Share

CHAPTER 5

Penulis: Piggy.g
“Kumusta? Nahanap mo si Lily?” tanong ni Trevor habang seryoso ang mukha nang pumasok si Chris sa opisina.

“Oo,” sagot ni Chris, bahagyang sinulyapan si Trevor. “Sakto ngang nakita ko habang hinihila na siya ng mga demonyong 'yon sa tabi ng kalsada!”

“Anong sabi mo?!” sigaw ni Franco, galit ang boses habang lumapit.

“Ikaw ‘tong may kasalanan! Bakit mo siya iniwang mag-isa sa gano'ng lugar?!” Galit na sabi ni Chris. “Kung hindi ako dumating sa oras, baka kung anong nangyari sa kanya!” dugtong pa ni Chris, tumitindig ang tensyon sa loob ng kwarto.

“Naabutan ko si Lily habang pilit dalhin sa damuhan ng mga hayop na 'yon!” sigaw ni Chris, halos manginig sa galit. “Gets ko kung ayaw mo na sa kanya, Franco, pero ganito ang gagawin mo? Kaya mo siyang pabayaan nalang na masaktan?”

“Grabe ka na, Franco,” dagdag ni Trevor, malamig at matalim ang boses. “Kung wala ka nang pakialam kay Lily, sabihin mo na lang. Pero huwag mo siyang saktan nang ganun.”

Tahimik si Franco. Nakatingin lang sa baso ng alak sa harap niya, seryoso ang mukha.

Maya-maya, mahina pero buo ang boses niya. “Nasaan na yung mga tarantadong ‘yon?”

“Pinaasikaso ko na sa mga tao ko. Baka matagal bago sila lumabas ng ospital,” sagot ni Chris.

“Bawasan mo ang sakit na pinaparamdam mo kay Lily. Kung di mo na siya mahal, hayaan mo na siya,” sabi ni Trevor, diretsahan.

Tahimik pa rin si Franco habang patuloy sa pag-inom. Hanggang sa bigla niyang binagsak ang baso sa mesa at tumayo.

“Aalis na 'ko.”

“Hindi ka ba dito matutulog?” tanong ni Chris, nagtataka.

“Hindi.”

Bahagyang lumingon si Franco, marahas na binuksan ang pinto, at tuluyang lumabas.

“Bwisit talaga 'yang hayop na 'yon,” ani Chris habang bumunot ng sigarilyo, napapailing sa pagkainis.

Kinabukasan…

“Oh, Lily,” bati ni Trevor nang pagbuksan ang pinto.

“Dinala ko na po yung kontrata para sa partnership. Na-double check ko na rin po,” sabay abot niya ng folder.

“Di mo naman kailangang magmadali. Dapat nagpapahinga ka pa,” sagot ni Trevor, halatang may pag-aalala sa boses.

“Ayos lang po ako,” tugon ni Lily, may bahagyang ngiti kahit halatang pagod.

“May meeting ka ba kayo ni Kuya Chris ngayon?”

“Ah... kasama raw namin si Franco. Ayos lang ba sa’yo?”

“Oo naman. Wala akong problema doon.” Pilit ngumiti si Lily, kahit may kirot sa mata.

“O siya, eto yung file para sa meeting. Mukhang French yung bagong client.”

“Sige po.” Tumango si Lily habang binubuklat ang mga papel. “Ang dami niyo pong foreign partners lately, ha?”

“Plano kong palawakin ang negosyo sa Europe,” sagot ni Trevor, magaan ang tono.

“Naku, baka matabunan ka na sa dami ng kita, Kuya Trevor,” biro ni Lily, sabay ngiti.

“Ah Kuya, aalis na po muna ako.”

“Sure.” Tumango si Trevor, pero tinawag siya bago tuluyang makalabas.

“Lily…”

"Po?" lingon ni Lily, may halong pagtataka.

"Kapatid ka pa rin namin. Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang magsabi," sabi ni Trevor, seryoso ang boses pero may lambing.

"Salamat po. Ang swerte ko talaga, puro gwapo mga kuya ko," biro ni Lily na may ngiting pilit, bago tuluyang lumabas.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Franco. Napahinto si Lily, agad umiwas ng tingin at nilihis ang daan.

Bigla namang hinawakan ni Franco ang braso niya.

"Papasundo kita mamaya."

"Hindi na po. I-send niyo na lang ‘yung location, pupunta na lang ako mag-isa."

"Huwag ka ngang maarte."

"Hindi ako maarte," balik ni Lily, hinarap si Franco, matalim ang tingin. "Ayoko lang na maulit ‘yung iniwan mo ko sa kalsada na parang wala lang!"

Hinawi ni Lily ang kamay niya at tuloy-tuloy ang lakad paalis.

"Hah!" mapait na natawa si Trevor habang nakatingin kay Franco. "Sa trabaho, ang talas mo. Pero pag personal na, para kang nahulog sa sariling bitag."

"Huwag kang makialam," malamig ang sagot ni Franco, saka tumalikod.

Ilang oras ang lumipas…

Pumasok si Lily sa VIP room, deretso kay Franco at iniabot ang folder.

"Kontrata po. Ginawan ko na ng Tagalog version para mabilis niyong ma-review bago ang meeting."

"Mmm." Tumango si Franco, binuklat sandali ang folder.

Mayroon namang kumatok.

"Sir, dumating na po si Mr. David."

"Okay." Tumango si Franco, isinara ang folder at inilapag sa mesa.

"Halika rito," utos niya kay Lily na nasa kabilang side pa ng mesa.

"Opo." Tumayo si Lily at lumapit sa tabi ni Franco, medyo kabado. Nagsimula na ang pormal na pagbati at negosasyon.

Makalipas ang ilang sandali…

“Haaay…” Napabuntong-hininga si Lily, bagsak sa sofa, halatang pagod.

"Actually, mabait yung ka-deal ko kanina," sabay sabi ni Franco, kalmado ang tono.

"Po?" Napalingon si Lily, litong-lito.

"Baka interesado ka lang naman… ‘Di ba hilig mo ‘yung mga may sabit na?" sarkastikong banat ni Franco, diretso ang tingin.

"Huh," tiningnan siya ni Lily nang may kirot sa mga mata. "Oo nga… Masarap daw kasi ang bawal, ‘di ba?"

"Hmm." Tinutok ni Franco ang tingin sa kanya. "Mukhang gusto ka rin naman niya. Halos hindi na nga kita tinigilan sa titig. Para kang gusto niyang lamunin."

"Ganun ba?" ani Lily, sabay ngiting matamis. "Salamat sa info. Kapag nakuha ko siya, babalikan kita para magpasalamat, ha?"

Kinuha niya ang bag at tumalikod.

"‘Wag kang pakalat-kalat masyado!" sigaw ni Franco habang nilalaklak ang alak.

"Hindi mo na problema ‘yon!"

"Hindi nga ako nagkamali na iwan ka!"

"Tama ka. Hindi ka nga nagkamali," balik ni Lily habang humarap muli, galit na galit, "Pero ni minsan, hindi mo ako pinakinggan! At ako? Ako ‘yung tanga! Tanga na pilit ipaintindi ang sarili sa isang taong sarado ang isip!"

"Hindi na ako magpapakatanga pa!" sigaw niya habang pumapatak ang luha. "Panahon na para magsimula ulit!"

“Dapat ko na talagang bitawan ka…” mahina at nanginginig na bulong ni Lily, sabay punas ng luha at lakad paalis.

Biglang hinawakan ni Franco ang braso niya at hinila siya pabalik.

“Mag-uumpisa ka ng bago? Gan’un na lang? Akala mo papayag akong mawala ka?”

“Bitawan mo ako, Franco! Nasabi ko na—bitawan mo ako!”

“Dapat maranasan mo rin ang sakit na dinanas ko!” sigaw ni Franco bago siya itinulak ni Lily sa kama.

“Anong balak mo?” nanginginig ang tinig ni Lily. “Lasing ka na, Franco!”

“Yung pakiramdam na iniwan mo ako sa ere? Ipapa-experience ko rin sa’yo ngayon!” galit na sagot ni Franco habang dinadampot ang cellphone. “Sabihin mo kay Brianna, umakyat siya rito. Ngayon na!”

“A-ano?! Bakit mo siya pinapatawag?!”

“Para ipamukha sa’yo kung gaano kadaling palitan ka.”

“H-hindi…Franco…huwag naman ganito.”

May kumatok naman sa pinto. “Sir Franco? Tinawag mo po ako?”

“Halika rito.” Hinila ni Franco si Brianna papasok, niyakap ng mahigpit at walang babala, mariing hinalikan sa labi.

“P-pakiusap, Franco…” nanginginig ang tinig ni Lily habang napaatras. “Buksan mo ang pinto… please…”

Patuloy niyang binubuksan ang pinto para makalabas doon. “Sabi nang buksan ‘to!”

“Franco! Tigilan mo ‘yan!” sigaw ni Lily, puno ng galit at sakit. “Anong problema mo, ha?!”

Sandaling lumingon si Franco sa kanya pero agad ding ibinalik ang pansin kay Brianna.

“Aahh…Mr. Franco… dahan-dahan lang po…” ungol ni Brianna habang hinahalikan siya ni Franco sa leeg.

“Sir… baka puwedeng paalisin mo na siya…”

“Hayaan mo siya diyan. Mas maganda kung may audience.” mariing ngiti ni Franco habang tinatabingan ng kumot ang ginagawa nila.

“Franco… please…” Lumuhod si Lily sa sahig, pagod at wasak. “Maawa ka…”

“Aahhh… Mr. Franco… mmm…”

Pinikit ni Lily ang mga mata, tinakpan ang tainga, at tuluyang umiyak.

“Pakawalan mo na ‘ko… please…”

Napatingin siya sa paligid, tuliro na, hanggang mapansin ang isang baso sa mesa. Saglit niyang tiningnan ang dalawa sa kama.

Inihagis ni Lily ang baso sa sahig, nabasag ito sa lakas.

“Sabi ko, buksan mo ang pinto!” sigaw niya, halos mawalan ng boses.

“Ngayon na! Ayoko na!”

Tumingin si Franco sa kanya, malamig ang tingin.

“Hindi mo kayang panoorin to?”

Tumayo si Lily, hawak ang durog na baso. “Sabihin mo sa mga tauhan mo—buksan nila ang pinto. Kung gusto mong ituloy ‘yan, sige! Pero hindi na ako mananahimik habang binabastos mo ako.”

“Hindi na kita dapat minahal pa…” bulong ni Lily, umiiyak. “Bakit ikaw pa? Bakit sa’yo ko binigay lahat?”

Tahimik si Franco, pero sa loob ng katahimikang ‘yon, ramdam ang tensyon.

“Wala kang puso, Franco…” Tinitigan niya ito ng diretso. “At mula ngayon, hindi na kita papayagang saktan pa ako.”

“Hindi! Dito ka lang! Hindi ka aalis hangga’t hindi pa ako tapos!” mariing sabi ni Franco habang muli niyang hinalikan ang babaeng nasa ilalim niya.

“Hindi! Paalisin mo ako ngayon din!!” galit na sigaw ni Lily habang pilit niyang hinila ang braso ni Franco.

“Put—! Ang istorbo mo!” sigaw ni Brianna sa galit, sabay tulak sa kamay ni Lily nang mariin. Natumba si Lily sa sahig at ang kamay niya’y sumayad sa bubog ng basag na baso.

“Lily!” gulat na sigaw ni Franco. Agad siyang tumayo at hinarap si Brianna, “Ano bang ginawa mo?! Baliw ka ba?!” Mabilis niyang nilapitan si Lily.

“Huwag kang lalapit! Huwag mo akong hahawakan!” sigaw ni Lily, unti-unting umatras habang nanginginig. “Bakit mo ako ginaganito? Anong kasalanan ko sa’yo?!”

“Franco! Lily! Anong nangyayari riyan?!” sigaw ni Chris mula sa labas ng kwarto.

“Kuya Chris!” Mabilis na gumapang si Lily papunta sa pinto. “Kuya, tulungan mo ako… hindi ko na kaya…” Nilukob siya ng panlulumo habang bumubulwak ang dugo mula sa kanyang palad.

“Lily!” Agad lumapit si Franco at tinangkang alalayan siya, pero pinigilan siya ni Lily.

“Huwag mo akong hahawakan… Layuan mo ako…” mariing bulong ni Lily, kahit nanghihina.

Bumukas na ng tuluyan ang pinto.

“Lily!” gulat na sigaw ni Chris nang bumukas ang pinto. “Anong—anong ginawa mo sa kanya?!”

“Kuya… ilabas mo ako rito… please…” halos garalgal na ang tinig ni Lily habang pilit gumagapang papunta sa kanya, nanginginig at duguan.

“T-tulungan mo si Lily!”

“Lily!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 188

    [Busy ka ba ngayon? Pwede ba kitang maistorbo sandali?]“Hindi naman, bakit? Ano ‘yon?”[Nakalimutan ko yung importanteng dokumento para sa client sa office. Pwede mo ba akong tulungan at dalhin dito?]“Oo, sige,” sagot ni Zoey habang naglakad papasok sa opisina ng binata. “Ito ba yung brown na envelope sa mesa?”[‘Yun nga.]“Okay. Paki-share na lang ng location mo ha, para hindi ako maligaw.”[Sige, mag-ingat ka. Kita tayo mamaya.]Isinilid ni Zoey ang cellphone sa bag, kinuha ang envelope, at agad lumabas ng silid.Makalipas ang ilang sandali…Bumaba si Zoey mula sa kotse at tumingin-tingin sa paligid. Pamilyar sa kanya ang lugar—isang restawran sa tabi ng ilog na minsan na siyang dinala ni Drexell. Inilabas niya ang cellphone at tinawagan ito habang naglalakad papasok.“Nandito na ako. Nasaan ka?” tanong ni Zoey habang patuloy sa paglakad.[Lakad ka lang diretso papunta sa may ilog. Nandito ako naghihintay. Huwag mo muna ibaba ang tawag.]Medyo nagtaka si Zoey pero sumunod na lang.

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 187

    Makalipas ang ilang sandali…“Hindi ka ba magpapahinga muna?” tanong ni Drexell bago yumuko para halikan sa noo ang dalaga. “Hindi ka ba napapagod?”“Gusto ko lang matapos agad,” sagot ni Zoey habang nakatingala sa kanya. “Mamaya anong gusto mong kainin? Ako na ang magluluto.”“Kahit ano, ikaw na bahala,” sagot ni Drexell sabay kuha ng laptop para ipagpatuloy ang trabaho sa tabi ng dalaga.Narinig naman nilang may kumatok sa pinto.“Bubuksan ko na,” sabi ni Zoey bago tumayo at lumakad papunta sa pinto.“Kuya Dean! Kuya James!” tawag ni Zoey na nakangiti, saka agad lumapit para yakapin ang mga kapatid. “Miss ko na kayo.”“Miss mo pero ayaw mo namang umuwi, ha,” biro ni Dean habang niyayakap din ang kapatid. Pagkatapos ay nilingon niya si Drexell. “Simula nung nagkabati kayo, ayaw mo na talagang pauwiin ang kapatid ko ah.”Ngumisi si Drexell at kinindatan ang kaibigan nang may pang-aasar. “Ano namang ginagawa ng mga bwisit rito?”“Eh kasi hindi ka na sumasama sa inuman, kaya kami na mism

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 186

    Sa paglipas ng ilang oras…“Ay, ang sakit na ng likod ko,” reklamo ni Zoey habang iniunat at binabaluktot ang katawan.Binitiwan ni Drexell ang tingin mula sa laptop at napangiti habang nakatingin sa dalaga. “Magpahinga ka muna. Kanina pa kita nakikitang tutok sa screen.”“Gusto ko na lang tapusin agad,” sagot ni Zoey sabay bigay ng maliwanag na ngiti. Unti-unti siyang gumapang papalapit at sumandal sa dibdib ng lalaki na parang batang naglalambing.“Hmm...” Nilapat ni Drexell ang palad niya sa balikat ng dalaga, marahang hinahagod. “Gusto mo ng meryenda? Ipabibili ko kung ano gusto mo.”“Hindi na. Gusto ko lang ipahinga ‘yung mata ko.” Umangat ang mukha ni Zoey at medyo nahihiyang hinalikan ang pisngi ng binata. “Ikaw rin, puro ka computer. Dapat nagpapahinga ka rin.”Tumango si Drexell, isinara ang laptop at inilagay sa tabi. “Kung ganun… ano gagawin ko ngayon?” tanong niya sabay tingin ng may kapilyuhan at marahang hinagod ang likod ng dalaga.“Hoy, itigil mo ‘yan ha,” mabili

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 185

    “Sorry na, Zoey,” mahina ang boses ni Drexell bago siya dumampi ng halik sa sentido ng dalaga. “Ang hirap kasi pigilan, ang cute mo eh, gusto lang kitang lambingin.”“Huwag mong ibunton sakin ang sisi,” nagmamaktol na sagot ni Zoey, halos pabulong.“Sa tingin ko mas mabuti kung ipasundo na lang natin ang pagkain sa kwarto,” dagdag ni Drexell habang hinila siya patayo. “Mukhang pagod ka na talaga.”Tahimik lang na tumango si Zoey at sumunod na parang batang masunurin papunta sa sasakyan.Makalipas ang ilang sandali….“Zoey, ayusin mo ang higa mo, baka manakit ang braso mo niyan,” wika ni Drexell habang nagmamaneho, ramdam ang bigat ng kamay ng dalaga na nakapulupot sa kanya. May halong pag-aalala ang kanyang tono.“Wala ‘to… kaya kong matulog ng ganito,” pabulong na sagot ng dalaga, nananatiling nakapikit.Napangiti si Drexell, puno ng pag-aalaga ang tingin niya habang ipinagpatuloy ang pagmamaneho gamit ang isang kamay lamang, dahil ang kabila ay mahigpit na hawak ni Zoey.Dalawang ora

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 184

    “Ako na lang mag-sketch dito, tapos Zoey doon ka na lang sa kabilang side tumingin,” paliwanag ni Shawn habang itinuro ang parte ng lote. “Mga isang linggo, balik tayo dito para pag-usapan ang design. Ayos ba?” ngumiti siya kay Zoey na nakatayo sa tabi.“Ayos lang,” tumango si Zoey na may ngiti bago siya lumipat sa lilim ng puno. “Grabe ang init, parang uulan na.”“Hmm,” sang-ayon ni Shawn. “Kaya ba namumutla ka, dahil sa init o kulang ka sa tulog?”“Dahil sa init,” sagot ni Zoey mahina, habang namumula ang pisngi niya.“Eh bakit namumula pa lalo?” biro ni Shawn sabay kurot sa pisngi ng dalaga. “Wala pa naman akong sinasabi.”“Alisin mo nga kamay mo,” biglang sumulpot si Drexell na may malamig na ekspresyon, nakatingin sa kamay ni Shawn. “Kahit hindi ka mahilig sa ibang babae, huwag kang basta humahawak sa asawa ng iba.” Kasabay nito ay inakbayan niya si Zoey, halatang seloso.“Drexell!” singhal ni Zoey sa nobyo. “Kaibigan ko siya.”“Alam ko,” sagot ni Drexell, nakakunot-noo. “Pero ayo

  • My Cruel Fiancé: Bound to A Miserable Love   CHAPTER 183

    "Ah...Drexell...dahan-dahan nga," pakiusap ni Zoey na may halong pag-ungol, nahihirapan sa sabay-sabay na sarap at hapdi."Umakyat ka sa ibabaw, para 'di ka mahirapan," sabi ni Drexell at binaligtad ang dalaga upang siya na ang nasa itaas."'Di ako marunong, eh.""Gumalaw ka lang, mahal," pagturo ni Drexell habang hinawakan ang balakang nito at inakyat-baba. "Ganyan. Hmm, ang sarap, Zoey." Sinundan niya ito ng paghalik sa dibdib ng dalaga nang may matinding pagnanasa."Ang lalim ng posisyon na ‘to..ughhh..." daing ng dalaga at mahigpit na nakapitan ang braso ng lalaki bago dahan-dahang sinimulang gumalaw nang may pag-aalalang."Puwede ba ng mas mabilis, mahal ko?" pakiusap ni Drexell na may malalim na tinig, at pinilit ang balakang ng dalaga na gumalaw nang mas mabilis."Ah...Drexell... 'di ko na kaya... masyadong masarap..." pag-ungol ni Zoey habang patuloy sa pag-akyat-baba, na sumabay sa paparating na rurok."Ipagpatuloy mo lang, mahal. 'Di na rin ako makatiis," sabi ni Drexe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status