Liliana's Point Of View*
Dahan dahan akong umatras nang mapahinto ako. Bakit parang ako ang natatakot sa kanya? Siya ang nagloko at hindi ako. Di ko hahayaan na maloko ulit ako ng lalaking ito.
Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Nang dahil sa mana ko. Bakit ko naman kasi yun sinabi sa kanya? Napaka bobo ko din naman kasi eh!
At mukhang plinanuhan pa nilang dalawa ni Mirabelle ang mga mangyayari para masolo nila ang mana ko. Napakamao na lang ako dahil sa katangahan ko sa kanya ng tatlong taon.
Napabuntong hininga ako at dahan dahan na tumingin sa sa pwesto ni Gerald. Kaya ko ito at kakalimutan ko na na mahal ko siya. Kagaya ng sinabi ni Fern na hindi ko deserve ang lalaking ito at di na siya kailanman makakalapit sa akin.
At napatingin naman siya sa akin at agad siyang lumapit na kinanigas ng katawan ko. Syet! Hindi ito pwede! Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Hindi ko alam kung bakit!
"Liliana, mabuti nandidito ka pala. Akala ko di ka pumasok sa trabaho eh. Nag-aalala ako sayo at sabi ng Lola mo na may nilakad ka kahapon. Pwede ba tayong mag-usa---"
"Please, not now. Be professional, Gerald. Nasa workplace tayo at wala sa labas kaya tumigil ka. At isa pa wala na tayong pag-uusapan pa dahil tapos na ang lahat nung gabing iyon at wala na tayo."
Pinili ko talaga na sobrang hina ng boses ko para di ako marinig ng iba na magalit.
"Excuse me, paharang ka sa daan."
Papasok sana ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko at napapikit ako dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Bitawan mo ko."
Babala ko sa kanya nang biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Sir Asher na walang emosyong nakatingin sa amin at napalunok ako. Hindi pa pala siya nakakaalis?
Akala ko sandali lang sila doon sa loob.
"What happened here?"
"N-Nothing, Sir."
Pero ramdam ko pa din ang mahigpit na paghawak niya sa pulsuhan ko na kina-igik ko naman dahil ang lakas ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Nothing?"
Nakikita ko na mukhang hindi maganda ang pagtitig ni Mr. Asher sa kamay ni Gerald na nasa kamay ko kaya dahan dahang lumuwag naman ang hawak ni Gerald sa kamay ko at binawi ko ang kamay ko at sekreto ko siyang sinamaan ng tingin.
Nung pagtingin ko kay Mr. Asher ay dahan dahan akong yumuko sa kanya.
"Maraming salamat po."
Dahan dahan naman siyang tumango at nagulat ako nung umalis si Gerald na hindi man lang nagpasensya. Ang bastos talaga ng lalaking yun kahit kailan!
Napabuntong hininga na lang ako.
"Mauna na po ako sa loob. Maraming salamat po ulit."
Aalis sana ako nang magsalita ulit siya.
"Miss..."
Natigilan ako at napatingin sa kanya at nakatingin siya sa akin. Agad naman akong napatingin sa paligid kung may tinitingnan pa ba siya bukod sa akin baka mag-assume na naman ako.
Muntik na akong mapahiya kanina nung sabihin niya na 'It's good to see you again' pero waley eh hindi pala ako ang sinabihan kundi ang department head lang pala namin.
"Ako po?"
"May ibang tao pa ba bukod sayo dito?"
Agad naman akong napailing iling.
"W-wala. Ako lang po, Sir."
Dahan dahan siyang lumapit sa akin na kinatigil ko.
"Sir..."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinatigil ko at tiningnan niya ang pamumula ng kamay ko.
"Follow me, Ms. Liliana."
Natigilan ako sa sinabi niya at dahan dahan naman akong tumango at nakasunod lang ako sa kanya.
Oh my! Liliana, wag kang mag-assume at mangarap na may gusto sayo si Fern... ah hindi pala siya si Fern. Basta wag kang mag-assume dahil masasaktan ka lang.
Nakarating kami sa elevator at bumukas naman iyon at nagsign siya na unang pumasok na kinalaki ng mga mata ko.
"Salamat po."
Pumasok na ako at sumunod naman siya at nakayuko lang ako at pinakiramdaman ko lang ang paligid at napatingin naman ako sa kasama niya na si Mr. Caleb na tahimik lang at nung naramdaman niya na tiningnan ko siya ay napangiti siya.
At ngumiti din ako sa kanya at napaiwas agad ng tingin.
Bumukas ang pintuan at lumakad na siya at nakasunod lang kami sa kanya. Ano kaya ang mangyayari ngayon?
Nakarating kami sa opisina niya at hindi na pumasok si Mr. Caleb na mas lalong kinakaba ko. Ano ba ang kailangan niya sa akin?
"Sir, may kailangan po ba kayo sa akin?"
Dahan dahan siyang humarap sa akin at napalunok naman ako habang nakatingin siya sa akin at nakikita ko ang lamig sa mga mata niya.
Dahan dahan naman akong napayuko. Di ko alam kung bakit ang lamig niya sa akin.
"Bakit ka umalis na walang paalam?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Teka kilala niya talaga ako? Alam niya kung sino ako?
"W-What do you mean, Sir?"
Sasalbahin ko muna ang sarili ko ngayon. Di ko inexpect yun dahil ang akala ko ay hindi niya ako kilala!
"Have you really forgotten the warn night we shared?"
Natigilan ako sa sinabi niya at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ngayon.
"H-Hindi ko po yun nakakalimutan. Pasensya na po sa nangyari sa atin. Nalasing po ako at di ko na maalala ang mga nangyari sa atin matapos nun. P-pero binayaran naman kita at sinauli ko din ang mga singsing mo sa lamesa diba para sa disgrasya na nangyari sa atin. Promise, di na yun mauulit pa. Promise talaga."
Natahimik naman siya sandali sa sinabi ko at napahawak siya sa noo niya.
"Disgrasya?"
Napapikit siya na parang kinakalma ang sarili niya ngayon.
"Do you think na isang one night stand lang ang nangyari sa atin, my Liliana?"
Natigilan ako at napatingin ako sa kanya at nakikita ko ngayon na kalma siyang nakatingin sa akin.
"Do you think na ganun na lang yun kadali yun? Hmm?"
"P-Pasensya na talaga. Una mo talaga yun?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang inosenteng si Fern ay... hindi pala Fern ang pangalan niya. Ang inosenteng si Mr. Asher ay kinuha ko ang una niya.
Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan na maluha. Wag ka ngang umiyak, Liliana. Kasalanan mo yan kaya panindigan mo.
"My Wife, I'm sorry."
Natigilan ako at napatingin ako sa kanya. Ano daw sabi niya?!
"Huh?"
"Hindi ko intention na paiyakin ka. I'm sorry."
Lumapit siya sa akin at nanigas ang katawan ko nung niyakap niya ako.
"T-Teka lang, Mr. Asher."
Dahan dahan ko siyang tinulak palayo sa akin at napaatras naman siya nun.
"Uhmm... Anong ibig sabihin mo na tinawag mo kong my Wife? Anong ibig sabihin nun?"
Hindi ko kasi siya maintindihan. Wala nga talaga akong maalala sa nangyari kahapon. Sana wala nang nangyari na di ko inaasahan. Baka kasi naging ibang tao ako nung gabing iyon.
"We're already married. And these rings are supposed to be in your finger."
Nakatulala ako habang dahan dahan niyang sinuot sa akin ang singsing na hawak niya.
"Huh? What do you mean?"
"You're my Wife and I'm your Husband, my Liliana."
*****
LMCD22