Share

2. ARRANGED MARRIAGE

Author: Mir
last update publish date: 2026-06-23 18:59:11

Caroline’s POV

Ang pamilya ng mga Del Fierro ang pinakamalaking investor sa negosyo ni Papa. Kung ikukumpara kami sa ibang business partners nila ay walang-wala kaming maibubuga. Pero dahil sa potential ni Papa ay nagawa niyang makapag-close ng deal sa mga Del Fierro.

Raegan is the man of my dreams. Naiisip ko pa lang na siya ang nakasama ko nung gabing iyon ko, nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko.

But I have one big problem. I’m supposed to marry one of our investor’s son. Just the thought of it is already making me sick. May dinner kami mamaya at doon ko na siya makikilala. They didn’t even plan an announcement party, kaya siguradong sa pipitsuging pamilya lang ako mapupunta. Para lang maisalba ang kompanya ni Daddy kailangan kong harapin ang kahihiyang ito.

Pagdating ng hapon ay hindi magkandaugaga ang lahat liban sa akin. Inip na inip ako at gusto ko nang matapos agad.

“Madam, nandito na po sila!”

Parang tumigil ang mundo ko at nag slow-mo sila sa paningin ko. Si Raegan at ang pamilya niya, naglalakad papasok sa mansyon namin!

“Good evening, please come in.”

Magiliw namin silang binati. Kinikilig akong makikipag beso sana sa kanya pero…

“Ito na ba iyon?” Lukot ang mukha niya na parang dismayadong-dismayado, “Napakaliit naman ng bahay niyo. Mas malaki pa ang bodega namin dito eh. Parang bahay lang ng aso.”

Nagkatinginan kami ni Mommy samantalang si Daddy ang nahihiyang sumagot sa kanya.

“P-Pasensya ka na kung hindi mo nagustuhan ang bahay namin. Magpapagawa rin naman kami ng bagong bahay, para hindi nakakahiya kapag ikinasal na kayo ni Caroline.”

“Dapat lang. We’re doing you a big favor. Ayaw niyo naman siguro kaming bigyan ng kahihiyan hindi ba?”

Nagulat ako nang irapan niya si Papa.

“O-Oo naman, walang problema sa bagay na iyon. Tara na sa dining area? Nakahanda na ang mga pagkain.”

Bago dumiretso sa dining si Raegan ay tinapunan niya ako ng tingin at saka nanunuyang umirap. Sa ganitong asta niya ay tahimik lang ang parents niya na para bang normal lang iyon.

Tahimik lang ako habang katabi ko si Raegan. Panay plano ang mga magulang namin tungkol sa kasal samantalang nagpapakalunod ako sa malalim na pag-iisip.

“You work with Tobias, right?”

Bumaling sa akin ang Mama niya pero dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko siya narinig.

“P-po?”

“P-po?” Raegan mimicked me, “Alam mo hindi ka maganda. Kaya sa pagiging attentive at matalino ka na lang bumawi.”

“S-Sorry po.” Pahiyang-pahiya ako. Kita kong gusto akong ipagtanggol ni Mommy pero pinigilan siya ni Dad.

“Since you work with my brother, paniguradong marami kang makikitang resemblance nila ni Raegan. Manang-mana ang anak ko sa Tito niya. Lalo na pagdating sa talino,” pagmamalaki ni Tita.

Tumango na lang ako. Kung meron mang pareho sa kanila, boses lang siguro.Pero sa ugali? Malayo. Sir Tobias might be a ruthless businessman, pero hindi siya arogante.

Pansin ko ang pagmamadali sa pagkain ni Raegan. Nang matapos siya ay marahas niya akong hinigit patayo.

“Is it okay kung magsosolo muna kami ni Caroline?”

Nagulat ako sa tanong niya at lalo pa nung pinayagan nila kami. Hindi ko inaasahang magyayaya siya sa mismong kwarto ko, lalo akong ninerbyos.

“Pasensya ka na, makalat pa rito. Hindi ko naman inexpect na papasok ka sa kwarto ko.”

“It’s fine. Sa itsura ng bahay niyo hindi na ako nag-expect na may disente kang kwarto.”

Naikuyom ko ang kamao ko pero itinago ko iyon sa likod ko.

Habang nililibot ng paningin niya ang kwarto ko ay muli kong nakita ang kwintas na iyon. Walang duda, siya nga ang kasama ko nung gabing iyon. Pero bakit parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon? Malayong-malayo sa lalakeng nakasama ko kagabi. Arogante at walang modo ang Raegan na nasa harap ko ngayon.

“Oo nga pala Raegan, gusto ko sanang magpasalamat sa nangyari kagabi. A-ano, thank you kasi, pinagbigyan mo ako. Init na init kasi talaga ang katawan ko nun eh, b-buti na lang ikaw ang nakakita sa akin sa kwarto.” Gusto kong malaman kung maaalala niya ang nangyari.

“Sure, whatever.”

Nginisihan niya lang ako. Ibig sabihin naaalala niya pero parang wala siyang pakialam.

“Siguro naman naiintindihan mo ang sitwasyon nating dalawa ano? Your family needs our money, kaya ibinibenta ka sa amin ng Daddy mo para isalba ang negosyo niya.”

“O-Oo, naiintindihan ko.”

“I don’t like to marry anyone. But I’ll do this to help you.”

Nilinaw niya ng husto sa akin iyon.

“But in return, you’ll be my slave. Do you understand?”

Masama ang loob kong tumango, “Yes. Naiintindihan ko.”

“Your phone is ringing.”

Itinuro niya ang cellphone ko na nasa bed-side table. Kada salitang lumalabas sa bibig niya ay parang puno ng inis.

“S-sorry, sasagutin ko lang.” Dali-dali kong kinuha ang cellphone at bahagyang lumayo sa kanya, “Sir? Good evening. May kailangan po ba kayo?”

“Caroline, where are you?”

Puno ng pag-aalala ang boses niya.

“N-Nasa bahay po. May ipapagawa po ba kayo?” Sinikap kong tatagan ang boses ko kahit naiiyak na ako.

“What are you doing right now?”

“K-kasama ko po ang… f-fiance’ ko.”

Nakita ko ang pag-irap ni Raegan nang sabihin ko iyon.

Matagal na hindi nakasagot si Sir Tobias.

“Just… call me if you need help.”

Why does he sound disappointed?

Kapag ba sinabi kong iligtas niya ako mula dito sa pamangkin niyang ipinaglihi sa sama ng loob, gagawin niya?

Bumuntong hininga ako, “Yes Sir, salamat po.”

Hindi ko man maintindihan kung bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon ay napanatag naman ang loob ko kahit konti.

“Was that my uncle?” tanong ni Raegan habang nagdudutdot sa cellphone niya.

“Oo, siya nga.”

Tobias Lion Del Fierro. Ang founder ng Del Fierro Empire. Siya rin ang boss ko at nagtatrabaho ako bilang secretary niya.

“Anong gusto niya?”

Napaiwas ako ng tingin, “A-Ano, nagbilin ng trabaho ko para bukas.”

Nagsinungaling ako. Dahil hindi ako komportable sa kanya lalo pa at ganito ang inaasta niya.

Tumawa siya ng nakakainsulto, “D*mn, I’m marrying such a lowlife secretary? Parusa ko na yata ito.”

Hindi ako kumibo at tahimik na iniinda ang lahat.

“Leave the room. I have to make a call.”

Tumango na lang ako at hindi na siya kinwestyon pa. Pero nanatili lang akong nakasandal sa likod ng pintuan habang iniisip ang mga nangyayari. Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit. Pero hindi pa pala iyon ang pinakamasakit na kaya niyang iparamdam sa akin. Dinig ko ang pakikipag-usap niya sa telepono habang nakasandal ako sa pinto.

“Don’t worry, she’s not even my type. Of course I’m still coming over tonight. Sa tingin mo ba ipagpapalit kita sa babaeng kagaya niya? Oh come on, you know I only have eyes for you. I’ll see you later, okay? Let’s bathe together.”

Malambing ang boses niya habang kausap niya ang taong iyon. Malayong-malayo sa kung paano niya kami tratuhin ng pamilya ko.

Itinakip ko ang palad sa bibig ko. Pilit pinipigilan ang kumakawala kong paghikbi. I can’t believe I’m marrying someone like him. Hindi pa man kami ikinakasal pero sobrang sakit na ng ipinararanas niya sa akin. So painful that I wanted to escape.

Mir

To show your love, please drop some comments in the review section and share this story to your friends. Pwede rin po kayong magpadala ng mga regalo at gems as a support sa inyong mahal na author, maraming salamat po! Happy reading!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   MGA LIBRONG DAPAT MONG BASAHIN!

    1. MARRYING THE GAY BILLIONAIRE > GENRE: RomCom | Marriage of Convenience | Fake Relationship | Enemies to Lovers >Vibe: Masaya, nakakakilig, puno ng asaran at bangayan! >FAMOUS LINE: "Kailangan ko ng pera, at kailangan mo ng asawa. Kaya 'wag ka nang maarte diyan at halikan mo na ako!" > BUOD: Si Rowan Fontano ay isang supladong CEO ng cosmetics company na pilit na pinag-aasawa dahil sa tsismis na siya ay gay. Si Samarah Castillo naman ay isang palabang beauty queen at rakitera na desperadong nangangailangan ng pera para sa sakit ng kapatid. Para sa pera at pamilya, papasok sila sa isang kontrobersyal na kasunduan. Kakayanin kaya ng isang Gay Billionaire ang kaniyang Amazonang bride? > BAKIT MO ITO DAPAT BASAHIN? Kung naghahanap ka ng kwentong nakatatanggal ng stress, puno ng katatawanan, at may sobrang nakakakilig na asaran ng dalawang taong ayaw magpatalo, ito ang para sa iyo! SAAN MABABASA?: GOOD NOVEL 2. I AM MY HUSBAND'S MISTRESS >GENRE: Dark Romance | Drama | Revenge |

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   229. ANG PAGWAWAKAS

    FIVE MONTHS LATERNapakapresko ng simoy ng hangin sa probinsya. Nakaupo si Caroline sa malapad na papag sa ilalim ng malaking puno ng mangga habang dahan-dahang nagpapaypay gamit ang kaniyang abaniko. Panay ang haplos at himas niya sa kaniyang napakalaking tiyan habang sarap na sarap na kumakain ng manggang hilaw."Iyon pa, kunin mo iyon! Mas gusto ko iyong nasa dulo ng sanga! Mukhang mas green eh!" turo ni Caroline pataas habang nakatingala."Eh Mahal, pare-pareho lang naman silang kulay green eh. Baka naman mahulog ako doon, manipis na iyong sanga sa parteng iyon eh," reklamo ni Tobias na nasa itaas ng puno.Wala siyang suot na damit pang-itaas, nakasabit lang ang isang face towel sa kaniyang balikat, at pawis na pawis ang kaniyang matipunong katawan. Subalit napakagwapo pa rin nitong tingnan kahit halos gawin na siyang unggoy ng asawa."Baka pwedeng sungkitin ko na lang?" pakiusap pa ni Tobias habang maingat na kumakapit."Kukuha na nga lang ng mangga, ang dami pang reklamo!" nalulu

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   228. MAS GUSTO KONG WALA KAYO

    3RD PERSON’S POV"Mama!" sigaw ni Sheila habang inalalayan ang nakahawak sa pisnging si Lola Rina. Humarap siya kay Caroline na halos lumuwa ang mga mata sa galit. "Walangya ka, Caroline! Tobias, hahayaan mo lang bang gawin niya ito sa Lola mo?!"Pero hindi siya pinansin ng anak."Nanahimik kami!" sigaw ni Caroline na umalingawngaw sa buong hall, galit na galit ang boses habang nakatitig sa dalawang matanda. "Sa kabila ng mga ginawa ninyong pagtatangka sa buhay namin, nanahimik kami! Pero hindi ko na hahayaang gamitin ninyo na naman si Tobias para sa mga kasakiman ninyo!"Napanganga si Lola Rina at mabilis na dumuro pabalik, nanginginig ang boses sa galit at kaba. "How dare you accuse us?!"Dahil sa narinig na pahayag ni Caroline, lalong lumakas ang bulungan ng mga investors, negosyante, at media sa buong venue."Tinangka nilang patayin sina Caroline at Tobias?""Sarili nilang dugo, ginawa nila iyon?""Oh gosh, totoo nga ang mga tsismis tungkol sa kasamaan ng mga Del Fierro!""Kayo an

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   227. PAK!

    Caroline’s POV"Bukod dito, we are also ready to supply our partner stores with high grade gold at a price much lower than the current market rate, without compromising its quality," patuloy ng niya habang nakangiti sa mga investors. "And to top it all off, our store will feature exclusive, limited-edition, and handcrafted collector's designs made by our finest artisans."Nagsunod-sunod sa screen ang mga larawan ng pambihira at napakagagandang sample designs ng mga kwintas, singsing, at bracelet. Manghang-mangha ang mga tao habang pinagmamasdan ang kislap at detalye ng bawat alahas.Pagkatapos ng maikling presentasyon ni Caroline, isang napakalakas at sunod-sunod na palakpakan ang bumalot sa buong hall.Nang humupa ang malakas na palakpakan, hinawakan nang mahigpit ni Caroline ang mikropono. Tumingin siya nang diretso sa madla, bakas ang matinding pagmamalaki at emosyon sa kaniyang mga mata. Pero mababakas din sa kanyang boses ang panginginig at kaba."Subalit ang tagumpay na ito, kasa

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   226. WALANG ALA-ALA

    3RD PERSON's POV"Are you really okay? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Caroline, sinusuri ang bawat galaw ni Tobias.Bahagyang ngumiti si Tobias, hinawakan ang mga kamay ng asawa na nasa kaniyang mukha at inilapit ito sa kaniyang mga labi para halikan."Baby don't be scared, I'm good. Pero hindi ko lang kasi talaga maalala kung sino ang babaeng iyon," sagot niya habang nakakunot ang noo, tila pilit na inaalala ang mukha ng sariling ina ngunit wala talagang anumang lumalabas sa kaniyang isip.Pareho silang natigilan at nagtaka sa kung bakit ganoon ang nangyari. Noong magkaharap sila ni Raegan, halos mawalan ng malay si Tobias sa matinding sakit ng ulo at panic attack dahil sa mga bumabalik na takot at trauma. Subalit kanina sa harap ni Sheila, ang sarili niyang ina na nagpalaki sa kaniya… ni wala man lang kahit katiting na emosyon o pisikal na reaksyon si Tobias. Para lamang siyang nakatitig sa isang estranghero na ngayon niya pa lang nakita.Maituturing man itong

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   225. MANANAGOT KA SA AKIN

    3rd Person’s POVHindi makapaniwala si Carol sa nasaksihan. Pero nakahinga din siya ng maluwag kahit papaano. Alam niya kasi na kahit ganon ay mahal na mahal ng mga magulang nito si Jade. She was a spoiled brat growing up, naibibigay ang lahat ng gusto, ngunit mabuti na nga lang at hindi lumaking suwail at masama ang ugali.Napangiti na lang siya."Hayaan mo, mana naman iyan sa magulang niya. Pare-pareho silang may topak."Minabuti ng mag-asawa na lumabas muna ng kuwarto para bigyan ng privacy ang pamilya ni Jade kasama sina Kael at Lander.Hindi pa rin mapigilan ni Carol ang mapahagikgik habang naglalakad sila sa hallway. Natatawang napakamot naman sa ulo si Tobias habang nakahawak sa bewang ng asawa."Seriously, Carol? May nakakaisip palang ipamigay ang sariling parents para lang makaiwas sa kasal? She’s utterly insane.""Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? That's how they show their love. At saka, palagi talagang ang gusto ni Jade ang nasusunod pagdating sa decisions ng family nila. Kita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status