3rd Person's Point Of View*
Boung araw kahapon inilibot ng kanang kamay ni Asher na si Caleb ang boung mga departments at hindi pa din nito nakikita ang Asawa na sinasabi ng CEO niya.
Nakatingin si Caleb sa litrato ng Asawa ni Asher at nagtataka siya dahil sa dami ng magagandang babae na humahabol sa CEO nila ay sa isang nerd lang ito nagpakasal at napakamot na lang siya sa ulo niya at bigla bigla na lang itong nagpapakasal na maski siya at ngayon lang niya nalaman.
Napatingin siya sa CEO niya na bumaba sa sasakyan nito at agad siyang lumapit at yumuko sila.
"Good Morning, Sir---"
"Did you find her?"
"Wala po siya kahapon at sabi ng mga kasamahan niya sa department ay engagement daw nito nung last night kaya rest day niya kahapon."
Napaisip naman si Asher sa sinabi nito.
"Let's go to her department."
Natigilan naman si Caleb dahil nakita nga niya ang mukha ng Asawa nito baka mabash lang ang Asawa nito kung ipapakilala niya agad sa lahat.
"S-Sir, wala pa naman sa balak niyo na sabihin ang tungkol sa kanya diba?" mahinang ani niya kay Asher.
"At bakit? May mali ba na ipapakilala ko ang Asawa ko sa lahat?"
"Uhm... what I mean po..."
Natigilan naman siya nang makita ni Caleb na may mga kasamahan pa silang nakasunod sa kanila.
"Sa opisina na lang po tayo mag-usap. Masyadong maraming tao dito."
Tumango naman siya at lumakad na sila papunta sa opisina at sumakay sila ng elevator.
Nakarating sila sa opisina ay agad namang tumingin si Asher sa kanya.
"Speak."
"Hindi pa ito ang tamang oras para ipapakilala mo siya bilang asawa mo sa boung mundo."
"At bakit naman? Parang naging parents ka kung magsalita ha. Ama ba kita?"
"Sir, naman. Hindi po sa ganun. Nag-aalala po ako sa asawa niyo po. Ganito po kasi pagsumugod po kayo doon sa department niya at ipagsisigawan--- teka lang po? Di po ako nalinawan sa nangyayari. Kayo po ba ang tinadhana na i-engage kay Miss Liliana Maeve Everhart?"
"Hindi ako."
Nanlaki ang mga mata ni Caleb sa sinabi nito at napatakip siya sa bibig niya.
"Oh my God! Boss! Nangidnap ka ng babae o baka finorce mong ipakasal sayo? Boss naman makakahanap ka naman ng ibang babae at hindi engage sa iba. Engage siya sa iba pero ikaw ang naging Groom. Pwede ba yun!"
"It's true na kinidnap ko siya sa gabi nun sa kwarto kung nasaan ang Fiancee niya at Bestfriend niya. Wag ka ng magpaliwanag sumasakit lang ang ulo ko sayo."
"Sir, hindi na ikaw ang kilala ko. Di ko alam ang pinakasikat, pinakamayaman, at pinakagwapong young businessman sa boung mundo ay kumidnap ng isang babae sa engagement night nito at pinakasalan mo pa siya?!"
"Yes, that's true."
"Hala, hindi tinanggi?! Sir, masisira ang image mo niyan."
"Hindi ako nagsisisi sa bagay na yun. Kaya tumahimik ka na at puntahan na natin siya sa opisina niya."
Lalakad sana si Asher nang humarang si Caleb sa pintuan.
"Wag na wag mong itutuloy ang gagawin mo, Sir. Maawa ka naman... ah maawa ka kay Miss Liliana."
"Bakit naman?"
"Paano kung malaman ng lahat ang nangyari. Ikaw ayos lang sayo pero kay Miss Liliana ay hindi maayos sa kanya. Mababash at mabubully pa siya ng mga supporters at fans mo. Hindi every second mababantayan mo siya at baka kung ano pa ang mangyayari sa kanya. Please, maawa ka sa kanya... Kahit kay Miss Liliana ka lang maawa."
Napaisip naman si Asher at narealize niya na tama ang sinabi nito na baka mapapahamak pa si Liliana kung sasabihin o malalaman ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa.
Napahawak siya sa singsing nito na iniwan sa lamesa at may pera din itong iniwan sa lamesa na di niya maintindihan para saan iyon.
"Fine, but we will go to her department. I want to see her."
"Hindi mo naman i-aannounce diba?"
"Hindi."
Nakahinga naman ng maluwag si Caleb sa sinabi nito at tiningnan niya si Caleb na kinataka naman ni Caleb.
"B-Bakit, Sir?"
"You're blocking the door."
Napatingin naman siya sa sarili niya na nakawide pa ang kamay at paa niya para hindi ito makadaan. Napangiti na lang si Caleb at umayos ng tayo.
"Shall we?"
Binuksan na ni Caleb ang pintuan at lumakad na sila papunta sa department ni Liliana. Hanggang makarating na siya doon at binuksan naman ni Caleb ang pintuan at agad niyang nakita na nakayuko ang mga Employees nito.
"Welcome, Mr. Asher Calix Windermere."
Bati nilang lahat kay Asher at agad niyang hinanap ang Asawa niya sa boung lugar pero di niya iyon mahanap lalo na't nakayuko silang lahat.
"Okay, lift your head."
Dahan dahan namang napatingin sila kay Asher at doon nagtagpo din ang mga mata nila at nakikita ni Asher na parang natulala sa kanya si Liliana. Gusto niyang matawa sa expression nito pero di pa din niya ito pinahalata sa dalaga.
Lumakad siya na kinapanik din ni Caleb dahil baka pupuntahan niya si Liliana at tama nga ang hinala nito.
Huminto si Asher sa harapan nito at tiningnan niya ang likod ni Liliana.
"It's so good to see you... again."
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Asher ang gulay sa mukha ni Liliana.
"Yes, Mr. Windermere."
Napatingin naman si Liliana sa likod nito nang magsalita ang Department Head nila na nasa likod pala ni Liliana.
"I'm just visiting here. Nakikita ko na malinis at mabango ang lugar ninyo. It's good to see it like that."
"Thank you for your appreciation, Mr. Windermere. Alam naman namin na ayaw niyo po sa mga maduming lugar."
Tumango naman si Asher pero di pa din natatakas sa mga mata niya ang expression ni Liliana na nadisappoint ito.
"I need to check the other files in your office. May I see it?"
"Ah yes, Sir. Follow me."
Lumakad siya pero naramdaman ni Liliana na bumangga ang kamay nito sa kamay niya na kinalaki ng mga mata nito.
At dahan dahan siyang napatingin sa likod ni Asher at nanghihina siyang napaupo sa upuan niya at napatakip siya sa bibig niya dahil sa nangyayari.
"A-Anong nangyayari."
Napatingin siya sa pintuan ng opisina ng department head nila at nakasira na iyon at nasa loob na si Asher.
"Damn... hindi Fernando ang pangalan niya? Kundi Asher?" mahinang ani niya sa sarili niya at nakatakip siya sa bibig niya dahil hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"I n-need to go to the cr."
Agad siyang tumayo at lumakad siya paalis sa department nila at dumiretso sa cr at agad niyang tinanggal ang salamin niya at hinugasan niya ng malamig na tubig ang mukha niya at doon niya napagtanto na hindi siya nananaginip.
Napakagat siya sa labi niya at napatingin siya sa salamin.
"H-Hindi naman niya ako nakikilala diba? Hindi naman niya ako napansin kaya alam ko na hindi niya ako nakikilala."
Pinunasan niya ng towel ang mukha niya at napatingin siya sa salamin at sinuot ang reading glasses niya.
"Hindi niya ako nakikilala... tama ganun nga."
Biglang bumukas ang pintuan at nakita niya si Maribelle na may kasama na isang babae at parang ang close close nila.
"Oh?"
Di niya ito pinansin at lumapit naman si Maribelle sa sink at nanghugas ng kamay.
"Diba siya ang friend mo, Mari?"
"Ah oo.... kumusta ka na, Liliana?"
Napakunot ang noo ni Liliana dahil sa sinabi ni Maribelle na parang walang nangyari.
Hindi siya magpapatalo ngayon sa kanya. Nakuha nga niya si Gerald at di siya kailanman magpapatalo sa emosyon nito.
"Okay naman. Alam ko naman na wala akong tinatagong baho. See you later. Ikaw na ang bahala sa ex-fiancee ko. Lamunin mo para magsawa."
Ngumiti ako bago lumakad palabas ng cr. Nagmamadali talaga siyang lumabas doon para di siya maabutan baka magsabunutan pa sila doon.
Babalik sana siya sa department nila nang makita niya si Gerald sa harapan ng Department nila.
"Damn..."
*****
LMCD22