Share

3. THE BOSS

Author: Mir
last update publish date: 2026-06-23 18:59:56

Caroline’s POV

Nang matapos ang dinner ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi dahil tapos na ang mga problema ko kung hindi dahil sa wakas, umalis na sila. Mag-isa akong naglalakad-lakad sa kalsada habang iniisip ang lahat ng nangyari.

Sa pagkakaalam ko, matalino, talented at mabait si Raegan. Maraming news at articles na kumakalat tungkol sa kanya. ‘The Perfect Heir’ pa nga ang bansag sa kanya sa business world. Walang anak ang Tito niyang si Tobias kaya naman sinasabi nila na siya ang hahalili sa kanya.

Sigurado ako na uulanin ako ng papuri kapag nalaman ng lahat na ako ang pakakasalan niya. Pero hindi ko magawang matuwa. Sa sitwasyon namin ngayon, kahit na ikasal kami ay parang ako pa ang nakikihati. Parang ako pa ang kabit.

Madilim na ang paligid at nagsisimula na ring umambon. Para akong t*nga na naglalakad ng nakatapak habang umiiyak. Pero napukaw ang atensyon ko nang isang malakas na tunog ng busina ang umalingawngaw sa paligid. Isang malaking truck ang bumubulusok papalapit sa akin.

Gustuhin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa. Tuluyan akong naestatwa at walang ibang nagawa kung hindi ang sumigaw.

“Aaaahhh!!!”

“Caroline!” Isang lalake ang tumalon papunta sa gawi ko. Niyakap niya ako at mabilis na hinila papunta sa gilid.

“S-Sir Tobias?” tawag ko sa kanya nang nanginginig ang boses.

“Are you okay? Are you hurt?” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako ininspeksyon.

“S-Sir!” Para akong bata na humahagulgol sa harap niya.

Hindi naman kami close at sa totoo lang takot ako sa kanya dahil napakastrikto niya. But he’s all I have right now. And he saved me.

“Hey, hey, what’s wrong?” Hinaplos niya ang pisngi ko at may pag-aalala sa mukha niya, “Come on, pumasok ka na sa loob ng bahay niyo.”

Umiling ako.

“You can’t be out here, it’s starting to rain.” Inilagay niya ang palad niya sa taas ng ulo ko para protektahan ako sa ulan.

Lalo akong naiyak dahil doon.

“Sir, sorry. But can you drive me to my apartment? H-hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Desperadang-desperada na ako. Pagdating namin sa apartment ko ay sinamahan niya ako hanggang sa loob. Kahit na ako ang nakatira doon ay ako ang pinaupo niya sa sofa at siya itong hindi magkanda-ugaga.

“Where’s your towel? Oh! Here it is.” Kinuha niya ang towel sa gilid ng pintuan ng banyo ko at ibinigay iyon sa akin.

“T-Thank you, Sir. Pasensya na po kayo kung nagpahatid ako rito, naabala ko pa po kayo. Ikukuha ko rin po kayo ng towel.” Pareho kasi kaming nabasa ng ulan.

Umiling siya, “I’m good.”

Napalunok ako nang hubarin niya ang suot niyang polo. Tumambad sa akin ang sculpted niyang abs. Lalo pa akong napat*nga nang tumulo ang butil ng tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha, leeg, at dibdib niya.

“Hey, you’re drooling.”

“P-Po? Ay sorry!” Ano ba ito? Nakakahiya!

Umupo siya sa katapat kong upuan, “So tell me, what happened?”

Seryosong-seryoso siya, halatang gustong malaman ang bawat detalye.

“I’m marrying Raegan, your nephew.”

Napaiwas siya ng tingin.

“Do you want to?” Maya-maya pang tanong niya.

“I’m not sure,” pagtatapat ko. Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Habang nagkukwento ay hindi ko mapigilang maluha, “He loves someone else. How Can I compete with that?”

“Then just call it off. Hindi ka naman nila mapipilit kung ayaw mo,” pangungumbinsi niya.

Umiling ako at tumayo para pumunta sa kusina, “Hindi iyon ganon kadali.” Kumuha ako ng dalawang lata ng beer at dinala iyon sa sala.

“Do you love him?”

Natigilan ako sa tanong niya. Diretso siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang isasagot ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

“Love is something else, I don’t think I’m in that level yet.” Pero si Raegan ang unang nakakuha sa akin at kung hindi siya ang mapapangasawa ko, baka hindi na ako tanggapin ng iba.

Tulala siyang nakatitig sa lamesa. Inilapag ko doon ang mga beer saka ako muling umupo.

“You drink beer?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Binuksan ko ang lata ng alak at tinungga iyon sa harap niya, “Not so demure now, Am I?”

He smirked and started chugging his own beer, “Crazy woman.”

Crazy woman… bakit parang pamilyar ang pagkakasabi niya non?

“Sir, ano nga palang ginagawa niyo sa labas ng bahay namin?” tanong ko. Bigla kasi siyang lumitaw na parang kabute.

“A-ahhh… I was just…”

Ito ang unang beses na marinig ko siyang mautal. Anong nangyayari kay Tobias na matalino at matapang?

“Hinihintay niyo po ba sila Raegan?”

“Yes, that’s it. I was waiting for them.”

Tuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa kung ano-ano na ang napagkwentuhan namin.

“Pakiramdam ko nga naiscam ako eh! Sa social media at mga balita napakadisente niya, pero in person barumbado pala!”

Ang kaninang dalawang lata ng beer ngayon ay naging walo na. At lima doon ay ako ang uminom.

“Hahaha! Galit na galit ka sa kanya. Should I scold him for you?”

Nag-iinit na ang pisngi ko at medyo lumilipad na rin ang isip dahil sa tama ng alak.

“Naku! Sinasabi ko sa ‘yo, huwag mong ipamamana roon ang mga negosyo mo, kawawa ka in the future, Toby!” Idinuro ko pa siya.

“What did you call me? Toby?” Nangunot bigla ang noo niya.

“Oo, Toby! Cute kaya! Hehehe!”

Napailing siya, “You’re drunk, woman. Kaya ka napapahamak eh.” Ibinulong niya ang huli kaya hindi ko narinig.

“Ano?! Sinisermonan mo ako? Nasa bahay kita! Hindi mo ako pwedeng pagalitan! Ipapapulis kita!” pagbabanta ko. Tumayo ako sa sofa habang umiinom at tinatalakan siya.

“At ano naman ang sasabihin mo sa kanila?” hamon niya, nagpipigil ng tawa.

“Ano… tresspassing! Hahaha! Ang talino ko talaga!” Muli akong naupo, “Kaya alam mo, hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo akong pinagagalitan sa office eh. Ang galing-galing ko naman tapos ang ganda-ganda ko pa!”

“Mukhang nilulubos-lubos mo na ang paglalabas ng sama ng loob sa akin ah? Hahaha!”

Natulala ako ng bahagya.

“Ang gwapo mo pala tumawa.” Namula ang tenga niya at saka tumungga ulit ng beer, “Dapat kasi lagi kang tumatawa, para hindi ka mukhang nangangain ng buhay!”

“Edi dalawa na tayong mukhang baliw non?”

“Hahahahaha! Funny ka ‘no?” Naestatwa siya sa kinauupuan niya nang lumapit ako at pinisil-pisil ang pisngi niya, “T-Teka? Bakit nagiging tatlo ka na? Nasaan ka? Bakit tatlo na kayo?”

“You’re dizzy, you should… ”

Hindi ko na siya narinig dahil tuluyan nang nagdilim ang paningin ko. Kinabukasan,

sa ikalawang pagkakataon ay nagising na naman ako na masakit ang ulo. Pero sa pagkakataong ito ay nasa loob na ako ng apartment ko.

Teka? Kasama ko nga pala si Sir!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Tumambad sa akin ang nakahandang almusal sa lamesa. Nakatalikod siya sa akin habang nag-aasikaso. Ang swerte ng magiging asawa niya, marunong na siyang magluto at masarap pa!

“You’re awake.” Nakangiti siyang lumingon sa akin.

“Good morning, Sir.”

“Mukhang okay ka na, Sir na ulit ang tawag mo sa akin.”

Nahihiya akong ngumiti. Inom pa more, Caroline!

“Kumain ka na dyan, I have to attend a meeting. Is it okay if I take a shower here?”

Tumango ako at ikinuha siya ng tuwalya. Uupo na sana ako sa hapag nang may bigla akong maalala…

Ang mga lace p*nty ko, nakasampay sa banyo!

Mir

To show your love, please drop some comments in the review section and share this story to your friends. Pwede rin po kayong magpadala ng mga regalo at gems as a support sa inyong mahal na author, maraming salamat po! Happy reading!

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   196. LASING

    Caroline’s POV Tahimik na ang paligid sa parking lot ng karaoke bar paglabas namin. We spent the whole night drinking, dancing, singing and getting wasted. Inilabas ko ang lahat ng pwede kong ilabas ngayong gabi. Ala una na ng madaling araw, pero pakiramdam ko ay kakaumpisa ko pa lang magsaya. Ang kaso nga lang, uwing-uwi na itong mga kasama ko."Isa pa! Mabilis lang, isa pang bote!" sigaw ko habang sumasayaw-sayaw pa at pilit na kumakawala sa hawak nina Mel at Jeff."Caroline, tama na! Lasing na lasing ka na!" sigaw ni Mel habang hinihila ang braso ko, halos mapaupo na siya sa pagpigil sa akin. “Carol huwag kang magulo, aray! Yung paa ko huwag mong apakan!”“Isa pa! Hanggang alas singko! Huwag na tayo pumasok!” malapad ang ngiti kong aya sa kanila. “Libre ko kayo! Hihihi! Tag five pesos.”“Wala na, lasing na talaga ‘to,” natatawa at naiiling na sabi ni Jeff habang tumatawa.“Anong lasing? Wala na sa sarili iyan! Paano natin to iuuwi? Sabi niya magtataxi lang siya.”“Hindi ako lasin

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   195. LOVE BOMBING

    Caroline’s POVBumuntong-hininga si Melissa at hinawakan ang balikat ko. "Oh siya, sige. Tahimik lang kami. Maupo ka na muna rito at uminom. Tensed ka masyado eh."Diretso kong tinungga ang isang buong baso ng malamig na beer. Hiningal pa ako nang bahagya pagkalapag ko ng baso sa mesa.Natawa nang mahina si Mel habang nakatitig sa akin, umiling-iling pa bago kumuha ng pulutan."Dahan-dahan lang, te! Baka malasing ka agad nyan, 'di ka pa nga nakakakanta," natatawang hirit ni Mel, saka seryosong inilapit ang mukha sa akin. "Seryoso, ano bang nangyari? Mukhang stressed na stressed ka na naman sa asawa mo ah?"Napayuko ako at pinaglaruan ang baso kong yelo na lang ang laman. Si Jeff naman ay pinatay muna ang mic para makinig sa amin, hinihintay ang kasunod kong sasabihin.Inilapag ko ang baso sa mesa bago ako tuluyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar," panimula ko, ramdam ang panginginig ng boses ko sa matinding galit at pagod. "Gust

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   194. BAHALA KA SA BUHAY MO!

    Caroline’s POVTumingin siya ulit sa akin. May sumisilip na luha sa gilid ng kaniyang mga mata na pilit niyang pinipigilang pumatak."Nasa 'yo na ang lahat ng bagay na pinangarap ko, eh," dagdag pa niya, nanginginig ang boses. "May pamilya ka na mahal na mahal ka, may career ka na tinitingala ng lahat, mahal ka ng mga tao sa paligid mo... kaya nung pumasok ka pa sa buhay namin ni Raegan, naisip ko na... bakit pati siya? Bakit kailangan pati 'yung nag-iisang taong gusto ko at meron ako, aagawin mo pa sa akin?"Parang naputol ang hininga ko habang pumapasok sa utak ko ang bawat salitang binitiwan niya. Sa mga oras na iyon, sa kabila ng inis at galit na nararamdaman ko sa kanya ay bigla ko siyang naintindihan. Bigla kong napagtagpi-tagpi ang mga rason kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon. Ni minsan ay hindi ko akalaing darating ang araw na maiintindihan ko siya. Dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, gagawin ko rin ang lahat para protektahan kung ano ang akin.“I may have done s

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   193. RHEA'S SIDE

    Caroline’s POV"You should eat," ani Rhea sabay lapag ng pagkain sa desk ko."I'm not hungry," malamig kong tanggi. Pero mabilis siyang napangisi nang marinig niya ang pagkulo ng tiyan ko. "Doesn't sound like it."Tiningnan ko ang dala noyang rice meal. Dahil nanginginig na rin ang katawan ko, pikit mata kong tinanggap ang dala niya. Tahimik ko na lang na kinuha ang kutsara saka iyon binuksan at nagpasimulang kumain. Nakatayo pa rin siya roon sa gilid ko. Akala ko aalis na siya, pero bigla siyang nagsalita."Are you still thinking about what happened last night?"Napatigil ako sa pag-nguya. Mabilis na nangunot ang noo ko at tiningnan nang masama. "Rhea, seriously? Don't ask me about personal stuff while we're at work. Know your place," pagsusungit ko.Bahagyang siyang nagtaas ng kilay at sumulyap sa wristwatch niya."There are still eighteen minutes left for lunch break, Caroline," seryoso pero may bahagyang hamon sa boses niya. "So technically, you're not my boss right now."Inis

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   192. JEALOUS

    Caroline’s POV Bago pumasok sa opisina, naglagay ako ng makapal na concealer at foundation para itago ang pamamaga ng mga mata ko. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa opisina. Ayaw kong magpatalo sa kanya. Pagpasok ko pa lang sa lobby ay sinalubong agad ako ni Jeff. "Good morning, Carol. Coffee?" Tipid ko siyang nginitian at saka ako tumango. Dumiretso kami sa pantry. Napatitig ako sa pagpatak ng ulan sa labas, iniisip kung paano ko siya haharapin mamaya. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bawal ang office relationship. Paano kami magtatrabaho ng magkasama ngayon? Isa pa iyang Rhea na iyan, nakakastress. Ibinaba ni Jeff ang mainit na kape sa tapat ko. "Nag-almusal ka na ba?" tanong niya saka naupo sa katapat kong stool. Dahan-dahan akong umiling. "Hindi pa eh." "Sakto pala eh. Gusto mo ng cupcake? Nagpadala si Mama, bagong bake galing sa shop niya," nakangiti niyang alok sabay labas ng isang maliit na pastry box mula sa bag niya. “Sure, namiss

  • My Crazy Life as the CEO's Wife   191. I'M YOUR FAMILY TOO

    Caroline’s POVNakatitig lang ako sa labas ng bintana habang bumabiyahe kami pabalik ng mansyon. Nanlalamig at nanginginig ang mga kamay ko. Ilang beses tinangkang abutin ni Tobias ang kamay ko habang nagmamaneho siya, pero sa tuwing hahawakan niya ako, kusa kong inilalayo. Nakakairita. Nakakainis!Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto, hinubad ko agad ang heels ko at pabalang kong inihagis ang bag ko sa sofa.Naramdaman ko ang paglapit niya mula sa likod ko. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko tapos sinimulang halik-halikan ang balikat ko papunta sa leeg, gaya ng lagi niyang ginagawa. Pero hindi iyon ang kailangan ko ngayon.I feel uncomfortable with his presence. Especially because of what he did.Pagalit kong siniko ang braso niya at mabilis akong humakbang palayo."Don't touch me, Tobias," malamig at walang kagana-gana kong sabi, nang hindi man lang siya nililingon."Come on, Caroline... What's wrong with you?" tanong niya, halatang naiirita na rin. "Siguro malapit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status