Share

Kabanata 05

Author: Anne Lars
last update Huling Na-update: 2025-03-13 18:14:15

7:05 AM, Tuesday, March 11

  "Carmen!" Isang malakas na tawag ang bumulabog sa mahimbing kong pagtulog.

  "Olivia Carmen! Open this dàmn door!" sigaw ng nanay ko habang malakas na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

  "Sandali!" sigaw ko naman bago inis na pinakli ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko.

  Antok na antok pa ako, tapos itong nanay ko, parang nag-aapoy na naman sa galit na tila may kasalanan akong kailangang aminin sa kanya.

  Tamad kong binuksan ang pintuan at bumungad ang mukha ng nanay ko na may napakaseryosong ekspresyon.

  "Mom, bakit?" tanong ko habang magulo pa ang buhok ko. Amoy laway pa nga ako dahil hindi pa ako nakapagmumog o nakapaghilamos.

  Nagulat ako at napaatras nang bigla na lang niyang ibalandra sa mukha ko ang hawak niyang newspaper.

  "Ano 'to?" aniya.

  Naitutok ko ang mga mata ko sa headline news, at halos lumuwa sa gulat ang mga mata ko.

  Kaagad ko iyong inagaw sa kamay ng aking ina at muling sinuri kung totoo ba ang nakikita ko.

  — "The Two Heirs of Prominent Billionaire Families in Asia Are Finally Married! One is the successor of a powerful business empire, while the other is the daughter of a former A-list actor and a billionaire tycoon."—

  In a stunning turn of events, billionaire heir John Flord Congreene Jr. and Olivia Carmen Misuaris officially tied the knot in a private ceremony last night. The unexpected union of the two high-profile figures who have not been seen together for five years has sent shockwaves through the public, leaving everyone questioning the sudden marriage. What led to this secret wedding? And why now?"

  Napatunganga talaga ako habang binabasa ang detalye sa naturang news.

  "Nagpakasal kayo ni Segundo nang hindi namin alam?!" sigaw ng mommy ko na hindi makapaniwala sa nasabing balita.

  Nanginig ang mga kamay ko at halos malukot ang hawak kong newspaper dahil sa pagkayamot ko kay Segundo.

  "It was a f-fake wedding!" paliwanag ko.

  Tama. Dahil fake wedding naman talaga eh.

  "Anong nangyayare? Ang aga-aga, bakit nagsisigaw ka?" tanong ni Daddy kay Mommy nang madatnan kaming dalawa. Mukhang kakatapos lang niyang maligo dahil nakasuot pa siya ng puting roba, at tumutulo pa ang tubig mula sa basa niyang buhok.

  Halatang lumabas siya upang maki-usyoso sa amin ni Mom.

  "May problema ba?" dagdag pa niya nang pareho kaming hindi agad nakaimik.

  "Si Olivia..."

  Napakunot-noo si Daddy inaantay ang kasunod na ilalahad ng asawa niya.

  "She's married."

  "Huh?!" gulat na reaksyon ni Daddy kay Mommy. Kaagad namang inagaw ni Mom ang newspaper mula sa akin at iniabot iyon kay Dad.

  "What the—Is this true, Olivia? You and Segundo are married?!" gulat niyang tanong sa akin noong mabasa ang headline lalo na noong nakita niya ang wedding pic namin ni Segundo sa front page.

  "L-Let me explain. Please, c-calm down," utal kong paliwanag sa kanila.

  Sandaling nagkatinginan ang dalawa bago sabay na nagsabing...

  "Congratulations, anak! We thought you were a lesbian." May tuwang bati nila sa akin.

  Huh?!! Bakit sila masaya?!

  "Magkakaapo na tayo sa wakas, Cara!"

  "Yes!!!" sigaw ni Mommy, sabay yakap kay Daddy. Lumulukso pa sila sa tuwa mismo sa harapan ko.

  What the fvck!

  What kind of behavior is that mótherfvcker?!

  Napasapo na lang ako sa noo dahil sa naging reaksyon nilang dalawa, parang mas nilupig pa nila sa saya ang taong nanalo ng 500 million sa lotto!

"It was a fake wedding. Our marriage isn’t real. We made a deal last night, if I lost, I’d agree to be his doting wife for a year to help him escape an arranged marriage with Alexandria. But if I won, he’d give me a billion pesos and disappear from my life until I returned to England," paliwanag ko sa magulang ko.

Nasa sala kaming tatlo, nakaupo sa couch, at hinarap ko talaga sila upang prankahin na huwag magpapaniwala sa mga kumakalat na balitang matagal na kaming may relasyon ni Segundo dahil wala kaming relasyon ni Segundo. Peke ang lahat, ang kasal—ang marriage contract na pinirmahan namin.

Nakatitig lang sa akin ang mga magulang ko, halatang hindi kumbinsido sa paliwanag ko. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang nagsisinungaling, kahit alam kong ako ang naloko. Mas lalo pa akong naiinis sa sitwasyon.

"Hindi ka buntis?" tanong ni Mom, kita ang bahagyang pag-aalala sa mukha niya.

"Of course not!" agad kong tanggi at napailing pa.

Iyon kasi agad ang kumalat sa social media na baka buntis ako kaya mabilis kaming nagpakasal ni Segundo. Mas nakakainis, dahil pati mga dati kong kaklase sa high school at college, biglang nagme-message sa akin. Kung anu-anong pakikiramay at congratulations ang natanggap ko. May mga plastic, may mga intrigera, at mayroon ding mga tinatawag akong "girl, spill the tea!"—as if chismosa silang lahat.

Lintek naman kasi na Segundo na iyon! Akala ko hindi mabubulgar ang letcheng pekeng kasal na iyon. Oh, tingnan mo ang resulta ngayon, ang daming tao ang nag-iisip ng kung ano-anong isyu na pwedeng ibato sa amin.

Napapikit ako, pilit nilalamon ang galit. Hindi ko na alam kung anong mas masakit, ang maipit sa gulong o ang isipin na isang taon akong magpapanggap bilang asawa ng walanghiyang iyon.

Naku talaga! Makakatikim talaga sa akin ang hinayúpak na yon!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
U No Reverse
natawa ako sa marinate hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 116

    “Please stay here in Elbierro. I promise, babawi ako. Hindi na ako aabsent. Susubukan kong i-perfect lahat ng exams ko next sem. I will do all my homework. I will study more in advance. I’ll do whatever it takes to get my name back at number one next semester. I’ll do it… just please stay at Elbierro. Nagmamakaawa ako sayo,” aniya, tuluyan na siyang napaiyak sa harapan ko. Hindi na niya tinago ang mukha niya, hinayaan niyang makita kong tunay siyang durog. Marahan kong inagaw ang kamay ko. I tapped his head just to comfort him even just a bit. “Ok. I won’t transfer,” saad ko sa kanya. Kaya napangiti siya kahit may luhang nag-uunahan sa kanyang mga mata. At sa ngiting iyon, ramdam ko ang piraso ng pag-asa na bumalik sa kanya. “Ihahatid kita sa mansiyon ninyo, but starting tomorrow, do it what you promise,” ani ko. Napatingin siya sa akin nang ilang sandali bago siya tumango. “I will do it,” sagot niya, halatang napapasinghot pa rin. “Napakaiyakin mo pa rin talaga, Seg,” ika ko bag

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 115

    “Ma'am,” mahinang boses mula sa likuran ko ang siyang nagpahinto at nagpalingon sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng pinto ng kotse noong makita ko si Seg. Nakasilip siya at nagtatago sa isang itim na sasakyan na katabi ng kotse kong nakaparada sa parking lot ng department building ng Institute of Commerce and Information Science, pagmamay-ari ito ng isa sa Elbierro Hunter College highest officials. Kita ko ang tensyon sa postura niya, na parang ilang minuto na siyang naghintay doon. I decided to ignore him. I opened the door and got ready to get into my car nang mabilis siyang lumapit sa akin. Kita ko sa mukha niya ang takot at ang pangamba na mahuli kami. Alam niyang delikado ang sitwasyong ito, ang magkita kami lalo na’t nasa parte ito ng Departamento na hindi maiiwasan na maraming estudyante ang dumadaan, pero narito pa rin siya. “Pasakay,” aniya at mabilis siyang umikot sa kabila. Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin pero napakaway lamang siya sa akin at itinuro ang

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 114

    “Mukhang may kinukuwestiyon ka sa provisional list?” ani Arn noong makita niya akong nakatayo sa harapan ng Academic Ranking Bulletin Board sa main hallway. Tumabi siya sa akin at sumilip sa listahan na naka-pin sa cork board. “Nasa top 6 siya. Sayang, hindi siya nakapasok sa top 5 pero ayos na rin dahil pasok pa rin naman siya sa makakatanggap ng cash incentive,” aniya habang nakatutok ang mga mata sa pangalan ni Segundo na nakalista sa ilalim ng Provisional University Ranking for First Semester. “Lahat ng mga instructor ay nagulat at nanghinayang this semester dahil bumaba ang grade niya. This semester, they were expecting Segundo to surpass his own record by achieving his highest semester GPA so far sa buong duration ng schooling niya dito,” tuloy ni Arn. Kita ko sa tono niya na ramdam niyang malaking disappointment ito para sa faculty. “You went up to 3rd spot after failing to get in the top 10 last year,” sabi ko upang iiba ang usapan. “Yeah, because I do not have any distra

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 113

    “Ohh… fúck,” mangiyak-ngiyak na daing niya habang napaluhod sa malamig na semento. Hawak niya ang maselang bahagi kung saan ko siya nasipa at patuloy siyang namimilipit sa sakit, halos hindi makahinga nang maayos. Kita ko ang pagkaputla ng mukha niya. Nakaramdam ako ng biglang pagkirot ng konsensya dahil sa ginawa ko. Hindi ko rin inaasahan na magagawa ko iyon. Nadala lang talaga ako ng matinding inis at gulat, kaya bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay mabilis na tumama ang tuhod ko sa masélang parte ng katawan niya. “S-Sorry,” halos pabulong na paumanhin ko sa kanya. Balak ko sana siyang tulungang makatayo, kaya inabot ko ang kamay niya. Pagkababa ko pa lamang para hawakan siya, sinalubong niya ako ng halik sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin. “Masakit ang ginawa mo. Kulang pa nga iyong kiss bilang kabayaran,” aniya. Kita pa rin sa mukha niya ang kirot, pero may nakadikit na mapangising pilyong ngiti. Pasimple kong nilibot ang paningin sa paligid, sinisiguradong walang tao sa

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 112

    **Olivia** “Bakit ang tagal niya?” may pagkainip na sabi ko. Kanina pa siya sa loob. Napasilip ako sa oras sa screen ng phone ko, kinse minutos na lang at mala-late na ako sa klase ko. Kaya lumabas na lamang ako ng kotse para puntahan siya sa loob ng school. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa loob, bakit ang tagal niyang lumabas? Kung kailan handa na akong sabihin sa kanya ang tungkol kay Flynn, saka naman nagiging wrong timing. Pagkapasok ko sa main gate, diretso na ako sa corridor papunta sa classroom ni Flynn. Malayo pa lang ako pero tanaw ko na si Segundo na abala sa pakikipag-usap sa isang babae malapit sa classroom doorway. Nakatalikod si Seg sa direksiyon ko at ang babae naman ay bahagyang nakaharap kaya kita ko nang malinaw ang mukha nito. Isa siya sa mga nanay ng kaklase ng anak ko. Hindi ko naiwasan na bahagyang maningkit ang mga mata ko. Ang usapan nila ay parang ang saya dahil may tawanan pa tuwing may sinasabi ang isa. May patapik at pasampal pa sa braso ni Seg ang b

  • My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong   Kabanata 111

    “Ang tagal nang nanliligaw ni Shaun sa iyo. Kung wala ka talagang nararamdaman para sa kanya ay kung puwede mo naman siyang prangkahin na tumigil na siya sa panliligaw. Mas mahirap kasi na patatagalin mo pa ang proseso samantalang ilang beses ka nang nagpapa-churva sa ibang lalaki kagabi,” walang prenong sabi niya. Napaubo ako sa sinabi niya na para bang ako pa ang nabilaukan samantalang siya naman ang umiinom ng kape. “P-Paano niyo po nalaman?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya, nanlalaki ang mga mata ko at bahagyang namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Napangisi naman siya. “Nagising ako kagabi. Narinig ko ang mga ungol mo,” aniya, natatawa dahil pulang-pula na ang mukha ko. “Gosh, masyado bang malakas ang pag-ungol ko?” tanong ko, napatakip pa ako sa bibig ko. “Hindi naman maririnig kung hindi ididikit ang tainga sa pinto. Kaso nakuryos ako dahil malakas ang pakiramdam ko na may kasama ka kagabi kaya idinikit ko ang tainga ko sa pinto at tama ang hinala ko dahil nad

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status