay na ito.Sandali akong napaupo sa mahabang sofa at may napansin na naman akong hibla ng buhok sa ibabaw kaya walang pag-aalinlangan, maingat kong pinulot ang buhok at isa-isa ko itong tinanggal. Napansin ko na