Share

Kabanata 117.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-06-09 19:02:21

Nakauwi na sila ng mansion, masaya silang sinalubong ng lahat. Nagluto pa ng maraming pagkain si Melanie para pagsalu-saluhan nila for dinner. Sa halos isang linggo nilang pananatili sa hospital, pakiramdam ni Czarina ay drain na drain na siya. Wala naman siyang ginagawan, nag-aalaga lang din ng anak niya pero iba ang ambiance ng hospital. Tila ba tinutuyo ang buong katawan niya kaya ibang pagod ang nararamdaman niya.

“Mommy,” masayang sigaw ni Isabella nang makababa sila ng hagdan. Mabilis silang lumapit kay Czarina. Mahigpit ding niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Mahigit isang linggo lang siyang nawala at nawalay sa mga anak niya pero pakiramdam niya taon ang lumipas.

“I miss you both so much,” ani ni Czarina habang nakapikit ang mga mata niya at yakap-yakap ang kambal.

“We miss you too, mommy.” Sabay na wika ng kambal. Kumalas na si Isabella at Riley sa pagkakayakap sa mommy nila saka tiningnan si Kalix na buhat buhat ni Melanie.

“Can we see, Kalix po mommy? Are we allowed?” ex
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sabi ko hndi akko iiyak,,peru shocckkks I cannot huhuhu
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Contract Marriage   Kabanata 119.2

    Tumango na lang si Czarina saka siya napabuntong hininga. Nang wala ng tanong si Czarina ay lumabas na ang doctor. Lumapit naman si Owen saka niya tiningnan si Kalix na tulog na tulog. Sa maliit niyang katawan ay napakaraming apparatus ang nakakabit sa katawan niya. Kita niya rin ang bandage na nasa leeg ni Kalix at ang linya nito sa kamay. Napabuntong hininga na lang si Owen.‘Lord God, oh please, heal this boy.’ Usal ni Owen sa isip niya. Siya yung taong hindi mahilig manalangin, bihirang pumasok sa simbahan pero mukhang kailangan nilang ibalik ang pananampalataya nila para hilinging pagalingin ang bunsong Fuentes.“Anak nandito lang si mommy ha? Palagi mong lalakasan, okay? Nandito lang kami naghihintay sayo palagi.” Mahinang saad ni Czarina pero sapat yun para marinig ni Owen dahil silang dalawa lang naman ang nasa loob ng treatment room.Naagaw ang atensyon nila nang may kumatok sa pintuan. Pumasok naman si Doc Kath.“Mommy ililipat na po si baby sa room niya.” wika nito. Lumabas

  • My Contract Marriage   Kabanata 119.1

    Mabagal ang bawat hakbang ni Czarina na lumapit kay Owen at sa kausap nitong doctor. May sinasabi pa ang doctor kay Owen nang mapatingin ito kay Czarina.“Mommy,” usal ng doctor. Tahimik lang naman si Czarina. Gusto niyang magtanong pero tila ba walang lumalabas sa bibig niya. “Mommy kinailangang i-intubate si baby. Pirmahan mo na lang ‘tong consent. Ililipat din namin siya sa PICU para mas matutukan siya. Ano bang nangyari? Bakit bigla siyang naghabol ng hininga? Pagdating kasi namin dito, nonresponsive si baby. Tinuturukan na siya pero hindi siya umiiyak, nakatulala lang siya. What happened?” tanong ng doctor.Kitang kita naman ni Owen ang namumulang mga mata ni Czarina, halatang umiyak sa cr.“Nagtatae kasi siya doc, 24 hours na. Tapos kanina biglang bumagsak yung o2sat niya. Okay naman siya dahil bumalik din naman sa 60s at 70s ang o2sat niya pero kanina bigla ulit bumagsak hanggang sa bigla siyang naghabol nang paghinga.” Sagot ni Czarina na ikinatango ng doctor.“Na-dehydrate si

  • My Contract Marriage   Kabanata 118.2

    Muling lumipas ang oras at nanatiling nasa 40s lang ang o2sat ng anak niya.“Czarina, look at him.” Nag-aalalang saad ni Melanie habang nakatitig siya kay Kalix. Tiningnan na rin ni Czarina ang anak niya. Kasalukuyang naggagatas si Kalix pero yung paghinga niya hindi normal. Maingay at masyadong malalim ang bawat paghinga. Akma na sanang tatawagan ni Czarina ang mga doctor ng anak niya nang may biglang kumatok sa pintuan. Pumasok na ang doctor na nakaduty ngayong gabi.“Doc normal lang ba ang paghinga niya?” tanong kaagad ni Czarina. Tiningnan na rin ng doctor si Kalix at ang o2sat nito. Biglang umiyak si Kalix, kaunting iyak niya lang lalo itong hiningal. Pahinto-hinto ang pag-iyak ng anak niya dahil hirap ito sa paghinga.“Mommy kailan pa mababa ang o2sat ni baby?” tanong ng doctor.“Magdadalawang oras doc. Bumagsak din naman kanina yung o2sat niya ng 50s pero bumalik din naman sa 60s at 70s. Ngayon lang bumagsak ng 40s ang o2sat niya, ngayon lang din siya hiningal ng ganito.” Natat

  • My Contract Marriage   Kabanata 118.1

    Ilang oras ng nakamonitor si Czarina sa anak niya dahil nag-aalala na siya rito. Every 3 hours siyang nagpapalit ng diaper pero lahat ng yun ay may popo ng anak niya. Tinitigan niya si Kalix pero wala naman siyang nakikitang pagbabago sa paghinga nito. Palagi lang ding tulog at hindi rin nahihirapan na huminga. Napapanatag pa rin ang loob ni Czarina dahil hindi naman naghahabol ng paghinga ang anak niya.Nang dumating ang doctor na magchecheck kay Kalix ay muling sinabi ni Czarina ang kalagayan ng anak niya.“Nagtatae pa rin kasi siya doc, medyo maasim din ang amoy ng popo niya. Hindi naman ganun ang amoy ng popo niya.” wika ni Czarina. Uulit-ulitin niyang sasabihin sa doctor ang nangyayari sa anak niya kahit na makulitan na ito sa kaniya. Ang gusto niya ay macheck ang anak niya at malaman na okay lang ito.“May stool na ba ulit siya?” tanong ng doctor. Tiningnan ni Czarina kung may laman ba ulit ang diaper ng anak niya pero wala pa naman.“Wala pa doc,” sagot niya.“Hindi mo pa ba n

  • My Contract Marriage   Kabanata 117.2

    “Nawalan siya ng malay sa sobrang pag-iyak.” Sagot ni Mateo. Chineck kaagad ni Doc Apalla ang kalagayan ni Czarina. Tiningnan niya na rin ang mga mata ni Czarina at ang pulso nito. Binigyan niya kaagad ng dextrose si Czarina para hindi ito madehydrate.“How is she?” tanong ni Tyrone nang mailipat nila sa kwarto si Czarina. Banayad naman na ang bawat paghinga ni Czarina.“Kailangan niyang magpahinga lalo na at kakapanganak pa lang niya. She’s depressed too at sana maiwasan niya ng hindi mag-isip ng sobra. Iba ang isip ng mga katulad niyang kakapanganak it can lead to postpartum depression baka kung ano pang maisip niyang gawin.” Wika ni Doc Apalla. Naupo si Tyrone sa tabi ng kama ng asawa niya saka niya hinaplos ang mukha nito. Magkasama sila pero hindi man lang niya napapansin na depress na pala ang asawa niya.Lumabas naman muna si Doc Apalla at si Mateo para mag-usap. Naiwan si Tyrone ng mag-isa sa kwarto kasama ang asawa niya. Nakatitig lang si Tyrone kay Czarina. Ramdam niya na ri

  • My Contract Marriage   Kabanata 117.1

    Nakauwi na sila ng mansion, masaya silang sinalubong ng lahat. Nagluto pa ng maraming pagkain si Melanie para pagsalu-saluhan nila for dinner. Sa halos isang linggo nilang pananatili sa hospital, pakiramdam ni Czarina ay drain na drain na siya. Wala naman siyang ginagawan, nag-aalaga lang din ng anak niya pero iba ang ambiance ng hospital. Tila ba tinutuyo ang buong katawan niya kaya ibang pagod ang nararamdaman niya.“Mommy,” masayang sigaw ni Isabella nang makababa sila ng hagdan. Mabilis silang lumapit kay Czarina. Mahigpit ding niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Mahigit isang linggo lang siyang nawala at nawalay sa mga anak niya pero pakiramdam niya taon ang lumipas.“I miss you both so much,” ani ni Czarina habang nakapikit ang mga mata niya at yakap-yakap ang kambal.“We miss you too, mommy.” Sabay na wika ng kambal. Kumalas na si Isabella at Riley sa pagkakayakap sa mommy nila saka tiningnan si Kalix na buhat buhat ni Melanie.“Can we see, Kalix po mommy? Are we allowed?” ex

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status