Mag-log inLalyn's POV
May sumalubong agad sa akin na dalawang lalaki na nagpapakilala sa akin na tauhan sila ni Theo. Ayaw ko sanang pumasok sa nasabing bar dahil pakiramdam ko masuntok ko lang si Theo. Pero naisip ko nalang dahil kay Theo kaya pumunta ako dito. " Nasa loob po si boss Theo, ma'am Lalyn. Ayaw paawat nasuntok na niya 'yong isang kasamahan namin."Sumbong ng isang tauhan ni Theo. Sabay na kaming pumasok sa loob ng bar. Dinala ako ng mga dalawang lalaki sa isang vip room. " Pasok na po kayo,ma'am. Iniwan na po namin si boss Theo sa loob ayaw daw niya kaming makita dahil mga pangit daw ang pagmumukha namin." Napabuntong-hininga na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong maari kong maging reksiyon sa sinabi nila.Tahimik lang akong tumango at dahan-dahan na akong pumasok sa loob ng vip room. " You came..." baritonong boses ni Theo agad ang narinig ko. Nagtama agad ang aming paningin. Dim light lang ang ilaw sa loob pero sapat lang na makita ko ang buong mukha niya. Umiigting pa ang panga nito habang nanatili lamang akong nakatayo sa likod ng pintuan. Nilibot ko ang aking paningin,malinis ang buong paligid ng vip room. Walang bakas ng mga bubog na bote di tulad nang narinig ko kanina sa kabilang linya. " You plan for this, aren't you?" Ngumisi lang siya at mabilis na tumayo. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya nagsisimula na naman manginig ang buong katawan ko. Hindi sa takot sa kanya kundi takot ako sa sarili ko. " Hindi na mahalaga kung pinagplanuhan ko ito,honey. Ang mahalaga dumating ka. Isa lang ang ibig sabihin nito, you still care for me." Aniya. Nilapat niya sa pader ang dalawang palad, kaya’t para bang napipigil ako sa pagitan ng kanyang mga bisig, habang nakapako ang kanyang mga mata sa akin. " Relax,honey...wala pa akong ginagawa sa'yo na ikanginig ng mga tuhod mo." " Let go of me." Malakas ko siyang tinulak pero hindi man lang ito natinag. " Takot ka ba sa akin,Lalyn? O takot ka sa sarili mo baka bumigay ka kaagad sa akin." Bulong niya sa akin. Ang init ng kanyang hininga kaya hindi ko maiwasang hindi mapapikit. Nagkagulatan pa kaming dalawa dahil bigla ko nalang siyang sinampal sa kabilang pisngi niya. " Wala ka bang magawa sa buhay mo,Theo? Hindi mo ba iniisip na may anak ako na sa oras na ito hinahanap niya ako dahil wala ako sa tabi niya. Pero heto ako, isang tawag mo lang kahit ayaw ko pero pumunta parin ako." Garalgal kong sabi. " Because you still care for me, right?" " Ano ba ang gusto mong palabasin,huh? Na hanggang ngayon sa kabila ng ginawa mo mamahalin parin kita? Iyan ba ang gusto mong marinig,huh?" " Honey..." " Fuck! Don't call me that. Dahil nandidiri ako, Theo. Lahat ng mga babae mo iyan din ang tawag mo sa kanila. Nakakadiri ka!" malakas na singhal ko sa kanya. " Please,listen to me... hindi totoo ang nakita mo, Lalyn." " At ano ang totoo,Theo? Iyong nakapatong sa kandungan mo ang babae mo? Nakakadirì ka! Sana pala hindi nalang ikaw ang nakilala ko sa gabing 'yon." Bigla akong natigilan sa sinabi ko. Kahit si Theo ay hindi rin makagalaw sa harapan ko. " Ibig sabihin ba anak ko si Lyra? Anak ko siya?" niyugyog niya ang balikat ko. " Hindi! Hindi mo siya anak! Patay na ang anak natin,Theo. Dahil sa ginawa mo para mo na din pinatay ang anak natin." Napahilamos siya sa kanyang mukha. Nanlalabo na din ang aking paningin dahil narin sa daming luha ang nailuha ko. Masakit man sa akin ang magsinungaling at itago sa kanya ang totoo pero sa ngayon ito lang ang alam kong nakakabuti sa amin mag-ina. Natatakot baka malaman niya ang totoo ay ilalayo niya sa akin si Lyra. Natatakot ako kapag malaman niya ang totoo maging magulo na naman ang buhay ko hindi lang sa akin kundi pati na rin sa anak ko. " I'm sorry..." humahagulgol niyang sabi. Nagulat pa ako dahil mabilis niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit. Kusa din siyang kumalas sa pagkayakap sa akin. " I'm sorry,Lalyn. Alam kong hindi na maibalik sa atin ang anak natin. Kahit buhay ko ang kapalit para maibsan lang ang galit mo sa akin gagawin ko mpatawad mo lang ako. Nabigo akong ipaglaban ka,Lalyn. " " Kasalanan ko din, hindi ko din na ipaglaban ang sitwasyon natin. Naging duwag ako pero ginawa ko lang 'yon dahil hindi ko na kaya ang sakit,Theo. Sana ito na ang huli natin pagkikita ulit. Huwag mo na sana akong guluhin pa pati ang anak ko." " Si Lexter ba ang daddy ni Lyra?" mabilis niyang tanong nang akmang tumalikod na ako. " Kung sino man ang ama ni Lyra,wala ka na doon." Madiin na sabi ko bago tuluyang lumabas sa vip room. Mabilis ko din pinunasan ang aking luha nang makasalubong ko na ang dalawang tauhan ni Theo. "Mahigpit na habilin ni boss The na ihatid ka po namin sa condo po ninyo,ma'am Lalyn." " No need, I’ll be the one to take her home." Boses ni Theo sa likuran ko. Agad pala siyang sumunod sa akin. " Let's go...madaling araw na." Mabilis naman niya akong hinila.Nakasunod lang sa amin dalawa ni Theo ang tauhan niya. " Bwesit ka! Kunb hindi ka ba naman sira-ulo at pagtripan ako. Sana pareho na tayong naghihilik sa oras na ito." Sikmat ko sa kanya,nang nasa loob na kami ng sasakyan. Siya ang nagdrive at convoy lang sa amin ang kanyang tauhan.Bwesit talaga at tumawa lang ang gurang na ito. " Desperado na kasi ako." Aniya. " Then go to hell." " Pero bago 'yan pupunta muna tayo ng langit." Nakangisi niyang sambit. " Wala ka bang respeto sa ama ng anak ko?" " Meron...siyempre may respeto ako sa sarili ko." Nang-aasar pa niyang sabi. " Hindi ikaw ang ama ng anak ko,Theo. Si Lexter ang ama ni Lyra kaya respetuhin mo siya at huwag mo akong bastusin." " Hindi kita binabastos,Lalyn. Naglalambing lang ako sa'yo dahil namiss ko na ang pagtataray mo sa akin." " Puwes,hindi na mauulit ang dating meron tayo,Theo." Malungkot naman niya akong binalingan. Agad na siyang sumeryoso sa pagmamaneho. Katahimikan agad ang namagitan sa amin dalawa.Lalyn's POV Ilang linggo na ang lumipas mula nang operahan si Theo. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa kaniyang kalagayan. Araw-araw akong gumigising na may iisang panalangin. Sana ngayong araw, imulat na niya ang kaniyang mga mata. Sana ngayong araw, marinig ko na ulit ang boses niya. Sana ngayong araw, tawagin niya na akong honey. Pero sa tuwing pumapasok ako sa silid niya, ganoon pa rin ang aking naaabutan. Nakahiga siya sa kama. Tahimik ang loob ng silid niya. Hindi pa rin siya gumagalaw. At tila natutulog lamang sa isang panaginip na hindi ko alam kung kailan matatapos. Nasa tabi niya ako ngayon habang hawak ang kaniyang kamay. "Good morning, honey." Marahan kong hinaplos ang likod ng kaniyang palad. "Ako na naman ito. Ang kulit na ba ng asawa mo?" Napangiti ako nang bahagya. "Alam mo, Theo, marami na akong kwento sa'yo. Hindi ka lang talaga sumasagot." Inilapit ko ang kamay niya sa aking labi at hinalikan iyon. "Kanin
Lalyn's POV Hindi ko alintana ang pagod sa biyahe. Kahit masakit ang likod ko at mabigat ang aking tiyan dahil sa pagbubuntis, pinilit kong maging maayos ang aking kalagayan. Ang tanging nasa isip ko ay makita si Theo. Pagdating namin sa ospital ay agad akong sinalubong ni Tyrone. Halatang puyat ito. Magulo ang buhok niya at bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala. "Lalyn." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.Isinantabi ko muna ang lihim na galit ko sa kanya dahil sa pagdukot at pananakit niya sa akin. "Nasaan si Theo? Gusto ko siyang makita." Hinawakan niya ang aking mga balikat. "Nasa intensive care unit siya. Kasalukuyang inihahanda ng mga doktor ang lahat para sa operasyon." "Can I see him?" Tumango siya. "Of course. Halika." Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan sa paligid. May mga nars na nagmamadaling dumaan. May mga doktor na seryosong nag-uusap. Ngunit para sa akin, til
Lalyn's POV Muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Theo, please. Gumising ka na." Pumatak ang luha ko sa kamay niya. "Alam mo bang umiiyak na ang anak natin?Hinahanap ka niya. Gusto ka niyang makita." Nanginginig ang mga labi ko. "Kanina lang masaya kami ni Emily. Marami kaming binili para kay Lyra. Gusto pa nga niyang mag-shopping ulit bukas." Napangiti ako nang bahagya sa gitna ng pag-iyak. "Pero hindi na mahalaga ang mga iyon. Gusto lang naming makasama ka." Idinikit ko ang noo ko sa kamay niya. "Please, Theo. Huwag mo kaming iwan." Sa likod ng pínto ay narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Lyra. "Mommy..." Lumingon ako at nakita siyang kasama ni Mama Nora. Lumapit ang anak ko sa kama ng kaniyang ama. "Daddy?" Hinawakan niya ang kabilang kamay nito. "It's me, Daddy. Lyra." Tahimik siyang naghintay. "Daddy, wake up. I miss you." Tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko. Yumuko si Lyra at hinalikan ang kamay ng kaniyang ama. "I love you, D
Lalyn's POV "Uncle Tyrone, where is my Daddy?" tanong ni Lyra.Napayuko ako nang marinig ang nanginginig na boses ng anak ko.Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko."Mommy, why is Daddy in the hospital?"Hindi ko siya masagot.Sa halip, napaluhod ako sa harap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya."Baby...""Is Daddy sick?"Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko."Don't worry, baby. We're going to see Daddy, okay?""But I want Daddy now!"Tuluyan nang napaiyak ang anak ko.At hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.Pumatak ang mga luha ko habang mahigpit siyang niyayakap."Please, Mommy. I want my Daddy.""Oh, my baby..."Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin gayong ako mismo ay hindi na rin mapigilan ang pag-iyak.Nang marinig namin ang ingay mula sa sala, mabilis na lumabas sina Mama Nora at Mama Cristy mula sa kabilang bahagi ng bahay."Lalyn? Anak, bakit ka umiiyak?" agad na tanong ni Mama Nora.Nang makita niya ang kalagayan namin ni Lyra, m
Lalyn's POV Sa hindi kalayuan ay nakita namin ang isang lalaking nakasuot ng puting polo at itim na pantalon. Kasama niya ang isang babae na elegante ang pananamit. Magkatabi silang naglalakad habang may pinag-uusapan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagtataka. Si Lexter nga iyon. "Let's go," sabi ni Emily. Magkasama kaming lumapit sa kanila. "Lexter?" Napalingon ang lalaki nang marinig ang pangalan niya. Saglit akong napangiti. "Hi, Lexter!" Ngunit sa halip na batiin kami, bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Emily. "Sorry? Do I know you?" Nawala ang ngiti sa aking labi. "What?" "I think you got the wrong person," malamig niyang sagot. Napatingin ako sa kaniya nang maigi. Hindi ako maaaring magkamali. Pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha niya. "Lexter, it's me. Lalyn." Bahagya siyang napangiti, ngunit hindi iyon ang ngiting inaasahan kong makita. "I'm sorry, miss. I don't know you."
Lalyn's POV Maagang-maaga pa lamang ay nakaramdam na ako ng kakaibang pagkahilo. Nasa loob ako ng silid at kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ni Lyra nang biglang umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa gilid ng aparador upang hindi tuluyang mawalan ng balanse. "Mommy?" Napalingon ako sa anak kong nakaupo sa kama. "Are you okay, Mommy?" Ngumiti ako nang pilit. "Yes, baby. Mommy's okay. Medyo nahilo lang." Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay muli akong nakaramdam ng panghihina. Para bang biglang nawala ang lakas sa aking mga tuhod. "Mommy!" Agad na lumapit sa akin si Lyra. Mabuti na lamang at naroon si Geena na nagkataong papasok sa silid. Mabilis niya akong inalalayan bago pa ako tuluyang bumagsak. "Ate! Ano'ng nangyayari sa'yo?" " Nahihilo lang ako," mahina kong sagot. "Lyra, tawagin mo si kuya Kevin! Kailangan na nating dalhin ang mommy mo sa ospital." Hindi na ako nakatanggi. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nasa sasakyan na kami patungo sa St. M







