Napabuntong-hininga ako habang nasa loob ng aking super sports car, ang Rimac Nevera in a striking electric green color.
God, this is my baby! Ngunit nang biglang ibinaba ni Segundo ang windshield ng sasakyan niya, ang Bugatti Chiron Super Sport 300+ in its signature black and orange design ay napasinghap ako sa inis. Talagang pinagyayabang niya ang sasakyan niyang mas mahal pa sa sasakyan ko. Napangisi siya sa akin, at sa yamot ko ay napa-eye roll ako. Talagang tatalunin ko siya ngayong gabi. Papakainin ko siya ng alikabok! Itinaas ng flagman ang hawak niyang bandera sa unahan. Naghanda na kaming dalawa para sa paligsahan, pinaandar ang makina, at senyas na lang ang inaantay namin. Nang ibinaba ng starter ang green flag, agad kaming umarangkada. Ngunit nagulat ako nang bigla akong ginitgit ni Segundo. "Fvck!" Mura ko dahil sa ginawa niya. Bumwelo ako at nilabanan siya. Lintek! Wala sa usapan namin na ganito! Talagang gusto niyang magasgasan ang kotse ko! Hindi ko alam na ganito pala siya sa paligsahan o baka naman ganito lamang siya dahil ako ang kalaban niya? "Fvck you!" sigaw ko sa kanya nang ibaba ko ang windshield ng sasakyan. Naibaba niya ang takip ng bintana. "HUH?! Did you say ‘I love you’!?" pang-aasar niya sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at nag-dirty finger sign ako sa kanya bago ko muling itinaas ang windshield. Muli akong bumwelo upang lampasan siya. Ngunit ayaw magpatalo ng ogag kaya nahabol niya ako. "Tingnan natin kung hanggang saan ka, baby!" sigaw niya noong muli niyang ibinaba ang bintana habang mabilis akong tinatapatan. "Don't call me, baby! You dummy!" Asik ko naman sa kanya. I just set another move to accelerate my car. Hindi niya ako pwedeng matalo. Kapag nangyari ‘yon… yari ako! Naramdaman ko ang adrenaline na dumadaloy sa dugo ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang pabilis nang pabilis ang sasakyan ko. This is it. Isa na lang. Biglang napangisi si Segundo at kumindat pa sa akin. What the hell is he planning?! At doon ko nakita kung paano niya binilisan pa lalo ang takbo niya. Para siyang baliw! Shit! Kung hindi ako mag-iingat, babanggain niya muli ako at malalagay kaming dalawa sa peligro! Baliw na talaga siya, nakakainis! I gritted my teeth at hinigpitan ang hawak sa manibela. Hindi ako papayag na matalo niya ako. Hindi sa kanya! Mahigpit kong hinawakan ang manibela while my eyes locked on the open road ahead. The night air was thick with tension, headlights slicing through the darkness. I slammed on the gas. But... I sensed something was off. Umalingawngaw nang malakas ang ugong ng kotse ko, pero nang magsimula na ulit akong bumilis... Segundo’s Bugatti shot ahead like a bullet. “What the hell?!” saad ko, at hindi ko napigilan ang maningkit ang aking mga mata. Alam kong magkasing-bilis lang ang sasakyan namin, pero bakit gano’n? Parang may kakaiba talaga sa kotse ko. And then, sa may unahan, habang nasa malayong parte na kami ng daan, may napansin akong kakaiba sa kalsada. It was a suspiciously shiny patch on the street. My instincts screamed at me. Agad akong nag-minor at lumiko upang iwasan iyon. Bahagyang dumulas ang mga gulong ng kotse ko bago ako muling bumalik sa pagpapatakbo. I gritted my teeth due to infuriating annoyance. “That son of a bitch!” Muli kong hinigpitan ang pagkakahawak sa manibela at humarurot pa lalo. Determinado akong manalo sa laban na ito dahil ang laki ng pustahan namin. Pero kahit anong pilit kong isagad ang bilis ng sasakyan ko, nanatiling nauuna si Segundo. Masyadong malinis ang takbo niya at kontrolado niya nang mabuti ang kanyang Bugatti. Then it hit me. He cheated. HE CHEATED ON ME! I could see it now, the way his car moved effortlessly, like it had been tweaked to perfection. And that oil spill? That was no accident. SINADYA iyon upang tuluyan niya akong maunahan. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa galit, pero wala na akong oras para pag-isipan pa iyon. Papalapit na kami sa finish line. With a growl, I made my move, accelerating aggressively. Pabilis nang pabilis ang takbo ko hanggang sa malapit ko nang maabutan si Segundo. Pwede ko pa siyang talunin sa pagkakataong ito! Ngunit parang binagsakan ng bato ang dibdib ko nang maunang tumawid si Segundo sa finish line, ilang pulgada lang ang pagitan mula sa sasakyan ko. Kaagad na iwinasiwas ng starter ang checkered flag, hudyat ng kanyang panalo. I lost. Because he CHEATED! Pagkababa ko pa lang ng kotse, agad siyang naglakad palapit sa'kin. Pabagsak kong isinara ang pinto ng kotse ko. Seryosong mukha ang iniharap ko sa kanya, pero napangisi lang siya sa'kin. “Wow, Olivia.” Mahinang sipol ang pinakawalan niya, kasabay ng pag-iling na may kunwaring simpatya sa pagkatalo ko. “That was… tragic,” baritonong dagdag niya pa. "Mandurugas ka!" I accused. Segundo placed a hand on his chest, posing an offense. “Me? Cheat? Baby, I didn’t even need to. Talagang mabagal ka lang. Para kang nakisabay sa isang lamay imbes na karera,” saad niya na may halong pagyayabang sa boses. Napakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Gusto kong kumalma. Sa limang taon na hindi kami nagkita, hindi ko naisip na ganito ang mararamdaman ko... ang sobrang mainis sa isang tao. Siya lang talaga ang nakakagawa nito sa'kin. Bwisit talaga ang kupàl na 'to! And then, hindi na ako nakapagpigil. I pointed an accusing finger at him. “My car was perfectly fine before the race! Pero nung nag-start na, parang may nakasabit na isang toneladang bakal sa likod! Ikaw lang ang may kakayahang gumawa ng kalokohan sa kotse ko, Congreene! Kilala kita!” Segundo chuckled bago siya humakbang palapit sa'kin. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t isa. “Ahh... ang kapal naman ng mukha mo para pagbintangan ako,” depensa niya na may mahinahong boses. Napasuklay pa siya ng kamay sa kanyang buhok. “Kaya pala huli kang dumating? Hindi mo naisip na baka… hindi mo lang talaga kaya?” My jaw dropped in sheer outrage. “EXCUSE ME?! Ako?! Hindi kayang talunin ka?!” Tumango siya nang seryoso while stroking his chin as if he were a judge evaluating my performance. “Uh-huh.” He grinned. Pinanood niya ako habang literal na nanginginig na ako sa galit. "I want another round. Let’s do it again," hamon ko. "No." Agarang tanggi niya. Mariin at seryoso. "Just accept the truth that you’re a loser," aniya, sabay tawag sa personal assistant niya. “I DIDN’T LOSE FAIRLY!” Napasinghap nang bahagya si Segundo. “Oh, so kung ikaw ang nanalo, fair? Pero kung ako, daya? Gano’n ba?” May tawang aniya. I crossed my arms. “Exactly.” Mas lalong lumakas ang tawa niya. “Oh, Carmen, you have the audacity of a true sore loser.” My eye twitched. “Di bale nang sore loser ako, at least hindi ako sinungaling at mandaraya katulad mo!” Mas lalong lumapad ang ngisi ni Segundo. “O baka naman hindi mo lang matanggap na mas magaling ako sa’yo?” I gasped, then jabbed a finger against his chest for the second time. “Sa susunod na race, I swear, ililibing kita sa alikabok, Congreene!” He leaned in slightly. “Wala nang susunod na race sa pagitan natin, Olivia. Tanggapin mo na lang na talunan ka!” "Oh! Pirmahan mo 'to!" aniya, sabay bigay ng brown envelope sa'kin. Talagang sinadya niyang isalampak iyon sa dibdib ko. Pútragis!Mabilis akong naglakad patungo sa pinakadulong banyo ng building. Mas gusto ko roon dahil walang tao, tahimik at malinis. Minsan nga doon ako dumadayo kapag sobrang antok o gusto kong mapag-isa. Sumasampa ako sa inidoro, pumikit, at nilulubog ang sarili sa katahimikan. At ngayong araw… mas kailangan ko ‘yon. Pero noong papaliko na ako, napansin ko sina Dina at Kayla kasama ang ilan pa naming kaklase. Nagsisigawan at nagkukulitan na naman sila na parang walang pakialam kung gaano sila kaingay. Napailing na lang ako. Hindi ko talaga kayang sumabay sa ganung ingay ngayon, kaya napaatras ako at mabilis na pumasok sa isang classroom na halatang walang tao. Tahimik sa loob. Ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mga boses nilang nagmumula sa hallway. I decided to stay there for a while, hoping they’d leave soon. Pero ayun, bigla pa silang tumambay sa tapat ng room. Narinig ko pa ang malakas nilang tawanan habang nag-aasaran sa isa’t isa. Napahilot ako sa se
**Segundo** “Guys, si Ma’am!” ani Ernest nang makita si Olivia na mag-isang naglalakad sa gilid ng oval field. Nasa likuran nila ako. Tamang-tama, pagkalabas ko ng room ay naabutan ko silang magkakakumpol sa second-floor corridor, nakasandal pa sa railing habang nanonood ng mga athletes na nagpapractice ng football sa field. Ang ilan sa kanila, may hawak pang iced coffee habang nakatingin, para bang nanonood ng palabas. “Ang ganda niya talaga,” sabi ni Rex, halos mapanganga habang sinusundan ng tingin si Olivia. “Ang sexy pa,” dagdag naman ni Ernest, halos sabay pa silang napaling ng leeg, parang mga fanboys na sabik na sabik sa bawat hakbang niya. Napailing ako, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Ganito sila palagi tuwing umaga, inaabangan si Olivia na dumaan sa gilid ng oval field, para bang may nakatakdang palabas tuwing 9 a.m. “Sayang talaga,” sabi ni Rowan, sinisipat pa si Olivia na unti-unting lumalayo. “Nakipag-swap pa si Ma’am. Ang ganda na noon, eh. Ginaganahan
Noong pababa na kami ng hagdan, pareho kaming napalingon noong patakbong sumunod ang apat na babae. “Oh, bakit? Sasaktan mo na naman ako?” ani Kayla pero napairap lang si Dina bago naisipan na kumapit sa kabila kong braso. “Ay sus! Nainggit ka lang pala,” dagdag pa ni Kayla, natatawa. Muli lamang napairap si Dina at nagpatuloy na kami sa pababa ng hagdan. Pagliko namin, lahat kami natigilan noong nakasalubong namin si Olivia. Mabilis na napadako ang kanyang tingin sa dalawang babaeng nakakapit sa magkabilaan kong braso na para bang ayaw ng bumitiw o humiwalay sa pagkakakapit sa akin. Tahimik naman siyang gumilid, nanatiling kalmado ang ekspresyon, bago kami naisipan na lagpasan. Ilang ulit naman akong napalunok ng laway. I need to calm down. Kung siya ay tila wala ng pakialam sa akin, dapat iyon rin ang gawin ko. Dapat hindi na ako magpapaapekto sa kanya dahil ako lang ang lugi. Naisipan kong marahang alisin ang mga kamay ng dalawang babae—hindi pwersahan, at agad naman silan
**Segundo** Habang tahimik ako sa gilid, panay pa rin ang tsismisan ng mga kaklase ko. May conclusion kaagad sila kung bakit nag-swap ng section ang dalawang lecturer. Dahil iyon sa iniiwasan ni Olivia na magkaroon ng tuksuhan sa loob ng classroom. Hindi naman kasi maiwasan iyon. Kahit nga ngayon ay kami ang bukambibig ng mga kaklase ko lalo na't may nag-search ng pangalan ni Olivia at dahil siguro sa curious sila kung single ba ito o hindi hanggang sa umabot na naungkat tuloy ang past namin. Kahit nagbúbulungàn sila, naririnig ko ng usapan nila, na kaya kami naghiwalay ay dahil nga sa past ko—na marami akong sex video scandal na nag-viral tapos iba't iba pang mga babae ang naikama ko. Though hindi naman kita ang mukha ng mga babaeng naikama ko pero halata pa rin naman na iba-iba ang mga nagiging ka-partner ko sa sex video. Hayop na Cecelia. Pagkatapos niyang sirain ang reputasyon ko, ngayon ay masaya siya na para bang walang ginawang mali noon. She’s now married to the city’s
“Seg! Segundo!” ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko, at sa ikatlong beses ay naalipungatan ako nang may kung anong tumama sa mukha ko. “Bakit?” tanong ko kay Ruby nang makita kong siya pala ang panay sigaw at nakaisip pang hampasin ako habang mahimbing akong natutulog. “Hoy! Wala ka bang pasok ngayon!? 12:30 p.m. na oh!” aniya sabay turo sa wall clock. Agad akong nagkandarapa sa pagbangon. “Shit! 1 p.m. ang pasok ko!” mabilis kong sabi habang halos tumakbo papunta sa wardrobe, naghalungkat ng kung anong maisusuot. May long quiz pa naman kami ngayon, sayang naman ang review ko kung aabsent lang ako. “Ayan, maglasing pa kasi. Dinamay mo pa si Dad kagabi sa pag-inom. Ayon tuloy, masama ang pakiramdam—inaatake ng high blood,” sermon niya habang nakapameywang, parang nanay na nangungunsensya. “How is he?” tanong ko habang kinukuha ang towel. “He’s fine now. Pero pinagalitan na ni Mom. Mamaya, pag-uwi mo, ikaw naman ang siguradong pagsasabihan niya,” sagot niya. Hindi na ako ku
Ilang segundo akong matalim na nakatitig sa picture na iyon bago ko mabilis na isinara ang laptop noong marinig ko ang boses ni Ruby pagkabukas niya ng pinto sa study room ko. Para akong nanlamig. Parang nahuli sa isang masamang akto. Napatingin ako sa kanya. Sa mga tingin niya sa akin ay may kahulugan bago niya ibinaling ang tingin sa laptop ko, na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang isa kong kamay sa ibabaw nito. Kita ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya, ‘yong tipong alam niya na ang ginagawa ko. “Oh… sorry. Mukhang naistorbo yata kita, brother,” paumanhin niya bago napangisi, ‘yong pilyang ngiti na alam kong may kasunod na biro. “Bukas ko na lang kukunin ang mga librong hiniram mo. Parang nabulabog ko yata ang panonood mo ng pórn,” dagdag pa niya. Aangal sana ako, balak kong sabihin sa kanya na hindi naman ako nanonood ng pórn, pero tumalikod na siya para lumabas ng study room. Hindi niya na ako tinapunan pa ng isa pang tingin. “Ituloy mo na ang panonood. Next time