Share

Kabanata 44.1

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-13 15:40:10

Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.

“Pakibalot na lang, salamat.” Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.

Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
naku n mn uyyy,,ayan n n mn,,,ma seset up n nmn kayu
goodnovel comment avatar
Noimie LL
Sana nmn mka labas sila ano kaya Yan binabalak mo Owen
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Kabanata 106.2

    Talaga bang natakot siya ni Tyrone? Napabuga na lang ng hangin si Chairman saka siya lumabas ng office. Nakasalubong niya naman si Owen na nagtatakang nakatingin sa kaniya. Nakita kasi ni Owen na lumabas si Chairman sa office ni Tyrone.“Congrats Owen, you are the new CEO of our company now.” Pagbati niya sa apo niya. Nanatili lang namang blangko ang mukha ni Owen.“Sabihin niyo nga sa akin, si Tyrone ang gusto niyong iboto diba?” tanong niya. Kahit na masakit gustong malaman ni Owen ang totoo. Gusto niyang malaman kung sino ang sa tingin ni Chairman na karapat-dapat na maging CEO kung hindi lang sumuko si Tyrone.“Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong ikaw ang nasa listahan ko?” sagot ni Chairman. Hilaw namang natawa si Owen saka siya napayuko pero iniangat niya rin kaagad ang paningin niya.“Really?” aniya na tila hindi naniniwala. Alam niya namang natagalan si Chairman na magtaas ng kamay kanina. Kung hindi lang nagtaas ng kamay si Tyrone baka hindi rin nagtaas ng kamay si

  • My Contract Marriage   Kabanata 106.1

    Ilang oras na ang nakalipas simula nang matapos ang botohan. Nahirang na rin si Owen bilang bagong CEO at magsisimula na siya sa susunod na linggo. Salubong ang mga kilay ni Chairman habang nakatulalang nakatingin sa kawalan. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin siya sa ginawa ni Tyrone. Hindi niya alam kung dapat na siyang matuwa o matakot sa sarili niyang apo. Ano ba talaga ang itinatago nito?Seryoso ba talaga si Tyrone sa sinabi nito na kayang bilhin ang kompanya? Nagiging mahiwaga na kay Chairman ang sarili niyang apo. Nasa iisang bubong na sila pero tila ba wala naman siyang napapansin na kakaiba sa apo niya o ikinikilos nito na kahina-hinala.“Sino ang nagbibigay sayo ng lakas ng loob para takutin ako?” napailing si Chairman. “Impossible, impossible ang sinasabi niya. Paano niya magagawang bilhin ang kompanya ko kung isa lang siyang empleyado ko?”Napabuntong hininga na lang si Chairman. Hindi niya nga dapat minamaliit si Tyrone dahil hindi niya alam kung anong nangyari dito sa

  • My Contract Marriage   Kabanata 105.2

    Nananatiling blangko ang mukha ni Chairman habang tila walang pakialam sa election si Tyrone at Owen. Mauunang tatawagin si Owen kesa kay Tyrone kapag nakita nilang itinaas na ni Chairman ang kamay niya siguradong tapos na ang laban. Lahat naman ng napiling candidate ay deserving ang posisyon pero isa lang talaga ang magwawagi.Tiningnan ni Czarina si Chairman pero nakatingin lang ito sa kawalan tila ba hinihintay lang kung sino ang pipiliin niyang maging CEO. Walang nakakabasa kay Chairman dahil blangko ang mukha nito.Nang tawagin na si Owen ay tumayo na siya. Nakatingin lang din sa kawalan si Owen, ramdam niya ang tingin ni Czarina sa kaniya pero hindi niya ito nilingon. Hindi naman siya magtatanim ng sama ng loob dahil naiintindihan niya naman kung si Tyrone ang iboboto ni Czarina, valid yun dahil asawa ni Czarina si Tyrone.Napabuntong hininga si Chairman, hinihintay nilang lahat ang pagtaas ng kamay niya pero tila ba nahihirapan pa ito. Hindi tiningnan ni Owen si Chairman dahil

  • My Contract Marriage   Kabanata 105.1

    Nang makarating sila sa kompanya ay sabay na silang naglakad sa lobby. Mabagal lang ang bawat hakbang ni Czarina dahil malaki na ang tiyan niya. Sinasabayan naman siya ni Tyrone, ayaw naman ni Tyrone na madaliin ang asawa niya.“Love, naiihi ako. Hindi ko na kayang iabot ‘to sa office mo.” Wika ni Czarina na kanina pa naiihi. Gusto niya sanang pigilan pa para iabot sa office ng asawa niya pero para bang puputok na ang pantog niya. Inilibot ni Tyrone ang paningin niya para magtingin ng cr sa lobby. Nakita niya naman kaagad kaya sinamahan niya na dun si Czarina. Pumasok na sa loob si Czarina habang nasa labas naman si Tyrone naghihintay.Ilang minuto lang ang lumipas nang my lumabas na mula sa cr. Akala ni Tyrone ay si Czarina pero si Rhianne ang lumabas.“Hey, what are you doing here?” tanong ni Rhianne saka niya tiningnan ang signage sa cr dahil baka nagkamali siya ng pinasok pero ng makita niyang symbol for women ang nakadikit ay muli niyang tiningnan si Tyrone. “Hinihintay mo ba ak

  • My Contract Marriage   Kabanata 104.2

    Sinamahan na lang ni Czarina si Tyrone sa kusina, pinanuod niya itong magluto. Napapangiti na lang si Czarina habang nakatitig siya sa likod ng asawa niya. Nakasando na lang ito kaya kitang kita ni Czarina ang malaking braso ng asawa niya. Swinerte talaga siya sa asawa niya. Kumbaga, he’s perfect. Nasa kaniya na lahat, kabaitan, kagwapuhan, kasipagan, at higit sa lahat ang pagiging mapagmahal nito.Nang makita ni Tyrone na nakangiting nakatitig sa kaniya ang asawa niya habang nakapangalumbaba ito ay bahagya na lang siyang natawa. Paano niya magagawang lokohin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya? Ang babaeng nagbigay ng kulay sa mundo niya, ang babaeng nagbigay ng mga anak sa kaniya?Nilapitan ni Tyrone ang asawa niya.“In love ka na naman sa akin?” pang-aasar ni Tyrone. Matamis namang ngumiti si Czarina.“Oo naman, sino bang hindi maiilove sa kagaya mo? May magandang pangangatawan, masipag, masarap magluto, maasikaso at mapagmahal? Paanong hindi ako maiilove?” napat

  • My Contract Marriage   Kabanata 104.1

    Napayuko na lang si Tyrone habang nanggagalaiti pa rin sa galit si Czarina. Kung alam niyang ikakasama ito ng loob ng asawa niya sinabi niya na lang sana ng mas maaga. Sinalubong ni Tyrone ang nag-aapoy sa galit na mga mata ani Czarina. Malalim ang bawat paghinga niya.“Hindi ka ba magsasalita? Wala ka bang sasabihin? Pipiliin mong magalit ako at sumama ang loob ko? Answer me Tyrone!” ani pa rin ni Czarina. Gustong punasan ni Tyrone ang mga luha ng asawa niya. Gusto niya itong yakapin pero alam niyang ipagtatabuyan siya ng asawa niya.“Wala akong babae kung yun ang iniisip mo. Wala akong itinatagong ikasasama ng loob mo. Calm down first, love, please. Hindi kita niloloko, wala akong kinakatagpo kung yun ang iniisip mong ginagawa ko. Well, yes, I admit it. Matagal na akong umaalis ng kompanya ng maaga at umuuwi dito ng hapon na. May itinayo akong business kasama ng mga kaibigan ko at yun ang dahilan kung bakit maaga akong umaalis sa kompanya ni lolo. Hindi alam ng pamilya ko ang tungko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status