LOGINLalyn's POV
Napakunot-noo naman si Lexter na nakatingin sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanila. Tila nawala ako sa sarili, iniisip ko kasi ang sinabi ng delivery man kanina na naghihintay daw sa akin ang lalaking nagpakilala ng boyfriend ko daw sa may lobby nitong condominium. " What's wrong? Parang wala ka sa sarili mo,Lalyn." " Ah, nagtataka lang ako kasi sabi ng nagdeliver sa akin kanina bayad na daw itong order ko. Nasa lobby daw naghihintay sa akin." " W-what? May secret admirer ka kung gan'on? Baka naman kapitbahay mo lang ng unit. " Natatawang sambit ni Lexter pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Nagkibit-balikat nalang ako. " Baka secret admirer ni Jucevill." Biro ko din. " Ano po 'yon,Ate?" naguguluhan tanong ng kasama ko sa bahay.Kalalabas lang niya galing kusina. " May secret admirer ka ba,Jucevill?" tanong ko. Nagulat naman siya sa tanong ko." Wala po,Ate. Pero may crush ako diyan sa tapat nating unit." " Oh! Sana all may crush." " Ako din,ate Jucevill. May crush din ako si doc prince.I want him to be my daddy too. Para dalawa na ang daddy ko." Singit naman ni Lyra sa usapan. Napakamot nalang ako sa aking ulo nang tumingin sa akin si Lexter. Kahit kailan talaga ang anak kong uto mana sa akin din minsan ang daldal. " Tayo na nga kakain na tayo at nagutom na ako." Niyaya ko silang kumain. Mabilis ko nang hinawakan ang kamay ni Lyra. Masaya kami habang kumakain dahil ang daldal ni Lyra. Mabuti nalang hindi niya binanggit na pareho sila ng buhok at mata ng sinasabi niyang doc prince. Kundi mabubuko ako ni Lexter na nagkita kami ni Theo. Ang alam lang namin doctor si Theo pero hindi namin alam na nandito na pala ito sa Pilipinas at sa St. Mercy Medical Hospital nagtatrabaho kung saan pagmamay-ari nilang dalawa ni sir Ethan ang nasabing hospital. " Bye,my little princess. Next time nalang ulit tayo magplay,okay?" " Bye,daddy Lexter. Gusto ko maligo sa beach.Namiss ko na po ang maligo sa beach,Mommy." Baling niya sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Lexter. Alam ko kung anong nasa isip nito. " Sumama ka na kasi sa alumni natin nextweek. Isama na natin si Lyra." " Pag-isipan ko pa.I have three days left to decide." " Ikaw bahala,Lalyn.Bye..." agad na niya akong hinalìkan sa pisngi at gan'on din siya kay Lyra. Humigit muna ako ng buntong-hininga bago niyaya ang anak ko na pumasok na kami sa loob. Ngunit bago pa kami tuluyang makapasok sa loob biglang tumunog ang cellphone ko. " Mauna ka ng pumasok sa loob,baby." Mabilis kong binasa kung sino ang nagpadala sa akin ng text message. Unknown number: "Why did you still with that man?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Kahit hindi ko itanong sa kanya kung sino siya. Kilala ko na kung sino dahil sa paraan palang ng text niya. Ganito din siya sa akin akala mo naman totoo ang pagiging possessive niya sa akin dati iyon naman pala iiwan din ako sa ere. Mabilis kong binura ang text niya at plano ko pa sanang i-block ang number niya pero may natanggap ulit ako ng mensahe galing sa kanya. " Don't you dare to try to block me, honey. I have always my way to reach you. Meet me and you know where I a'm." Theo De Vera...gigil na sambit ko sa pangalan niya. Six years, masaya na ako kasama si Lyra. Pero bakit ginugulo na naman niya ang sistema ko. Mabilis akong pumasok sa loob. Napangiti ako sa isipin na nanggalaiti na siya sa galit ngayon sa kahihintay sa akin. Hinding-hindi mo na ako mapapasunod sa gusto mo Theo. " Mommy, why are you taking so long?" yamot na tanong sa akin ni Lyra. Halatang nayamot na siya sa paghihintay sa akin sa sala. Ngitian ko lang siya ng matamis." Ahm,I'm sorry,baby. May katext lang si mommy." " Si doc prince po ba 'yan?" Muntikan na akong mapalunok sa sarili kong laway. " No,baby...my friend of mine." " Antok na ako,My." paglalambing niya. " Okay,let's go," sinubukan ko pa siyang kargahin pero malakas nalang kaming natawa dahil hindi ko na siya kayang kargahin pa.Kaya kiniliti ko nalang siya,bagay na napahiga siya sa sofa. Nakitawa nalang din sa amin si Jucevill. Napuno nang halakhak ang buong sala sa tili palang ni Lyra. Nang mapagod na kami nagpasya na kaming pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa orasan,nang umiilaw ang aking cellphone. Alas dose na ng hating gabi. Sino itong tumawag sa akin, napakuyom ang aking kamao sa isipin na baka si Theo na naman itong tumawag. Dahan-dahan akong bumangon para kunin ang cellphone na nilagay ko sa center table. Napabuntong hininga ako ng malakas dahil si Theo nga ang tumawag. Ang walanghiya ayaw ba niya akong patulugin ng tahimik. Pero nakuha ko parin sagutin amg tawag niya. " Anong kailangan mo,Mr.De Vera?" galit kong sambit. Tahimik naman sa kabilang linya. " Kung wala kang sasabihin papatayin ko na itong tawag mo.Gago ka ba, dinisturbo mo ang tulog ko!" hindi ko na maiwasan ang magalit. " Ma'am,sorry po inutusan lang po ako ni sir Theo na tawagan ko daw ang girlfriend niya.At iyong number mo po ang dinial niya." Wika sa kabilang linya. " Pwes, hindi po ako ang girlfriend niya. Maraming babae kasi iyang amo mo kaya hindi na niya alam kung sino ang tatawagan niya.Bye..." " Ma'am,wait lang po...subrang lasing na po si sir Theo. Susunugin daw niya ang bar kung hindi mo daw siya pupuntahan ngayon." Napakuyon nalang ako ulit sa aking kamao.Kahit kailan talaga ang gurang na ito wala ng ginawa sa buhay ko kundin sakit sa ulo. Sarap din...biglang singit bigla ng kabilang isip ko. " Sabihin mo sa boss mo na magpakulong nalang siya.Hindi ako pupunta diyan! Period!" Hindi ko pa man tuluyan pinatay ang tawag ay nakarinig na ako ng pagkabasag ng mga bote. Kaya napapikit nalang ako sa subrang inis. Naiinis ako sa sarili ko dahil heto na naman ako naging marupok na naman. Mabilis ko lang naman pinuntahan ang kwarto ni Jucevill para magpaalam na bantayan niya muna si Lyra dahil may importante akong pupuntahan. Nag-alala man dahil hating gabi na pero wala na siyang magawa. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko parin pala matiis si Theo.Lalyn's POV"Who is she, Tyrone?"Napahawak ako sa aking dibdib.Nagulat ako dahil hindi niya ako nakilala. Nakakatampo lang dahil kasama ako sa pagkawala ng ala-ala niya. Hindi agad nakasagot ang kambal niyang si Tyrone.Malungkot na tumingin si Tyrone sa akin."Theo, asawa mo siya. Si Lalyn."Umiling si Theo."I don't know her."Parang gumuho ang mundo ko.Sobrang sakit na nang naramdaman ko. Sobrang pagod na ang katawan at pag-iisip ko sa mga nangyayari.Tapos ito lamang ang madatnan ko.Ganito din kaya ang naramdaman ni Theo noong mga panahon na wala akong maalala kahit isa? Pero mas mabuti pa siya dahil kilala pa rin niya si Tyrone ang kambal niya. Pero ako na asawa niya at lagi niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal niya ako ay ako pa ang hindi niya maalala."Honey..."Sinubukan kong hawakan muli ang kamay niya, ngunit bahagya niya itong iniwas."Please... I need some rest."Napaatras ako.Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat.Anim na buwan akong naghintay na magising
Lalyn's POV Hindi naging maganda ang tulog ko kagabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Lexter. May alam daw siya tungkol sa nangyari kay Theo. Mga bagay na matagal na raw niyang dapat sinabi sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan muli. Ngunit kung may kinalaman iyon sa kalagayan ng asawa ko, wala akong balak na balewalain ang pagkakataong malaman ang katotohanan. Maaga akong nagising upang makapaghanda. Hindi ko muna sinabi kay Tyrone ang tungkol sa pakikipagkita ko kay Lexter. Ayokong mag-alala siya, lalo na't alam kong hindi maganda ang impresyon niya kay Lexter.Nagtataka lang naman ako kung bakit hindi niya kilala si Lexter.Samantalang nakuwento ni Theo sa akin dati na malayong kamag-anak nila si Lexter. Hay! Ang gulo na ng isip ko.Akala ko tuluyan na ako maging masaya sa piling ni Theo.Naging okay na kami ng pamilya ko at ganun din ang pamilya ni Theo. Nang bigla nalang naging ganito ang nagyari. Sinabi ko na lamang na may aasika
Lalyn's POV Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o dala lamang iyon ng sobrang pananabik ko. "Lyra! Anak, tingnan mo!" Napalingon ang bata sa akin. "What, Mommy?" "Gumalaw ang kamay ni Daddy!" Nanlaki ang mga mata ni Lyra. "Daddy?" Muli niyang hinawakan ang kamay ng ama. "Daddy, can you hear me?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong tumayo at pinindot ang tawag para sa nurse. "Theo! Mahal, naririnig mo ba ako?" Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Please, open your eyes. Ako ito, si Lalyn." Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya at kaba. Ilang buwan kong hinintay ang sandaling ito. Ilang buwan akong nanalangin na sana ay magkaroon man lamang siya ng kahit kaunting reaksiyon. At ngayon, gumalaw ang kamay niya. Dumating ang nurse at agad siyang sinuri. Maya-maya ay dumating din ang doktor. "Doc, gumalaw po ang kamay niya!" mabilis kong paliwanag. "Naramdaman ko po. Dalawang beses siyang gumalaw." Maingat na sinuri
Lalyn's POV Anim na buwan na ang lumipas mula nang huling mawalan ng malay si Theo. Anim na buwan na rin akong araw-araw na gumigising na may iisang panalangin sa puso ang makita siyang muli na nakadilat ang mga mata, ngumiti sa akin, at tawagin akong honey katulad ng lagi niyang tinatawag sa akin. Ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin siya sa loob ng hospital.Hindi pa rin siya tuluyang nagigising. At kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na kailangan lamang naming maging matiyaga, hindi ko maiwasang matakot sa tuwing naiisip kong baka hindi na siya muling magising. Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa aming silid. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan na ngayon ay malaki na. Ilang buwan na lamang at makikilala ko na ang isa pang biyayang ipinagkaloob sa amin. Ang anak namin ni Theo. "Mommy!" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang pamilyar na tinig.Nakatayo roon si Lyra habang yakap ang kaniyang maliit na unan. "Why, baby?" Lumapit
Lalyn's POV Ilang linggo na ang lumipas mula nang operahan si Theo. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang pagbabago sa kaniyang kalagayan. Araw-araw akong gumigising na may iisang panalangin. Sana ngayong araw, imulat na niya ang kaniyang mga mata. Sana ngayong araw, marinig ko na ulit ang boses niya. Sana ngayong araw, tawagin niya na akong honey. Pero sa tuwing pumapasok ako sa silid niya, ganoon pa rin ang aking naaabutan. Nakahiga siya sa kama. Tahimik ang loob ng silid niya. Hindi pa rin siya gumagalaw. At tila natutulog lamang sa isang panaginip na hindi ko alam kung kailan matatapos. Nasa tabi niya ako ngayon habang hawak ang kaniyang kamay. "Good morning, honey." Marahan kong hinaplos ang likod ng kaniyang palad. "Ako na naman ito. Ang kulit na ba ng asawa mo?" Napangiti ako nang bahagya. "Alam mo, Theo, marami na akong kwento sa'yo. Hindi ka lang talaga sumasagot." Inilapit ko ang kamay niya sa aking labi at hinalikan iyon. "Kanin
Lalyn's POV Hindi ko alintana ang pagod sa biyahe. Kahit masakit ang likod ko at mabigat ang aking tiyan dahil sa pagbubuntis, pinilit kong maging maayos ang aking kalagayan. Ang tanging nasa isip ko ay makita si Theo. Pagdating namin sa ospital ay agad akong sinalubong ni Tyrone. Halatang puyat ito. Magulo ang buhok niya at bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala. "Lalyn." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.Isinantabi ko muna ang lihim na galit ko sa kanya dahil sa pagdukot at pananakit niya sa akin. "Nasaan si Theo? Gusto ko siyang makita." Hinawakan niya ang aking mga balikat. "Nasa intensive care unit siya. Kasalukuyang inihahanda ng mga doktor ang lahat para sa operasyon." "Can I see him?" Tumango siya. "Of course. Halika." Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan sa paligid. May mga nars na nagmamadaling dumaan. May mga doktor na seryosong nag-uusap. Ngunit para sa akin, til







