Kinaumagahan, nang may sikat na ng araw. Nagising si Tyrone na naririnig niya ang pagsusuka. Kinapa niya ang asawa niya kung nasa tabi pa niya ito pero nang hindi niya ito maramdaman ay iminulat niya ang mga mata niya. Ramdam pa niya ang hapdi ng mga mata niya dahil inaantok pa siya.
Nang muli niyang marinig ang pagsusuka at marealize na wala sa tabi niya si Czarina ay napabalikwas siya sa kinahihigaan niya saka niya tiningnan si Czarina sa cr. Rinig na rinig niya ang pagsusuka nito dahil nakabukas ang pintuan.
“Hey, are you okay?” tanong niya kaagad habang hinahagod ang likod ni Czarina. Yakap-yakap naman na ni Czarina ang bowl dahil hinang hina siya sa bawat pagsusuka niya. Lahat nang kinain niya kanina ay isinuka niya rin. “Hindi ka yata natunawan. Ang dami mo kasing nakain. Kukuha lang ako ng tubig.”
Iniwan na muna ni
Kinaumagahan, nang may sikat na ng araw. Nagising si Tyrone na naririnig niya ang pagsusuka. Kinapa niya ang asawa niya kung nasa tabi pa niya ito pero nang hindi niya ito maramdaman ay iminulat niya ang mga mata niya. Ramdam pa niya ang hapdi ng mga mata niya dahil inaantok pa siya.Nang muli niyang marinig ang pagsusuka at marealize na wala sa tabi niya si Czarina ay napabalikwas siya sa kinahihigaan niya saka niya tiningnan si Czarina sa cr. Rinig na rinig niya ang pagsusuka nito dahil nakabukas ang pintuan.“Hey, are you okay?” tanong niya kaagad habang hinahagod ang likod ni Czarina. Yakap-yakap naman na ni Czarina ang bowl dahil hinang hina siya sa bawat pagsusuka niya. Lahat nang kinain niya kanina ay isinuka niya rin. “Hindi ka yata natunawan. Ang dami mo kasing nakain. Kukuha lang ako ng tubig.”Iniwan na muna ni
Madaling araw na nang magising si Czarina. Nilingon niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Kanina pa sinusubukan ni Czarina na matulog ulit pero isang oras na ang nakalipas pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Bumangon si Czarina at nagtungo ng veranda para magpahangin. Iniisip niya na naman ang isinampa nilang kaso kay Natalia. Gusto niya ng malaman kaagad ang hatol ng korte sa kaniya para matahimik na siya.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina habang niyayakap siya ng malamig na simoy ng hangin. Napahawak siya sa tiyan niya ng makaramdam siya ng gutom. Naipilig niya ang ulo niya dahil marami naman siyang nakain noong dinner nila at hindi rin siya yung tipo ng tao na mahilig sa midnight snacks. Babalewalain niya na lang sana yun pero pakiramdam niya gutom na gutom siya na tila ba walang kinain kagabi.Bumalik na siya sa loob ng kwarto at tini
“Kinuha ng mga kasama ko sa kwarto eh, wala silang iniwan pati suklay kinuha nila kaya paano ko maayos ang sarili ko? Anak, tulungan mo naman ako, tulungan mo akong makalaya dito. Sa dami ng isinampang kaso sa akin wala na silang balak na palayain ako. Maghanap ka ng taong pwede nating bayaran, tatakas na lang ako basta ayaw ko lang dito. Okay na akong magtago habang buhay huwag lang sa kulungan.”“Gusto niyo ba akong maging katulad niyo? Gusto niyo rin ba akong maging kriminal? Sa gusto niyong gawin ko magkakaroon ng dahilan si Czarina para ipakulong din ako. Iisipin din ng korte na accomplice mo ako sa lahat ng krimen na ginawa mo. Is that what you want, Mom? Pati ba naman sa kulungan gusto niyo akong isama? Kung nagpakatino lang sana kayo baka kasal na kayo ni Daddy ngayon! Ako na sana ang legal daughter niya pero sinayang niyo lahat! Bakit ba hindi na lang kayo naghintay?!” napakunot naman ng noo si Natalia dahil sa sinasabi ng anak niya.“Kasal? Anong kasal?” nagtataka niyang tan
Nang biglang bumukas ang pintuan ng office ni Mateo sa loob ng bahay niya ay tiningnan niya kung sino ang pumasok. Ibinalik niya rin kaagad sa laptop ang atensyon niya ng si Natalie lang ang pumasok.“Talaga bang kakasuhan niyo rin si Mommy? Gusto niyo ba talagang i-push na makulong siya habang buhay? Dad, marami ng ikinaso ang partido nina Czarina pero bakit kailangan dumagdag ka pa sa kanila? Ginagawa mo ba ‘to para mabawasan ang galit ni Czarina sayo? Anak mo rin ako, Dad! Ang babaeng gusto niyong ipakulong ay ang ina ko, babaeng kinasama niyo rin. Dad, baka pwede namang huwag ka ng dumagdag, please.” Nakikiusap na saad ni Natalie. Hindi pa rin matiis ni Natalie ang kaniyang ina dahil alam niyang ibinigay ni Natalia ang lahat ng pangangailangan niya.Itiniklop ni Mateo ang laptop niya saka niya tiningnan ang anak niyang nakikiusap.“I know you love your mom but I’m sorry Natalie I need to do this not because of Czarina. Your Mom tried to kill me dahil gusto niyang angkinin ang laha
“Nandito ba sa loob ng kwartong ito ang tinutukoy mo? Maaari mo bang ituro?” tanong ng judge. Si Mila naman ang tumayo at hinanap ng mga mata niya si Natalia. Walang pag-aalinlangan niyang itinuro si Natalia.Nagpatuloy pa ang paglilitis sa loob ng korte. Inuna na muna nila ang kasong isinampa ni Mila at sa kasong isinampa ni Czarina. Nang matapos ang unang paglilitis ay nagsilabasan na silang lahat. Inilabas na rin si Natalia pero nang makita niya si Czarina ay mabilis niya itong nilapitan at hinila ang mga buhok kahit na nakaposas ito.“Dapat pinatay na kita noon! Ikaw ang baliw, Czarina! Ikaw ang baliw!” sigaw ni Natalia. Buong lakas na inalis ni Tyrone ang mga kamay ni Natalia sa buhok ni Czarina. Gusto niyang sampalin si Natalia pero hindi niya magawa dahil babae pa rin ito.Sa inis ni Melanie ay malakas niyang sinampal si Natalia.“Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang manakit sa anak ko? Kung meron mang baliw sa inyong dalawa ikaw yun Natalia. Masyado kang obsess
Nasa korte na silang lahat ngayon, nasa loob na ng court room si Czarina habang nasa labas pa si Tyrone kasama si Chairman at ang lawyer nila.“Siguraduhin mong hindi makakalaya si Natalia. Kung kailangan nating bayaran ang judge gagawin natin.” Seryoso at maawtoridad na saad ni Tyrone. Pumirma naman si Chairman sa blank cheque niya at ibinigay sa lawyer nila.“Ibigay mo ito sa judge. Babayaran natin silang lahat huwag lang makalaya ang babaeng yun. Isulat niya diyan ang halagang gusto nila, I don’t care.” wika rin ni Chairman. Tiningnan ni attorney ang black cheque bago sinalubong ang tingin sa kaniya ni Chairman.“Hindi na natin kailangan yan Chairman. I will make sure she will rot in jail. Marami tayong ebidensya at sapat na sapat na ang mga yun para mabulok siya sa kulungan. Marami ang magsasampa sa kaniya ng kaso at kahit hindi magsampa ang lahat, mabubulok pa rin siya sa kulungan. Nasiguro na rin ni Mr. Jimenez na tetestigo ang mga naging kasabwat ni Miss Natalia.” Confident na
“Hindi naman. Masaya ako dahil magkasundo kayo ni Mommy. Okay lang kung isinasantabi niya ako, ang mahalaga mas inuuna niya kayo.” Nakangiting sagot ni Tyrone na ikinangiti na lang din ni Czarina. Nang makakababa sila ay sinalubong kaagad ni Melanie si Czarina at niyakap ito.“Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Melanie.“Ayos lang po ako, Mom. Huwag niyo akong alalahanin. Si Tyrone po baka kailangan niyong kumustahin.” Nilingon ni Melanie ang anak niya pero inismiran niya lang ito na ikinanlaki ng mga mata ni Tyrone dahil sa gulat.“Hindi ko naman na siya kailangang kamustahin pa. Alam ko namang okay lang siya, kaya niya na ang sarili niya. Masyado na siyang malaki, alam niya na ang ginagawa niya. Kung may masakit sa kaniya pwede naman siyang magpacheck-up kaagad.”
Matamis na ngumiti si Czarina. Hindi niya mapigilang lumuha sa tuwa dahil sa mga nangyayari ngayon. Nalulungkot man siya dahil sa nangyari kay Owen pero panandalian niyang nakakalimutan ang mga problema niya dahil malapit niya ng mabigyan ng hustisya ang kaniyang ina. Nang makita ni Tyrone ang asawa niyang mag-isa lang sa pool area ay nilapitan niya ito. Sa kawalan nakatingin si Czarina at dahil sa lalim ng iniisip niya hindi pa niya nararamdaman si Tyrone na nasa gilid niya na.“Are you okay?” agaw atensyong tanong ni Tyrone. Nabalik na sa wisyo si Czarina saka niya hinarap ang asawa niya at matamis na ngumiti.“Medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Sa tingin mo ba mapapabilis ang pagproseso sa mga isasampa nating kaso? May sasampa si Tita Amelia dahil sa nangyari kay Owen, magsasampa si Yaya Mila dahil sa pagpatay niya rito, ang pagnanakaw niya ng pera sa kompany
Sumunod si Tyrone at Czarina sa prisinto. Makakahinga na ng maluwag si Tyrone dahil kapag napakulong na nila si Natalia magkakaroon na ng katahimikan ang buhay ni Czarina, magiging tahimik na rin ang pamilya nila.Pagdating nila ng prisinto ay sigaw kaagad at pagwawala ni Natalia ang naririnig nila.“Sapat na ba yung ebidensya para huliin niyo ako?! Pahiram ako ng cellphone and I will call my lawyer! Hindi tama itong ginagawa niyo sa akin. Hindi dahil asawa siya ng isang Fuentes, siya na ang dapat niyong paniwalaan!” patuloy na pagwawala ni Natalia. Nang hindi siya pinahiram ng cellphone ay sinagi niya ang mga gamit na nasa front desk.“Oh, really, Natalia?” sabat naman ni Chief Romero. Nilingon ni Natalia yun at nang makita niya kung sino ang kasama nito ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Maging si Czarina ay n