Share

Kabanata 20: Magic

Author: Red Angel1221
last update publish date: 2026-08-18 06:36:27

Lalyn's POV

Isang malutong na hagikhik ang narinig ko kaya agad akong napadilat ng mata. Sa subrang gulat ko ay napasigaw pa ako. Kaya agad na nagising si Theo at nag-alala kung ano na ang nangyari sa akin.

" What happened?"

Hinampas ko siya sa dibdib. Paano ba naman kasi nahiya ako kay Lyra dahil gan'on na lamang ang posisyon namin ni Theo. Magkayakap na pala kaming dalawa habang mahimbing kaming natutulog kagabi.

" Mommy, bakit mo naman hinampas si daddy doc? Diba nga sweet pa nga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 85: Marriage

    Lalyn's POV"Who is she, Tyrone?"Napahawak ako sa aking dibdib.Nagulat ako dahil hindi niya ako nakilala. Nakakatampo lang dahil kasama ako sa pagkawala ng ala-ala niya. Hindi agad nakasagot ang kambal niyang si Tyrone.Malungkot na tumingin si Tyrone sa akin."Theo, asawa mo siya. Si Lalyn."Umiling si Theo."I don't know her."Parang gumuho ang mundo ko.Sobrang sakit na nang naramdaman ko. Sobrang pagod na ang katawan at pag-iisip ko sa mga nangyayari.Tapos ito lamang ang madatnan ko.Ganito din kaya ang naramdaman ni Theo noong mga panahon na wala akong maalala kahit isa? Pero mas mabuti pa siya dahil kilala pa rin niya si Tyrone ang kambal niya. Pero ako na asawa niya at lagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako ay ako pa ang hindi niya maalala."Honey..."Sinubukan kong hawakan muli ang kamay niya, ngunit bahagya niya itong iniwas."Please... I need some rest."Napaatras ako.Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat.Anim na buwan akong naghintay na magising

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 84: Secrets

    Lalyn's POV Hindi naging maganda ang tulog ko kagabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Lexter. May alam daw siya tungkol sa nangyari kay Theo. Mga bagay na matagal na raw niyang dapat sinabi sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan muli. Ngunit kung may kinalaman iyon sa kalagayan ng asawa ko, wala akong balak na balewalain ang pagkakataong malaman ang katotohanan. Maaga akong nagising upang makapaghanda. Hindi ko muna sinabi kay Tyrone ang tungkol sa pakikipagkita ko kay Lexter. Ayokong mag-alala siya, lalo na't alam kong hindi maganda ang impresyon niya kay Lexter.Nagtataka lang naman ako kung bakit hindi niya kilala si Lexter.Samantalang nakuwento ni Theo sa akin dati na malayong kamag-anak nila si Lexter. Hay! Ang gulo na ng isip ko.Akala ko tuluyan na ako maging masaya sa piling ni Theo.Naging okay na kami ng pamilya ko at ganun din ang pamilya ni Theo. Nang bigla nalang naging ganito ang nagyari. Sinabi ko na lamang na may aasika

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 83: Open

    Lalyn's POV Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o dala lamang iyon ng sobrang pananabik ko. "Lyra! Anak, tingnan mo!" Napalingon ang bata sa akin. "What, Mommy?" "Gumalaw ang kamay ni Daddy!" Nanlaki ang mga mata ni Lyra. "Daddy?" Muli niyang hinawakan ang kamay ng ama. "Daddy, can you hear me?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong tumayo at pinindot ang tawag para sa nurse. "Theo! Mahal, naririnig mo ba ako?" Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Please, open your eyes. Ako ito, si Lalyn." Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya at kaba. Ilang buwan kong hinintay ang sandaling ito. Ilang buwan akong nanalangin na sana ay magkaroon man lamang siya ng kahit kaunting reaksiyon. At ngayon, gumalaw ang kamay niya. Dumating ang nurse at agad siyang sinuri. Maya-maya ay dumating din ang doktor. "Doc, gumalaw po ang kamay niya!" mabilis kong paliwanag. "Naramdaman ko po. Dalawang beses siyang gumalaw." Maingat na sinuri

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 82: Missing You

    Lalyn's POV Anim na buwan na ang lumipas mula nang huling mawalan ng malay si Theo. Anim na buwan na rin akong araw-araw na gumigising na may iisang panalangin sa puso ang makita siyang muli na nakadilat ang mga mata, ngumiti sa akin, at tawagin akong honey katulad ng lagi niyang tinatawag sa akin. Ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin siya sa loob ng hospital.Hindi pa rin siya tuluyang nagigising. At kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na kailangan lamang naming maging matiyaga, hindi ko maiwasang matakot sa tuwing naiisip kong baka hindi na siya muling magising. Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa aming silid. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan na ngayon ay malaki na. Ilang buwan na lamang at makikilala ko na ang isa pang biyayang ipinagkaloob sa amin. Ang anak namin ni Theo. "Mommy!" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang pamilyar na tinig.Nakatayo roon si Lyra habang yakap ang kaniyang maliit na unan. "Why, baby?" Lumapit

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 81: Sleep

    Lalyn's POV Ilang linggo na ang lumipas mula nang operahan si Theo. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa kaniyang kalagayan. Araw-araw akong gumigising na may iisang panalangin. Sana ngayong araw, imulat na niya ang kaniyang mga mata. Sana ngayong araw, marinig ko na ulit ang boses niya. Sana ngayong araw, tawagin niya na akong honey. Pero sa tuwing pumapasok ako sa silid niya, ganoon pa rin ang aking naaabutan. Nakahiga siya sa kama. Tahimik ang loob ng silid niya. Hindi pa rin siya gumagalaw. At tila natutulog lamang sa isang panaginip na hindi ko alam kung kailan matatapos. Nasa tabi niya ako ngayon habang hawak ang kaniyang kamay. "Good morning, honey." Marahan kong hinaplos ang likod ng kaniyang palad. "Ako na naman ito. Ang kulit na ba ng asawa mo?" Napangiti ako nang bahagya. "Alam mo, Theo, marami na akong kwento sa'yo. Hindi ka lang talaga sumasagot." Inilapit ko ang kamay niya sa aking labi at hinalikan iyon. "Kanin

  • My Daughter's Billionaire Daddy Is Chasing Me   Kabanata 80: Surgery

    Lalyn's POV Hindi ko alintana ang pagod sa biyahe. Kahit masakit ang likod ko at mabigat ang aking tiyan dahil sa pagbubuntis, pinilit kong maging maayos ang aking kalagayan. Ang tanging nasa isip ko ay makita si Theo. Pagdating namin sa ospital ay agad akong sinalubong ni Tyrone. Halatang puyat ito. Magulo ang buhok niya at bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala. "Lalyn." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.Isinantabi ko muna ang lihim na galit ko sa kanya dahil sa pagdukot at pananakit niya sa akin. "Nasaan si Theo? Gusto ko siyang makita." Hinawakan niya ang aking mga balikat. "Nasa intensive care unit siya. Kasalukuyang inihahanda ng mga doktor ang lahat para sa operasyon." "Can I see him?" Tumango siya. "Of course. Halika." Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan sa paligid. May mga nars na nagmamadaling dumaan. May mga doktor na seryosong nag-uusap. Ngunit para sa akin, til

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status